Anda di halaman 1dari 14

Accuracy and Precision Review

Accuracy and precision are important concepts, as they relate to any experimental measurement that
you would make.
Accuracy
Accuracy refers to the agreement between experimental data and a known value. You can think of it in
terms of a bulls-eye in which the target is hit close to the center, yet the marks in the target aren't
necessarily close to each other.
Precision
Precision refers to how well experimental values agree with each other. If you hit a bulls-eye
precisely, then you are able to hit the same spot on the target each time, even though that spot may
be distant from the center.
Keep in Mind
Data can be very precise such that each data point is close to the others, yet contain a high degree of
experimental error.
This target has been struck with a high degree of precision, yet a low degree of accuracy.
This target has been hit with a high degree of accuracy, yet a low degree of precision.


FILIPINO

1. Ayon sa kahulugang ito naihahayag ng tao ang kanyang mga ideya at nararamdaman sa paraang
nauunawaan ng ibang tao.samakatuwid ang komunikasyonay isang proseso ng pagpapahayag ng
kaalaman,ideya at nararamdaman ng isang tao sa bawat isa sa paraang nauunawan ng kararami.
Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na
kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Araling
pangkomunikasyonang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay
ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.
Ang komunikasyon ay pagpapahayag,pagpapaalam, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon
sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.

2.


Wika at Panitikan
Ang blog na ito nagbibigay ng mga kaalaman tungkol sa sabjek ng Sining ng
Komunikasyon at ng Malikhaing Pagsulat. Makakatulong ito sa mga
estudyante at guro ng/sa Filipino. Ang mga kaalamang ito ay hango sa mga
aklat o artikulong nababasa ng may-ari ng blog na ito.
Wednesday, September 1, 2010
Batayang Kaalaman sa Komunikasyon
Kahulugan ng Komunikasyon

Ayon sa ilang manunulat, ang salitang Ingles na communication na painaghanguan ng salitang
komunikasyon na siyang palasak na ginagamit natin sa kasalukuyan ay hinango sa salitang Latin na
communis na ang ibig sabihin ay karaniwan.
Ayon kay Rubin, kailanman ang taoy hindi makatatagal na mamuhay nang sa ganang sarili lamang
niya (2001:23). Ang tao ay palaging nangangailangan ng kanyang kapwa. Kaya ang isang tao ay
namumuhay kasama ang kapwa niya dahil mayroon siyang katangiang pantao na katulad ng
kanyang kapwa. Ngunit mabubuo lamang ang kanyang pakikipagkapwa kung may instrumentong
mag-uugnay sa kanila. Ang komunikasyon ang siyang sasagot sa pangangailangang ito.
Ayon kay Semorlan (1997:32) ang komunikasyon ay ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap.
Mensahe ang ibinibigay at mensahe rin ang tinatanggap. Sa pamamagitan nito nabubuo ang
pagkakaunawaan ng mga tao sa lipunan dahil naipahahayag ng bawat isa ang kani-kanilang ideya
at saloobin. Ayon din kina Espina at Borja (1999:6) ang komunikasyon ay isa ring makabuluhang
kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw
ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan
at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Dahil dito may pagkakaisa rin sa kanilang mga mithiin sa
buhay.
Binanggit nina Arnold at Hirsh (Resuma at Semorlan, 2002:37) na we communicate with each other
because it satisfies our own interests. You communicate because it does something for you.
Talagang totoo naman sapagkat kapag nakikipag-usap sa iba o maging sa sarili ang tao, may sarili
siyang layunin, may mensahe siyang gustong ipaabot. Maaaring gusto niyang magbigay-
impormasyon, magkwento, magpahayag ng opinyon, magpahayag ng damdamin tulad ng tuwa o
sama ng loob, makipagtalo o mag-aliw lamang. Anut anuman, may mabuting naidudulot sa mga
nagsisipag-usap ang pag-uusap o komunikasyon.
Nakikipagtalastasan ang tao upang makihalubilo sa kanyang paligid at makisalamuha sa kanyang
kapwa tao. Bilang bahagi ng lipunan, kailangan ng isang indibidwal na makabuo at makapagpalalim
ng kanyang relasyon sa lipunang kinabibilangan. Sa madaling salita, kailangan niya ang kanyang
kapwa, tulad din ng pangangailangan ng kanyang kapwa sa kanya.
Sa binanggit sa itaas, nagpapakita lamang na ang komunikasyon ay isang napakaimportanteng
sangkap ng lipunan upang mabuo ang isang pagkakaunawaan ng mga taong nakapaligid dito. Ayon
kina Sauco at Atienza (2001:3) ang komunikasyon ay isang paraan ng pakikitungo ng tao sa
kanyang kapwa, isang bagay na kailangan sa pakikisalamuha niya sa isang lipunang kanyang
ginagalawan, isang paraan ng pakikibagay ng tao sa kanyang kapaligiran.
Makapamumuhay nang tahimik ang isang nilalang kung siya ay nakasanib sa isang lipunang may
parehong interes at may pagkakaunawaan. Maiuugnay lamang niya ang kanyang sarili sa isang
lipunan sa pamamagitan ng komunikasyon. Ayon kina Sauco at Atienza (2001:4), ang kakayahan ng
tao sa pakikipagtalastasan ay nagbibigay-daan upang makasanib sa pinakamataas na lipunan at
makasabay sa patuloy na pagbabago. Ang wika at iba pang pagkilos ng lipunan ay magkakaugnay.
Ang interes at pangangailangan sa bawat panahon ang sapilitang nagpapabago sa wika. At ang
wika ring ito ay kanilang ginagamit sa pagpapahayag ng kanilang mga ideya at ginagamit sa
pakikipagkomyunikeyt.
Ipinaliwanag naman ni Arrogante (1988) na ang salitang pakikipagtalastasan ay galing sa salitang-
ugat na talastas na nangangahulugang alam, at sa kabilaang panlaping pakikipag--an na may
kahulugang pagsasagawa ng isang kilos na ang gumagalaw o gumagawa ay hindi iisa kundi dalawa
o higit pa.


