Anda di halaman 1dari 11

PANAHON NG AMERIKANO

5 layunin
Dollar(motibong pang-ekonomiya),
Dito naman napapaloob ang motibong pang ekonomiya ng mga
Amerikano. Ang Standard Oil Trust, American Tabacco Corporation,
Steel Corporation at American Sugar Refining Corporation ay ilan
lamang sa mga korporasyon na naitatag ng mga Amerikano sa ating
bansa sa kanilang panahaon.

Defense(motibong pangmilitar),
Itinatag nila ang Base Militar sa ating bansa at naging First Line
Defense ang ating bansa.

Deity(motibongpangrelihiyon),
Dito naman napapaloob ang tungkuling masuportahan at
makapaglingkod sa patakarang sa pagpapalawak ng Estados Unidos.

Duty(motibong turuan ang mga Pilipino sa pagiging sibilisado-
Edukasyon), Destiny(motibong Manifest Destiny / White Mans
Burden).
Dito napapaloob ang itinadhanang lahi ng Amerika na ipalawak
ang sibilisasyon sa mundo. "Manifest Destiny" or "White Man's
Burden". Ang mga pilipino ay tinawag na isang Little Brown
Brothers.

Pinamumunuan tayo ng mga amerikano noong 1898 hanggang 1946
Agosto 13,1898 naangyari ang huwad na labanan sa pagitan ng mga
Espanol at amerikano kung saan itinaas ang putting watawat
Kasunduan sa Paris - Desyember 10, 1898 kinilala ng Spain ang
kasarinllan ng Cuba at inilipat naman ng Spain ang Pilipinas, Puerto
Rico at Guam sa kapangyarihan ng America. Binigyan naman ng
America ang Spain ng halagang $20.000.000.
Ipinadala naman si Felipe Agoncillo bilang representante ng Pilipinas
upang kilalanin ng America ang kasarinlan ng Pilipinas ngunit siyay
nabigo.
Disyembre 21, 1898 inihayag ni Pang. McKinley ang kanyang
Proklamasyong Benevoent Assimilation. Ito ay nagsasaad na
ipapasailalim sa US ang pamamahala sa Pilipinas dahil na rin sa
responsibilidad ng mga puti na alalayan at turuan ang mga hindi puti
(white man's burden). Layunin na kupkupin ang Pilipinas upang
mapaganda ang kalagayan nito.
Tinutulan ni Aguinaldo ang kasunduan sa Paris at pinasinayaan ang
Republika ng Pilipinas kung saan Si Hen. Emilio Aguinaldo ang
nagging unang pangulo noong ika 23 Enero 1899.
Pebrero 4 1899 nagsimula ang digmaang Pilipino-Americano. Itoy
nang paputukan ng isang sundalong Americano na si William W.
Grayson and 2 Pilipino sa paligid ng Blockhouse no. 7 sa Maynila at
gumanti ng putok ang mga Pilipinong sundalo. Inutos Gob.-Hen Elwell
Otis ang opensibang Americano laban sa Pilipino kinabukasan.
126.000 Americanong sundalo ang lumaban sa digmaan.
4, 234 ang americanong namatay
16.000 ang Pilipino ang nasawi
1.000.00 sibilyan
Febrero 6, 1899 niratipihahan ang kasunduan sa Paris.
Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 at
dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at
nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng
katapusan ng digmaan.[
Tumagal ng 2 taon ang digmaang ito.
Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng
Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.


Kolonya ng Estados Unidos
Ang pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa ay tumagal ng 40
taon. Nagkaroon ito ng 3 yugto; ang Pamahalaang Militar,
Pamahalaang Sibil at ang Pamahalaang Commonwelt.

A. Pamahalaang Militar noong 1898-1901
Ito ay pinamunuan ni Gobernador Heneral Jacob Schurman. Ang
Schurman Commision ay napapalooban ng gawain ukol sa:
1. Palawakin sa mapayapang paraan ang kapangyarihan ng Estados
Unidos sa buong Pilipinas.
2. Pangalagaan ng matalino at maayos ang buhay at ari-arian.
3. Unawain at igalang ang mga kaugalian, kinagawian, at iba pang
mga institusyong Pilipino.

