Anda di halaman 1dari 13

*

KABANATA I SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NITO

Ang homosekswal ay romantikong atraksiyon, atraksiyong seksuwal o gawaing seksuwal sa mga kasapi ng magkatulad na kasarian. Ito ay bahagi ng katangian o katauhan ng isang tao. Bilang isang seksuwal na orientasyon, tumutukoy ang homoseksuwalidad sa "permanenteng pagnanais na makaranas ng seksuwal, magiliw, o romantikong atraksiyon" pangunahin o natatangi sa mga taong katulad na kasarian. "Tumutukoy din ito sa pagkakakilanlang pampersonal o panlipunan batay sa mga nabanggit na atraksiyon, at mga kilos na ipinapakita nila. Nagmula ang salitang homoseksuwal sa pinagsamang salitang Griyego at Latino, na ang unang bahagi ay hango sa Griyegong salita na homos, katulad kaya nangangahulugang mga kilos seksuwal at pag-ibig sa pagitan ng dalawang kasapi ng magkatulad na kasarian.

* Isa ang homoseksuwalidad sa tatlong pangunahing kaurian ng

oryentasyong seksuwal, kasama nang biseksuwalidad at heteroseksuwalidad. Ang panghuhusga at diskriminasyon laban sa mga taong homoseksuwal at biseksuwal o tinatawag na homophobia gayunman ay nagpapakita ng isang malaking epekto pang-silohikal, at mas lalong nakasisira sa mga batang homoseksuwal at biseksuwal. Ang karapatang pantao ng mga homosekswal ay magkakaiba sa iba't ibang bansa sa mundo. Kabilang sa karapatang pantao na pinaglalaban ng mga homoseksuwal ang karapatang ihayag ng malaya ang kanilang kalooban o freedom of expression, karapatang sibil na maikasal at makamit ang mga benepisyo na ibinibigay ng estado sa mga kasal na heteroseksuwal at mga anak nito,

* karapatang mabuhay ng malaya at walang diskiminasyon. Sa

Estados Unidos, ang simula ng "Gay rights movement" ay naganap noong kaguluhan sa Stonewall noong Hunyo, kung saan ang mga grupo ng mga homosekswal ay nagprotesta pagkatapos salakayin ng mga pulis sa New York ang isang "gay bar" na Stonewalll Inn. Ang ilang halimbawa ng mga diskriminasyon na nararanasan ng mga bakla ay ang hindi pagtanggap sa trabaho dahil sa kanilang seksuwalidad, mga pang iinsulto at pagkutya, pagpapaalis sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o kilos, mga karahasan at minsan ay pagpatay, bullying ng mga homosekswal na estudyante, at iba pa. Ang mga epekto ng diskriminasyong ito sa isang homosekswal ay kinabibilangan ng depresyon, paglayo sa mga tao o social withdrawal, hindi pagpasok sa eskwela, pagpapatiwakal at iba pa.

* Batayang Teoretikal * Ayon sa mga organisasyong siyentipiko gaya ng

"American Psychological Association", American Psychiatric Association, American Counseling Association, National Association of School Psychologists, American Academy of Physician Assistants, at National Education Association. Ang homosekwal na orientasyon ng isang tao ay isang normal na orientasyon at ito ay isang katangian na hindi na mababago. * Sa isang pagsasaliksik ng mga siyentipiko, ang sukat ng utak ng mga lalaking homosekswal ay natagpuan na katulad ng sukat ng utak ng mga babaeng heterosekswal. Ang isa pang pagkakapareho ang bilang ng mga nerves na nagdudugtong sa dalawang hemisphere ng utak ng tao ay pareho sa bilang ng mga lalaking homosekswal at babaeng heterosekswal. Ang utak naman ng babaeng homosekswal o lesbiyana ay katulad ng utak ng mga lalaking heterosekswal kung saan ang kanang hemisphere ng utak ay higit na malaki kaysa sa kaliwa.

* Paglalahad ng suliranin * Inilalahad sap ag aarala na ito ang ibat ibang nararanasan
na suliranin ng mga homosekswal na hindi naiiwasan. * Diskriminasyon tulad ng harassment, bullying, pagpapahirap at iba pa. * Ang ibat ibang uri ng sakit na kanila nakukuha tulad ng STD, STI, at VD na talagang nakaksama sa kanilang kalusugan. * Ang pag tanggap sakanila ng mga lipunan. * Ang pag tanggap ng kanilang pamilya. Ang pag tanggap ng Simbahan.