Uri ng Komunikasyon

May tatlong uri ng komunikasyon:
1. Komunikasyong Intrapersonal. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Sangkot ang pag-
iisip, pag-aalala at pagdama, mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan. Kapag ikay
napapabulong sa iyong sarili, ikay nakikipagtalastasang intrapersonal. Ibinigay na halimbawa ni
Taylor ang hearing yourself speak, feeling yourself move, and thinking. Dagdag pa niya, Conciously
or unconsciously, intrapersonal communication continues as long as we are alive.
2. Komunikasyong Interpersonal. Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan
ng dalawang tao o sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat. Malaking bahagdan ng
komunikasyong nagaganap sa ating lipunan ang nasa uring ito. Ang uri ng komunikasyong ito ang
humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa. Sa ganitong sitwasyon, nagbibigay ng
mensahe ang mga kasangkot sa komunikasyon, kasama na ang kanilang mga pandama: paningin,
pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat o pandamdam.
3. Komunikasyong Pampubliko. Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan
ng isa at malaking pangkat ng mga tao. Ang isang tagapagsalitang nagtatalumpati sa harap ng mga
tagapakinig ay nakikipagtalastasang pampubliko. Ang mga midyang pangmasa tulad ng telebisyon,
radyo, pahayagan, at pelikula ay nasa ilalim din ng uring ito.



Katangian ng Komunikasyon

Upang mabisang mailarawan ang komunikasyon, kinakailangang tukuyin at ipaliwanag ang mga
salalayang katangian nito.

1. Ang komunikasyon ay isang proseso. Isang proseso ang komunikasyon na kinapalooban ng
marami pang proseso. Hindi lamang ito kinasasangkutan ng pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe. Halimbawa, bago makapagpadala ng mensahe ang isang tao sa ibang tao, kailangang
isipin niya muna kung ano ang mensaheng ipadadala niya, paano niya iyong ipadadala, anu-anong
salita ang kanyang gagamitin, paano niya iyon isasaayos upang maunawaan, sa anong daluyan
niya iyon paraanin at ano ang inaasahan niyang reaksyon ng pagpapadalhan niya ng mensahe. Ito
ang tinatawag na proseso ng encoding o ang proseso ng pag-encode ng mensahe. Kapag
natanggap na ng ibang tao ang mensahe, iisipin niya (tagatanggap) naman kung ano ang kahulugan
ng mensaheng iyon, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya iyon tutugunan at sa
paanong paraan niya ipadadala ang kanyang reaksyon. Ito naman ang tinatawag na proseso ng
decoding o proseso ng pagde-decode ng mensahe. Idagdag pa na ang proseso ng komunikasyon
ay hindi maaaring one-way lamang. Ito ay isang prosesong closed-circuit.

2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko. Sa komunikasyon, ang minsang nangyari na ay hindi
na mauulit pa. Ulitin man nating muli ang mga salitang una nating tinuran, nag-iiba na ang
komunikasyon dahil iba na ang panahon. Kung gayon, ano mang komunikasyon ay
naiimpluwensyahan ng oras, lugar, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso,. Kung kayat
ang komunikasyon ay nagbabago o dinamiko dahil sa impluwensya ng pagbabago ng mga ito.

3. Ang komunikasyon ay komplikado. Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil sa
paraan ng pagtingin ng mga sangkot sa komunikasyon sa isat isa. Ito ang tinatawag na persepsyon
na hindi laging pare-pareho. Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap, halimbawa, ang kanilang
komunikasyon ay naiimpluwensyahan ng: a) persepsyon ng isa sa kanyang sarili, b) persepsyon
niya sa kanyang kausap, c) iniisip niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya at d) ang tunay
na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya. Ang kanyang kausap ay mayroon ding: a) persepsyon
sa kanyang sarili, b) iniisip niyang persespyon ng kanyang kausap sa kanya, c) iniisip niyang
persepsyon niya sa kanyang kausap at d) tunay na persepsyon niya sa kanyang kausap. Bunga ng
komplikasyong dulot ng mga persepsyong ito, may mga komunikasyong hindi nagiging mabisa at
humahantong sa hindi pagkakaunawaan.

4. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala/natatanggap sa komunikasyon. Pansinin muli ang
kahulugan ng komunikasyon. Ito ay proseso ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe, hindi
kahulugan. Kapag nagpapadala ang isang tao ng mensahe sa pamamagitan ng salita, halimbawa,
maaari itong magkaroon ng ibat ibang pakahulugan. Paanoy ang pagpapakahulugan sa mga
mensahe ay nakasalalay sa tumatanggap nito. Kapag narinig mo ang salitang baboy, ano kaya ang
kahulugan ng mensaheng iyon sa iyo? Gayon din kaya ang pagpapakahulugan ng iba? Paanong
nangyari iyon gayong parehong mensahe naman ang sa inyoy naipadala at inyong natanggap?
Sapagkat hindi naman aktwal na kahulugan ang ipinadala at natanggap, mensahe pa lamang. Ang
pagpapakahulugan ay depende na sa tumatanggap nito. Halimbawa, sinabi ng lalake na gusto kita
sa isang babae, subalit ang pakahulugan ng babae sa salitang gusto ay pag-ibig. Magugulat na
ang lalake kung bakit dikit na nang dikit ang babae sa kanya na tila nobya niya.

5. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon. Ang mensaheng ito ay
maaaring mauuri sa a) mensaheng pangnilalaman o mensaheng panlinggwistika at b) mensaheng
relasyunal o mensaheng di-berbal na nagpapahiwatig ng iyong damdamin o pagtingin sa kausap.
Halimbawa, habang ang isang taoy nakikipag-usap sa kaibigan, ang mga sinasabi niya ang mga
mensaheng pangnilalaman. Samantala, ang kanyang relaks na pangngatawan, madalas na
pagtingin sa kaibigan at lapit o agwat naman ang mga mensaheng relasyunal na nagpapahiwatig
nas komportable siya sa kausap. Kung gayon, sa proseso ng komunikasyon, dalawang uri ng
mensahe ang naipapadala at natatanggap at kadalasan, ang pagpapakahulugan sa mensaheng
iyon ay bunga ng impluwensya ng isa sa isa.

6. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon. Kahit pa tayoy hindi magsalita,
nakikipagtalastasan tayo sa ating kapwa. Pansinin ang dalawang taong nasa loob ng eleveytor,
halimbawa. Hindi sila nag-uusap. Nag-iiwasan pa nga sila ng mata. Malinaw nilang naipadadala ang
mensahe ng kawalan ng interes sa isat isa. Sa hindi pag-imik at pag-iwas ng tingin, kapwa nila
natanggap ang mensaheng Huwag mo akong kausapin! Nagkaroon sila ng komunikasyon, hindi ba?
At hindi nila iyon naiwasan! Kung tutuusin, kahit tayoy nag-iisa, hindi natin maiiwasan ang mag-isip.
Anong uri ito ng komunikasyon? Intrapersonal, hindi ba? Lalo na kapag may mga tao sa ating
paligid. Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya
ay nakapagpapadala tayo ng mensahe sa iba.





Mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon

Halos lahat ng depinisyong ibinigay ng mga awtoridad sa wika ay nagtataglay na salitang mensahe
o impormasyon. Maymga bumabanggit ng tagapaghatid, tagatanggap at sistema. Ang mga
nabanggit ay mga sangkap o elemento ng komunikasyon. May bumabanggit din ng salitang proseso
sapagkat ang komunikasyon ay isang proseso.
Para sa epektibo at mahusay na pakikipagkomunikasyon, talakayin natin ang mga sangkap at
proseso ng komunikasyon. Nasa ibaba ang ilustrasyon ng proseso ng komunikasyon. Pag-aralan
itong mabuti at alamin ang mga elemento o sangkap nito, pati na ang prosesong mahuhulaang
nagaganap.






Iniisa-isa rito ang mga sangkap o elemento ng komunikasyon, batay sa naunang ilustrasyon.

1. Enkoder. Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng mensahe. Siya o sila
ang tumutukoy sa mensaheng pinapadala. Kapag may nakasalubong ka at binati siya ng
Magandang umaga, ikaw ang nagpapadala ng mensahe. Ang bisa sa pagpapadala ng mensahe ay
naiimpluwensyahan ng layunin, kaalaman, kakayahan, pag-uugali, persepsyon o pananaw at
kredibilidad ng nagpapadala ng mensahe.

2. Dekoder. Sa nabanggit na halimbawa, ang pinagsabihan ng Magandang umaga ang siyang
tagatanggap ng mensahe. Siya ang magbibigay-pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap.
Sa madaling salita, siya ang magde-decode. Katulad ng tagapagdala ng mensahe, ang kawastuhan
ng pagde-decode niya sa mensahe ay maaaring maapektuhan ng kanyang layunin, kaalaman,
kakayahan, pag-uugali, pananaw o persepsyon at kredibilidad.

3. Mensahe. Ito ang dahilan o layunin ng komunikasyon. Maaaring naglalaman ng mga
impormasyon, ideya o palagay ang mensahe, o kayay pagpapahatid ng saloobin, damdamin o
emosyon. Nabanggit na sa nakalipas na pagtalakay na ang mensahe ay may dalawang aspeto: a)
mensaheng pangnilalaman o panlinggwistika at b) mensaheng relasyunal o mensaheng di berbal.
Sa nauna nating halimbawa, ang mensaheng pangnilalaman ay maganda at umaga na kapwa may
kahulugang pangnilalaman. Ngunit sa pamamagitan ng paraan ng pagbigkas ng pagbating iyon, sa
kumpas ng kamay, ekspresyon ng mukha at paraan ng pagbibigay-diin sa salita ay maaaring
mahiwatigan kung tunay sa kalooban mo ang pagbati, o kung natatakot ka lamang sa magiging
reaksyon niya kung hindi mo siya babatiin, o kung sarkastiko ang iyong pagbati, o di kayay kung
baka nakasanayan mo lamang na batiin ang sinumang makasalubong mo sa daan. Alinman sa mga
iyon ay mga mensaheng relasyunal o di-berbal na kaakibat ng mensaheng pangnilalaman na iyong
ipinadala.

4. Tsanel. Ito ang midyum o daanan ng mensahe. May dalawang kategorya ng mga daluyan ng
mensahe. Ang una ay ang daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy,
panlasa at pandama. Ang ikalawa naman ayang daluyang institusyunal. Ang pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng sulat, telegrama mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, cellular
phone at beeper ay mga halimbawa ng daluyang institusyunal. Ang halimbawa natin sa itaas ay
gumagamit ng daluyang sensori dahil tuwirang sinabi ang Magandang umaga.
Sa pasalitang komunikasyon, midyum ng mensahe ang air waves at mga kable, gayon din ang mga
intrumento ng komunikasyon tulad ng telepono, radyo, telebisyon, teyp at iba pang instrumentong
napapakinggan. Para naman sa pasulat na komunikasyon, daanan ng mensahe ang papel, aklat,
dyaryo, magasin at iba pa, pati na ang kompyuter (e-mail, internet, atbp) na pare-parehong
nagtataglay ng mga simbolong nakasulat. Light waves o liwanag naman ang tsanel ng mga
mensahe sa kaso ng pagsenyas.
Ang bisa ng isang komunikasyon ay nakasasalayay din sa matalinong pagpili ng daluyan.
Halimbawa, may mga pagkakataong daluyang sensori ang angkop katulad ng sa pagtatapat ng pag-
ibig o pagbibigay ng panuto. Hindi naman maaaring sumulat sa bumbero kapag nasusunog ang
bahay mo. Kailangan mong sumigaw upang humingi ng saklolo at tumawag sa telepono upang
humingi ng tulong sa mga tagapatay ng sunog.

