Anda di halaman 1dari 1

Talumpati tungkol sa Magulang: ANG AKING MGA MAGULANG

Naisip nyo ba na kung gaano kahalaga ang magulang sa ating buhay? Naisip niyo rin ba
kung paano mabuhay ng walang kinagisnan at kinalakihang magulang o maulila nang maaga sa
kanila? Maaaring sa buhay nating mga kabataan ngayon, mas nakararami na ang kabataang
hindi na gumagalang sa kanilang magulang o kaya'y wala ng pakialam. Hindi na nila naiisip na
kung hindi dahil sa kanila, wala ako, wala ka, wala tayong lahat sa mundong ito. Malaki ang
paghihirap ng ating mga magulang para sa atin. Ang ating "ina" na naghirap sa pagdadalang-tao
nila sa atin, hanggang sa mailuwal niya tayo at lumaki. Ang ating "ama" na siyang hirap na hirap
sa pagtatrabaho para magkaroon ng pera pambili ng gatas at gamot natin. Ngunit ngayon, hindi
man lang natin naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palalakihin
ng may magandang kinabukasan.
Kung minsan napapaisip ako. Paano kung mawalan ako ng magulang? Iniisip ko pa lang,
parang hindi ko kaya. Ang hirap. Wala ng mag-aalaga sa akin. Wala ng mag-aasikaso sa akin
tuwing umaga bago pumasok sa paaralan. Wala ng magaaruga sa akin sa oras na magkaroon
ako ng karamdaman. Wala ng susuporta sa mga bagay na gusto mong gawin. Wala ng
magsasabi ng ingat ka anak ha. At wala na ring magagalit tuwing makakagawa ng maling
bagay at mgpapayo sa tuwing may problema. Di ba ang hirap isipin kung wala nang gagawa sa
atin ng ganitong mga bagay? Lalo na kung nasanay tayo na ginagawa ito sa atin ng ating mga
magulang.
Kaya ngayon, habang kapiling pa natin ang ating mga magulang, ipadama natin sa kanila
ang ating pagmamahal. Iparamdam din natin kung gaano sila kahalaga sa ating buhay, at
magpasalamat tayo sa lahat ng ginawa nilang pagsisikap para mapaganda ang ating buhay.
Humingi tayo ng tawad sa mga kasalanan na ating nagawa. Suklian natin ng sobrang
pagmamahal at paglingkuran natin sila habang kapiling pa natin sila. Sabihin natin sa kanila na
mahal na mahal ko po kayo nay at tay at nagpapasalamat ako na kayo ang aking naging
magulang. Mabilis ang panahon, kaya tayong may mga magulang pa, hanggat maaga at
kapiling pa sila, gawin na natin ang lahat ng bagay na ikasasaya nila bago pa mahuli ang lahat.
Bago pa natin pagsisihan ang mga bagay na nagawa nating mali.

Anda mungkin juga menyukai