Anda di halaman 1dari 2

Awit at Korido

Posted by Bokals on Friday, September 10, 2010


Labels: Awit at Korido
Awit at Korido

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang madaling
mapalaganap at maipamulat ang Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan naman ang kanilang
hilig na mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na awit at Korido. Naging kilala
ang mga ito, at naging mainam natagapag-ugnay sa mga manunulat at mambabasa. Dahil dito,
ipinalagay ng mga dayuhan na ang mga ito ay ligtas at nakakatuwang libangan.

Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong ng mga ito ay may natatanging
bilang o sukat at may magkakasintunog o magkakatugmang mga pantig. Ang Korido ay salaysay sa
pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan.
Ang awit namay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang
sangkap na kababalaghan.

Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siya marahil
ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive
work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na
naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil nagbalat-kayo na
ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may maraming
tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa im espanya.

Isa sa mga halimbawa ng korido ay ang Ibong Adarna. Binubuo ito ng 1,172 na saknong. Ito ay
tumatalakay sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit napapalooban ng mga aral sa totoong
buhay. Isinasaad din sa akdang ito kung sa papaanong paraan malalagpasan ang mga pagsubok na
kalimita'y dumadaig sa tao. Bagamat kilala ang akda, hindi tiyak ang taong sumulat nito. Sinasabing ito
ay nagpasalin-salin na lamang mula sa maraming taong nagsalaysay. Dahil dito, ang Ibong Adarna ay
tinawag na sanaysaying-bayan.

Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido

Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:

1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit

2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa allegro, samantala ang awit ay
may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya allegro

3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga
mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob ditto

Kategorya ng Awit at Korido

Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala sa Pilipinas. Karaniwang
nakasaad ang lagom [summary] ng akda, ang halaga niyon sa panitikan, at ang mga kritikang lumabas
hinggil sa naturan. Halina't makiisa sa pagbubuo ng nilalaman nito.

Katangian ng awit at korido

Ang korido ay isang tulang panrelihiyon. Ang awit ay isang tulang nagsasaad ng kabayanihan.

Mga Halimbawa ng Korido:

Ibong Adarna, Don Juan Tioso, Don Juan Teoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang
Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni
Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas

Mga Halimbawa ng Awit:

Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na
Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa
Clariana

Anda mungkin juga menyukai