Anda di halaman 1dari 2

MSEP 6

Mga Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan


MUSIKA
Date:_______________________

ARALIN 1

I. LAYUNIN: Nabibigyang kahulugan ang awit-tugtugin sa ibat-ibang palakumpasan sa
pamamagitan ng angkop na kilos ng katawan.

II. PAKSA: Kahulugan ng Awit/Tugtugin sa ibat-ibang Palakumpasan ng May Angkop na
Kilos ng Katawan
Sanggunian: PELC A.1 pp. 2-8
Kagamitan Pitch pipe, tsart, tape recorder

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Panimulang Awit: Its a small world
2. Balik Aral:
Anun-ano ang mga alam ninyong awitin na napag-aralan ninyo noong kayoy
nasa ika-limang baitang?
3. Pagsasanay ng Tono:
Pag-awit ng So-Fa silaba sa tunugang C

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Nakaraas na ba kayong dumalo sa isang pista?
Anu-ano ang ginagawa ng mga tao tuwing araw ng pista?

2. Paglalahad
Ngayon pakinggan natin ang isang awitin/tugtugin na may kaugnayan sa
ginagawa ng mga tao tuwing sasapit ang araw ng pista ang Pangdangguhan.

3. Pagtalakay
Bukod sa pag-awit o pagtugtog ayon sa nakatakdang tempo, ang awit ay
nabibgyan din ng kahulugan sa pamamagitan ng paglalapat ng angkop na kilos o
galaw ng katawan.
Anu-ano kayang kilos ang angkop sa awiting Pandangguhan
Sa parting vivace, anong kilos ang nararapat dito?

Manunugtog ay nangagpasimula
At nangagsayawang ang mga mutya . . .

Sa parting presto, paanong kilos ang iaangkop dito?

May tumutugtog at may sumasayaw
Mayroong sa galak ay napapasigaw
Ang pista sa byan namin ay ganyan
Ang sayay walang katapusan

Sa parting largo, anong angkop na kilos ng katawan ang pwede rito?

Halina aking mahal
Ligaya ko ay ikaw
Kapag di ka natatanaw
Ang buhay ko ay anong panglaw

4. Paglalahat
Sa awiting Pangdangguhan anu-anong kilos ng katawan ang maaring iangkop
dito? (masigla, mabilis na mabilis at mabagal/madalang)

C. Pangwakas na Gawain:
Pangkatin ang klase sa apat. Pakinggang muli ang Pandangguhan at lapatan ng
angkop na kilos.

Halimbawa:
Bahaging I pagbabalse nang may katamtamang bilis
ang kamay ay nasa baywang

Bahagi II pagbabalse nang paikot sa kinaroroonan kasabay ng
salisihang pag-imbay ng mga bisig pakanan at pakaliwa.

Bahagi III paglakad nang mabagal patungo sa harap (4 na sukat) at
pabalik sa lugar (4 na sukat)

Bahagi IV pagpadyak nang salisihan

IV. Pagtataya:
Gumawa ng sariling kilos habang inaawit/tinutugtog ang Pandangguhan.

Anda mungkin juga menyukai