Anda di halaman 1dari 6

Nicole Regina H. Chiong Michelle Marie T.

Ochoa

III-6

Ang panganib sa bahay-ampunan

9/10/12 Bb. Herrera

Unang Markahan Maikling Kwento

Tahimik ang gabi, maliban sa isang mahabang tinig. Matagal tumutunog ang aking telepono nang tanggapin ko ang tawag. Victor!, wika ng kabilang linya. May namatay daw sa bahay-ampunan sa daang Kampana. Lubos akong nainis at humiyaw sa telepono, hindi kasi ako para sa obituaries. Front page news ang sinusulat ko! Kakaiba daw, Victor. Kayat sabi ni boss na magandang istorya to sa issue bukas! Hanapin mo daw si Helena Ventura, ang tagapamahalaga doon, sagot naman niya sa akin. Sige na nga! Magsigurado kang hindi ka lang nagsasayang ng oras ko., binaba ko ang telepono. Nagtaka ako sa nangyari. Hindi madalas na may tumawag sa akin tungkol sa isang balitang ganito. Ganun ba kaseryoso ang naganap sa bahay-ampunan? Sa sobrang biglaan ng mga nangyari, hindi ako makapag-isip nang matino. Dumating ako sa isang marupok na gusali kung saan may isang babaeng naghihintay sa harap. Nakabihis siya ng itim at namamaga ang kanyang mga mata na parang siyay umiyak ng ilang oras. Maganda sana siya ngunit sa katumalan ng kanyang buhok at kunot ng noo. Malayo pa lang, masasabi mong parati siyang may kinaaabaluhan. Mabilis siyang lumapit sa akin, Kung kayo ang reporter marahil matutulungan niyo sana ako. Ako si Ms. Ventura. Diniretso ko sa kanya, Ako si Victor. May nagsabi sa akin na may namatay na bata dito. Hinawakan niya ang dibdib at nagdala ng panyo sa mata, "Oo... si... si Tasing! Pinapasok niya ako ng bahay ampunan at itinuloy ang kwento. Noong isang gabi, balita sakin na siya'y nagising nang biglaan. Sabi ni Tasing kay Diego, isang batang kasama ni Tasing sa kwarto, na may narinig siyang mahinang musika na tumutugtog sa labas. Si Tasing kasi, talagang mausyoso ng batang iyon. Sa gitna ng gabi ay lumabas daw ito dahil gusto nitong malaman ang pinagmulan ng musika dahil may kakaiba itong naramdaman. Hinayaan lang ni Diego si Tasing sapagkat nais na niyang matulog muli.Ilang minutong sumunod, may isang kalabog kaming narinig sa labas. Takot na takot si Diego nang gisinin niya ako. Sa aming paglabas, doon namin nakita ang madugong katawan ni Tasing." Pasensya na po pero, paano niyo po nakita si Tasing? May napansin po ba kayong kakaiba sa araw na iyon, bago nangyari ang insidente at pagkatapos nito? Hi..hindi ko po alam. Maayos naman ang lahat nang araw na iyon. Lalung-lalo na kay Tasing, wala naman siyang nakaaway o hindi nakasundo. Hinahangaan nga siya ng lahat, dahil sa kanyang pambihirang galing! Hindi ko lang po maintindihan kung bakit ito nangyari.

