Anda di halaman 1dari 12

Ang mga Rebolusyonaryo at ang Kanilang Suplay ng Bigas

I. Panimula


Sinasabi na ang sining na gaya ng musika, sayaw at panitikan ay sumasalamin sa mga
pangyayari sa loob ng isang panahon,sa mga okasyong dapat ipagdiwang at ipagluksa,
replekyson din ng damdamin,panaginip, pangarap at pagnanais ng mga mamamayan, ang
mga itoy masasabing mahalagang bahagi ng buhay ng tao at naging mahalaga rin sa mga
rebolusyonaryo bilang bukal ng kanilang mga lakas at inspirasyon sa gitna ng mainit na
pakikipaglaban laban sa mga Espanyol. Ang kaluluwa ng mga Filipino ay masasabing malakas
ngunit sa kabila ng tapang ng kalooban at isip,ang kanilang katawan ay kailangan din ng sapat
na pagkain. Ang katawan ng tao ay gaya ng isang makina na kailangan ng panggatong upang
makakilos at makagawa.Ang katawan na walangg sapat at masustansiyang pagkain ay
babagsak pagkalaon,magiging yayat at mahina. Ang mga rebolusyonaryo noong 1896 ay may
matinding determinasyong mapalaya ang bayan sa kanyang pighati.Busog sa mga panulat at
musika na nagpapaigting sa kanilang pagnanais na lumaban sa kabila ng kalulangan sa
kaalamang pang militar at kalulangan ng malalakas na armas. Sa ano pa mang digmaan o
sagupaan ang pagkain ang isa sa mga mahahlagang pangangailangan,maraming mga bagay
ang maaring pagtiisan ngunit marahil isa sa mga pinakamahirap ipagwalang bahala ay ang
matinding kalam ng sikmura habang nakikipagtuligsaan sa mga kalaban.Sa Pilipinas karaniwan
ng kumakain ng nilutong bigas o kanin ang mga Pilipino,kinakain sa umaga ,sa tanghali at sa
hapunan at minsan ay sa merienda na tinatawag na pamamahaw kaya masasabi na ang
bigas o kanin ang pinakamahalagng pagkain sa hapag ng mga Pilipino. Maraming halaman,
gulay , prutas o mga lamang-ugat ang kinakain ng mga Pilipino ngunit ang kahalagan ng bigas
o kanin ay di matatawaran, ang isang Pilipino noon at ngayon ay di mabubuhay na walang
bigas at ang isang kainan ay hindi kompleto kung walang kanin na nakahain.Kaya nga na ang
pagkapeste o pagkasira ng mga pananim na palay ay nangangahulugan ng matinding tagutom
noong panahon ng mga Espanyol. Ayon sa mga istatistika , noong taong 2010 ang Pilipinas ay
pumangwalo sa mga bansang may pinakamalaking ani ng bigas sa buong mundo
1
at
nakapagtatakang nanguna naman sa mga bansang may pinakamalaking inangkat na bigas sa
buong mundo
2
. Taong 1870 nagsimulang umangkat ang Pilipinas ng bigas.Ayon sa mga pag-
aaral sa kabila ng pagiging Agrikulturang ekonimiya ng Pilipinas,kahit kailan ay hindi naging
sapat ang suplay ng bigas para sa mga mamamayan.Ang Pilipinas ay patuloy na umaangkat sa
ibang mga bansa sa Timog Silangang Asya upang matugunan ang pangangailangan sa bigas
at ang kalulangan na ito ay makikita na noong panahon ng mga Kastila at maging hanggang
sa pananakop ng mga Amerikano.Ang mga sinasabing mga kadahilanan ng kakulangan na ito
ay ang makalumang pamamaraan ng pagsasaka,kakuangan sa abono at irigasyon at lalo na
ang sistemang kasama sa poagsasaka na nagpaplubog sa mga magsasaka sa utang at
sumusupil sa kanilang kagustuhan makapagtanim at umani ng mas marami.
3
Kung sa
pangkaraniwang pagkakataon o panahon ay may kalulangan sa bigas masasabing mas higit na
naging mahirap ang pagtugon sa pangangailangan sa bigas ng mga pangkaraniwang
mamayan sa panahon ng himagskan o pagaalsa.At kung naging mahirap ito para sa

