Sa isang panig ng ilog-Pasig, sa tapat ng simbahan ng Guadalupe, sa lalawigan ng Rlzal, ay may nakausling malaking bato sa tubig. Ito ay ginagawang labahan ng mga babae. Sang-ayon sa isang matandang alamat, isang lalaking intsik ang nangahas maligo sa ilog na ito. Sa kabila ng babala ng isang babaing taga-Guadalupe sumige pa rin siya sa paliligo. Hindi siya naniniwala na may malaking buwaya na lumilitaw doon at nangangain ng tao. Sarap sa paliligo ang lalaking intsik nang di kaginsa-ginsa'y biglang lumitaw ang isang malaking buwaya mula sakabilang pampang. Mabilis na lumangoy ang buwaya papalapit sa lalaking intsik. Walang magawa ang mga nakakakita sa mga pangyayari samantalang ang lalaking intsik ay hindi makakilos sa matinding sindak at takot. "O, San Nicolas! Ikaw ngayon tulong akyen. Ikaw ngawa awa sa akyen. Ikaw ngawa isa milakro! Ngawa mo mato sa muwaya! Ang sigaw ng nahihintakutang intsik. Labis na ikinagulat ng lahat. Pagkawika ng intsik ng ganitong pangungusap, ang buwaya ay naging bato nga. Maabilis na kumalat ang balitang iyon hanggang sa Maynila. Ang grupo ng mga intsik ay lumikom ng pera upang makapagpatayo ng isang simbahan sa tapat ng pinangyarihan ng milagro. Ibinigay nila ang nalikom nahalaga sa mga Kastila para siyang mangasiwa sa pagpapatayo ng simbahan. Nang mayari ang simbahan, iniluklok nila ang imahen ng San Nicolas sa altar, Ang pangyayaring ito ay ipinagdiriwang taun-taon at dinarayo ng mga tao mula pa sa malalayong pook. Subalit hindi lang ang simbahan ang nakakatawag pansin sa mga nakikipamiyesta doon, kung di pati na ang nakausling bato sa atapat nito naanimoy gulugod ng isang malaking buwaya. Ang pook na ito ay tinawag na Buwayang Bato bilang pag-gunita sa milagrong naganap. Hanggang sa ngayon ay dinarayo pa rin ng mga tao.
Ang Alamat ng Dama De Noche
Sa isang kaharian sa Mindanao, may isang Sultan na ubod ng tapang. Dahil sa kanyang katapangan ay maraming kaaway ang kanyang nagapi. Ang Sultan ay ipinalalagay na pinakamasuwerteng hari dahil sa bukod sa kanyang katapangan ay mayroon pa siyang isang anak na dalaga na ubod naman ng ganda. Maraming mga mahaharlikang binata ang nanliligaw sa dalaga nguni't wala sa panlabas na anyo ang kanyang hinahanap. Ang nais niya ay iyong kagandahang nagmumula sa kalooban ng tao. Hindi naman nagtagal at si Mayuri, ang anak ng Sultan, ay nakatagpo ng lalaking kanyang hinahanap. Siya ay si Ramen, ang bago nilang hardinero. Mabait at maginoo si Ramen kung kaya't si Mayuri ay nahumaling sa kanya. Hindi nagtagal at ang dalawa ay nagkaibigan nguni't ito ay lingid sa kaalaman ng amang Sultan ni Mayuri. Tuwing gabi lamang sila nagniniig ni Ramen sa halamanan. Nagkukunwaring nangunguha ng bulaklak para sa kanyang silid si Mayuri at si Ramen naman ay nagdidilig. Waring nakahalata ang hari sa kakaibang sigla ng kanyang anak. Sinubaybayan niya si Mayuri at natuklasan niya ang pag-iibigan nina Mayuri at Ramen. Sa labis na galit, ipinatapon ng Sultan ang binata sa ilog na maraming buwaya. Sa labis na kalungkutan ni Mayuri sa hindi na pagsipot ni Ramen sa kanilang tagpuan ay umiyak siya nang umiyak. Alam niyang may nangyaring hindi maganda sa kanyang mahal. Hindi niya alam na ang kanyang ama ang may kagagawan ng lahat. "Mahal kong Allah, yaman din lamang at wala na ang aking mahal, hinihiling ko po na ako ay mawala na rin. Ang luha kong ito ay gawin ninyong mga bulaklak na sa gabi lamang humahalimuyak ang bango. Sa pamamagitan lamang po nito maaring maalala ng aking ama na ang kanyang anak ay nawala sa kadiliman ng gabi." ang samo ni Mayuri. Pagkawika ng mga katagang iyon ay unti-unting nagbago ang anyo ng dalaga. Naging puno ito at namunga ng mga bulaklak na hugis luha at nagsasabog lamang ng bango sa gabi. Dahilan sa gabi lamang nalalanghap ang bango ng bulaklak, ito ay tinatawag na "Dama de Noche" ang ibig sabihin ay "dalaga sa gabi".