5. Ang Tugon o Feedback. Tumutukoy ito sa sagutang feedback ng enkoder at dekoder matapos
nilang maibigay at maunawaan ang mga hatid na mensahe. Ito ay maaaring mauri sa tatlo: 1)
Tuwirang Tugon, 2) di-tuwirang tugon at 3) naantalang tugon. Tuwiran ang isang tugon kapag itoy
ipinapadala at natanggap agad-agaran matapos ipadala at matanggap ang mensahe. Kapag ang
nakasalubong sa una nating halimbawa ay agad sumagot ng Magandang umaga rin, ang tugon niya
ay tuwiran. Samantala, ang tugon ay di-tuwiran kapag itoy ipinahahayag sa pamamagitan ng
anyong di-berbal. Halimbawa nito ay pagngiti, pagtango o pagkaway ng kamay. Ang naantalang
tugon naman, katulad ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, ay iyong mga tugon na nangangailangan
pa ng panahon upang maipadala at matanggap. Isang halimbawa nito ay ang pagtugon sa
pamamagitan ng sulat.
Dapat tandaan na sa sandaling ang isang tao ay nagpapadala ng tugon o feedback, siya ay
nagiging tagapagdala na ng mensahe o nagiging enkoder at ang dating tagapagpadala ng mensahe
ay nagiging tagatanggap na o dekoder.

6. Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon. Ito ang tinatawag sa Ingles na communication
noise o filter. Bawat proseso ng komunikasyon ay maaaring magkaroon ng potensyal na sagabal. Ito
ang mga bagay-bagay na maaaring makasagabal sa mabisang komunikasyon o sa komunikasyon
mismo, Maaari itong matagpuan sa tagapagpadala ng mensahe, sa mensahe mismo, sa daluyan ng
mensahe o di kayay sa tagatanggap nito. Ito ay mauuri sa apat: a) semantikang sagabal, 2) pisikal
na sagabal, 3) pisiolohikal na sagabal at 4) sikolohikal na sagabal.
Ang pagkakaroon ng isang salita ng dalawa o higit pang kahulugan, pangungusap na hindi tiyak ang
kahulugan at hindi maayos na organisasyon ng isang pahayag ay mga halimbawa ng semantikang
sagabal. Halimbawa nito ay ang paggamit ng wika na Ingles ka nang Ingles, ngunit mali-mali rin
naman ang gramar o hindi naman pala bihasa sa Ingles ang kausap, malamang maputol na ang
linya ng komunikasyon.
Ang mga ingay sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning teknikal na kaugnay ng sound
system, hindi mahusay na pag-iilaw at hindi komportableng upuan ay mga halimbawa ng pisikal na
sagabal. Kasama rin dito ang panahon, na maaaring napakainit o napakalamig, may bagyo o
napakalakas ng hangin o di kayay distraksyon sa paligid, tulad ng biglang pagpasok ng ibang tao,
hayop at iba pa.
Tinutukoy naman sa pisiolohikal na sagabal ang mga kapansanan mismo ng enkoder o dekoder ang
hindi maayos na pagbigkas sa mga salita, hindi mabigkas ang mga salita, at may kahinaan ang
boses.
Samantala ang mga halimbawa naman ng mga sikolohikal na sagabal ay ang mga biases,
prejudices, pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang
kultura na maaaring magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.

7. Konteksto/Sitwasyon. Ang konteksto ay ang sitwasyon o kalagayan kung saan nagaganap ang
komunikasyon. Ayon kina Barker at Barker, ang elementong ito ang isa sa mga pinakamahalaga
dahil naaapektuhan nito ang iba pang mga elemento kasama na ang buong proseso ng
komunikasyon. Ito ay may limang dimensyon; ang dimensyong pisikal, sosyal, kultural, historikal at
sikolohikal.
Sa dimensyong pisikal ng konteksto ay nabibilang ang lugar na pinangyarihan ng komunikasyon at
ang kondisyon ng kapaligiran. Malaki ang epektong nagagawa ng dimensyong pisikal sa uri ng
talastasang magaganap. Kabilang sa mga salik ng dimensyong pisikal ay ang temperatura, liwanag,
pook kung saan nag-uusap, lebel ng ingay, agwat o espasyo sa pagitan ng dalawang nag-uusap at
maging ang oras. Ang bawat isa sa mga salik na binanggit ay makaapekto sa uri at sa proseso ng
komunikasyon o sa talastasan ng nag-uusap o ng mga grupong kalahok sa talastasan. Halimbawa,
iba ang magiging proseso at bunga ng komunikasyon kung nagsasalita ang guro sa harap ng klase
kaysa sa pagkausap niya sa isang maliit na grupo sa parke. Maaaring maiba ang takbo ng
komunikasyon na nagaganap ng umaga at nakaupo nang maayos at komportable ang mga kalahok
kaysa sa kung ang mga kalahok ay gitgitang nangakatayo sa isang mainit at hindi komportableng
pook.
Sa dimensyong sosyal ng konteksto ay pumapasok ang epekto sa komunikasyon batay sa uri ng
relasyon ng dalawang nag-uusap o ng mga nag-uusap. Iba ang takbo ng usapan ng magkakaibigan,
ng dati nang magkakakilala, ng magkakapatid, ng mag-ama o mag-ina, ng estudyante sa kapwa
estudyante o ng estudyante at guro. May mga pangyayari sa isang grupo ng nag-uusap na sila
lamang ang nagkakaintindihan. Maaaring malapit sila sa isat isa at magkakapalagayang-loob.
Maaari nilang sabihin ang mga salita na masakit para sa iba o kayay biruan na pangkaraniwan sa
kanila subalit hindi para sa iba. Naaapektuhan ang bunga ng proseso ng komunikasyon batay sa uri
ng relasyon ng mga kalahok sa komunikasyon.
Ang dimensyong kultural ng konteksto ay naoobserbahan sa kung minsan ay di pagkakaunawaan
sa komunikasyon sanhi sa pagkakaiba ng pananalig sa Poong Maykapal o pagkakaiba ng relihiyon.
Gayon din ang pagkakaiba ng kinagisnang kultura. May epekto rin ang magkaibang pagpapahalaga,
magkaibang uri ng pamumuhay at pagtanaw sa buhay.
Sa dimensyong historikal ng konteksto ay magkakaroon ng tuwiran o ng di-tuwirang impluwensya sa
pag-unawa ng kasalukuyang pag-uusap o talastasan ang naunang usapan o pakikipagtalastasan.
Halimbawa, sina Mikhael at Nolan ay nag-uusap tungkol sa balak na isasagawang proyekto ni
Mikhael. Pinipigil ito ni Nolan at pinagsabihang baka hindi ito magtagumpay. Natapos ang usapan
nila na sabi ni Mikhael ay pag-iisipan niya. Nang muli silang magkita ang unang tanong ni Nolan ay
Itutuloy mo rin ba? Sagot ni Mikhael ay oo. Ang mga nakarinig sa usapan ay walang naunwaan
kung ano ang tinutukoy o hindi itutuloy ni Mikhael. Subalit para kay Mikhael at kay Nolan lubos
nilang batid ito at mayroon silang pagkaunawaan sa takbo ng usapan dahil sa kanilang nauna nang
nakaraang pag-uusap. Iyon ang ibig sabihin ng dimensyong historikal.
Ang damdamin at emosyon taglay ng taong nag-uusap o ng mga taong kasangkot sa usapan ay
nakaapekto sa uri, proseso at bunga ng usapan o komunikasyon. Halimbawa, maingat tayo sa
pakikipag-usap sa isang taong bagong gising o taong naabala sa pagtulog. May kasabihan nga na
magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising. Gaya rin halimbawa, ng taong gutom o
pagod. Medyo mainit ang ulo, wika nga tila wala pa sa kondisyon. Naaapektuhan ng kanilang
damdamin at emosyon ang proseso ng usapan.