1
http://www.mapsofworld.com/world-top-ten/countries-with-most-rice-producing-countries.html ( hinango noong
Marso,25,2012 )
2
http://uk.reuters.com/article/2011/01/28/uk-rice-exporters-idUKTRE70R1LY20110128?pageNumber=1 (hinago
noong Marso ,25,2012)
3
Jose, Ricardo. The Rice Shortage and Countermeasures during the Occupation, The Philippines under Japan;
pahina 197
ordinarong Pilipino , masasabi nating higit ang paghihirap ng mga maghihimagsik upang
magkaroon ng sapat na suplay ng bigas noong uanag bugso ng Himagsikang Pilipino laban sa
mga Espanyol.


Kaligirang Pangkasaysayan

Pag nababangit ang salitang rice sa Pilipinas,maari ito ang bigas o ang husked rice o ang
unhusked o ang palay at kanin o cooked rice. Ang palay ay isang halaman sa pamilya ng mga
damo na isang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng maghigit sa kalahati ng populasyon
ng tao sa buong mundo laong lao na sa kontinente ng Asya. Ang palay ang ikatlong
pinakamalaking paninim, pagkatapos ng mais at trigo. Kahit na tubo ito sa Timog Asya at ilang
bahagi ng Aprika, naging karaniwan na sa maraming kultura ang pagkalakal at eksportasyon
nito sa mga nakalipas na mga dantaon.

Libong taon na ang nakararaan nagtatanim na ng palay ang mga Pilipino. Ilan sa patunay nito
ay ang mga hagdang-hagdang palayan na inukit ng mag sinaunang Pilipino sa mga
kabundukan ng Hilagang Luzon.Marami ring mga alamat ang mababasa tungkol sa
pinagmulan ng palay at bigas sa Pilipinas. Dahil ang bigas ay mahalaga sa kanilang hapag at
kultura.maraming mga kuwento ang mga sinaunang Pilipino upang ipaliwanag kung bakit
nagkaroon ng bigas sa kanilang mga lugar. Sa alamat ng mga Aeta, 3 poon din ang nagbigay
ng kanin, ang akala nila puting uod, bago itinuro sa tao kung paano magtanim, magluto at
kumain ng bigas. Batay sa pananaliksik Shutler, maaaring nagsimula ang pagtatanim ng bigas
sa Pilipinas noon pang 3200 BC Andarayan.Ang bigas ay isang isang uri ng damo na maselan
at nangangailangan ng miangat na pagaalaga.Kailangan ng mausing pagbabantay sa suplay
na tubig ng pananim,kailangan din ng pangangalaga laban sa mga peste at mga mapinsalang
damo.Kya ang pagbabantay na ito ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng mga
permanenteng tirahan ng mga tao upang makapagtanim at mapagani ng mahusay.At dahil
nakatigil na ang tao sa isang lugar, nabubuo ang mga komunidad. At mula rito ay ang
istruktura ng komunidad na ito katulad ng pamumuno, mga alituntunin sa pamumuhay na
magiging mga batas, at mga kaugalian. May malaking pagpapahalaga Pilipino sa bigas
katunayan rito ang malaking paggalang ng mga Ifugao sa kanilang Bul-ol o diyos ng palay.At
sa paglipas nga ng panahon unti-unting naging bahagi ng buhay ng bawat Pilipino at
pagtatanim at pagkain ng bigas.
Isa sa mga nagaral tungkol sa mga variety ng bigas sa Pilipinas ay si Padre Manuel
Blanco. Kanyang isinulat na may siyam na klase ng bigas sa Pilipinas na tumutubo sa matubig
o di kaya mataas at tuyong lugar sa bansa.Ang mga tumutubo sa matubig na lugar ay ang
Oryza sativa Binambang (binambang rice), Oryza Sativa Lamuyo ( Lamuyo rice ), Oryza sativa
Glutinosa ( Glutinous rice), and Oryza aristata ( Aristata rice).Ang Oryza sativa Praecox (Early
rice), Oryza sativa Quinanda ( Quina rice), Oryza sativa Pilosa ( Hairy Rice), Oryza sativa Rubra
( Red rice ), and Oryza sativa violacea ( violet rice) ay kabilang naman sa mga tumutubo sa
mataas at tuyong lugar. Ayon kay Padre Blaco, ang Oryza sativa Lamuyo ay ang karaniwang
itinatanim sa bansa.
4
Hanggang sa paglipas ng panahon ang bigas na ang naging pangunahing
pagkain ng mga Pilipino at pangunahing oananaim ng mga magsasaka.

