Anda di halaman 1dari 4

Noong unang panahon, nang ang Herusalem ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni

Patriyarka Aaron, ang mga taga-roon ay tumanggap ng balitang sasalakayin sila ng mga
morong taga-Zaragosa. Nagpadala agad ng sulat si Patriyarka Aaron kay Emperador
Carlo Magno ng Francia. Humingi siya ng tulong. Hindi nag-aksaya ng panahon si Carlo
Magno, pinaghanda niya ang kanyang mga kawal at ang mga matatapang na Pares at
sila’y naglakbay patungong Herusalem.

Ang mga nagsisipaglakbay ay naligaw. Tatlong buwan sa paglalakbay nang


malaman ito ni Carlo Magno. Kaya nagsidalangin sila sa Diyos upang ituro sa kanila ang
landas. Maraming mga ibon ang naglabasan at nag-awitan. Sa pamamagitan ng mga awit
ay nalaman nila na pinasusunod sila kaya’t natunton nila ang landas patungong
Herusalem.

Nang sila’y dumating sa Herusalem ay nalaman nilang ang bayan ay nasalakay ng


mga moro. Pininsala ang simbahan at pinagkukuha ang mga relikya. Ang mga taong
bayan ay pinagpapatay at si Aaron kasama ang mga nalabing kawal ay piniit.

Gayon na lamang ang pagkahambal ni Carlo Magno. Nagpadala siya ng mga


kawal sa Zaragosa at ipinasabi sa pinuno ng mga moro na palayain si Aaron pati ang mga
kawal nito, isauli ang kanilang mga ninakaw at sila’y magpabinyag. Kung hindi ay
dirigmain sila ng mga kawal Kristiano. Nagkaroon ng madugong labanan sapagkat hindi
sumusunod ang mga moro sa mga utos ni Carlo Magno. Nagtagumpay si Carlo Magno at
muling nabalik sa kapangyarihan si Aaron. Inihandog ni Aaron kay Carlo Magno ang
korona ni Kristo bilang pagtanaw ng utang ng loob.

Nanumbalik ang katahimikan ng Herusalem at tatlong taong hindi sila ginambala


ng mga kaaway. Isang araw ay nabalitaan na naman ni Carlo Magno na muling sinalakay
ang Herusalem sa pamumuno ni Fierabras, isang morong kilabot sa digmaan. Ang hukbo
nito ay naminsala sa mga templo, pinatay ang Papa at tinangay ang mga elikya sa
Turkiya.

Hindi matahimik si Emperador Carlo Magno mula nang makarating sa kanya ang
balita. Gayon na lamang ang kanyang pagdaramdam. Kaya’t noon din ay iniutos niyang
salakayin ang Roma sapagkat doon nagtayo ng isang pamahalaan ang mga moro.
Nag-alala ang mga pares na baka hindi na nila maabutan si Fierabras at masayang lamang
ang kanilang pagod, sa gayon ay nagpadala na lamang sila ng embahador. Napili si Gui
ng Borgonya. Ang presidente ng Roma ang nakausap nito kaya’t ipinagpaliban muna ang
unawaan sapagkat wala si Fierabras. Nang papaalis na si Gui ay nasalubong niya sa daan
ang magandang anak ni Balan na si Floripes. Sa pagtatama ng kanilang tingin ay sumibol
sa kanilang puso ang pag-ibig.

Nagalit si Carlo Magno nang bumalik sa Francia si Gui. Siya’y pinabalik na may
kasamang tatlumpung libong kawal. Bago sila pumasok sa Roma ay nagpasabi si Gui na
kung hindi lilisanin ng mga moro ang Roma at isasauli ang kanilang mga ninakaw ay
didigmain sila ng hukbong taga-Francia. Tinanggihan ng mga Moro ang nais mangyari ni
Gui kaya’t ang mga kawal niya’y sumalakay. Namangha si Gui nang makita na ang
namumuno sa pangkat ng mga kaaway ay si Floripes. Hindi na ipinagpatuloy ni Gui ang
pagsalakay. Gayon na lamang ang galit ni Carlo Magno nang malaman ang nangyari.