Sinabi niya nang paiyak. Maam Helena, nabanggit mo po ang batang si Diego. Kaano ano siya ni Tasing? Maari bang kausapin ko siya? May mga nais akong itanong sa kanya tungkol sa insidenteng ito. Nakayukong tumango si Maam Helena. Hindi na niya akong tiningnan nang pinayagan akong kausapin si Diego. Mahirap po kay Diego ang nangyari. Sa aking pagkakaalam, matalik silang nagkaibigan. Paki dahan-dahan lang po ang pagkausap sa kanya. Ayoko siyang mabigla. Pagkatapos ng kanyang babala, hinatid ako sa isang makulimlim na silid. Doon may dalawang kamang nakasagad sa tabi ng pader. Isang batang lalaki ang nakatayo malapit sa bintana, pinapanood niya ang mga kotseng dumadaan. Hindi siya lumingon nang sabihin, Alam kong bakit nandito ka. Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. Muntik ko nang nakalimutan na ipakilala ang sarili. Unti-unti akong lumapit sa kanya. Magandang hapon, ako si Victor Ramos. Paumanhin na bumisita ako sa oras ns ito. May mga tanong lamang ako tungol kay Tasing. Nabanggit sakin ni. Wala akong kinalaman sa kanya! Galit niyang sinabi ito. Ngunit mula sa matinding tinig, mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Diego. I... Ibig ko pong sabihin, sa lahat ng mga pwede mo pong kausapin Ginoong Victor, bakit po ako? May nanagawa po ba akong masama? Hindi ko napigilan na itaas ang aking kilay sa naturang pangyayari. Pinagpatuloy ko ang aking pagtatanong sa bata. Diego, huwag ka mag-alala. Alam kong mahirap sa iyo ang mga nangyari pero mas makakatulong to sa lahat kung sasabihin mo sakin ang buong katotohanan. Hindi ko naman pinipilit na sabihin mo pero kung tunay mong kaibigan si Tasing, tutulungan mo ako. Ginising niya ako dahil may narinig siyang maliit na kuliling ng kampanilya. Sabi ko sa kanya, matulog na siya. Ang kulit kasi niya, lumabas pa! May halong pagkairita ang kanyang pagkakasabi. Unti-unti akong naiintriga sa mga ebidensyang naririnig ko. Kakaiba nga ang mga naganap noong isang gabi. Tinuloy ko ang pagtatanong.Narinig mo ba itong kampanilya? Masyado po akong inaantok eh. Hindi ko na pinansin si Tasing at ang mga pinagsasabi niya. Hinaayaan ko na lang po. Hay pasensya na po, Mang Victor. Hindi, hindi. Salamat, iho sa pagkiki-isa mo sa akin. Kapag may nalaman ka pa sa nangyari, tawagan mo lang ako. Inabutan ko siya ng isang calling card. Kinuha niya ito at mabigat niyang

sinabi, Sige po. Paalis na ako ng kwarto nang nagsalita muli si Diego, Sana po lumabas rin ang katotohanan. Biglang nawala ang bata kanina lang sumisigaw at isang pamilyar na bata ang pumalit sa kanya. Napahinto ako at nakita ko ang sarili ko sa kanya. Sa aking napansin, kahit takot si Diego, matapang pa rin niyang sinabi at nilabas ang totoo. Tulad din ni Diego, ulila ako noong bata pa ako. Unting-unti lumabas ang isang munting ngiti sa kaisipang ito, sa kabila ng lahat ng trahedya. Nakita ko ang sarili ko sa kanyan. Umayos ka nga, Victor! sabi ko sa sarili. Mas mabuti pang simulan mo na lang ang trabaho mo at matapos na rin ang balita. Sumapit na ang gabi nang bumalik ako sa opisina. Naupo ako sa aking upuan at binuksan ko ang aking laptop. Dahan-dahan kong sinusulat ang mga salita upang mabuo ang katotohanan sa insidente sa bahay-ampunan. Habang nagsusulat, hindi ko matanggal sa aking pansin na mabigat ang aking pakiramdam. Baka naman naaawa ka lang sa nangyari. Baka nga.... Pinagaralan ko muli ang nakuha kong ebidensya kanina: pagtunog ng kampanilya, sa gitna ng gabi at ang nag-iisang witness, si Diego. Ang nakakapangilabot ay ang pagiging maligalig ng mga bata sa bahay-ampunan. Hindi nagtutugma ang mga nakuha kong ebidensya sa tunay na nangyayari doon. Tama ba talaga? Sa tingin ko mas malalim at mas malala pa ang katotohanan sa pagkamatay ni Tasing. Pero ano? Sa kaisipang ito, mabilis kong inilabas ang aking telepono. Tinawag ko ang aking kaibigan si Mateo Punzalan, isang prominenteng imbestigador. Baka makatulong nga siya. Magandang gabi, Mateo! O, Victor! Kamusta ka na? Tatawagan nga kita pero mukhang nauna ka na. Ah, bakit naman, Mateo? May nabalitaan ako mula sa bahay-ampunan. Papunta nga ako doon. May isang namatay kanina lang. Hindi! Noong isang gabi pa yun! Nakakalungkot nga eh, bata pa lamang ang biktima. Ano ang pinagsasabi mo, Victor? Isang babae ang namatay. Ano uli ang pangalan Ah, si Helena Ventura ata, ang tagapangalaga sa mga bata doon. Lumaki ang aking mga mata at napatigil ang aking puso sa isang saglit na iyon. Nabitawan ko ang aking telepono at iyoy malakas na nahulog sa sahig. Namatay ang kabilang