4
Bulalacao, Lolita. Rice Culture in the Philippines:
Crystallized in the National Museum Collections ,http://www.asiarice.org/sections/whatsnew/othersd.html
(hinango Marso 25, 2012)

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Ang bigas ay naging paksa na ng ibat-ibang pagaaral dahil ito ay itinuturing na isa sa mga

pangunahing pagkain sa mundo at sa Pilipinas ay karaniwang n gang mga lupa ay tinatamnan

lamang ng palay.Sa pagaaral ni Rodriguez, sinasabi nito na mula sa communal ownership at

shifting Cultivation sa pagsasaka, napilitan ang mga Pilipino na magtanim sa buong taon ng

palay upangmatugunan ang pangangailanga ng mga Espanyol sa pagkain at upang

makapagbayad ng buwis sa pamahalaan.
5
Ayon naman kay Coulter, bago dumating ang mga

Amerikano nagkaroon ng malaking tag-gutom sa Pilipinas dahil sa pagkasira ng mga pananim

na mga palay.Ang mga tao ng mga panahon na iyon ay napilitang kumain ng buto ng

Amorseko upang malamnan ang kanilang mag sikmura,marami ang mga nangamatay at

nagkasakit.
6
Sa kanyang nobelang El Filibusterismo, ipinakita ni Rizal kahirapan ng mga

Pilipino upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na makakain.Maliban sa pagkamatay

ng mga hayop,bumaba ang presyo ng asukal,nangamatay ang mga hayop at higit sa lahat

nasira ang higit sa kalahati ng mga palayan.Maliban pa sa patuloy na pagtaas ng buwis

atpagmamalupit ng mga Guardia Sibil.
7



5
Rodriguez, Felix. Land and the Philippine Revolution : An Ecologists Perspective,Philippine Centennial Paper
,pahina 200

6
J. G. Coulter, 1903. Twenty chapters of a nature-study reader for the Philippine islands ,pahina 47

7
Rizal,Jose. El Filibusterismo. pahina 38

Pinakikita ng mga pag-aaral na ito ang di sapat na suplay ng bigas noong pa mang
bago pumutok ang Rebolusyon Pilipino ng 1896. Sabi nga sa isang kasabihan, ang isang hukbo
ay sumusulong gamit ang kanilang mag sikmura. Noong panahon ng Digmaang Sibil sa
Amerika, mahalaga ng ginampanan ng pagkain at tubig upang magpatuloy ang mga sundalo
sa labanan.Kung walang pagkain babagsak ang mga hukbo at kung walang
pagkain,walang lalaban.



Kahalagahan ng Pag-aaral at Metodolohiya

Ang papel na ito ay tatalakay sa suplay ng bigas ng mga rebolusyonayong Pilipino noong 1896
hanggang 1897.Kabilang na rin sa tatangkain nitong ipaliwanag ang pinangagalingan ng bigas
(mga tao o lugar), ipapakita rin kung sapat ba o kulang ang suplay ng bigas at ang
kahalagahan ng bigas sa pagtatagumpay o pagkabigo ng rebolusyon noong 1896.Gagamit din
ng mga primaryang batis upang maipaliwanag at maipakita ang mga nabanggit.Ang mga batis
ay mula sa mga bahagi ng gunita, autobiography at mga akto, kautusan at liham patalastas ng
mga lider at iba pang tauhan ng rebolusyon. Ang pag-aaral ay limitado dahil sa kakaunting
primaryang batis na at ito ay hindi tatalakay sa mga eksaktong istatistika o bilang mga mga
na-produce na bigas noong panahon 1896 hanggang 1897 at hindi rin tatalakay sa kabuan ng
bansa.





