Anda di halaman 1dari 17

Republika ng Pilipinas

Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon



Don Honorio Ventura Technological State University
Bacolor, Pampanga

Kolehiyo ng Edukasyon

Epekto sa mga mag-aaral na nasa ikatlong Taon ng
Kolehiyo ng Edukasyon Mayorya sa Filipino ng mga Antas
ng Wikang Ginagamit sa ilang piling Awiting Pinoy sa
Kasalukuyang Panahon.

Group: 6
Dizon, Ronnie L.
Gagui, Rodalyn M.
Marquez, Jolina L.
Nucum, Charlene S.
Rodriguez, Arch Angelyn D.
BSEd 4d Filipino major

Kabanata 1
Ang Suliranin at Ang Sandigan Nito

1.1 Panimula
Bahagi nang buhay ng tao dito sa mundo ang pakikinig ng musika, tila ba hindi
kumpleto ang buhay niya sa araw-araw kung hindi siya nakikinig ng musika. Ayon sa
National Association For Music Foundation (2006), ang musika ay kasama nang tao
mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda at ang tunog ng musika ay maaaring maging
daan upang mailarawan o maiparating ang samut saring emosyon ng tao. Sa
makatuwid ito ay nagiging salamin ng buhay, hindi lang sa mga Pilipino kung di sa lahat
ng tao.
Isang patunay na mapabata, matanda, mayaman man o mahirap ay nakikinig ng
musika lalo na kung itoy Sariling atin o OPM. Ang OPM o Original Filipino Music ayon
sa sanaysay ni Yutsuru (2011) ay ang mga awiting sinulat dito sa ating bansa at inawit
ng mga musikero at mang-aawit na Filipino. Ayon rin sa kanya ang OPM ay
nagpasimula noong 1970s. Ayon naman sa www.opm.org.ph itinatag noong Oktubre
27, 1989 ang Samahang Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit na may layuning
maisulong at proteksyunan ang mga OPM music, tinanghal na pangulo nito ay si Jim
Paredes. Sa kasalukuyang panahon ayon sa www.journal.com.ph si Ogie Alcasid ang
tinanghal na pangulo noong 2010. Sa aklat ni Rivadelo (year) sinabi na si Francisco
Santiago ang tinuturing ama ng pambansang musika sa Pilipinas dahil siya ang unang
gumamit ng mga Folk Song para buuin ang kanyang klasikal sonata.
Ang pakikinig ng OPM ng mga Pilipino ay naging bahagi nang pang-araw-araw
na pamumuhay, pananampalataya, paniniwala, kasaysayan at kultura ng tao. Ang mga
awiting din ito ay nagsilbing paraan upang ipakita ang ating kasiyahan, kalungkutan,
pag-ibig sa bayan, pagsisisi at papuri (Rivadelo1986). Samakatuwid ang musika rin ay
may malaking bahagi sa ating mayaman na kasaysayan. Dahil din sa musika ang tao
ay nakakagawa ng kanyang pananaw at nag uugat ito sa inspirasyon upang
magpatuloy sa buhay. Bilang patunay ginamit noon ang musika upang paraan ng
panunuligsa at paraan upang magpabatid ng malalim na mensahe upang magkaroon
ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa bayan.
Ang ilan sa mga sumikat na mang-aawit at kompositor na Pilipino mula noon
hanggang sa ngayon ay sina Garry V, Ogie Alcasid, Lani Misalucha, Regine Velasquez,
Juriz Fernandez, Sarah G., Yeng Constantino, Angeline Quinto, Jose Marie Chan,
Bamboo, Rico J. Puno, Jireh Lim, Bassilyo, Christian Bautista at iba pa. hindi lamang
mga indibidwal na mang-aawit ang sikat maging ang mga bandang Pinoy kagaya ng
Parokya ni Edgar, Sponge Cola, Kamikazee, Siakol, 6-Cylemind Apo Hiking Sociaty,
Shamrock at marami pang iba.
Sa mga nagdaang panahon, kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya ay ang pag-
babago sa istilo na pagsulat ng awiting ng mga kompositor sa kasalukuyang panahon.
Tulad ng dati sumusulat parin sila o bumubuo parin sila ng mga awiting patungkol sa
nakikita at nangyayari sa lipunan sa pamamagitan ng mga malalalim na salita ngunit sa
kasalukuyan gumnagamit ang mga kompositor ng mga salitang balbal, Taglish at
Gaylingo na sikat at tintangkilik naman sa mga kabataan.
Sa pag-aaral na ito ng mga mananaliksik, ninanais nilang malaman ang ibat
ibang antas ng wika na ginagamit sa mga Awiting Pinoy na sumikat noon at sa
kasalukuyang panahon. Nais ding mabatid ng mga mananaliksik ang kahulugan ng mga
salitang balbal, taglish,at gaylingong ginagamit o nabangit sa liriko ng mga awiting.
Nilalayon din ng pag-aaral na ito na mapalawak ang talasalitaan o bokabularyo ng mga
nakikinig ng mga OPM Songs sa wikang Filipino.