* Saklaw at Delimitasyon * Ang isinasagawang pag-aaral ay tumatalakay sa mga homosekswal

na kalalakihan at ang kanilang estado sa lipunan. Tinatalakay din sa pag-aaral na ito ang mga pangyayari sa kanilang buhay, malaman nila sa kanilang mga sarili na sila ay mga homosekswal at kung tanggap ba sila ng kani-kanilang mga pamilya. Pagtanggap ng lipunan na nakapalibot sa kanila,at ang pagtanggap nila sa kanilang sarili nilang desisyon. Tinatalakay din sa pag-aaral na ito ang kanilang mga pangaraw-araw na pamumuhay, kung papaano ba sila nakakatulong sa kanilang pamilya at nakaimpluwensya nga ba ang kanilang pagiging homosekswal sa kanilang pang-araw-araw na ginagawa sa kanilang buhay. * Ang mga respondente sa aming pananaliksik ay karamihang mga estudyante. Iniayos namin ang mga datos ayon sa dalawang pangkat. Ang una ay ayon sa age bracket ng mga sumagot sa aming sarbey. Ang unang grupo ay mga may edad 13 15. Ang pangalawang grupo ay edad 16 19. Ang pangalawang pangkat ay ayon sa kasarian ng mga respondente. * Karamihan sa aming mga napagkuhanan ng impormasyon ay mga estudyante sa Samar State University.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit Upang mas lubusang maintindihan ng mga mambabasa, minarapat namin na bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kontekstong ginamit sa pagpapakilala at pagtalakay sa pananaliksik na ito: Homosekswal ay romantikong atraksiyon, atraksiyong seksuwal o gawaing seksuwal sa mga kasapi ng magkatulad na kasarian. Bisekswal ay ang atraksiyong sekswal sa kapareho at magkaibang kasarian o atraksiyon sa parehong kasarian ang babae at lalaki. Sex (Pakikipagtalik) ay isang pamamaraan ng isang babae at ng isang lalaki upang makabuo ng kanilang magiging supling sa pamamagitan ng kanilang mga ari STD (Sexually Transmitted Disease) mga sakit na magkaroon ng makabuluhang posibilidad ng transmisyon sa pagitan ng mga kawani na tao sa pamamagitan ng mga sekswal na pag-uugali , kabilang ang vaginal pagtatalik. Homophobic behavior mga negatibong saloobin at mga damdamin papunta sa homosexuality o mga taong nakilala o nakita bilang sa pagiging lesbian , gay , bisexual o transgender. Maaari itong isaad bilang pagkainis , pag-alipusta , hindi matwid na opinyon , pagayaw, o galit , ay maaaring batay sa hindi makatwiran takot , at minsan ay may kaugnayan sa mga paniniwala sa relihiyon .

*
* * * * * * * * * * * * * *

STI (Sexually Transmitted Infections) ay ipinapasa mula sa isang tao papunta sa iba sa pamamagitan ng walang kambil sex o genital contact.
VD (Venereal Disease)

* Isang sakit na kinontrata at ipinadala sa pamamagitan ng sexual contact, na sanhi ng

microorganisms na makakaligtas sa balat o uhog lamad, o na ipinadala sa pamamagitan ng tabod, vaginal secretions, o dugo sa panahon ng pag-uunawaan.

* Bullying * ay isang uri ng pang-aapi o panunupil, na isa ring uri ng ugaling mapanalakay, mapaghandulong,
o agresyon na kinakikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, o koersiyon (sapilitan) upang maapektuhan ang ibang tao, partikular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan. Maaari itong kasangkutan ng panliligalig na binabanggit, pagsalakay o pamimigil na pangkatawan, at maaaring nakatuon nang paulit-ulit sa isang partikular na biktima, marahil dahil sa lahi, relihiyon, kasarian, seksuwalidad, o kakayahan.

* * Nerves * ay isang nakapaloob, cable-like na bundle ng mga axons (ang haba, payat projection ng neurons
) sa paligid nervous system.

* Homopobia * ay tumutukoy sa mga negatibong saloobin sa homoseksuwalidad, mga indibidwal na * *


homoseksuwal o mga pinaniniwalaang homoseksuwal. LGBT ay sumisimbolo sa salitang Lesbian, Gays, Bisexuals, Transgender.