Si Roldan ang pinili niyang mamuno sa mga pares na lulusob sa Roma. Nang
mabalitaan naman ito ni Balan ay inutusan niyan ang kanyang kapatid na si Corsubel na
pumaroon sa Roma at magdala ng limang libong sundalo. Sinunod nito ang kapatid at
naabutan nila roon ang siyam na pares. Ang unang lumaban kay Corsubel ay si Ricatte.
Napatay siya nito. Sa matinding galit ng mga moro ay nagsilusob ngunit wala silang
nagawa sa mga pares. Nalipol ang mga moro ngunit si Olivares ay nagtamo ng maraming
sugat. Ang presidente ng Roma ay humingi ng tulong kay Balan na agad namang
nagpadala ng sanlibong kawal. Papasok na sana ang mga pares sa Roma ngunit tumutol si
Roldan dahil sa pangambang mabigo sila sa matinding pagkahapo. Ngunit nagalit ang
emperador sa kanilang pagbabalik, sinabi nito na ang mga matatandang pares ay hindi
umaalis sa labanan hanggang hindi lubos ang tagumpay. Naisumpa ng emperador na
hindi titigil hangga’t hindi nalilipol ang mga moro. Ang lahat ng mga pares ay
pinaghanda niya. Ang Doce Pares na pinangungunahan ng kanyang pamangking si
Roldan ay binubuo nina Olivares, konde sa Gones, Ricarte, duke ng Normandia, Guarin
na tubo sa Lorena, Gute na taga Bordolois, Hoel, Lamberto, Basin, Gui ng Borgonya,
Guadabois at iba pa.

Nang mabalitaan ni Fierabras ang tungkol sa kanyang amaing si Corsubel ay nag-


alab ang kanyang galit at sumumpang ipaghihiganti ito. Nang mapag-alaman nitong sina
Carlo Magno ay nasa Mormiyonda, kaagad siyang nagtungo doon at hinamon siya ni
Carlo na makipagtuos sa mga pares.

Ang kanyang pamangkin ang inatasan niyang lumaban ngunit tumutol ito at
sinabing bakit hindi ang matatandang pares na ipinagmamalaki ng kanyang amain ang
ilaban. Gayon na lamang ang poot ng emperador sa pangungutyang ito ni Roldan kaya’t
dinampot niya ang unang tinamaan ng kanyang paningin at ibinato kay Roldan. Kung
hindi naawat ay maaaring bumangga sa kamatayan ang nangyari.

Humanda si Oliveros na humarap sa naghahamong moro nang malamang walang


humaharap dito. Sa paghahamok ng dalawa ay tumanggap ng malaking sugat si Oliveros.
Waring nakatitityak na ng tagumpay na sinabi ni Fierabras na tatalikdan niya ang pagka-
moro at pabibinyag kapag tinalo siya ng sugatang si Oliveros.

Taos-pusong nanalangin sina Carlo Magno, Roldan at Regnes, na ama ni


Oliveros. Sa tulong ng kanilang panalangin ay tinalo ni Oliveros si Fierabras at ang mga
moro naman ay nagsilabas sa kanilang pinagtataguan at nakipaglaban nang makitang
natalo ang kanilang pinuno. Maagap na nagapi ng mga pares ang mga ito, ang ilang
nangatira ay tumakas sa takot. Limang pares ang nawala na di malaman kung napatay o
nabihag ng kalaban. Sa utos ng emperador ay hinalughog ang bunton ng mga patay
ngunit hindi nakitaang lima. Sa halip ay ang sugatang si Fierabras ang natagpuan.
Kanilang dinala ito, ginamot ang sugat at pinabinyagan nang gumaling.
Ang limang pares ay nabihag ni Balan at ipiniit sa tore ni Prinsesa Floripes. Ang
mga daing ay narinig ng prinsesa at naghinalang baka naroon ang kanyang minamahal na
si Gui kaya’t pinilit namakuha ang susi ng bilangguan at pinaakyat sa tore ang limang
bihag.

Labis ang pag-aalala ni Carlo Magno sa kanyang mga pares kaya inatasan niya si
Roldan at ang anim na natitirang pares na hanapin ang nangangawala.

Maraming paghihirap ang tiniis ng pitong pares bago nila masapit ang palasyo ni
Balan. Nang sila’y nangangaroon na ay pinagtulung-tulungan sila ng mga Turko
hanggang sa sila’y mangatalo. Ipinagapos silaat hinatulan ng kamatayan. Nang malapit
ng sumapit ang takdang araw ng kamatayan ng mga pares ay hiniling ni Prinsesa Floripes
sa Ama na ipakulong muna ang mga bihag sa piitan ng kanyang tore upang papagbayarin
ang mga ito sa nangyari sa kapatid nilang si Fierabras. Sa pagtataka ng mga pares ay
kinalagan sila ni Floripes. Natuwa ang mga pares lalo na si Gui sapagkat muli niyang
nakita ang kanyang iniibig.