8. Sistema. Nangangahulugan ito ng relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng proseso ng
komunikasyon. Halimbawa, kung hind mo kakilala ang isang tao, maaari ring magkaroon ng
komunikasyon sa pagitan ninyo subalit madalang ang pakikipag-usap. Maaaring isang-tanong-
isang-sagot ang mangyaring usapan. Maaari ring masyado kang ingat na ingat sa binibitiwang salita
at maging sa komunikasyong verbal man. Subalit habang tumatagal ang panahon, nakilala mo na
nang husto ang taong ito. Ang isang tanong-isang-sagot na pag-uusap ay nagkaroon ng pagbabago.
Dahil nadevelop na ang relasyon ninyo ng taong ito, naging komportable ka na sa pakikipag-usap
hindi na gaanong formal ang ginagamit mong wika, at naging panatag na ang loob mo sa paggamit
ng di-verbal na mensahe. Nabuo ang sistema o ang ugnayan ninyo sa pamamagitan ng proseso ng
komunikasyon. Kung gayon, ang sistema o ang ugnayan ang nagdidirekta sa kung ano at paano ka
nakikipagkomunikasyon. Nangangahulugan lamang na ang proseso ng komunikasyon ay hindi
lamang nagaganap sa isang tagpuan at tagpo lamang ito ay patuluyang proseso o gawain.


Paraan ng Komunikasyon

Sa pagpapahayag ng mensahe sa komunikasyon ay kadalasang ginagamit ang pasalitang paraan o
ang tinatawag na berbal na komunikasyon. Ayon kina Lorenzo (1994:6) ang komunikasyong berbal
ay komunikasyong gumagamit ng wika na maaaring pasulat at pasalita. Pasulat ang uri ng
komunikasyong nababasa at pasalita yaong mga binibigkas at naririnig. Ang berbal na
komunikasyon ang siyang pinakamahalaga at pinakamabisa. Sa pamamagitan nito, lubos at buong
linaw na naipahahayag ng tao ang kanyang naiisip at nadarama. Samakatwid, wika ang
mahalagang kasangkapan sa pagpapahayag, paghahatid at pagbibigay o pagtanggap ng mensahe.
Ngunit, upang higit na maging malinaw ang isang mensahe ay sinasamahan ito ng senyas o galaw
ng bahagi ng katawan. Ito ang tinatawag na di-berbal na komunikasyon. Ayon kina Belvez
(2004:17), ang mga di-berbal na komunikasyon ay bahagi ng mga mensaheng berbal kahit na ang
mga itoy naisasagawa nang wala sa loob o hindi kinukusa. Ito ay sa pamamagitan ng kilos ng
katawan, kumpas ng kamay, galaw ng braso, iba-ibang uri ng pagtingin at pagtitig, taas ng kilay at
mga ekspresyon ng mukha at iba pa.
Narito ang ibat ibang uri ng komunikasyong di-verbal:

1. proxemics. Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili
at ng ibang tao. Ano ang iyong iisipin kung ang kaharap mo sa jeep na iyong sinasakyan ay halos
magkapalitan na ang mukha, ika nga, sa kabila ng kaluwagan ng sasakyan? Paano ka makipag-
usap sa iyong kasintahan? Gaano ang layo ninyo sa isat isa kadalasan? Gayon din ba ang layo mo
kapag ikay nakikipag-usap sa isang kaibigan, o sa isang di-kakilala o sa isang pangkat ng
tagapakinig kapag ikay nagtatalumpati? Hindi, di ba? May ibat ibang uri ng proxemic distance
tayong ginagawa sa ibat ibang pagkakataon at ang distansyang ito ay maaaring mangahulugang
intimate, personal, social o public. Makikita rin ito sa pakikitungo sa ibat ibang tao depende sa edad,
kasarian, kultura, at personalidad.

