Anda di halaman 1dari 3

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Ingles: People Power

Revolution), na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang


demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang
Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos
protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno niFerdinand Marcos, lalo na
noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-
mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot
ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang
paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga
demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan
sa Kalakhang Maynila.

Ang Rebolusyon sa EDSA
Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksiyon, nagbalak ang ilang
mga sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si Juan
Ponce Enrile, na pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad, nalaman
ni Marcos ang balak na ito, at agad na pinag-utos niya ang pagdakip sa mga pinuno
nito. Dahil nahaharap siya sa napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong si
Enrile sa AFP Vice- Chief of Staff na si Lt Gen Fidel Ramos. Pumayag si Ramos na
magbitiw sa kaniyang puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo. Kinausap
din ni Enrile ang Arsobispo Katoliko ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin para sa
suporta.
Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos sa Kampo
Aguinaldo. Ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa puwesto sa gabinete ni Marcos at
ang kanilang pagtiwalag sa suporta ng gobyerno. Nagpatawag din ng sariling press
conference si Marcos at sinabi niya kay Ramos at Enrile na sumuko na lang, at "tigilan
ang kamangmangang ito."
[7]

Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radio Veritas na pinapatakbo ng
Romano Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na pumunta sa
EDSA para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa Kampo Crame at Kampo
Aguinaldo sa pamamagitan ng iba't ibang bagay na makakatulong sa kanila, tulad ng
pagbibigay ng pagkain at ng iba pa nilang pangangailangan. Sa kabila ng
kapahamakan na maaaring dumating sa kanila laban sa puwersa ng gobyerno,
nagpunta ang mga sibilyan, maging ang mga madre at pari, sa EDSA.
Malaki ang bahagi ng Radio Veritas sa rebolusyong ito. Ayon sa dating pangulo ng
Unibersidad ng Pilipinas na si Francisco Nemenzo, magiging imposible na hikayatin ang
mga tao na makilahok sa rebolusyong ito sa ilang oras lamang kung wala ang Radio
Veritas.

Ang lumalaking suporta ng masa
Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong katao
ang pumuno sa EDSA mula sa Abenida Ortigas hanggang Cubao. Ang larawan ay sa
itaas ay nagpapaita ng panulukan ng EDSA at Abenida Bonny Serrano, sa pagitan ng
Kampo Krame at Kampo Aguinaldo.
Noong madaling araw ng Linggo, 23 Pebrero 1986 pumunta ang mga sundalo ng
gobyerno para wasakin ang transmisor ng Radyo Veritas, at dahil doon marami ang
mga tao sa probinsiya ang hindi makasagap ng impormasyon. Dahil dito napilitan ang
estasyon na gamitin ang pangalawa (backup) nitong transmisor na mayroong mas maliit
na sakop ng brodkast. Naisipan ng gobyerno na gawin ang aksiyong ito dahil mahalaga
ang Radio Veritas sa pakikipagtalastasan sa mga tao na sumusuporta sa mga
rebeldeng sundalo. Nagbibigay ng impormasyon ang himpilang ito tungkol sa mga
pinakahuling galaw ng sundalo ng pamahalaan at ito din ang nagsisilbing daan upang
manawagan sa pangangailangan ng pagkain, gamot at mga suplay.
Sa kabila nito, marami pa rin ang mga tao na dumagsa sa EDSA. Umabot sa daang libo
ang mga tao na walang dalang ibang sandata. Ang ilan sa kanila ay may dala ng
rosaryo at imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok sa malawakang pagdarasal
(prayer vigil) sa pamumuno ng mga pari at madre. Marami naman ang gumawa ng mga
harang o barikada gamit ang mga sako ng buhangin at mga sasakyan sa mga kanto sa
kahabaan ng EDSA katulad ng Santolan at Abenida Ortigas. Marami ding grupo ang
kumanta ng "Bayan Ko"
[8]
, na, simula pa noong 1980 ito ang naging makabayang awit
ng oposisyon. Marami ding tao ang gumamit ng sagisag pang-kamay (hand sign) ng
LABAN
[9]
; na ang hinlalaki at hintuturo ay bubuo ng letrang "L".
Noong araw ding iyon bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa kabilang kampo.
Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa
pagitan ng mga maraming tao na nagsusuporta sa kanila.
Binalita ng Radyo Veritas noong hapon na iyon na may mga batalyon ng Marines na
papunta sa dalawang mga kampo sa silangan, at mga tangke na papunta mula sa
hilaga at timog. Dalawang kilometro mula sa mga kampo, hinarang ng libo-libong mga
tao ang isang batalyon ng tangke na nasa pamumuno ni Brigadier General Artemio
Tadar sa Ortigas Ave.
[10]
Nagsiluhuran ang mga madre at nagdasal ng rosaryo, at
nagkapit-bisig ang mga tao para harangin ang mga sundalo.
[11]
Sa kabila ng banta ni
Tadar sa mga tao ay hindi sila umalis. Walang nagawa ang mga sundalo sa
situwasyon, at di nagtagal umurong na lang sila ng hindi man lang nagpapaputok.
Noong gabing iyon ay bumigay na rin ang transmitter ng Radyo Veritas. Bandang
hatinggabi ay lumipat ang mga tripulante sa isang lihim na lugar para magpatuloy sa
pagbo-broadkast, sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido. Si June Keithley ang
brodkaster na nagpatuloy sa programa ng Radio Veritas sa bagong estasyon sa
nalalabing mga araw ng rebolusyon.