Anda di halaman 1dari 2

Sona 2014

Ito ay ang Ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino.
Sinimulan niya ito sa mga pagbanggit ng mga problema sa bansa. Kabilang dito ang
katiwalian at kahirapan dahil sa kawalan ng tiwala sa isat isa. Isinabi niya na malinaw
ang aking layunin ang paglingkuran ang taumbayan. Dapat paglingkuran ng gobyerno
ang taumbayan sa lahat ng panahon. Mabuting pamamahala dahilan kung bakit mas
natutugunan ang mga problema ng bansa.
Bigyan mo ng isda ang tao, mapapakain mo siya ng isang araw. Turuan mong
mangisda , habang buhay niyang mapapakain ang sarili niya Iyon ang ginawa ng
programa ng TESDA. Dahil sa tulong ng DAP sa pamamagitan ng TESDA, mahigit
146,731 na ang bilang ng nakapagtapos.
Nasimulan na ang Expanded Conditional Cash Transfer Program. Ang Poverty
Incidence ay mas mababa noong 2013 kumpara noong 2012. Napalawak rin natin ang
mga serbisyo nang hindi nagtaas ng buwis . Koleksyon ng buwis ay naitaas noong
2013. Nabayaran rin natin ang 40 billion na utang. Ang Credit Ratings ng bansa ay
gumanda kaya mas marami nang namumunuhan sa bansa.
Kasunod naman ang lagay ng aiport ng bansa. Aviation Industry sa ilalim ng ating
administrasyon ay mas maganda at makakatulong ito sa turismo ng bansa. Mas bukas
ang Pilipinas sa negosyo sa labas man o loob. Bilang ng mga strike sa bansa noong
2013 ay mas mababa na kaysa noong nakaraang taon at ito ang pinakamababa sa
kasaysayan.
Ang katiwalian sa DPWH ay inayos ni Sec. Singson. Budget para sa impratruktura ay
tinaas ngayong 2014. Umabot nang 12,184 km ang naipaayos at napalawak na mga
kalsada Pitong proyekto ang nailunsad sa tulong ng Private Sector. Ang TPLEX ay may
isa pang bahagi na matatapos bago matapos ang taon. Ipinagmalaki na rin ang ibat
ibang proyektong pangkalsada.
Ang nakakaambang problema sa suplay ng tubig ay ginagawan na ng paraan ng
gobyerno sa pamamagitan ng mga ibat ibang proyekto. Isinama na dito ang sinimulang
alternatibo sa EDSA para mapabilis ang biyahe ng mga Pilipino.
Ipinagmalaki niya ang rehabilitation sa panahon ng kalamidad. Sa mga nangyayari sa
Zamboaga, nagpasalamat sa hanay ng mga sundalo. Ang mga naapektuhan ay
nagsimula nang lumipat sa Relocation Site. Tinutulungan ng gobyerno ang mga
apektado ng October 2013 na lindol at ng bagyong Yolanda. Tinalakay niya ang
pagtugon ng gobyerno sa mga pangangailangan ng mga naapektuhan. Pambihirang
pagkakaisa ang kinakailangan para tulungan ang mga biktima. Pinasasalamatan niya
ang International Community sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Umaabot sa 221,987 ang nabigyan ng hanapbuhay. Idineklara ng United Nations na
nasa yugto na tayo ng rehabilitation kaugnay ng bagyong Yolanda. LGU Rehabilitation
and Recovery Plan para sa mga naapektuhan ay ipinagmalaki rin niya. Mas maayos na
monitoring sa mga bagyo ay nakakatulong sa mas maayos na pagtugon sa mga
apektado. Pinuri naman niya ang pagtugon sa sakuna ng local na pamahalaan ng
Albay.
Pag-usapan naman natin ang seguridad. Ang bagong biling sasakyang pandagat at
panghihimpapawid ng AFP ay ipinagmalaki at inaasahang darating ang mga ito sa
ngayong Setyembre. Tuloy ang pagtugis natin sa mga kalaban ng estado. Inilunsad na
rin ang 1:1 Police to Combat Ratio. Tinalakay niya ang pagtugon ng gobyerno sa mga
krimen. Hahabulin natin ang hustisya sa kabuunan, hindi bahagi lamang. Pananagutan
natin ang lahat ng may sala.
Ipinagmalaki niya ang pagtatalaga ng mga bagong tauhan at paglilinis sa hanay ng
tauhan ng Customs. Ang koleksyon sa Customs ay tumaas sa unang apat na buwan ng
2014 kumpara sa parehas na panahon noong 2013.
Tinalakay niya ang mga problema, mga reporma sa agrikultura, at paglagda sa
Comprehensive Agreement on the Bangasamoro. Kailangan may boost up para
makacatch-up. Bangsamora Basic Law ay masusing hinahamay.
Ipinagmalaki ang mga nadagdagan na trabaho at ibay ibang dating kakulangan na
pinuna ng gobyerno. Tinalakay niya ang nakaambang na problema sa suplay ng
kuryente. Tugon ng gobyerno ang pag-iimport ng bigas para mapigilan ang patuloy na
pag mahal ng bigas at para sa kahandaan ng kalamidad. Sa mga hoader na ito, kung
gusto niyong makipagmatigasan,okay lang. Anim na buwan lang at mabubulok ang
inyong suplay. Mga proyekto para mapaunlad ang produksyon ng bigas ay ipinamalaki
niya. Tinalakay ng pangulo ang pagpasa ng Supplemental Budget para sa 2014.
Sinama ang kwento ng mga nakinabang sa Alternative Learning System ng gobyerno.
Mga bumabatikos sa gobyerno ay mga desperado. Ayaw nila ng transpormasyon dahil
mas gusto nila ang dati. Hindi naman siya ang kinokontra nila kundi ang taumbayan.
Sa 2016, pipili tayo ng bagong pinuno. Iisa lang ang batayan; sino ang magpapatuloy
sa ating nasimulan. Kung tinalikuran ko ang pagkakataong maglingkod, para ko na ring
tinalikuran ang aking amat ina. Patuloy po nating patunayan The Filipino is worth dying
for, living for and fighting for. Kontento na dahil panatag ang kalooban niya na madami
ang mapapatuloy sa nasinimulan niya.
Pinasalamatan ni Pangulong Aquino ang ilang mga kaalyado at personalidad sa
pulitika. Tayo ang gumawa ng transpormasyon. Tayo ang magpapatuloy nito.

Ipinasa nila:
Angelica G. Sario and Mark Anthony Vierso.
IV- (Archimedes)
Ipinasa kay:
Gng.Taganguin

Anda mungkin juga menyukai