II. Pagtukoy ng mga salitang magkasing-kahulugan Sanggunian: TG p. 103-104 LM p.212-215 Kagamitan: Larawan , Plaskard
III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balik-Aral Iayos ang mga pangyayari ayon sa kwentong binasa sa pamamagitan ng paglagay ng bilang 1-5 sa patlang Gawin ito sa sagutang papel. _______ Nadapa ang batang pulubi. _______ Nagpunta ang mga magkakaibigan sa parke. _______ Ginamot ng mga magkakaibigan ang sugatang bata. _______ Tinawagan ni Eric ang kaniyang tiyahin sa telepono upang himingi ng tulong. _______ Nagpaalam ang magkakaibigang, Eric, Rico at Tomas sa kanilang mga magulang.
B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak/Paglalahad Ipakita ang malinis na bata, gayundin ang malinis na paligid. Pagusapan ang pagkakatulad ng dalawa. 2. Pagtalakay Ipabasa ang mga pangungusap mula sa kwentong binasa sa Basahin Natin sa LM p.212. - Ibigay ang mga salitang may salangguhit sa binasa. - Ano ang masasabi mo sa bawat pares ng salita? - Bakit kailangan natin malaman ang mga salitang magksingkahulugan? Basahin natin ang pahalagahan Natin sa LM p.213. - Upang malinang ang mga kaalaman sa mga salitang magkasing-kahulugan ipagawa ang Gawin Natin sa LM p. 213
3. Pangkatang Gawain Pangkat 1 Magbigay ng limang pares ng salitang magksingkahulugan na tumutukoy sa sumusunod na larawan Pangkat 2 Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat sa hawak mong flash card sa mga salitang nakakalat sa silid-aralan. Pangkat 3 isulat sa sagutang papel ang kasing- kahulugan ng sumusunod na salita. 1. Malambot 4. Malawak 2. Mataas 5. Mahirap 3. Pango 4. Pag-uulat sa bawat pangkat 5. Paglalahat Ano ang ibig sabihin ng magkatulad? Basahin ang Tandaan Natin sa LM p.214 6. Paglalapat Upang malaman kung lubha ng nauunawaan ang mga aralin. Sagutin ang mga sumusunod na magkasing-kahulugan: 1. Mayaman 4. Masaya 2. Maganda 5. Mataas 3. Masarap IV. Pagtataya Hanapin sa Hanay B ang kasing-kahulugan ng Hanay A. isulat ang sagut sa kwaderno. Hanay A Hanay B 1. Maliksi sarat 2. Pango matipid 3. Masinop mabaho 4. Masangsang malakas 5. Mahalimuyak mabango V. Kasunduan Ibigay ang kasing-kahulugan ng mga salitang nasa kahon. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno. Mataas _________ Makalat _________ Masarap _________ Malugod _________ Mahina _________