Anda di halaman 1dari 8

ANO NGA BA ANG AWIT???

Ang awit ay salaysay sa pakikipag-ibigan at


pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang sangkap
na kababalaghan.
Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-
aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod
ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong
tugma ay isahan (aaaa, bbbb, cccc, at iba pa). Ang awit ay
isang tulang nagsasaad ng kabayanihan.
MGA HALIMBAWA NG AWIT
Florante at Laura (ni Francisco "Balagtas" Baltazar)
Buhay ni Segismundo (ni Eulogio Juan de Tandiona)
Doce Pares na Kaharian ng Francia (ni Jose de la
Cruz)
Salita at Buhay (ni Mariang Alimango)
Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana
ANO NAMAN ANG KORIDO???
Ang korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at
pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-
puno ng kababalaghan.
Ito ay may sukat na walong pantig bawat taludtod at may apat
na taludtod sa isang saknong. Ang korido ay isang tulang
nagsasaad ng panrelihiyon.
MGA HALIMBAWA NG KORIDO
Ibong Adarna
Don Juan Tioso
Don Juan Teoso
Ang Haring Patay
Mariang Alimango
Bernardo Carpio (ni
Jose de la Cruz)
Mariang Kalabasa
Rodrigo de Villas
(ni Jose de la Cruz)
Prinsipe Florennio
(ni Ananias Zorilla)
Buhay na Pinagdaanan
ni Donya Maria sa Ahas
ANO BA ANG PAGKAKAIBA NG AWIT SA
KORIDO???
Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:
1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit
2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng
martsa "allegro", samantala ang awit ay may labindalawang pantig at
inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya "allegro"
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig
samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento
o kasaysayang napapaloob dito
HANDA NA BA
KAYO SA AMING
MGA
TANONG???
MGA TANONG:
HPS:10
1. Ano ang Awit at Korido??? (2pts.)
2. Ano ang pagkakaiba ng Awit sa Korido??? (2pts.)
3. Sino ang nagsulat ng Florante at Laura??? (1pts.)
4. Anong tula ang nagsasaad ng Korido???(1pt.)
5. Gumawa ng sariling awit. (4pts.)

GOODLUCK!!!