II. Ang Bigas at Himagsikan

Noong 1870 nagsimulang umangkat ng bigas sa Tsina ang Pilipinas ,dahil sa mga makalumang
mga pamamaraan ng pagsasaka ,peste at mga kalamidad bumagsak ang produksyon ng mga
magsasaka.Mraming mga Pilipino ang naghirap at nagutom a pagkalipas ng dalawang taon
nagkaroon ng pag aalsa sa lalawigan ng Cavite na sinasabing simula ng pagkabuhay ng
nasyonalismo ng mga Pilipino.At ng pumutok ang rebolusyon noong 1896 nagkaroon ng mas
matinding kalulnagan sa bigas dahil sa pagkabalam ng pagsasaka at pagsali ng mga
mamamayan sa paghihimagsik. Nagkaroon ng mataas na pangangailangan sa bigas at dahil
kakaunti ang mapapagkunan,naging mataas ang presyo nito sa merkado.Ang mfa instsik na
umaangkat ng bigas mula sa karatig na mga bansa ay nagkaroon ng malaking tubo sa
pamimili at pagbibili ng bigas. Pinamamahalaan naman ng mga negosyantenh Tsino ang
pakikipagkalakalan na ito.Ilan sa kanila ay nagkamal ng malaking salapi dahil sa taas ng
presyo ng bigas.
8
Dahil sa kaguluhan naging mas mahirap para sa mga rebolusyonaryo na
makakuha ng bigas.Humingi ng tulong ang mga maghihimagsik sa mamamayan at ilan sa
kanilang nagbigay ng malaking tulong maging itoy mapanganib. Ilan sa mga nagbigay na
tulong sa mga mga rebolusyonaryo ay sina Apolonio Samson at Melchora Aquino o Kabesang
Melchora. Binuksan nila ang kanilang imbakan ng mga bigas at nagbigay ng ilang hayop upang
magsilbing pagkain ng mga maghihimagsik.Si Apolonio Samson din ay nagbibay kasama ng
kanyang mga kapitbahay at kaibigan ng palay at mga kalabaw upang katayin at isang-daang
bolo bilang armas.
9
Maraming pang mga tao ang tumutulong sa hukbong Pilipino, mga

8
Wickberg, Edgar, Chinese in Philippine life, 1850-1898 (1965)pahina 47

9
Alvarez,Santiago (1992) .The Katipunan and the Revolution: the memoirs of a general, translated by Paula
Carolina S.
magsasaka at mga karaniwang mamayan.Kabilang din sa nagbukas ng kanilang mga imbakan
ng bigas para sa mga rebolusyonaryo ay sina Macaria Geronimo at ang ina ni Aguinaldo na si
Trinidad Famy
10
. Dahil sa mga tulong na ito naging sapat ang bigas at iba pang pagkain ng
mga hukbo ng mga maghihimagsik sa unang bahagi ng rebolusyon.Paglaon,
sa kainitan ng labanan mapapansin na di na sapat ang kanilang pagkain. Ang rebolusyonaryo
ay pumipila upang mabigyan ng kanilang maliit na rasyongng kanin gamit ang kalahating bao
ng niyog bilang panandok.Karaniwan na ang pagkain aay kanin lamang at walang kalahok na
isda o asin man lamang.
11
Kapos ang bigas ng mga rebolusyonaryo,isa ng patunay ang
kawalan ng bigas na sa kanilang sisidlan nila Baldomero Aguilnado at mga kasamahan sa isang
labanan na nagresulta sa kanilang malungkot na tawanan.
12
Sa tuwi-tuwina sila ay sumasala sa
oras ng pagkain. Ayon kay Gregoriade Jesus,minsan nararanasan niyang matulog sa lupa at di
makakain sa loob ng ilang araw pag silay nasa labanan.
13
Dahil sa pagpalipat-lipat nila ng lugar
sila ay nakahihingi ng tulong sa mga baying kanilang dinadaanan. Dahil sa kawalan ng
makakain ng mga sundalo,sa kanilang pagdako sa Minuyan sa Bulakan,ang hukbo ni General
Del Pilar ay humingi ng tulong kay Koronel De los Reyes upang silay makakain at magkaroon
ng suplay sa mga susunod pang mga araw. Ang katipunerong sina Leocadio Garcia at
Francisco Aquino ang naatasang mahingi ng abuloy sa mga mamamayan.Sa kanilang
pagsisikap sila ay nakakalap ng isang daan at dalawamput limang kabang bigas na dinala sa


