Anda di halaman 1dari 24

TEKSTONG EKSPOSITORI

TEKSTONG EKSPOSITORI
Ang Tekstong Ekspositori ay bunga ng
pagpapahayag na ang layunin ay gumawa ng
malinaw, sapat at wlang kinikilingang pag
papaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ang
isip ng tao.
Sinasaklaw ng tekstong ekspositori ang
pinakamalaking bahagi ng binabasa at sinusulat ng
tao.
Obhetibo ang pinatutunguhan ng mga paglalahad.

Hulwaran ng Organisasyon ng Teksto

DEFINISYON

Isang uri ng diskursong ekspositori na
pinakamadalas gamitin. Maaring maibigay ang
kahulugan ng isang bagay o salita sa tulong ng ibang
salitang kasingkahulugan nito.



Halimbawa:



Itim- pagdadalamhati
Pula- katapangan
Luha- kasayahan o kalungkutan
Maaari ring magbigay-kahulugan sa isang salita
dulat ng: una, ibibigay, ang pangkat na
kinabibilangan nito an pangalawa, ang ikinaiiba nito
sa mga kasamahan g pangkat na kinabibilangan,
maaari ring sundan ito ng mga halimbawa.



Halimbawa:


Ano ang paglalahad?
Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag,
pasalita man o pasulat, na nag papaliwanag. Ilang
uri ng paglalahad ay tala, balita, pitak, editoryal,
panuto at sanaysay


Sa pagbibigay ng definisyon, tinatalakay din ang
isang bagay o paksa, kasama ang mga pagkakatulad
o pagkakaiba nito sa ibang bagay.

Maaring ito ay pormal o di-pormal.
1. Pormal o Maanyo-kapapansinan g tatlong bahagi.
1.1. Salita o katawagan(term)
1.2. Pangkat na kinabibilangan o kaurian (genre)
1.3. Kaibahan (difference)



Halimbawa:


Ang kasal (salita) ay isang sakramentong
(kaurian) nagbubuklod sa dalawang pusong nag
mamahalan. (Kaibahan)

2. Di- pormal o malaya. Nag bibigay kahulugan sa
paggamit ng mga salitang nakapukaw ng damdamin
at di tuwirang sumusunod sa kaayusan ng
pangungusap sa pormal na paraan.


Halimbawa:


Ang kasal ay bunga ng pagmamahalan ng
dalawang pusong umiibig sa isa't isa na dumaan sa
maraming oras ng pagliligawan bilang pangako ng
lalaki sa babae.

May dalawang dimensyon ang definisyon:


1. Denotasyon. Karaniwang kahulugang dala ng
diksyunaryo o salitang ginagamit sa pinakaraniwan
at simpleng pahayag.

Halimbawa: Berde ang kanyang damit.
2. Konotasyon. Di-tuwiran ang kahulugan.
Nagkakaroon ng ikalawang kahulugan ang salita o
pahayag. Sinasabi rin na ito ay pansariling
kahulugan ng isang tao.

Halimbawa: Berde ang utak niya.

PAG-IISA-ISA (ENUMERASYON)
Pag-aayos ng mga detalye ayon sa
pagkakasunud-sunod, mula simula hanggang huli.

Halimbawa: Isa-isahin ang mga hakbang sa pag
basa ayon kay William S. Gray.



Pag-iisa-isa: Mga hakbang Pagbasa Ayon kay
Gray



1. Rekognisyon o Persepsyon
2. Komprehensyon
3. Reaksyon
4. Aplikasyon/Integrasyon


PAGSUSUNOD-SUNOD

Sa hulwarang ito ng mga organisasyon ng teksto,
nabibigay ng pagtataya o ebalwasyon ng isang
mambabasa kung alam niya papaano pagsusunud-
sunurin ang mga pangyayari sa isang bansa qt kung
paano dapat pagsusunud-sunurin ang mga hakbang
na dapat gawin sa isang bagay, paano magluto ng
isang pagkain, o pagsunod nang maayos sa isang
bagay, paano magluto ng isang pagkain, o pahsunod
nang maayos sa isang direksyon.

May tatlong uri ng pagsusunud-sunod na hulwaran ng
teksto. Ito ay ang:
1. Sekwensyal
2. Kronolohikal
3. Prosejural


SEKWENSYAL
Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari sa isang
kwento, nobela, talambuhay, dula, balita at iba pa na
hahantong sa isang kongklusyon. Karaniwang
ginagamitan ito ng mga salitang una, pangalawa,
pangatlo, susunod at iba pa. Karaniwang
ginagamitan ang sekwensyal kung mga pangyayari
ang pinagsusunod-sunod, tulad ng mga kwento
balita at iba pa.

Halimbawa: Maikling-kwento, "Ang Kalupi"ni
Benjamin Pascual.

Tunghayan ang story ladder na ilalahad, sekwensyal ang
pagkakasunud-subod ng mga pangyayari sa nasabing
maikling-kwento.

8. Pag-uwi ni Aling Marta at natuklasan niyang hindi nawala
ang kalupi kumdi naiwan sa bahay.
7. Pagkabundol sa bata na bnaging sanhi ng kamatayan nito.
6. Pagdating ng pulis at pagtakas ng bata sa mahigpit na
pagkakahawak ni Aling Marta.
5. Pagkakita at pananakit sa batang gusgusin at pilit niyang
ipinalabas ang nawawalang kalupi.
4. Paghahanap ni Aling Marta sa batang nakabunggo sa kanya
at ito ang pinagdududahan niyang kumuha ng kalupi.
3. Pagkawala ng kalupi ni Aling Marta.
2. Pagkabunggo ng isang batang patpatin at gusgusin kay
Aling Marta.
1. Pagpunta ni Aling Marta sa palengke upang mamili ng
ihahanda sa pagtatapos sa haiskul ng anak na babae.

KRONOLOHIKAL
Pasusunod-sunod ng mga impormasyon at
mahalagang pangyayari ayon kung kalian nangyari
ito.
Payak na halimbawa nito ay ang kasaysayan ng isang
bansa o mahahalagang pangyayari sa mundo.
Karaniwang ito ay may petsa gaya ng tiyak na araw
at taon upang malaman kung kalian nangyari ang
kasaysayan.



PROSEJURAL

Ang pagsusunod-sunod ay prosejural kung may
hakbang o prosesong isasagawa. Maaring ito ay kung
paano gawin ang isang bagay, at pagsunod sa
direksyon.



PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST



Ginagamit sa pagpapahayag, mga kahigitan o
kalamangan ng isang bagay sa iba ang hulwarang
paghahambing at pagkokontrast.

Halimbawa:
Parehong ipinakikita ng paglalahad at
pangangatwiran ang isang kaalaman, ngunit sa
pangangatwiran ay pinapaniwala ang tao o
mambabasa na ito ay isang katotohanan.

PROBLEMA AT SOLUSYON
Isang normal na pangyayari ang pagkakaroon ng
problema sa buhay at kasunod naman ang
pagbibigay dito ng solusyon. Sa isang tekstong
binasa lalo nat kung ito ay akdang pampanitikan,
umiikot ang kwento sa tinatawag na tungkulin o
suliranin patungo sa resolusyon o kakalasan kung
saan binibigyan ng kalutasan ang naging problema
sa kwento.

SANHI AT BUNGA
Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na
maaaring humantong sa isang bunga.

Halimbawa:
Narining mo ang sirena ng isang ambulansya.
Ano ang maaaring bunga ng sirenang ito?

Anda mungkin juga menyukai