1.2 Kahalagaan ng Pag-aaral
Nilalayun ng pagaaral na ito na makatulong at magbigay ng kalinawan sa mga
mga sumusunod:

A. Para sa Guro ng Wika
Makatutulong upang maging instrumento ng pagtuturo ng antas ng wika sa mga
mag-aaral.Maaari rin itong maging pagganyak sa mga mag-aaral dahil gumagamit ang
guro ng mga ilan sa mga Awiting Pinoy na sikat na sikat sa mga kabataan ngayon.Sa
pamamagitan din ng pag-aaral na ito maituturo ng guro ang kahulugan ng ilan sa mga
salitang balbal at malalalim na salita na binanggit sa mga Awiting Pinoy.

B. Para sa Mag-aaral ng Wika
Makatutulong ito upang mabatid ang mga antas ng wika sa pamamagitan ng
mga liriko ng mga Awiting Pinoy na sumikat noon at ngayon. Nagsisilbi din itong
motibasyon para sa kanila dahil interes nila ang ilan sa Awiting Pinoy nakapaloob sa
pag-aaral na ito.Sa tulong din ng pag-aaral na ito mababatid ng mga mag-aaral ang
kahulugan ng ilan sa mga salitang balbal at malalalim na salita na binanggit sa mga
Awiting Pinoy.

C. Para sa ibang Mananaliksik ng Wika
Makakatulong ang pag-aaral na ito upang maging hanguan ng impormasyon
para sa kanilang gagawing pag-aaral. Maaari rin itong gawing batayan habang nasa
proseso sila ng pananaliksik. Maari rin itong magbigay ng kaliwan sa kanilang pag-aaral
sa kanilang pananaliksik o maging gabay sa masusing pag-aaral ng wika.

D. Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa
Makakatulong ang pag-aaral na ito upang mapalawak ang bokabularyo ng mga
tagapakinig ng awiting pinoy ukol sa mga malalalim na salita,pabalbal na salita ,mga
kolokyal at maging mga salitang sinasalita na isang partikular na lugar at lengua franca.
Makatutulong din ang pag-aaral na upang mabigyan halaga ang wikang Filipino sa mga
awitin at upang mapagyaman ang wikang Pilipino.


