Anda di halaman 1dari 1

Adriane B.

Tobias
PI F-6R
Ang Bayaning Nilikha
Si Jose Rizal, siya ang nilikhang pambansang bayani ng Pilipinas. Hanggang ngayon ay patuloy pa
ring nabubuhay sa puso ng bawat taong may dugong Pilipino ang kanyang mga nagawa. Makikita pa nga
si Jose Rizal sa piso upang ang buong sambayanan ay patuloy na maalala na utang natin ang kalayaan sa
kanya. Siya ang idolo ng nakararami dahil bukod sa pagkadakila niya ay sikat na sikat siya hindi lamang sa
loob ng ating bansa ngunit maging sa labas ng islang kanyang pinanggalingan. Si Jose Rizal rin ang siyang
lumikha ng Noli Me Tangere at El Filibustirismo na pinag-aaralan sa mataas na paaralan pa lamang.
Tunay ngang napakahalaga siya sa atin at ang mga kwento niya ay naibibigkas pa rin. Si Jose Rizal ang nag-
udyok upang makapaghimagsik at magising ang natutulog na diwa at nag-aapoy na damdamin ng mga
Indio. Binuklod niya ang mamayanang kulong sa lupang pagmamay-ari. Siya raw ang simula ng lahat ng
ito. Siya ay bayani sa isip at puso ng mga Pilipinong naniniwala sa paniniwalang iyon.
Marahil bayani nga sa karamihan ang turing sa isang Doktor na si Jose Rizal. Sino ba namang hindi
gayong lahat ng tao ay kilala siya at ang kanyang mga likha. May iba pa ngang hindi lamang bayani ang
turing sa kanya kundi isang Diyos. Kung tutuusin, isang ordinaryong tao lamang si Jose Rizal. Siya ay pango,
maitim, di maganda ang paraan ng pananamit, at tulad natin siya ay nagkakamali at umiibi g rin. Ang mga
tao sa ibat ibang panahon na lamang ang siyang naghirang sa kanya bilang bayani. Ipinanganak ako na
siya ang kinikilalang bayani dahil iyon ang pinaniniwalaan ng lahat. Napilitan akong maniwala sa kanilang
paniniwala na siya ay bayani gayong hindi ko naman natunghayan ang kapanahunan niya ngunit ang mga
kwento lamang tungkol sa kanya na lumaban siya gamit ang pluma. Kinikilala ko siya na isang bayani na
parang pagkilala sa ating Presidente na ibinoto ng taumbayan. Si Jose Rizal ay bayaning nilikha ng
taumbayan. Lahat ng kanyang mga nagawa at naiambag sa ating bansa ay kwento mula sa panahong siya
ay nabuhay. Alam kong siya ay bayani dahil sa mga nagwa niya ngunit hindi ganoon kalalim ang pakilala
ko sa kanya. Kailangan ko ng matibay at malalim na rason upang mas maisabuhay ko ang pakilala sa kanya
na isang bayani. Siya ay bayaning nilikha.
Lahat tayo ay alam nating siya ay bayani o national hero ika nga at dahil iyon ay tanda ng
pagkilala sa kanya. Alam kong bayani siya dahil iyon ang alam ng lahat. Nabubuhay akong naniniwala na
siya ay bayani hindi dahil sa kung sino siya noong nabubuhay pa siya ngunit dahil sa mga kwento tungkol
sa kanya. Kung sabagay, base sa mga kwento ng mga nagawa niya para sa ating bayan. Para sa akin hindi
malinaw ang pagkabayani ni Jose Rizal. Gusto kong gumawa ng sariling kwento sa kanya na magpapatunay
na siya nga ay isang bayani.

Anda mungkin juga menyukai