EPIKO ALIM (Epiko ng mga Ifugao)
Ang epikong Alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong ang lupain ay saganang-sagana. Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa isda. Ang mga kagubatan ay maraming mga hayop na madaling hulihin. Walang suliranin ang mga tao tungkol sa pagkain. Pag ibig nilang kumain, wala silang gagawin kundi pumutol ng biyas na kawayan at naroroon na ang bigas na isasaing. Ang biyas ng kawayan ay siya ring pagsasaingan. Noon, ang daigdig ay patag na patag maliban sa dalawang bundok : ang Bundok ng Amuyaw at ang Bundok ng Kalawitan.
Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan. Natuyo ang mga ilog. Namatay ang mga tao. Humukay ang ilang natitirang tao ng ilog. Ang tubig ay bumalong. Natuwa ang mga tao at sila ay nagdiwang. Subalit bumuhos ang malakas na ulan, umapaw ang mga ilog. Tumaas nang tumaas ang tubig. Nagsipagtakbo ang mga tao sa dalawang bundok subalit inabot din sila ng baha. Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa magkapatid na sina Bugan at Wigan. Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng Kalawitan. Nakita ito ni Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng Amuyaw. Pumunta si Wigan kay Bugan. Nalaman nilang silang dalawa lamang magkapatid ang natirang tao sa daigdig. Nagtayo ng bahay si Wigan na tinirahan nila ni Bugan. Pagkaraan ng ilang panahon, si Bugan ay nagdalantao. Dahil sa malaking kahihiyan tinangka ni Bugan na magpakamatay. Pinigil siya ng isang matanda. Ito'y bathala ng mga Ifugao, si Makanungan. Ikinasal ni Makanungan si Wigan at si Bugan. Nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae. Nang dumating sila sa hustong gulang, ang apat na lalaki ay ikinasal sa apat na babae. Ang bunsong lalaki na si Igon ang natirang walang asawa. Namuhay silang masagana. Paglipas ng ilang panahon, nakaranas sila ng tagtuyot. Wala silang ani. Naalala ni Wigan at ni Bugan si Makanungan. Sila'y nanawagan dito at hinandugan nila ng alay na daga. Patuloy pa rin ang tagtuyot. Naisipan nilang si Igon ang patayin at siyang ihandog sa Bathala. Natapos ang pagsasalat at tuyot. Subalit nagalit si Makanungan sa ginawa nilang pagpatay at paghahandog ng buhay ni Igon. Isinumpa niya ang mga anak nina Wigan at Bugan. Sinabi niyang maghihiwa-hiwalay ang magkakapatid - sa timog, sa hilaga, sa kanluran, sa silangan. Kapag sila'y nagkita-kita, sila'y mag- aaway at magpapatayan. Kaya't ang mga tribong ito ng mga tao sa kabundukan, magpahangga ngayon ay naglalaban at nagpapatayan.
