Anda di halaman 1dari 1

ARALING PANLIPUNAN 4

Petsa: Setyembre 08, 2014 Pangkat/Baitang:


(Lunes) IV-Ati-atihan 12:00-1:00
IV-Sapatos 1:00-2:00
IV-Sinulog 2:00-3:00
IV-Higantes 3:10-4:10
IV-Moriones 5:10-6:10
I. LAYUNIN
Nailalarawan ang katangiang pang-
heyograpiya ng Rehiyon III Gitnang Luzon.
Napahahalagahan ang mga
sumusunod:
Hanapbuhay
Industriya
Produkto
Makasaysayan/magagandang pook
Kilalang tao


II. PAKSA
Rehiyon III Gitnang Luzon
Sanggunian: RBEC-PELC (Revised June
2010) Banghay-aralin sa AP4 99-101
Kagamitan: mapa, tsart, larawan
Pagpapahalaga: pagpapahalaga sa
produktong agrikultural

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan Pumili ng balita mula sa T.V.,
radyo, o pahayagan. Pag-usapan ang nilalaman ng
nasabing balita.
2. Balik-aral Ano ang paksa natin sa
nakaraan?
3. Pagsasanay Isa-isahin ang mga
lalawigang bumubuo sa Rehiyon I at II kasama ang
kanilang kabisera. Banggitin din ang mga
mahahalagang detalye na may kaugnayan sa mga
nabanggit na rehiyon.




B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak Magpakita ng larawan
ng isang malawak na kapatagan. Itanong:
anong uri ng anyong lupa ang nasa larawan?
Anu-anong produkto ang maaaring magmula
dito? Iugnay sa araling ilalahad.
2. Paglalahad Ilahad ang tungkol sa
mga mahahalagang impormasyong may
kaugnyan sa Rehiyon III Gitnang Luzon.
3. Talakayan Bigyang-diin sa
pagtalakay ang tungkol sa topograpiya,
pangkat ng tao,
hanapbuhay/industriya/produkto, at
makasaysayang pook sa Rehiyon III
4. Pangkatang Gawain Ang bawat
pangkat ay gagawa ng talaan ng mga hakbang
na maaaring isagawa para maturuan ang mga
Pilipino na pahalagahan ang bigas/kanin na
kanilang kinakain.
5. Paglalahat Ano ang paksa natin
ngayon? Maglahad ng mahahalagang detalye
na iyong natutunan.
6. Paglalapat Pumapayag ka bas a
panukalang half rice policy sa mga
pampublikong kainan? Bakit?

IV. PAGTATAYA
Sagutin ang mga pagsasanay sa pahina 101
ng Banghay-Aralin sa AP4 (bilang 1-5)

V. TAKDANG-ARALIN
Alamin ang mahahalagang detalye tungkol
sa Rehiyon IV-A CALABARZON

Anda mungkin juga menyukai