2. chronemics. Mahalaga ang oras. Ito ay isang bagay na kulang sa maraming tao. Ang paggamit ng
oras, kung gayon ay maaaring kaakibatan ng mensahe. Halimbawa, ang pagdating nang huli sa
isang job interview ay maaaring iinterpret na kakulangan ng disiplina. Samantala, ang pagdating
naman nang maaga sa isang salu-salo ay maaaring makainsulto sa magbibigay ng salu-salo dahil
maaari niya iyong ikataranta sa paghahanda. Ang pagtawag sa telepono sa madaling-araw ay
malamang na ikagalit ng ibang tao. Maaari niyang ipalagay iyong sinasadyang pang-iistorbo sa
kanyang pagpapahinga at kung gayoy isang kabastusan. Ngunit maaari naman niya iyong ipalagay
na isang matinding pangangailangan o isang emergency. May narinig din tayo na kapag mabilis
magsalita ang isang tao, ang taong ito ay naghahabol sa oras. Kung napakabagal namang
magsalita ang isang tao, sinasabi namang parang pag-aari niya ang oras.

3. oculesics. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga mata sa komunikasyon. Ang mata raw ang
siyang pintuan ng ating kaluluwa sapagkat sa pamamagitan nito ay maaari tayong makipag-
ugnayan nang makahulugan. May galaw ang mga mata na nagpapakita ng kondisyon, reaksyon, at
gawi at atityud o saloob ng tao. Ipinababatid lamang nito na maaaring maghatid-impormasyon ang
galaw ng mata tungkol sa tao. Anu-ano ang posibleng kahulugan ng mapupungay na mata,
namumugtong mata, umiiwas na tingin, papikit-pikit na mga mata, pag-irap, pamimilog ng mga mata,
pagtaas ng kilay habang nanliliit ang mga mata, at iba pa?

4. haptics. Ito ang pagpapadama ng ibat ibang damdamin sa tulong ng paghawak sa kausap.
Kabilang dito ang paghawak ng mga kamay upang makiramay at bumati. Maaaring hawakan ang
pisngi ng nakababatang kausap kapag natutuwa rito, o kayay hawakan at guluhin ang buhok dahil
din sa katuwaan. Maaari ring maghayag ng ibat ibang damdamin kapag hinawakan ang siko o
kayay ang balikat. Sa ating wika, may iba-iba tayong tawag sa paraan ng paghawak sa ibang tao o
bagay at bawat paraan ay may kanya-kanyang kahulugan. Ilarawan ang mga sumusunod at tukuyin
ang posibling kahulugan ng bawat isa: hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo.

5. kinesics. Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa ngay higit pa sa mga tunog na
lumalabas sa ating bibig. Kaya nga may tinatawag sa Ingles na body language. May mga
natatanging kahulugan ang pagkikibit-balikat, pagdila, pagkakamot ng batok, pagtatakip ng ilong,
pagpadyak, pagtulis ng nguso, paraan ng paglakad at napakarami pang iba.
Hindi rin maitatago ang ating damdamin at tunay na intensyon sa ating ating mukha. Sa mukha,
maaaring makita kung ang isang tao ay masaya, umiibig, malungkot, nag-aalala, natatakot, may
suliranin, nahihirapan, galit o di kayay nag-iisip.
Ang kumpas ng kamay ay isa ring mayamang pinanggagalingan ng mensaheng di-berbal. Maaaring
ang kumpas ay regulative katulad ng kumpas ng pulis sa pagpapahinto ng mga sasakyan sa daan o
kumpas ng isang guro sa pagpapatahimik ng mga bata. Mayroon din tayong mga tinatawag na
descriptive na kumpas na maaaring maglarawan ng laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay.
Ang mga kumpas naman na nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng paghampas ng kamay sa mesa,
sabay na pagtaas ng dalawang kamay, pagkuyom na mga palad at pakikipagkamay ay tinatawag na
mga kumpas emphatic.

6. objectics. Ito ay ang paggamit ng mga bagay sa komunikasyon sa pagpapaliwanag ng mga
gustong sabihin, o kayay paggamit din ng mga bagay kapag may damdaming nais ipahayag.
Gumagamit ng ruler ang titser hindi lamang sa kanyang leksyon sa Matematika kundi kapag siyay
nagagalit, o kung may gusto siyang bigyang-diin sa mga nakasulat sa blakbord.

7. paralanguage. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita. Ang salitang oo,
halimbawa, ay maaaring mangahulugan ng pagsuko, pagsang-ayon, galit, kawalan ng interes o
paghamon, depende kung paano iyon binibigkas. Nakapaloob din dito ang pagbibigay-diin sa mga
salita, bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses at taginting ng tinig.
Ang mga ito ay maaaring magpabagu-bago sa kahulugan kahit ng isang salita lamang. Halimbawa,
subukan mong bigkasin ng tung na oh sa ibat ibang paraan. Ano ang posibleng kahulugan ng bawat
paraan mo ng pagbigkas ng tunog na iyon? Kahit hindi mo nakikita ang nagsasalita ay matutukoy
mo kung siya ay babae o lalake sa pamamagitan ng boses. Hindi na kailangan pang sabihin ng tao
na lalake siya o babae siya. Maaari ring makilala ang etnikong grupong kinabibilangan ng isang tao
sa pamamagitan ng punto. Alam na alam natin kung ang nagsasalita ay isang Maranao dahil sa
punto o intonasyon ng pagsalita.


8. Kulay. Ang kulay ay maaari ring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Ano ang
ipinahihiwatig ng damit na itim? Ng bandilang pula? Ng taling dilaw sa noo? Sa mga interseksyon ng
daan, ano ang ibig sabihin ng ilaw na dilaw, berde at pula? Ano ang ipinahihiwatig ng puting panyo?
Sadya ngang ang kulay ng mga bagay-bagay ay madalas nating nilalapatan ng kahulugan.