AGYU (Epiko ng Ilianon)
Ang mga bayaning sina Banlak, Agyu, at Kuyasu ay nakatira sa bayan ng Ayuman. Sa tradisyong Ilianon silay magkakapatid na anak ni Pamulaw. Si Agyu ay may apat na kapatid na babae, ngunit sina Yambungon at Ikawangon lamang ang binanggit sa epiko. Isang araw nagpadala si Agyu sa datung Moro ng siyam na komu-buu-buong pagkit sa pamamagitan nina Kuyasu at Banlak. Nagalit ang datung Moro dahil kakaunti ang pagkit pambayad, kayat kanyang ibinalibag ang pagkit kay Kuyasu na tumama sa may ulser. Gumanti si Kuyasu at kanyang sinibat ang datu na tinamaan sa dibdib. Nahulaan ni Agyu na magkakagiyera dahil napatay ang datu. Nagtungo sila sa Ilian at ipinasiya ni Agyu na magtayo ng kuta sa bundok ng Ilian. Ang mga mandirigmang Morong nagdaan sa Ilog Palangi ay dumating at nakita ang kutang ginawa ng mga Ilianon. Nakipaglaban sina Agyu sa mga Moro at halos naubos ang mga kaaway. Pagkatapos ng tagumpay, ipinasya ni Agyu na lumipat sa bayan. Pinili niya ang bundok ng Pinamatun. Hanggang narating nila ang bayang Tigyandang at dito sila sinalakay. Lumaban ang mga tauhan ni Agyu sa pampangin ng look ng Linayagon. Nang silay naubusan ng tauhan, ang batang anak ni Agyu na si Tanagyaw ay nagprisintang sasagupa sa mga kaaway. Napatay niyang lahat ang kalaban nang ikaapat na araw. Narating ni Tanagyaw ang bayang Bablayon. Nanghihilakbot ang mga tao rito at nang malaman niyang lulusubin sila ng mga kaaway o mananakop nanlaban at napatay ni Tanagyaw ang mga mananakop. Dahil dito ay ipinakasal ng datu ang kanyang anak kay Tanagyaw. Di nagluwat ang bayan ni Agyu ay nanganib din sa mga mananakop na galing sa ibayong dagat. Ang mga lalaki, bata at matanda ay sinabihang lumaban ngunit silay natalo. Hinulaan ng propeta ang malagim nilang wakas ngunit sinalungat at pinarusahan siya ni Tanagyaw. Nagbihis siya ng sampung suson makasiyam ang kapal at dinampot ang kanyang sibat at kalasag na hindi nasisira. Nilabanan niya ang mga mananakop sa dalampasigan. Naghambalong ang mga patay, patung-patong, na parang bundok at burol. Itinalaga ni Agyu ang bayan sa kanyang matagumpay na anak na nanirahan doon kasama ang kanyang kaakit-akit na asawa.
Salawikain
Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas -Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taongtraydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason onakasisira sa samahan ng bawat isa.
Salawikain: Pag makitid ang kumot, magtiis kangmamaluktot. -Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay angisang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyangkakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.
-Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol. -Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahangmakakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.
Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa. -Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos,kailangan din natin na pag- ukulan ng sikap at gawa upangmatamo ang mimithing biyaya.
Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan Madaling Sabihin, mahirap gawin
Bugtong
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. a. Sagot: kandila 2. Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako. a. Sagot: langka 3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. a. Sagot: ampalaya 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. a. Sagot: ilaw 5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. a. Sagot: anino 6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. a. Sagot: banig 7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. a. Sagot: siper 8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. a. Sagot: gamu-gamo 9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. a. Sagot: gumamela 10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. a. Sagot: kubyertos 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. a. Sagot: kulambo 12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. a. Sagot: kuliglig 13. Baka ko sa palupandan, ungay nakakarating kahit saan. a. Sagot: kulog 14. May bintana ngunit walang bubungan,may pinto ngunit walang hagdanan. a. Sagot: kumpisalan 15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. a. Sagot: palaka 16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. a. Sagot: kasoy 17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. a. Sagot: paruparo 18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. a. Sagot: mga mata 19. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. a. Sagot: kamiseta