1.3 Kaugnay na Literatura

Ayon sa aklat ni Rivadelo (year) na Pilipino Folk songs nabanggit ni Felipe
Padilla De Leon na walang instrumento liban sa katutubong awitin ang
makakapaggising sa pakiramdam ng pagkakaisa ng tao. Ayon parin sa kanyang aklat
na pinasimulan ni Eloseo Pajardo ang paggamit ng kagamitang pambansa sa pagbuo
ng mga awitin na nagpapakita ng kasaysayan ng bansa, karakter, tradisyon,
pamahalaang sosyal at pag-uugali ng tao. Samakatuwid ang musika ang nagbibigay
buhay sa buhay ng tao. Di natin mailalayo na noon pa man ay maramdamin na ang
mga Pilipino, na napapahayag nila ito sa parang pahimig o musika, at sa kasalukuyang
panahon ang mga Pilipino ay gumagamit rin ng musika upang maipahayag ang
kanilang nasasaloob o ang kanilang damdamin.
Ayon pa rin kay Rivaledo (YEAR) sa isa niyang aklat na Music Educational
Materials and Methods, sinabi ni Plato na sa pamamagitan ng musika, ritmo at
harmoniya, nalalaman ng tao ang daan tungo sa kanyang kaluluwa na nagiging bahagi
naman ng kanyang personalidad. Ayon pa rin sa aklat, ang musika ay nagkokonekta sa
mga kabataan at sa katayuan niya sa lipunan pang sosyal at moralidad. Sinasabi din
na ang musika ay daan at ekstensyon para sa pagmamahal ng tao sa bayan at isang
matatag na instrumento para sa pagiging pagkamakabayan at solidaridad. Kung sa
gayun ang musika ang isang gawaing nagpapahayag ng pagkarelihiyoso, kung ano ang
stado mo sa buhay at higit sa lahat itoy nagbibigay pagkamulat upang mahalin mo ang
iyong sariling bayan. Kaya ang musika ay mahala sa bawat galaw ng tao.
Ayon sa aklat ni Viloria (1991) ang mga baguhan o amatyur na tagapakinig ay
nahihirapang unawain ang musika, pero may dalawang paraan ang panulaan upang
kalugdan nito ang pangkaisipan sa pamamagitan ng pagsunod-sunod sa mga isipan ng
makata at pandamdam sa nilalaman nito. Marami sa mga nakikinig ng musika ang hindi
na nagnanais na unawain ang pangkaisipang nilalaman ng awitin na hindi
makatarungan sa sumulat o bumuo ng awitin. Ayon pa rin sa kanyang aklat, kapag
lubusang nakatuon ang pansin ng nakikinig ng musika at maliwanag niyang nababatid
kung ano ang napapakinggan, dito nagsimulang magkahilig at maibigan ng tao ang
musika. Maraming awitin ang nagpapahayag ng damdamin ang mahirap unawain gaya
ng kariktan, kahinahunan, kalupitan, kapayapaan, katahimikan, kalungkutan,
katotohanan, pagmumuni-muni, matinding galit, kawalang pag-asa, kamatayan at iba
pa.
Ayon sa panayam kay Ogie Alcasid ni Bong Godinez na ginanap noong Pebrero
3, 2011 sa Maxs Restaurant sa Scout Tuazon Quezon City, inanunsiyo niya ang
paglulunsad ng KLIKO Kulturang Lahi Inuuna Ko o KLIK na may layuning
mapalaganap ang Musikang Pilipino sa hanay ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
reporma sa Music Curriculum na umiiral sa pampublikong pampaaralan ng taong iyon.
Ayon kay Marck noong Agosto 15, 2010 sa www.marocharim.com iniutos ni
Pangulong Aquino na muling ipatupad ang Executive Order no.255 na dapat
magpatugtog ng apat na OPM Songs kada oras ng kanilang programa na pangmusika.
Ayon naman sa blog ni Bob Bottomley sinabi niya na hindi normal ang buhay
kung walang musika dahil gamit ito upang ipakita ang sarili at sumusulat tayo ng musika
sa pamamagitan ng mga instrumento.
Ayon kina Navarro at Galang (2013) sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong
Filipino, na may limang Antas ng Wika at ito ay ang mga sumusunod:
a. Pampanitikan mga salitang matatayog, malalalim at masining. Ito rin ang
ginagamit ng mga manunulat sa akdang pampanitikan na kanilang ginagawa.
Hal.
b. Panlalawigan mga salitang sinasalita sa isang eksakto o particular na lugar
lamang. Ito rin ay nakikilala dahil sap unto ng pagsasalita ng mga taong
gumagamit nito.
Hal.
c. Pambansa o Lengua Franca ang tawag naman sa mga salitang ginagamit sa
pook na sentro ng sibilisasyon. Ito rin ang salitang di- maituturing na dalisay.
Hal.
d. Kolokyal mga salitang pinaikli at ginagamit sa pagkakataong informal.
Hal.
e. Balbal o Pangkalye pinakamababang antas ng wika. Ito rin ang mga salitang
sinasalita o ginagamit na pana-panahon lamang at mabilis maglaho. Halimbawa
nito ay Gaylingo.
Hal.

Sa aklat ni Pen na Introduction to Music (1992) isang uri ng lenggwahe ang
musika, ginagamit itong daan ng komunikasyon at kaya nitong pukawin at makaapekto
sa emosyon ng tao. Isang abstrak na lenggwahe ang musika, nakadepende sa relasyon
ng kompositor at tagapakinig ang kahulugan nito. Sa madaling salita ang musika ay
nagiging paraan upang maipahayag ng kompositor ang kanyan sariling damdamin at
saloobin, sa kanyang mga tagapakinig na may parehas na karanasan. Dahil dito
nagkakaroon ng kaugnayan ang kompositor at ang tagapakinig nito sa paraan ng
musika.
Ayon kay Walker sa Music Education: cultural values, social change and
innovation (2007) sa larangan ng musika ang salitang popular ay nangangahulugan na
tinatangkilik ito ng karamihan ng tao. Kung sa gayun ang mga salitang popular o mga
salitang ginagamit ng nakararami ay siyang madalas gamitin ng mga kompositor upang
tangkilikin ang kanilang mga likhang awitin.
Ayon sa aklat ni Woods (2006) The Philippines : A Global Studies Handbook,
taong 1970s noon naging maka-Pilipino ang musika sa Pilipinas. Totoo nga na sa mga
taong 1970s ay naging maka-Pilipino ang ating musika dahil na rin siguro sa hirap na
dinanas ang ating bansa sa kamay ng mga mananakop. Kaya ang mga awitin noon ay
ginamit bilang instrumento upang buhayan ang diwa at isip ang mga Pilipino upang
magalab ang pagmamahal nila sa sariling bayan at ng sa gayun ay makamtan ang
kalayan na ating bayan.