9. iconics. Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbulo o icons na may malinaw na
mensahe. Sa pintuan ng mga palikuran, anong simbulo ang nagpapahiwatig na ang isa ay
pambabae at ang isa ay panlalake? Paano sinisimbulo na bawal manigarilyo sa isang lugar? Anong
simbulo ang ginagamit sa mga lugar na para sa mga may kapansanan? Anong simbulo ang makikita
sa botelya ng lason, o sa reseta ng mga duktor, o sa tanggapan ng mga husgado. Sa mga kalsada o
daan, anu-anong mga simbulong panlansangan ang iyong makikita? Ilarawan ang bawat isa at
sabihin ang kahulugan ng mga iyon.

10. personal na anyo. Kasama rito ang hugis ng katawan, ayos ng buhok, pagsusuot ng alahas,
kuko at iba pa. May matatabang gustong pumayat, at may mga payat namang gustong tumaba.
Depende sa persespyon ng bawat indibidwal kung ano ang nais nilang ayos o hitsura/anyo. Ano
man ang gusto ng bawat indibidwal na maging anyo o ayos nila ay tiyak na may ipinararating na
mensahe sa mga tumitingin o nakakakita.

11. damit. Sinasabing makikita sa damit na isinusuot ng isang tao ang kanyang hilig, edad,
personalidad at maging ang mga pag-uugali. May ibang nagdaramit dahil kailangang magdamit, ibig
sabihin kahit ano lang ang maisuot. Mayroong pumipili ng isusuot na komportable sila. May
nagdaramit upang maging kaakit-akit. May iba namang nais laging sunod sa uso ang damit. Ano
man ang layunin ng mga nagdaramit, may mensahe rin itong ipinarating. Maging ang disenyo ng
damit ay may kahulugan.

12. amoy
13. lasa
14. musika
15. tunog

Kahit saan man, ang komunikasyon ay palaging ginagamit upang higit na magkaunawaan ang
bawat indibidwal, pasalita man o pasenyas. Ang mahalaga ay nagkakaunawaan ang mga partisipant
at nalinang ang kasanayang umunawa sa mga salik na personal at salik-sosyal at kahusayang
magpaunawa sa mensaheng nilalayong ipahatid sa paraang angkop, tumpak, at katanggap-tanggap
sa lipunan at pamayanan.


Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

Upang maging mabisa, ang komunikasyon, kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay
ng ilang mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes, kailangang
isaalang-alang ang ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon.
Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa mga sumusunod na talata.

1. Setting. (saan nag-uusap?) Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar saan naganap ang
usapan ay dapat isaalang-alang. Ang paraan ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang
tono at tunog ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na pinangyarihan ng salitaan. Hindi
maaaring ang pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna ng lansangan ay maging katulad ng pakikipag-
usap sa kanya sa loob ng simbahan. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon.
Kung hindi ito isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan.
Subukan mong magsisigaw sa loob ng inyong klase. Ano kaya ang kahihinatnan mo?

2. Participants. (sino ang kausap, nag-uusap?) Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong
kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan, damdamin, maging ang estado sa buhay,
katungkulan, hanapbuhay, gulang kasarian, paniniwala at pilosopiya sa buhay ay
nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap.
Halimbawa, maaari mong sabihing Pare, pahiram nga ng bolpen mo sa iyong kaibigan, ngunit hindi
mo maaaring sabihin iyon sa iyong ama. Subukan mo kayang sabihin iyon sa kanya, ano kaya ang
magiging reaksyon niya? Bakit? Paano ba ang angkop na pahayag kung ang gayong diwa ay
sasabihin mo sa kanya?

3. End. (ano ang layunin ng usapan?) Sa komponent na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning
nais matamo sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos,
pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin,
pangangarap o paglikha. Ano kaya ang layunin ng isang taong mangungutang? Makahiram ng
salapi sa taong uutangan niya, hindi ba? Makakamit ba niya ang kanyang layunin kung ang
sasabihin niyay Hoy! Pautang nga ng isanlibo! Samantala, kung siya namay manghoholdap,
makakamit ba niya ang kanyang layunin kung sa malumanay na pananalitay sasabihin niyang Para
mo nang awa, akin na yang pera mo? Hindi ang sagot sa dalawang huling tanong. Kung gayon, sa
paggamit ng wika, kailangan munang isaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap.

4. Acts Sequence. (paano ang takbo ng pag-uusap?) Ito ang tumutukoy sa pagkakaugnay ng
usapang nagaganap sa uri ng pangyayari. Halimbawa, sa pagtitipan (date) inaasahang masuyo at
malambing ang himig ng usapan at takbo ng pananalita ng magkasintahan ngunit, kapag may mga
bagay silang pinagtatalunan maaaring magbago ang ayos ng usapan. Ito ay maaaring magresulta
sa di pagkikibuan o away.

5. Keys. (pormal ba o impormal ang usapan?) Nakakita ka na ba ng isang taong nakakamiseta at
naka-shorts sa isang debut party? O di kayay ng isang taong naka-gown o barong Tagalog habang
naglalaro ng basketball o volleyball? Parang ganito rin ang magiging hitsura mo kung hindi mo
isaalang-alang ang pormalidad ng isang okasyon sa iyong pakikipag-usap. Kung gayon, kung
pormal ang isang okasyon, paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita ang iyong
gagamitin? Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na kaibigan, gayon di ba ang paraan ng
iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong gagamitin?

6. Instrumentalities. (ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?) Sa madaling salita,
kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan ng komunikasyon. Daluyang sensori ba o daluyang
institusyunal? Bakit kailangang isaalang-alang ito? Pakaisipin mo. Maaari mo bang ikwento sa iyong
kaibigan ang nobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng text? Maipapaamoy mo ba sa kanya ang
halimuyak ng bulaklak sa pamamagitan ng telepono? Susulat ka pa ba sa bumbero kung
nasusununog na ang bahay mo? Kung hindi mo kayang magsinungaling nang harapan,
magdadahilan ka ba pa sa iyong kasintahan sa kanyang harapan? Kung mahusay kang gumawa ng
sulat o ng tula, paano ka manliligaw kaya? Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang
mensahe. Kung mabisang maisasaalang-alang ito, kung gayon, magiging kontrolado natin ang hugis
at lawak o limitasyon ng mensahe sa komunikasyon.