Nagsimula ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano sa Pilipinas
sa Pamamagitan ng itinatag nilang pamahalaang militar noong 1898.
Si Pang. McKinley ang namuno sa pamahalaang military.
Si Hen Wesley Merritt ang kauna-unahang Amerikanong Gobernador
military ng Pilipinas noong ika-14 ng Agosto 1898.
Sinundan siya ni Hen Elwell Otis na naglingkod hanggang 1900.
Humalili si Hen Arthur MacArthur, Jr. hanggang 1901 nang maitatag
ang pamahalaang sibilyan.
Sa utos ng Pangulo ng Amerika, itinatag ng pamahalaang militar ang
pamahalaang sibilyan.

B. Pamahalaang Sibil (ang Pilipinas ay para sa mga Filipino)
Itinatag ang pamahalaang sibil noong Marso 2, 1901 .
Si William H. Taft, ang naging gobernador-heneral ng pamahalaang
sibil.
Ipinasa ng US Congress ang Spooner Amendment.
Ang Spooner Amendment ay isang batas na nagbigay-daan upang
palitan na ang pamahalaang militar at ipatupad ang pamahalaang
sibil.
Ito ay isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng sibilyan o
mamamayan.
Ito ay may layuning
1. itaas ang demokratikong pamumuno kung saan ang
kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan.
2. Nagsasaad din dito na ang kapangyarihang militar ay nasa ilalim
lamang ng kapangyarihang sibilyan at
3. ang mga sundalo ay itinalaga upang protektahan ang mga
karapatan ng mga mamamayan.
Sa ilalim ng pamahalaang sibil, ang pangalawang komisyon (Taft
Commission) ay tumatayo bilang lehislatibong sangay ng Pilipinas.
Ipinatupad ang patakarang Pilipinasyon na naglalayong unti-unting
punan ang pamahalaan ng mga Pilipinong kawani mula sa pamahalaang
munisipal hanggang sa pamahalaang nasyonal.
Ang mga Pilipinong ilustrado ay naging mabisang instrumento sa
pagpapatupad
ng Patakarang Pilipinisasyon.

Ang Philippine Organic Act
Ang kaunaunahang organic act na ipinatupad sa Pilipinas ay
tinawag na
Philippine Organic Act ng 1902 (lalong kilala bilang Cooper Act sa
dahilang si Kinatawan Henry Allen Cooper ang nagsumite nito sa
Kongreso ng Amerika).
Nilayon nito ang pagkakaroon ng isang lehislatura na bubuuin ng
Mababang Kapulungan o Asembliya ng Pilipinas na ihahalal ng
mga botanteng Pilipino.
Ang mataas na kapulungan ay tatawaging Komisyon ng Pilipinas
at ang mga bubuo nito ay hihirangin ng Pangulo ng Estados
Unidos.