Ayon kay Lzra (2009) binubuo ng ibat ibang pangkat at lenggwahe ang Pilipinas,
nariyan ang Tagalog, Bisaya, Kapampangan, Bicolano at iba pa.nakikilala ang bawat
isa sa kanilang pagkakaiba. Ang Bisrock para sa Visaya , OPM para sa mga Tagalog.
OPm pa rin ang tawag sa mga awiting ginagawa dito sa bansa ngunit ang ilan sa mga
ito ay gawa ng mga kultural na grupo na hindi kabilang o nakapaloob sa OPM.
Sa pahayag ni Garcia (2010) sa Manila Bulletin, sinabi ni Ogie Alcasid
(Presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) pinapahalagahan ng ibang
kultura an gating sariling musika (OPM). Hindi dapat ihinto ang pagsulat o paglikha ng
mga Awiting Pinoy, ang mga Pilipinong may katalinuhan sa paglikha ng awitin ay
makatutulong ng malaki sa edukasyon upang maipakilala ang Musikang Filipino sa mga
kabataan.
Ayon sa blog ni Bokals noong Agosto 28, 2010 sa www.teksbok.blogspot.com
binigay niya ang 6 na antas ng wika ang una ay ang Formal at Di Formal ang Formal
ay ginagamit tuwing ang kausap mo ay mas matanda kaysa sa iyo. Ang Di Formal
naman ay ginagamit tuwing kasing edad mo ang iyong kausap. Ang ikalawa ay Lingua
Franca ay ang wikang sinasalita ng maraming tao sa isang particular na bansa. Ikatlo ay
ang Lalawiganin ang wikang sinasalita sa isang lalawigan gaya ng tagalog,
kapampangan, at bicolano. Ikaapat ay ang kolokyal ay ang pag papaikli ng mga salita.
Halimbawa: Tena para sa Tara na at Pre para sa Pare. Ikalima ay ang Balbal o
Pangkalye ang mga salitang ito ay likha lamang at may kanyakanyang kahulugan gaya
ng Ermat at Erpat. At huli ay ang Edukado/ Malalim ito daw ang mga wikang ginagamit
sa panitikan sa paaralan sa gobyerno o sa korte at ibapang lugar na pang propesyonal.

Ayon parin sa blog ni Bokals nagbigay siya ng labindalawang paraan para mabuo
ang mga salitang balbal
a. Paghango sa salitang katutubo.
Halimbawa: Gurang- matanda, Barat-Kuripot.
b. Panghihiram sa mga wikang banyag.
Halimbawa: Epek(Effect), Tong (Wheels).
c. Pagbibigay ng kahuluganng salitang tagdlog.
Halimbawa: Papa (mangingibig/ Lover), Bata (Kasintahang Babae).
d. Pagpapaikli
Halimbawa: Paki (Pakialam), Tyak (tiyak), Musta (komusta)
e. Pagbabaligtad ng buong salita.
Halimbawa: Atik (Kita), Nopu (puno), Tomguts (gutom).
f. Pagpapantig
Halimbawa: Dehin (hindi), Ngetpa (panget).
g. Paggamit ng Akronim
Halimbawa: G (nauunawaan), K (okay, Ayos)
h. Pagpapalit ng pantig
Halimbawa: Palpak (bigo), Tyope (trope).
i. Paghahalo ng salita
Halimbawa: Mag-jr (joy nding), magigimik
j. Paggamit ng bilang
Halimbawa: 45 (putok), 50-50 (malapit ng mamatay)
k. Pagdaragdag
Halimbawa: isputing (puti), kulong bisi (kulong)
l. Kumbinasyon- pagbabaligtad at pagdaragdag
Halimbawa: Dyahi (nahihiya)
*pagpapaikli at pag-pilipino
Halimbawa: Pinoy (Pilipino), Tisoy (mestiso)
*pagpapaikli at pag babaligtad
Halimbawa: Pantalon Talon-lonta, SSigarilyo- Siyo-Yosi
*Panghihiram at pagpapaikli
Halimbawa: Sikyo (security), Brenda (Brain damage)
*Panghihiram at pagdaragdag
Halimbawa: Getsing (Gets)

