bilang ng kanilang mga tagaunod noong taong 1843-44 ay tinatayang nasa pagitan ng 50,000 at 100,000. Ang dakilang taon ng paghihintay ay dumating at lumipas, ngunit hindi dumating si Cristo. Iyon ay tinawag na Unang kabiguan. Bago namatay si Miller noong 1849, ipinahayag niya ang ganito, Umasa kami sa personal na pagdating ng Cristo noong panahong iyon; at ngayon kung ipakikipagtalo naming hindi kami nagkamili, iyon ay isang pagsisinungaling. Hindi kami dapat mahiyang tagapin nang tahasan ang aming nga paglago sa kilusan.Si Miller ay isang matapat, at maka-Diyos na Cristiano hanggang sa katapusan ng kanyang buhay. Ang isa sa mga haka-hakang lumago sa samahan ay pinasimulan ng Sabadistang nagngangalang Hiram Edson. Noong Oktubre 23, 1844, pagkaraan ng itinakdang araw ng pagbabalik ng Panginoong Jesus, bigla niyang naisip ang isang ideya na ang ministeryo ng Panginoong Jesus sa kalangit-langitan ay may dalawang bahagi kung paanong may dalawang bahagi ang panlupang santuario noong unang panahon. Siya (si Cristo) ay pumasok sa kaunaunahang pagkakataon, sa pangalawang apartmentng makalangit na santuario upang gampanan sa kabanal-banalang Dako bago bumalik sa mundong ito.Naniniwala si Edson na tama si Miller sa panahon ngunit mali sa lugar. SI ELLEN G. WHITE Ang pangunahing tagapagpaliwanag ng ideyang ito ng panlangit na santuario ay si Gng. Ellen G. White. Kabalikat ang kanyang asawang si James, tumulong sila kay Miller na magtakda ng kanyang petsa Itinuro niya na sa panlangit na santuariong iyon nagtungo ang Panginoong Jesus upang gawin ang kanyang Investigative Judgment bago bumalik sa mundo. (Basahin sa susunod na pahina ang tungkol dito.) Si Gng. White ay isang babaing mababa ang pinag-aralan ngunit siya ang naging tunay na tagapagtatag ng kilusang Sabadista. Sinabi niyang nagkaroon siya ng mga pangitain at mga turo sa pamamagitan ng kapahayagan. Siya ang kinilalang lider at propetesa nila. Noong 1860, ginawang opisyal na pangalan nila ang Seventh Day Adventist o Sabadista sapagkat Sabado ang araw ng kanilang pamamahinga at pagsamba. Maraming sinulat na aklat si Gng. White. Ang pangunahin ay ang The Great Controversy na naglalaman ng mga awtoritatibong salaysay tungkol sa mga turo ng Sabadista. Itinuturing ng mga Sabadista na hindi kapantay ng Biblia ang mga sinulat ni Gng. White ngunit ang mga iyon kinasihan. Gayunman, maliwanag na ang malaking bahagi ng kanyan g sinulat ay kinopya sa ibang mga aklat. Ang malaking bahagi ng kanyang sinulat na The Inspired Life of St. paul ay
2
kinopya sa The Life and Epistles of St. Paul na sinlat nina Conybeare at Howson, kaya, inalis iyon sa sirkulasyon upang maiwasan ang legal na aksiyon tungkol sa karapatan sa pagmamay-ari. At isa pa, kung sadyang-kinasihan ang mga sinulat niya hindi na sana kinailangang pagbutihing muli ang mga iyon; ngunit ipinakikita ng paghahambing ng una at huling edisyon ng ilang mga aklat niya, na maraming pagbabagong ginawa sa bawat pahina. Anong uri ng tao si Gng. White? Ganito ang hatol ng dalawang doctor na sina Dr. William Russell at Dr. Fairfield na nagtrabaho sa SDA Sanitarium sa battle Greek, Michigan: Ang mga pangitain ni Gng.White, ayon sa sulat ni Dr. Russell noong 1869, ay resulta ng sakit sa utak o nervous system at ayon naman sa sulat ni Dr. Fairfield noong 1897 ang mga pagitain ni Gng. White ay mga hysterical trances. Si Gng. White ang pinakamahusay na lider ng SDA hanggang kamatayan niya noong 1915. Mataas parin ang pagpapahalaga sa kanya ng halos lahat (kung hindi man ng lahat) ng miyembro ng SDA.
Nitong 1983, ang kabuuang miyembro ng iglesyang SDA sa buong mundo ay 3,549, 617 ayon sa kanilang nalathalang taung pag-uulat.
ANG KALIGTASAN
Itinuturo din nila na biyaya ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ganito ang isinulat ni Gng. White sa aklat niyang Steps to Christ: Ang biyaya lamang ni Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya ang makapagpapabanal sa atin. Sinulat ng isang pangunahing lider sa Sabadista, si Arthur Maxwell: May isang paraan lamang o daan ng kaligtasan. Iyon ay ang pananampalataya sa kamatayan ni Cristo na pantubos sa kasalanan. May isang aklat na ang pamagat ay Questions On Doctrne na nagpapaliwanag ng mga paniniwala ng Sabadista. Nang tanungin ang mga lider na Sabadistang' sumulat ng aklat na ito kung tinapos ng Panginoongjesus sa krus ang gawaing ukol sa pagtubos, buong taimtim nila itong pinanindigan o pinatibayan. Ngunit may sinulat si Gng. White na salungat dito: Hindi tinatatakan ng pagtanggap kay Cristo sa panahon ng pagkakilala sa Kanya ang patutunguhan ng isang tao.Itinuro niyang ang pag-aaring matuwid sa isang tao ay naghihintay sa Invcstigative judgment" ng Panginoong Jesus upang malaman kung sinunod niya ang kautusan. Sinulat pa rin ng isang pangunahing Sabadista ang ganito: Sinusunod natin ang kautusan ng Diyos sapagkat tayo'y ligtas; hindi dahil sa ililigtas natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan. Ngunit sinasabi rin niyang, Binibigyang-diin kahit saang Bahagi ng Biblia ang kahalagahan ng pagsunod kung ang isang tao'y nagnanais maligtas.
Sa pagbibigay-buod natin sa turong ito, tila tinataglay nito ang isang litong kaisipan kung naniniwala silang isang biyaya ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, o kung ito'y nakasalig din sa pagsunod sa kautusan. Bilang isang samahan, ano ang tunay nilang pinaniniwalaan tungkol sa kaligtasan? Kailangan pa natin ng paliwanag g tungkol sa tanong na ito.
Reperensya
HIDWANG PANANAMPALATAYA By: Alex Wilson Chistine Tetley