* Gay (bakla) * ay isang termino na lalo na tumutukoy sa isang tomboy tao o ang kaugalian ng pagiging tomboy. * Gender identity * ay sariling pananaw ng isang tao sa kanyang sarili kung siya ba ay isang lalaki o babae.

* KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Ayon sa mga siyentipiko at sa pagkakaunawang medikal, ang oryentasyong seksuwal ay hindi pinipili, bagkus ay isang komplikadong pagsasama ng mga dahilang biolohikal at pangkapaligiran. Bagamat mayroon pa rin naniniwala na ang mga gawaing homoseksuwal ay "hindi natural" ipinapakita ng mga pagsasaliksik na ang homoseksuwalidad ay isang halimbawa ng normal at natural na kaurian ng seksuwalidad ng tao at hindi ng isang epekto ng negatibong pag-iisip. Ang depinisyon ng homosekswalidad ay maraming interpretasyon. Ito ay maaaring batay sa kaalaman ng nakararami o galing sa siyentipikong pag-aaral. Subalit ang karamihan ng interpretasyong ito sa tunay na depinisyon ng homosekswalidad ang nagbibigay ng maraming pananaw sa mga tao sa ibang bansa(Stryker 2006). Para sa isang bansa gaya ng Romano saklaw sa kapangyarihan ng simbahang katoliko,itinuring ang homosekswalidad na isang sakit kaya naman ginawan ng karapatang solusyon ito sa pagtatalaga ng isang batas ng nag-uutos na ang lahat ng kalalakihan makikitaan ng pagsasagawa ng homophobic acts ay sumailalim sa mga pagsusuri at therapy. Sa mga bansa naman na Nigeria at Mauritania, ang pagtalakay sa isyu ng homosekswalidad ay mabigat. Dahil para sa kanila kalapastanganan ito sa kanilang kultura at paniniwala kaya naman pagkamatay o death penalty ang iginagawad sa mga kalalakihang makikitaan ng homophobic behaviors. Sa kabuuan,ang pagtalakay sa pagtanggap ng lipunan sa isyu ng homosekswalidad ay tanging nakasalalay sa pagiging bukas ng mamamayan ng isang bansa sa makabagong mga usaping ito. Ang pagtanggap na ito ay nagdidikta ng saklaw ng kalayaan ng mga homosekswal sa pagkilos ng walang takot at paggawa ng kahit na ano pa nilang naisin.

Disenyo ng Pag-aaral at Pamamaraan ng Pananaliksik

SA kabanatang ito Ang mga pamamaraang ng pangangalap ng isang datos ay nagsisimula sa paggawa ng mga talata at sinundan ito ng ibat- ibang instrumento upang maiwasto ang kaayosan ng mga tanong at ang ka angkupan nito. Personal naming kinalap sa Samar State university ang mga ito upang matugunan ang aming hinahanap naming mga kasagutan.
Ang desinyo ng pag-aaral Na aming ginamit ay deskriptibo- analitik dahil naaayon ito sa ibang mga studyanting may kapareho nitong pamumuhay. maaaring maraming mga masasamang epikto ito sa kanila tulad ng kanilang kalusogan ,pamumuhay at pakikitungo sa ibang tao . Gumawa kami ng ilang mga tanongang papel na naglalaman ng ilang tanong patungkol sa homosekswal partikular sa mga bakla o lalaking homosekswal, sa pamamagitan ng mga tanong na nakasulat sa mga sagutang papel pumunta kami sa ibat -ibang departaminto saSamar State University para sa aming survey upang mapag- alaman namin ang damdamin at pagtangap ng lipunan sa mga homosekswal, ilang mga studyante sa Samar Satate University idad 13-15 at idad 16- 18 ang aming nakapanayam mula sa haiskul, college of nursing, college of engineering, at college of education ito ang ,mga kursong tumugon sa aming inihandang mga katanungan sila ang nakiayon sa gawaing ito.

Ang pangunahing ginamit naming sa pananaliksik ay survey. Ito ay upang magkaroon kamin ng updates Na mga impormasyon ukol sa pagtanggap ng lipunan sa bakla or homosekswal sa kanilang damdamin at sa kanilang pananaw tungkol homosekswalidad.

KABANATA IV
12

Interpretasyon ng mga Datos

10

Oo Hindi Siguro

Payag sa same sex relationship Kasalanan ba ito sa mata ng Diyos

Suliranin ba ito sa Lipunan

Magiging sanhi ba ito ng iba't ibang sakit

Anda mungkin juga menyukai