1.4 Kaugnay na Pag-aaral
Ayon sa pag-aaral ni Constantino Jr. (June 2008) Music Preference of College
students of the University of Baguio,sinabi na ang musika ay para sa bata at
matanda,anumang lahi at kultura,sinabi rin niya ang mga Pilipino ay likas na
mapagmahal sa musika at kasama na ito sa istilo ng pamumuhay sa araw-
araw.Binanggit din niya na may malaking epekto ang musika sa personal na buhay ng
mga mag-aaral dahil ang ibig sabihin nito ay pagpapakita o paglalarawan ng kanilang
emosyon.Ayon pa sa kanya mahilig ang maraming tao sa musika dahil
naiimpluwensyahan siya ng kanyang kapaligiran at kultura.
Ayon sa pag-aaral ni Hila (March 2002) A Historical Overview of Phillipine
Music,isang natural na regalo ang musika sa tao,sa mga Filipino ang pagkahilig sa
musika aynagpapakita sa tuwing silay tumutugtog ng instrumentong pangmusika,bawat
awiting kanilang inaawit,bawat awit na kanilang ginagawa ay halos sumasalamin sa
kanilang mga pag-asa at pangungulila, prutasyon, pagtatagumpay,pagkabigo at
pagsubok.Sinabi din sa kanyang pag-aaral na ang musikang Pinoy ay pinaghalong
kanluranin at silanganing tradisyong pangmusika na tanyag.
Nabanggit sa kanyang pag-aaral na sinabi ni Lucio San Pedro,tinaguriang
malikhaing nasyonalista,ang musika na hindi maipapakita sa literal na paggamit ng
katutubong instrumento kundi sa pagpiga ng kahalagahan ng istilo,aura at naipapakita
ito sa personalidad ng manunulat ng awitin at sa kanyang pagpigil ng galit.Bago
dumating ang mga mananakop ang musika ay para sa lahat ng okasyon sa bawat
bahagi ng buhay ng tao mula sa kanyang pagpanganak hanggang kamatayan.
Ayon sa pag-aaral nina Cuevas,etc,al.Banda rito,Banda doon,na sinagawa sa
University of Sto.Tomas lumabas na kailangang magising ang mga tagapakinig sa mga
isyu na kinakaharap ng musika,dapat ding malaman ito ng mga kompositor upang mas
malaman nila ang gagawin para mapaunlad ang Musikang Pinoy na maaring
magustuhan ng mga Filipino at upang mas tangkilikin pa ang OPM kaysa Musikang
banyaga.
Ayon sa pag-aaral ni Navarro sa kanyang aklat na Ang Bagong Lipunan,1972-
1986.Isang Panimulang Pag-aaral sa musika at lipunan (2009) na ang musika ay may
malalim na impluwensya sa kamalayan ng tao bilang isa sa mga tagapagbuo ng
kultura.Kahit noon pa mang panahon ng pananakop ng mga kastila,amerikano at hapon
naniniwala na may masama at mabuting epekto ang musika sa tao.Sa kasalukuyang
panahon ang musika ay maaring gamitin upang buhayin ang saloobin ng tao sa Music
Theraphy.Ang Music Theraphy naman ay ekspresyon upang ipagbunyi sa
pamamagitan ng martsa at makabayang awitin ng isang bansang nakuha ang kalayaan
mula sa pananakop o ito rin ay maaring pagpapakita lamang ng pagnanasa o
paghahangad ng kalayaan.Samakatuwid ginagamit ang musika sa sariling
ekspresyon,kolektibo man o indibidwal.
Ayon sa pag-aaral ni Laughey na Music and Youth Culture (2006) ang
pinakamataas na uri ng sining at kultura ay ang musika,pinaniniwalaan din na ehemplo
ng kaugalian din ang musika.Kadalasan ang mga ginagawang musika ay
naiimpluwensyahan din ng panahon.Sa kabilang dako pinapalagay na may kaugnayan
sa isat-isa ang musika at kabataan,binebenta sa mga kabataan ang musika upang silay
maging particular na tagahanga nito.
Sa pag-aaral ni Legaspi (2010) ang OPM para sa mga Overseas Filipino
Workers ay nagbibigay kasiglahan sa kanila habang silang malayo sa pinagmulang
bayan at nakikipagsapalaran sa lenggawehang hindi naman sila sanay.Sa pakikinig nila
ng mga awitin nina Aiza Seguerra,Paulo Santos,Lito Camo at Sarah Geronimo
nararamdaman nila na sila ay nasa Pilipinas lamang at pinipili parin na pakinggan ng
mga OFW ang mga makalumang OPM dahil ito ang kinalakihan nila at hindi
kumukupas.
Ayon sa pag-aaral na nakapost sa www.prezi.com na Ang Epekto ng Salitang
Balbal. Ang salitang balbal ay nakakaapekto sa mga respondent sa aspetong
kaalaman,kasanayan at saloobin. Ang mga salitang balbal ay tinuturing na personal na
pakikipagtalastasan ng lahat ng uri ng pamumuhay sa lipunan. Ang paggamit din nito
ang paraan ng mga magulang para makasabay ang mga magulang sa mga anak. Ayon
sa kanilang pag-aaral kung maari ay iwasan ang pagsasalita ng salitang balbal
sapagkat tuwing bumibigkas tayo nito ito ay nagpapakita ng ating pagkatao dahil ang
wika ang gamit bilang pakikipag ugnayan, sa pakikipagkalakalan, diplomatikong
pakikipag ugnayan ng pamahalaan at pakikipagpalitan ng kaalaman sa agham,
industriya at teknolohiya.
Ayon sa pag-aaral nina Caunian at Delivios noong 2012 na Implikasyon ng
Paggamit ng Wikang Balbal sa mga Mag-aaral na nasa Unang Taon na kumukuha ng
kursong BS Social Work sa PLM na nilakuhan ng 43 katao ang salitang balbal ang
pinakamababang antas ng wika. Lumabas sa pag-aaral na ang pagsasalita ng salitang
balbal ay nagbubunga ng di-wastong paggamit ng salita, lumabas din na kung minsan
tuwing may nag-aaway na baranggay na nagtatalo at pag-aasaran ng mga mag-aaral
gumagamit sila ng mga salitang balbal. Nakakaimpluwensya din ang internet sa
pagkatuto ng mga mag-aaral ng gumamit ng mga salitang balbal at sa huli natuklasan
na halos lahat ng tao ay gumagamit ng salitang balbal ang karamihan dito ay mga
kabataan at minsan ginagamit ito para pantawag sa isang taong malapit sayo gaya ng
tropapipz, pre, tol at bhest.