Ang Unang Halalan sa Asembliya
Ang unang halalan sa asembliya ay nangyari noong Hulyo, 1907.
Binuksan
ang una nitong sesyon noong Oktubre 16, 1907. Ibat ibang mga
partido pulitikal ang binuo ngunit di naging bukas ang mga ito sa
pagsusulong ng kalayaan.
Patakarang Pangkabuhayan
Ang Batas Payne-Aldrich ay naipasa noong taong 1909 ng Kongreso
ng Amerika
at naglayong papasukin ang produktong Pilipino sa Amerika
maliban sa bigas, asukal at tabako.
Ang Batas Underwood- Simmons ay naipasa noong 1913 ng
Kongreso ng
Amerika at naglayong alisin ang mga restriksiyon sa lahat ng
produktong
pumapasok sa pamilihan ng Pilipinas at Amerika.
Ang Parity Rights ay nagbigay ng pantay na karapatan sa mga
Pilipino at
Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga likas na
yaman ng Pilipinas.
Ang patakaran sa lupa sa panahon ng pamamahala ay nakatali pa rin
sa
sistemang hacienda at inquilino.
Mga Pagbabago sa Edukasyon
Ang mga sundalong Amerikano ay nagsilbing unang guro sa
panahon ng pamamahala ng mga Amerikano bago dumating
ang
mga gurong Thomasites.
Nagkaroon ng mga pensionado o iskolar na Pilipino na nag-aral sa
Estados Unidos at nang lumaon ay humawak ng mahahalagang
tungkulin sapamahalaang Amerikano.
Bagamat matatag na ang pamahalaang sibil sa mga mapayapang lugar,
ang pamahalaang militar ay nananatili pa ring ipinatutupad ng USA sa
ibang bahagi ng kolonya.
Maraming magagandang bagay ang nangyari sa panahon ng
pamahalaang sibil lalo na sa ilalim ng pamamahala ni Gobernador
Heneral Taft. Isa na rito ang pagpapatibay ng Cooper Act na mas
kilala sa tawag na Philippine Bill of 1902.
Nabigay ng Pamahalaang sibil:
1. Paggawad ng mga kaukulang karapatan maliban sa karapatang
panghukuman;
2. Pagtatalaga ng mga Plipinong komisyonado sa US Congress;
3. Pagtatatag ng Philippine Assembly (Asambleya ng Pilipinas) na
kakatawan bilang mababang kapulungan ng lehislatibong sangay
ng Pilipinas at pagpapanatili ng Philippine commission
(Komisyon ng Pilipinas) bilang mataas na kapulungan ng
lehislatibo; at
4. Panangalaga ng mga likas na yaman para sa mga Pilipino.

Pagkakaiba ng Pamahalaang Militar at Pamahalaang Sibil
pamahalaang militar-
walang karapatan o kapangyarihan and mga Tao kung indeklara ito sa
isang lugar dahil mga sundalo lamang sila

Pamahalaang sibil-
maaring namuno ang mga Filipino dahil itatag ito sa pilipinas ng mga
amerikano upang magkaroon ng karapatan mamahala sa sariling bansa

Ang Komisyon ng Pilipinas
Ang Komisyong Schurman (Mayo 4, 1899 Enero 31, 1900) ay
pinamunuan ni Dr. Jacob G. Schurman kasama sina Almirante
George Dewey, Heneral Otis, Charles Denby, at Prof. Dean C.
Worcester. Ang pangunahing layunin nito ay magmasid sa
kalagayang pampulitika ng Pilipinas at magmungkahi ng mga plano
ng Estados Unidos para sa Pilipinas.

Mula sa mga pagsisiyasat ng Komisyong Schurman ay nakabuo ito
ng mga sumusunod na mungkahi.
1. Ang pagsasarili ng Pilipinas ay hindi pa napapanahon.
2. Ang Pamahalaang Sibil ang maaari nang itatag sa Pilipinas
kapalit ng
Pamahalaang Militar.
3. Pagbuo ng Tagapagbatas bilang sangay ng pamahalaan.
4. Pagtatatag ng mga pamahalaang lokal.
5. Pagkakaloob ng mga karapatang sibil para sa lahat.

Ang ikalawang Komisyong pinadala sa Pilipinas ay ang Komisyong
Taft (Hunyo 3, 1900Marso 2, 1901) na pinamunuan ni William
Howard Taft kasama sina Luke E. Wright, Henry C. Ide, Dean C.
Worcester at Bernard Moses. Ang pangunahing layunin ng
Komisyon ay isagawa ang mga hakbang na iminungkahi ng
naunang KomisyonSchurman.

Ang mga sumusunod ay naisagawa ng Komisyong Taft:
1. Pagtatatag ng Pamahalaang Sibil kapalit ng Pamahalaang
Militar.
2. Pagtatatag ng Pamahalaang Lokal, Serbisyo Sibil, at
Konstabularyo ng Pilipinas.
3. Pagganap bilang tagapagpayamapa at tagapagbatas.
4. Pagbibigay ng halagang =P= 2 Milyon para sa paggawa ng mga
tulay at daan.
5. Pagtatatag ng libreng pag-aaral sa elementarya at paggamit ng
wikang Ingles sa mga paaralan.
6. Paghihiwalay sa kapangyarihan ng Simbahan at Estado.

