Anda di halaman 1dari 2

Frequently Asked Questions (FAQs)

1. Ano ang kasaysayan?


Isang kawiliwiling paksa, ito ang pundasyon at
balangkas na kinasasaligan ng mga agham
panlipunan at humanides.
Tumatalakay sa mga pangyayaring tunay na
naganap. May pinangyarihan, may sanhi ng
pangyayari at may panahon.
Tumatalakay sa kasaysayan ng lahi, gayun din ang
damdamin, saloobin, kaugalian at tradisyon ng mga
tao o ibat ibang lahi sa mundo.
Mga mahahalagang pangyayari na naging bahagi ng
nakalipas na panahon.
Batayan ng pagkakakilanlan ng isang lahi.
Ang nakaraan ng tao na patuloy na nag-uugnay sa
kanyang hinaharap.

2. Paano ang pangyayari ay nagiging isang
kasaysayan?
May sapat na batayan
May ebidensya at mga katunayan na naganap ang
mga pangyayari
Nabuhay ang taong nabanggit at nabigyang diin ang
mga bagay na nais ipaliwanag

3. Anu-ano ang mahahalagang salik sa pagbuo ng
kasaysayan?
Tao; lugar; panahon; heograpiya; pangyayari

4. Anu-ano ang kasanayang matatamo sa pag-
aaral ng kasaysayan?
Mahusay na pag-unawa sa pagkakabuo ng mga
kabihasnan, pagmamahal sa lahi at panata
Pagsasapuso ng paggalang sa mga pinuno na
nanindigan sa kanilang mga katwiran sa ngalan ng
batas, kaayusan at katotohanan.
Pagtanggap ng pananagutan kapalit ng karapatang
tinatamasa sa demokrasya.
Ang wastong paglinang, paggamit at pangangalaga
ng mga likas na yaman.
Pagpapahalaga sa damdaming makabansa.

5. Anu-ano ang mga batayan sa pag-aaral ng
kasaysaysan?
Batayang Primarya
- ang orihinal na batayan ng kasaysayan.
- kabilang ang mga artifacts tulad ng:
a. barya d. monumento
b. armas pandigma e. kagamitan
c. gusali f. labi ng tao o hayop
Batayang Sekundarya
- mga batayang hinango lamang sa batayang primarya
tulad ng:
a. mga aklat c. kwento e.
tula
b. magasin d. awit

6. Mga Agham Panlipunan na may kaugnayan sa
pag aaral ng kasaysayan:
Agham Pulitikal pagtalakay ukol sa batas
Antropolohiya nagsusuri ng kultura mayroon ang
nakalipas batay sa mga artipaktong nakalap
Arkeolohiya nangangalap ng mga labi at
nagsusuri ng katuturan nito sa nakalipas
Ekonomiks nagsusuri ng kalagayang
pangkabuhayan, mga dahilan ng pag-unlad at
pagbagsak ng kabuhayan
Heograpiya
Pag-aaral tungkol sa kabuuang katangian ng
daigdig ang mga pagkakabahagi nito sa kontinente,
bansa at rehiyon, anyong lupa, anyong tubig, uri ng
pamumuhay at mga tao sa ibat ibang bahagi nito
Nagmula sa salitang griyego na GAE at GRADDS
na nangangahulugang daigdig at paglalarawan o
pagtatala
Kaugnayan ng heograpiya sa kasaysayan:
Nagbibigay liwanag sa pagkakaayos o distribusyon
ng bawat pangyayari at ang kahulugan nito sa
paninirahan ng tao sa isang pook
Ang mga hayop at halamang nangabuhay sa isang
pook ay ayon pa rin sa klima at panahon
Itinatakda sa pag-aaral ng heograpiya ang uri ng
hanapbuhay, tirahan at pananamit ng tao.

7. 2 panahon ng kasaysayan
Pre-historic: Panahon ng kasaysayan na ang mga
pangyayari ay di pa naitatala
Historic: Panahon ng kasaysayan na ang pangyayari
ay naitala o naisulat

Mga pananaw sa pinagmulan ng daigdig

Batay sa Teolohiya -nakasaad sa bibliya at
matatagpuan sa Genesis.

1. Batay sa Mito
2. Pilipinas - nagmula ang lahat sa isang
Dakilang lumikha
3. India
4. paniniwala ng Hindu ukol sa Trimurti
ang banal na Trinidad
5. Tsina - nagmula ang lahat sa manlilikhang
si Pangu o Pan Ku
6. Ehipto
7. Nu ang di umaagos na karagatan kung
saan nabuo ang burol kung saan ngayon
nakatayo ang kauna-(unahang templo ng
mga Ehipto)
8. Gresya
9. Erebus at Gabi isinilang si Pag-ibig
(kaayusan), sumbol si Liwanag at Araw
lumitaw si Gae (daigdig), isinilang si Uranus
(kalangitan) dito nagmula ang sandaigdigan
at sangkatauhan
10. 8. Amerika - Dakilang Manlilikha Innua
(eskimo)

Batay sa agham

1. Teoryang Big Bang (Fred Hoyle -1950
Amerikanong astronomo)
-Mula sa pagsabog ng iisang hydrogen mass
na kumawala sa kalawakan nabuo ang
galaxy, solar system at iba pa.
2. Teoryang Nebular ( Immanuel Kant-
pilosopong Aleman -1755)
-Mula sa malaki, mainit at umiikot na nebula
-Sinang-ayunan ni Pierre Simon de Laplace
isang Pranses, mathematician, physicist at
astronomo
3. Planetissimal ( Forest Ray Moulton
astronomo, Thomas Chrowder Chamberlin-
heologo -1895)
-ang pagdaan ng isang bituin malapit sa
araw
4. Tidal (James Jeans at Harold Jeffreys
Britanya 1918)
-pagkalikha ng malaking alon bunga ng
pagdaan ng bituin sa araw