Konseptual na Balangkas



1. Sosyo-propayl ng mga mag-aaral batay
sa:
a. edad b.kasarian

2. Antas ng Wika na ginamit sa mga
Awiting Pinoy sa Kasalukuyang
Panahon batay sa:
a. pampanitikan b. pambansa
c. kolokyal d. balbal
e. idyolek f. dayalek

3. Epekto sa mga mag-aaral ng mga Antas
ng Wika na ginamit sa mga Awiting
Pinoy sa Kasalukuyang panahon batay
sa:
a. palabaybay
b.istruktura ng gramatika



1. Pamamahagi ng mga
talatanungan
2. Pagsusuri ng mga
datos
Epekto sa mga mag-aaral na
nasa ikatlong Taon ng
Kolehiyo ng Edukasyon
Mayorya sa Filipino ng mga
Antas ng Wikang Ginagamit sa
ilang piling Awiting Pinoy sa
Kasalukuyang Panahon.
1.5 Paglalahad ng Suliranin
Layunin ng Pag-aaral na ito na mailarawan ang Antas ng Wikang ginamit sa mga
piling Awiting Pinoy sa kasalukuyang panahon.
Sisikapin din na masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. Paano mailalarawan ang sosyo-propayl ng mga mag-aaral sa ikatlong taon ng
Kolehiyo ng Edukasyon mayorya sa Filipino batay sa:
a. Edad
b. Kasarian
2. Paano mailalarawan ang Antas ng Wikang Ginamit sa mga piling Awiting Pinoy
sa kasalukuyang panahon batay sa:
a. pampanitikan
b. pambansa
c. kolokyal
d. balbal
e. idyolek
f. dayalek
3. Paano mailalarawan ang epekto ng mga Antas ng Wikang ginamit sa ilang piling
awiting pinoy sa kasalukuyang panahon batay sa:
a. palabaybay
b. gramatika

Anda mungkin juga menyukai