Ang Asembleya Filipina

Ang Batas Pilipinas 1902 o Batas Cooper ay nagtakda ng
probisyon tungkol sa
pagtatatag ng Asembleya Filipina kaya noong Hulyo 30, 1907 ay
naganap ang isang halalan ng mga kagawad ng Asembleya
Filipina. Ito ay pinasinayaan noong Oktubre 16, 1907 sa Manila
Grand Opera House. Nahalal si Sergio Osmea Sr. bilang ispiker at
si Manuel L. Quezon bilang Lider ng Mayorya.

Sa kabila ng pagsisikap ng mga Pilipino sa Mababang Kapulungan
na patunayang may kakayahan sila sa pamamahala ay may
pagsalungat din ang mga Amerikano na nasa Komisyon ng
Pilipinas bilang Mataas na Kapulungan. Ilan dito ay ang
pagpapawalang-bisa sa
1. Batas Sedisyon noong 1901 na nagpaparusa sa sinumang may
papahayag at masusulat ng anumang laban sa pamahalaan ng
Estado Unidos.

Isa sa mga Halimbawa nito ay ang ay ang pahayagang EL
RENACIMIENTO at ang pag papakulong kina TEODORO KALAW at
MARTIN OCAMPO na may 60, 000 multa.

2. Gayon din ang Batas Panunulisan (Brigandage Act) noong 1902
na nagpaparusa ng pagkabilanggo o bubuo ng sandatahang
pangkat upang maiwasan ang paglaban sa kapangyarihan ng
Estados Unidos

Ang halimbawa nito ay ang pag kadakip nila MACARIO SAKAY
(Republikang Katagalugan) at WILLIAM TAFT (Partido Nasyonalista).

3. Batas sa Rekonsentrasyon
Dito sa batas na ito nay naglalayon na hiwalayin ang suportang
matatanggap ng mga rebulusyonaryo sa sibilyan. Ang Halimbawa nito ay
si Miguel Malvar na siyang kauna unahang heneral na sumuko sa mga
Amerikano noong 1900-1901

4. at mayroon ding Batas sa Bandila noong 1907 na nagbabawal
sa paggamit ng anumang sagisag o bandila lalo na ang mga
sagisag ng Himagsikan. Ang halimbawa nito ay ang Bandila ng
Katipunan. ngunit ito ay pinawalang bisa noong 1919.

Maging ang paggamit ngwikang lokal o dayalekto sa pagtuturo ay
hinadlangan ng Komisyon ng Pilipinas.

Ngunit ang mga pagsasalungatang ito ay natapos din noong 1916,
nang pagtibayin ang Batas Jones na nagtatadhana sa pagkakaroon
ng Senado bilang Mataas na Kapulungan na siyang papalit sa
Komisyon ng Pilipinas.

Ang Batas Jones

Noong 1916, napagtibay ang batas na nagbigay ng pag-asa sa
mga Pilipino sa pagkakamit ng kalayaan kung mapapatunayan
nilang may kakayahan na sila sa pagsasarili. Sa pamamagitan ni
Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia ay nilagdaan ni
Pangulong Woodrow Wilson ang batas noong Agosto 29, 1916.

Ayon sa Batas Jones, kailangang masanay ang mga Pilipino sa
kanilang sariling pamamahala lalo na sa paggawa ng batas. Subalit
nanatiling Amerikano pa rin ang may hawak ng Sangay
Tagapagpaganap at sila pa rin ang tutukoy sa kahandaan ng mga
Pilipino. Samakatuwid, walang katiyakan ang kalayaan sa ilalim ng
Batas Jones.

Ang Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings-Mc Duffie
Sinasabing ang Batas Tydings-Mc Duffie ay halos kopya lamang ng
Batas Hare-Hawes-Cutting.