Malay,pahina 18-19

10
Camagay, Maria Luisa , Kababaihan sa Rebolusyon
11
Alvarez,Santiago (1992) .The Katipunan and the Revolution: the memoirs of a general, translated by Paula
Carolina S.

Malay, pahina 148

12
Ibid. pahina 360
13
De Jesus,Gregoria (1932). Mga tala ng aking buhay at mga ulat ng Katipunan
Minuyan ng 139 tao.
14


Sa kalagitnaan ng 1897,dahil sa patuloy na kalulangan ng bigas sa Batangas at pagdami ng
mga refugee, nagkaroon na rin ng kalulangan ng pagkain sa Cavite. Inatasan ni General
Aguinaldo ang kanyang mga sundalo upang mangolekta ng palay sa baryo ng Santa Cruz de
Malabon.Ngunit dahil naging mahigpit ang kampanya ng mga Espanyol sa mga rebolusyonaryo
hidi nagtagal ang kalarakang ito.Ang bigas ay kanilang nakukuha sa mga tindahan sag gawing
kanluran at timog ng lalawigan na di pa napapasok ng mga puwersang Espanyol.
15

Upang masiguro ang regular na suplay ng bigas at pagkain ng mga hukbo sa
labanan,nagpalabas ng kautusan si Cayetano Topacio na nagsasabi na ibibigay ng mga
magsasaka sa puwersang rebolusyonaryo ang kalahati ng kanilang mga ani.Dahil naging mas
mataas ang pangangailangan sa pagkain ng mga huko,iniutos ulit niyang taasan ang parte ng
rebolusyon,mula kalahati hanngang sa tatlong bahagi noong Enero 9 ,1987.
16
Pagkatapos nito,
nagbaba ng kautusan si Heneral Aguinaldo noong ika-sampu ng Nobyembre,1897 na
nagsasabing kailangan magbigay ng kontribusyon ang mga mamayaman ng isang ganta ng
bigas o dalawang ganta ng palay buwan-buwan upang mayroong makain ang mga
rebolusyonaryo.Ang mga pinuno ng mga baryo ang inataasang mangolekta ng mga
kontibusyon at ang pinuno ng bawat bayan ang magtatala sa mga pangalan ng mga nagbigay
at hindi nagbigay.Ang mga pangalan ng mga hindi nakpagbigay ay iuulat sa mga pinuno

14
Alvarez,Santiago (1992) .The Katipunan and the Revolution: the memoirs of a general, translated by Paula
Carolina S. Malay, pahina 454

15
May, Glenn Anthony. Civilian flight during the Philippine Revolution of 1896: The Philippine revolution of 1896:
ordinary lives in extraordinary times, ed. Felipe Radao at Felice Noelle Rodrguez,Asociacin Espaola de Estudios
del Pacfico.
Conference ,pahina 134-135
16
Achutegui, Pedro and Bernad, Miguuel Anselmo (1972),Aguinaldo and the revolution of 1896, pahina 189
upang mabigyan ng karampatang parusa.Ang mga lalabag ay maaring makulong o
maparusahan.
17



