Tema: Ang Papel ng Wikang Filipino sa Aking Propesyon
ANG PAGSASANIB-PUWERSA NG WIKANG FILIPINO AT MEDISINA
Mahalaga ng wikang Filipino sa aking propesyon hindi lamang dahil isa akong Pilipino kundi makakatulong din ito sa aking pakikipagkomunika sa aking mga magiging kliyente o pasyente pagdating ng araw. Kung wala ang wikang Filipino ay malaki ang tsansang balewala rin ang aking pagiging doktor.
Sa propesyong medikal, gaya ng doktor, lubhang makakatulong ang paggamit ng wikang Filipino sa aking pakikipagusap sa aking mga pasyente. Ito ay dahil maraming mga teknikal na mga salita at termino sa medisina na maaaring hindi maintindihan ng pasyente. Wala mang salin sa Filipino ang mga termino sa medisina tulad ng Escherichia coli, hepatitis, arteries, veins, aorta, triple bypass surgery o ang Mycobacterium tuberculosis, ay mas maipapaintindi mo naman ito sa kanila ang mga proseso at mga sanhi nito sa paggamit ng wikang Filipino.
Sa aking pangarap na maging isang cardiologist o ang doktor na kumakatawan sa puso at ang iba pang parte ng circulatory system ng tao ay hindi dapat lamang ako maging isang eksperto sa larangan ng medisina kundi dapat ay mayroon din akong magandang pundasyon ng tamang paggamit ng wikang Filipino. At dahil nga hawak ng mga doktor ang buhay at kalusugan ng kanyang pasyente ay mahalaga na maintindihan ng pasyente and lahat ng impormasyong nais iparating ng kanyang doktor.
Kahit na ano pa ang iyong propesyon, inhinyero man, doktor, empleyado, arkitekto, negosyante, guro o kahit ano pang trabaho ay nangangailangan ay mahalaga ang paggamit ng iyong sariling wika. Ito ay dahil gagawing mas makabuluhan ang iyong magiging mga transaksyon o mga paguusap lalo na sa iyong mga kababayan.. Hindi sila maiilang na ikaw ay lapitan o pakinggan sa iyong mga ipinapaliwanag o mga sinasabi. Mas maipaparating mo pa sa kanila ang nais mong maiparating na kanilang maiintindihan at maitatatak pa ito sa kanilang mga puso to isip.