Ang parehong Batas ay nagsasaad ng mga sumusunod: (1)
Pagbabago ng Kumbensyong Konstitusyonal na bubuo ng
Saligang-Batas para sa Pilipinas; (2) Ang nabuong Saligang-Batas
ng Pilipinas ay lalagdaan ng Pangulo ng Estados Unidos; (3)
pagdaraos ng isang plebisito upang maiharap at mapagtibay ng
sambayanan ang Saligang-Batas; (4) Pagpapahayag ng Kalayaan
ng Pilipinas matapos ang 10 taong transisyon sa pamamahala.

Ayon Kay Quezon hindi mainam ang ilang probisyon ng Batas
Hare-Hawes-Cutting tulad ng: (1) Pananatili ng mga base-militar sa
Pilipinas; (2) Hindi patas na kalakaran sa pagitan ng Pilipinas at
Estados Unidos at: (3) Ang mga limitasyong nakapaloob sa
pagpasok ng mga Pilipino sa Estados Unidos ay luluwagan: at (4)
Pagkakaroon ng makapangyarihang Komisyonado mula sa
Amerika.

Nagkaroon ng matinding sigalot sa pagitan ni Osmea at Quezon
dahil sa usapin ng Pro-Hare-Hawes-Cutting Law at Anti-Hare-
Hawes-Cutting .

Pagdating ni Quezon sa Estados Unidos ay lubha siyang nahirapan
sa kanyang misyong pangkalayaan dahil may mabigat na isyung
pangkabuhayan sa Estados Unidos. Ngunit sa kabila noon ay
nagsikap si Quezon na makakuha ng suporta mula kina Senador
Millard Tydings at Kinatawan John Mc Duffie. Noong Marso 24,
1934, nilagdaan ni Pangulong Roosevelt ang Batas Tydings-Mc
Duffie.

C. ANG SALIGANG-BATAS NG 1935 AT ANG PAMAHALAANG
KOMONWELT

Nang mapagtibay ng Lehislatura ng Pilipinas ang Batas Tydings-
Mc Duffie, kaagad itinatag ang Kumbensyong Konstitusyonal
noong Hulyo 10, 1934. Naganap ang halalan para sa dalawandaan
at dalawang (202) delegado. Napili na Pangulo ng Kumbensyong
Konstitusyonal si Claro M. Recto.

Ang mga nilalaman ng Saligang-Batas ng 1935 ay halos mula sa
Saligang-Batas ng Estados Unidos maliban sa pagkakaroon ng
isang Kapulungan sa Lehislatura (Unicameral National Assembly).
Sinikap ng mga Pilipino na makabuo ng Saligang-Batas na
katanggap-tanggap sa Pangulo ng Estados Unidos dahil ito ay
isang proseso na dapat mangyari upang makalaya ang Pilipinas.
Pinagbatayan din ang mga Saligang-Batas ng Biak-na-Bato at
Malolos, ang mga nagawa ng Komisyong Schurman at Taft, ang
Batas Jones, at iba pang batas na nabuo ng mga Pilipino.

Noong Marso 8, 1935 natapos ang Saligang-Batas ng 1935.
Pinirmahan ito ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt noong
Marso 23, 1935, at napagtibay sa pamamagitan ng plebisito noong
Mayo 14, 1935.

Ang prosesong pinagdaanan sa paggawa ng Saligang-Batas ng
1935 ay ang mga sumusunod:
1. Paghalal sa mga delegado ng Kumbensyong Konstitusyonal na
gagawa ng Saligang-Batas ng 1935
2. Pagsulat at pagbuo ng mga delegado Saligang-Batas
3. Pagdaraos ng plebisito upang mapagtibay ang Saligang-Batas
4. Pagpapatibay at pag-iral ng Saligang-Batas ng 1935 bilang
batayan sa Pamahalaang Komonwelt
5. Pagpirma ng Pangulo ng Estados Unidos sa Saligang-Batas ng
1935

Pinasinayaan noong Nobyembre 15, 1935 ang Pamahalaang
Komonwelt sa pamumuno nina Manuel L. Quezon at Sergio
Osmea bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.