Galit na galit si Balan nang malaman ang kataksilang ginawa ng kanyang anak.
Gumawa siya ng iba’t ibang paraan upang mapasuko ang mga tore ngunit hindi niya
napasuko ang mga ito. Nagsalat sa pagkain ang mga nasa tore kaya’t sinugo nila si
Ricarte upang ipaalam kay Carlo Magno ang kinakaharap nilang panganib. Nakasapit si
Ricarte nang maluwalhati pagkatapos ng mga hirap at panganib.

Walang pagsidlan ng tuwa si Carlo nang mabatid ang nangyari. Noon din ay
pinaghanda niya ang kanyang hukbo at lumusob sa Turkiya. Nagwagi sila at nabihag si
Balan. Tumangging pabinyag si Balan sa kabila ng pagsusumamo ng kanyang anak na si
Fierabras, kaya’t pinaputulan ito ng ulo. Nagpabinyag si Floripes at pagkatapos ay
ikinasal siya kay Gui. Sila ay kinoronahan bilang kapalit ni Balan. Isinauling lahat ni
Floripes sa Emperador ang mga relikyang sinamsam ng mga moro. Pagkaraan ng
dalawang buwan, si Carlo Magno at ang kanyang hukbo ay nagpaalam na sa bagong
kasal at nagsiuwi sa Francia.

Lumipas ang mga araw na tahimik ang kaharian. Isang araw ay nakakita si Carlo
Magno ng maraming magagandang tala sa langit. Hindi niya malaman ang kahulugan
niyon kaya’t siya’y nanalangin at hiniling niya sa Diyos na ipaalam sa kanya ang
kahulugan. Isang kaluluwa ang kanyang nakita samantalang siya’y nanalangin at iyon
daw ay si Santiago, ang apostol ng ating Panginoong Hesukristo. Inutusan si Carlo
Magno na pumunta sa Galilea upang kunin sa mga moro ang kiyang katawan. Sumunod
si Carlo Magno at kinabukasan din ay lumakad siya. Ang Pamplona ang una nilang
narating at sila’y nagwagi roon. Maraming nagpabinyag at sumapi sa Kristianismo roon.

Ang hukbo ni Carlo Magno ay bumalik sa Francia. Pagdating nila ay nabalitaan


niyang si Haring Aigolanta ng Africa ay maraming pinatay na Kristiano. Maraming
tinalong probinsiya at reyno ang haring iyon. Nagpahanda agad si Carlo ng isang Armada
upang hanapin ang naturang hari. Hindi nila ito natagpuan, kaya’t huminto sila at
nagpahinga sa parang. Isang sugo naman ng hari ang dumating at sinabing sila’y lumabas
ng kapo kung nais nilang lumaban. Nagkaroon ng labanan at nagwaging muli ang hukbo
ng emperador.

Mahabang panahon din ang lumipas bago muling napalaban ang hukbo. Ang
nakalaban nila’y si Haring Morsirios na taga-Ronsevalles. Nagpadala ng sugo si Carlo
upang sabihin sa hari na kailangan silang magbayad ng buwis sapagkat masasakupan sila
ng Emperador. Lingid sa kaalaman nila ay isa palang taksil ang kanilang inutusan si
Galalon. Nang siya ay bumalik ay marami siyang dalang ginto, pilak, alahas, alak at lahat
ng buwis na hinihingi ng emperador. Ayon sa kanya’y pumayag na raw na pasakop at
pabinyag ang hari. Kaya’t inatasan agad ng emperador ang mga pares na pumaroon.
Walang nalalaman sa patibong ni Galalon, libu-libong moro ang kumubkob sa kanila.

Walang nagawa ang tapang ng mga pares sa dami ng mga kalaban, kaya’t
labing-isa sa kanila ang napatay. Isa lamang ang nabuhay ngunit hindi na rin inabutan
ang emperador. Halos himatayin si Carlo Magno sa kasawiang inabot ng kanyang mga
pares. Ipinalibing niya ang mga iyon at ang taksil namang si Galalon ay ipinadakip,
iginapos ang paa at kamay sa apat na kabayo na pinatakbo hanggang magkahiwa-hiwalay
ang buong katawan ng lilo.

Sa matinding pangungulila ni Carlo ay inihandog niya sa simbahan ang lahat


niyang kayamanan. Kusa siyang pumasok sa Aquisgron. Hindi naglaon at binawian siya
ng buhay noong ika-16 ng Pebrero ng taong sanlibo’t labingdawalang taon ni Kristo.

Anda mungkin juga menyukai