Anda di halaman 1dari 2

Talumpati tungkol sa mga Kabataan: Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng bayan?

Ayon sa isang sikat na kasabihan, ang kabataan ay ang pag-asa ng Inang Bayan.
Tayongmga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. Iaahon
natin itosa kahirapan at ibibigay natin ang hinahangad nitong kasaganaan. Iwawagayway natin
ang bandilang ating bayan patunay na tayoy malaya sa anumang pang-aalipin ng mga dayuhan.
Ito ay ilanlamang sa mga katangian at kaugaliang inaasahan natin na taglay ng bawat kabataan
para saikauunlad ng ating bayan.

Noon, masasabi kong napakatatag ang ating paniniwala sa naturang kasabihan at
sakaisipang nais nitong iparating sa atin. Ngunit ngayon parang humina ang paniniwalang
to.Masyado na yatang mabilis ang takbo ng panahon. Kasabay sa paglipas nito at sa pagsilang
ng bagong henerasyon ay marahil ang paglipas din ng paniniwalang pag-asa ng bayan ang
mgakabataan.

Tumatayo ako ngayon dito sa harapan ninyong lahat bilang isa sa mga kabataan
ngmakabagong henerasyon tulad ninyo. Bigyan ninyo ng katahimikan ang inyong pag-iisip sa
mgasandaling ito at alalahanin ninyo ang lahat ng mga pinaggagawa ninyo. Ngayon, sagutin
ninyo angtanong ko: kayo bay pag-asa pa rin ng bayan? Kung ako ang inyong tatanungin, hindi
akomahihiya at mag-aatubiling sabihing Oo!. Sapagkat lahat tayo ay pag-asa pa rin ng bayan.
Sakabila ng katotohanang may iilan sa atin na mga nagrerebelde, pasaway, batugan at parang
wala ngtamang nagawa sa buhay. Umaasa akong balang araw maintindihan nila ang tunay
nilangtungkulin at pananagutan.

Ngunit paano nga ba natin magagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? Aba
simplelang naman! Kailangan lang natin ng kasipagan, katapatan, pagkamakabayan, disiplina at
pagmamahal. Ipamalas natin ang ating kasipagan sa lahat ng bagay na nakakabuti o
nakatutulong.Hindi yong tipong upo lang ng upo habang hawak ang cellphone at nanunuod ng
tv maghapon.Katapatan maging matapat tayo sa lahat lalo na sa ating sarili. Pagkamakabayan
ang pagtangkilik sa produktong sariling atin ay halimbawa ng gawaing makabayan.
Pagmamahal sino ba naman ang di nakaranas ng pagmamahal? Lahat tayo ay nagmahal at
minahal. Kungdisipina naman ang pag-uusapan, lahat ng nabanggit ay may kaakibat na
pagdisiplina. Lagi natingtatandaan na magtatapos din ang ating pagiging kabataan ngunit tayoy
magiging magulang nagagabay at magtuturo sa susunod na henerasyon ng kabataan.

Tayo mismo ang tagaguhit ng ating kapalaran sa sarili nating mga palad. Lagi nating
isipinna magtatagumpay tayo kung itoy ating nanaisin. Kapag tayo naman ay nalugmok, ito ay
dahil sakagagawan din natin. pagkatandaan na importante ang oras. Huwag na nating
ipagpabukas pa angating mga gawain kung puwede naman nating gawin ngayon. Panahon na
para tayo ay sumulong! Nasa ating mga kamay ang kaunlaran at kalayaan. Tayo ngay malaya
ngunit ang kalayaay hindiupang gawin ang bawat naisin ngunit upang gawin ang tama at
nararapat. Tara na kapwa kabataan!Patunayan nating tayoy pag-asa pa rin ng Inang Bayan!

Anda mungkin juga menyukai