III. Konlusyon

Sa panahon ng digmaan ,ang pagkain ay isang mahalagng sandata upang magwagi sa
labanan. At sa kaso ng Pilipinas,ang bigas ay may malaking ginampanan. Dahil sa kawalan ng
kontrol sa pagkain at pagkabalam ng pagsasaka, naging mahirap sa mga rebolusyonaryo na
makahanap ng sapat na pagkain lalo na sa sa patuloy na pagtugis sa kanila ng puwersang
Espanyol.Hindi man sapat ang nasusulat sa kalagayan ng kalusugan ng mga
maghihimagsik, malaki ang epekto ng di sapat na pagkukunan ng bigas sa kanilang lakas at
giting sa pakikipaglaban.Malaki man ang naimbag ng mga non-combatant na Pilipino sa
pagbibigay ng bigas sa kanilang mga nakikipaglabang kapatid,sa kalaunan ay hindi rin ito
naging sapat. At panahon ng matinding kagipitan, maging sila ay inipit ng mga kautusang
nagpapataw ng kaparusahan sa sinumang di makapagbibigay ng makakain sa mga
rebolusyonaryo.Ang kanilang inaasahang magliligtas sa kanila sa matagal ng kagutuman at
pagkabusabos ay siya pa lang magnanakaw sa kanilang isuusbong kanin sa kanilang mga
bibig. Ang mga karanasan at salaysay ng mga tauhan ng rebolusyon ay pagpapatunay na
bukod sa mahalaga ang bigas sa pagpapatuloy ng paghihimagsik ngunit nakalimot din ang
mga pinuno ng rebolusyon na mahalag din ito para sa patuloy na pahinga ng mga karaniwang
mamamayan.

17
Order of Pres. Emilio Aguinaldo calling upon all persons to contribute to the support of his troops, 10 November 1897
Philippine Revolutionary Records, Folder No. 1011, Document No. 3, Roll No. 61.

Sanggunian

Alvarez, Santiago (1992) .The Katipunan and the Revolution: the memoirs of a general,
translated by Paula Carolina S. Malay
Achutegui, Pedro and Bernad, Miguuel Anselmo (1972),Aguinaldo and the revolution of 1896
Bulalacao, Lolita. Rice Culture in the Philippines:Crystallized in the National Museum
Collections, http://www.asiarice.org/sections/whatsnew/othersd.html (hinango Marso 25,
2012)
Camagay, Maria Luisa , Kababaihan sa Rebolusyon
Coulter, J. G (1903), Twenty chapters of a nature-study reader for the Philippine islands
De Jesus,Gregoria (1932). Mga tala ng aking buhay at mga ulat ng Katipunan
http://www.mapsofworld.com/world-top-ten/countries-with-most-rice-producing-
countries.html ( hinango noong Marso,25,2012 )
http://uk.reuters.com/article/2011/01/28/uk-rice-exporters-
idUKTRE70R1LY20110128?pageNumber=1 (hinago noong Marso ,25,2012)
Jose, Ricardo. The Rice Shortage and Countermeasures during the Occupation, The Philippines
under Japan
May, Glenn Anthony. Civilian flight during the Philippine Revolution of 1896: The Philippine
revolution of 1896: ordinary lives in extraordinary times, ed. Felipe Radao at Felice Noelle
Rodrguez,Asociacin Espaola de Estudios del Pacfico. Conferenc
Order of Pres. Emilio Aguinaldo calling upon all persons to contribute to the support of his
troops, 10 November 1897
Philippine Revolutionary Records, Folder No. 1011, Document No. 3, Roll No. 61.
Rizal,Jose. El Filibusterismo
Rodriguez, Felix. Land and the Philippine Revolution: An Ecologists Perspective,Philippine
Centennial Paper
Wickberg, Edgar, Chinese in Philippine life, 1850-1898 (1965)

Ang Mga Rebolusyonaryo At Ang Kanilang Suplay Ng Bigas












Rommel Borromeo Cristobal

Masterado sa Kasaysayan

Unibersidad Ng Pilipinas-Diliman











Kasaysayan 207: Philippine Revolution 1896-1897
Prof. Ma. Luisa T. Camagay, PhD
April 2, 2012

Anda mungkin juga menyukai