7. Norms. (ano ang paksa ng usapan?) Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang paksa
ng usapan. Halimbawa, maaaring hindi mo na igigiit ang iyong katwiran kung batid mong limitado
lamang ang nalalaman mo sa paksa ng isang pagtatalo. Makakabuti ring itikom na lamang ang bibig
kung sa gitna ng isang talakayan ay wala ka namang nalalaman sa paksang tinatalakay. May mga
paksa ring eksklusibo. Halimbawa, may mga paksang pambabae, kung paanong may panlalaki rin.
Makabubuti, kung gayon, sa mga lalaki ang umiwas sa mga talakayang may paksang eksklusibo sa
mga babae kung paanong makabubuti sa mga babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga talakayang
may paksang eksklusibong panlalaki.

8. Genre. (ano ang uri ng pagpapahayag? Pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad o
pangangatwiran?) Sa komponent na ito, isinaalang-alang ang layunin ng participants. Kung ang nais
niya ay ang magkwento ng isang pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang pagpapahayag.
Kung ang nilalayon naman niya ay magpakitang anyo, katangian, hugis, at kulay ng isang bagay,
tao, pook, pangyayari at damdamin, paglalarawan ang paraan. Paglalahad naman ang paraan ng
pagpapahayag kung ang nais nito ay magpapaliwanag at magbigay ng impormasyon, samantalang
kung ang layunin niya ay ang manghikayat, magpatunay at pagbulaanan ang opinyon, katwiran at
paninindigan ng iba, pangangatwiran ang paraan ng pagpapahayag.

Ang layon sa pagtuturo-pagkatuto ng wika ay ang pagtatamo ng pangkalahatang kahusayan sa
paggamit ng wika upang makapagpahayag nang mabisa at maiugnay ang sarili sa kanyang paligid.
Dapat malinang ang kasanayang umunawa sa mga salik na personal at salik-sosyal at kahusayang
magpaunawa sa mensaheng nilalayong ipahatid sa paraang angkop, tumpak, at katanggap-tanggap
sa lipunan at pamayanan..


Kahalagahan ng Komunikasyon

Tayo ay nabubuhay sa panahon ng pagbabago panlipunan, pampulitika at pangkabuhayan. Ang
isa sa mga salik na makatutulong sa ating pakikibagay sa mabilis na pag-inog ng daigdig at sa
panahon ng globalisasyon ay ang kakayahan nating makipagtalastasan.

Kahalagahang Panlipunan. Isang sitwasyong nararapat harapin sa araw-araw na buhay ang
pakikipagtalastasan. Kinakailangang maging mabisa ito upang maging normal ang pakikisalamuha
natin sa mga taong makatatagpo sa lahat ng dako: sa tahanan, simbahan, opisina, palengke,
paaralan at iba pa.
Sinumang maghahangad na maiagpang ang sarili sa lipunang ginagalawan ay gumagamit ng
komunikasyon. Ang tagaumpay at kabiguan, ang hinaharap ng tao ay nakasalalay sa paraan ng
kanyang pakikipag-unawaan. Pinatatag din ng pakikipag-unawaan ang kalagayan at binibigyang-
halaga ang pagkatao. Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at
pakikisalamuha sa iba, nakagagawa siya ng desisyon tungkol sa anumang bagay: sa kabuhayan,
relihiyon, edukasyon at pulitika. Ang mensaheng dala ng bawat aklat, pahayagan, magasin,
telebisyon at teatro ay nagbibigay ng ideya sa tao at naghahamon sa kanyang piliin ang landas na
tatahakin o kalagayang haharapin. Nakapagbabago ito ng pag-uugali at pananaw ng isang nilikha.

Kahalagahang Pangkabuhayan. Anumang propesyon upang maging matagumpay ay
nangangailangan ng mabisang pakikipagtalastasan. Ang isang abugado, bilang halimbawa, ay
bumabalangkas ng mabisang pangangatwiran sa pagtanggol ng kanyang kliyente. Ang guro, sa
pagtuturo, ay nangangailangan ng kasanayan sa pagpapaliwanag ng liksyon ay maging ang doktor
sa pagsusuri ng maysakit ay kailangang makapagbigay ng tagubilin sa paraang nauunawaan ng
pasyente. Kailangan ang mahusay na pakikipagtalastasan sa alinmang negosyo upang
magkaunawaan ang nagbibili at ang mamimili.

Kahalagahang Pampulitika. Sa isang bansang demokratiko, ay may layang makisangkot ang mga
tao sa pag-ugit ng pamahalaan. Malaya ang mga pagtatalakayan ng mga bagay-bagay na nauukol
sa bayan. Ang mga karaingan at mungkahi ng madla ay maipaaabot sa itaas sa pamamagitan ng
mga salitang may katapatan at linaw, hindi sa mabibigat na pananalitang magdudulot ng pagkapoot
o salungatan. Kailangang maging maluwag ang pagkakasulat ng mga panuntunan at saligang batas
upang mapanatili ang katarungan at kapayapaan.
Maging ang bansa, sa pakikipag-ugnayan sa iba pang bansa ay nangangailangan ng mabisang
pakikipagtalastasan. Upang maging matagumpay sa kanyang relasyong pandeplomatiko,
kailangang ang embahador o ministro ay maingat at mapili sa pagbibitiw ng anumang salita. Ang
munting pagkakamali ay maaaring magbunga ng hidwaan ng mga bansa, sa halip na
pagkakasundo.

Anda mungkin juga menyukai