linya. Paano to nangyari? Nandoon lang ako kanina. Nakausap ko lang si Helena kanina lang, ilang oras ang nakalipas. Mas malaki pala ang panganib na nakalibot sa mga insidenteng ito. Kailangan ko malaman ang totoo. RING! RING! Napatigil ang aking malalim na pag-iisip. May tumatawag sa akin, pero sino. Unknown caller! Bumilis ang tibok ng aking puso nang kinuha ko ang aking telepono upang sagutin ang tawag. Victor Ramos! mataas ang sigaw ng boses sa kabilang linya. Pamilyar ang tinig pero hindi ko siya nakilala. Sino po sila? Halos paiyak-iyak na niyang sinabi, SisisiDiDiego..i..to. Sana naman walang nagyari sa kanya. O, Diego! Okay ka lang? Anong nangyari? Nasaan ka? Mang Victor! Hi..hindi ko..po..poalam ku..kung si..sino ang maka..kausaap ko. Ma..raming pong nangya..yari sa a..amin ngayon. Huwag kang umiyak, Diego. Sabihin mo lang sa akin kung nasaan ka at m aaayos natin ito. Huwag kang matakot. Hindi ko alam alam kung paano ko iyon nasabi dahil nanginginig na ako sa pagkalito at kaba. Seryosong krimen ito. Hindi ka makakatakas sa panganib. Na..nanasa babahay a..am..ampunan pa..a..ako. Uu..umalis na..na..nga ang la..lahat pe..pero hi..hindi aako ma..maka a..alis d..d..dahil p..pina..ngako ko sasaka..kanya,umiyak siya. Diego! Diego! Importanteng umalis ka diyan! Kanino mo pinangako? VICTOR! VICTOR! Nandyan na siya! Tu..tu..tulungan mo ako! Nari..rinig koang kampanilya! Papapalapit na siya! AAAAAAAHHH! Tumahimik ang kabilang linya. Diego!, sumigaw ako. Hindi na akong nag-isip, mabilis akong tumakbo palabas ng opisina at tumungo sa bahay ampunan. Pagdating ko doon, ang tahimik na daan ngayon ay punong-puno ng mga tao. Maraming mga police cars at mayroon pang ambulansya. Subalit ang una kong napansin ay ang mga batang lalaki na nasa sidewalk. Ilan sa kanila ay umiiyak at mayroon ring mga nagwawala. Sinuri ko ang mgaa ito nang mahanap ko si Diego ngunit hindi ko siya makita. Victor!, may sumigaw. Lumingon ako at nakita ko si Mateo na basang-basa sa pawis. Ui! Dumating ka rin!,

wika niya. Mateo! May hinahanap akong bata. Ang pangalan niya ay Diego! Diego? Ahh, yung batang nawawala. Kumpare, hinahanap pa rin namin siya. Walang nakakita sa kanyang lumabas noong evacuation! Hala! Anong nangyari sa kanya? May nakita akong isang batang lalaki na nakaupo sa hagdan ng bahay-ampunan, Nilapitan ko siya. Iho, iho! Si Diego nakita mo ba siya? Tumingin ang maliit na mata sa akin, Oo! Noong hapon, kausap niya si Mam Helena Nasaan siya ngayon? Hindi niya ako tinignan, tinuro lamang niya angpintuan ng bahay-ampunan. Nakuha ko ang ibig sabihin niya. Nasa loob pa si Diego Hindi ako naghintay, wala akong pakialam kung evacuation ito, tumakbo ako papasok. Sa aking pagpasok, kadiliman lang ang aking nakita. Naglakad ako paharap habang hinahanap ko ang aking telepono upang magsilbing ilaw para sa akin. Mabilis ang aking lakat nang tinatawag ko ang kanyang pangalan. Walang sagot. Katahimikan lang ang aking naririnig. Asan na ba ang batang iyon? May naramdaman akong haplos ng malamig na hangin. Binagalan ko ang aking paglakad. Bawat hakbang, naririnig ko ang tibok ng aking puso. Malapit na ba ako? Hindi ko matago ang kaba sa aking boses nang tawagin ko muli, Diego! Ikaw ba yan? Hindi ko pala napansin na pinipigilan ko ang aking hininga. Wala pa ring sumasagot. Pero nga lang, hindi na katahimikan ang narinig ko. Mahinang Ting.... ting... ting.... ang nakarating sa aking pandinig. Wala silang dapat malaman. Isang pamilyar na boses ang lumabas sa likod. Di... Nasabit ang kanyang pangalan sa aking mga labi. Naunahan na ako ng patalim. Tuluyan naging madilim ang aking paningin, at tuluyan na ring naging tahimik ang mundo.

Anda mungkin juga menyukai