Anda di halaman 1dari 7

Pamantasan ng Ateneo de Davao

Unit ng Grade School



Araling Panlipunan II

Pangalan: ANGELA KRISTINE MAE V. LINAO
Pangkat at Baitang: Grade 2 Mt. Bulusan













PANTALEON A. PELAYO

Si Pantaleon A. Pelayo ay pinanganak noong August 31, 1901 sa lungsod ng Zamboanga. Lumipat siya
dito sa lungsod nd Davao noong 1926 matapos siya sakanyang kursong abogasya. Nanomina at nanalo
bilang kandidato para sa isang Constitutional Convention.

Idinulog niya sa nasabing Constitutional Convention ang pagpasa ng resolusyon sa pagtanggal ng
karapatan ng mga hapones sa mga lupain dito sa Pilipinas na nalikom sa di maganda at masamang
paraan. Binigyan niya ito ng importansya lalong-lalo na dito sa lungsod ng Davao na nasabing Little
Tokyo noon.

Noong 1940, ginulat ni President Manuel Quezon si Ginoong Pelayo sa kanyang balitang pagtalaga nya
sa kanya bilang pinakabatang alkalde ng Lungsod ng Davao noong panahong yaon. Dumaan ant natapos
ang pangalawang pandaigdigang giyera, siya ay nagpatuloy sa kanyang pagka-alkalde ng Davao.

Ang mahalagang kontribusyon niya sa Lungsod ng Davao ay ang kanyang pagpasa ng resolusyon na
maibalik ang nga lupang nakamkam ng mga dayuhang hapon mula sa mga taga-Dabawenyo.










Pamantasan ng Ateneo de Davao
Unit ng Grade School

Araling Panlipunan II

Pangalan: ANGELA KRISTINE MAE V. LINAO
Pangkat at Baitang: Grade 2 Mt. Bulusan














FRANCISCO VILLA ABRILLE

Noong mga taong 1800s, karamihan ng mga negosyante mula sa ibat ibang parte ng mundo ay napdpad
dito sa dakong Pilipinas. Isa na dito ay isang negosyanteng intsik na nagngangalang Lim Juna. Pinagsanay
niya ang mga Tausog ng Jolo, natauhan sa delikadong negosyo at lumipat siya sa Lungsod ng Davao sa
dahilan na makahanap ng magandang buhay.

Nagsimula sa isang maliit na tindahan (sari-sari store), itoy lumaki at lumago ang kanyang negosyo.
Nagpabinyag si Lim Juna ng pagka-Katoliko noong 1890. Dahil ditto, natuwa ang mga kastila sa
panahong yaon, di lang sa kadahilanan sa paglago ng kanyang negosyo kundi pati sa kanyang
pakikitungo sa mga tao. Binigyan siya ng mga kastila ng ekta-ektaryang lupain.

Para tumulong sa mga Dabawenyo, nagbigay ng mga lupain si Lim Juna sa mga dabawenyo bilang
donasyon. Itoy para sa paggawa ng mga kalye at isang lupain din kung saan nakinabang ang mga
Dabawenyo, ang kinatatayuan ng Davao General Hospital na ngayon ay ang Davao Mental Hospital. Ang
isa naman ay ang kinatatayuan ng Davao Chinese High School.

Nagbigay din ng maraming donasyon si Lim Juna sa mga simbahan dito sa Lungsod ng Davao, pati na rin
sa mga nangangailangan. Noong nabinyagan siya sa relihiyong Katoliko ang pangalan niya ay naging
FRANCISCO VILLA ABRILLE.






Pamantasan ng Ateneo de Davao
Unit ng Grade School

Araling Panlipunan II

Pangalan: ANGELA KRISTINE MAE V. LINAO
Pangkat at Baitang: Grade 2 Mt. Bulusan














CONRADO C. ALCANTARA

Pinanganak noong February 19, 1913 bilang panganay nila Fulgencio Alcantara at Esperanza de la Cruz.
Lumaki sa Maynila at nagtapos sa kursong komersyo Major in Accounting. Naging District Manager sa
isang kompanya, ang Associated Insurance Surety Co. Dahil ditto, nabigyan ng pagkakataong bumiyahe
sa Lungsod ng Davao.

Dito nagkaroon ng pagkakataong matulungan ang isang kompanyang gumagawa ng produktong yari sa
kahoy. Nang malaman kung gaano ka yaman ang Mindanao sa lupain at mga puno, nagpasya siyang
magtayo ng kanyang sariling negosyo ditto sa Lungsod ng Davao.

Noong 1954 at sa maillit na puhunan, pumasok siya sa negosyo ng pagto-troso. Itoy lumago at
nakapagtayo pa ng isang pagawaan ng plywood na ngayon ay kilala di lamang dito sa Pilipinas kundi
rin sa ibat ibang parte ng mundo.

Nagbigay siya ng isnpirasyon sa lahat lalong-lalo na sa mga Dabawenyo tungkol sa negosyo at
pakikitungo sa mga tao.









Pamantasan ng Ateneo de Davao
Unit ng Grade School

Araling Panlipunan II

Pangalan: ANGELA KRISTINE MAE V. LINAO
Pangkat at Baitang: Grade 2 Mt. Bulusan




EDNA TIROL-KIMPO


Si Ginang Edna Tirol-Kimpo ay pinanganak noong August 27, 1909 sa isla ng Panay. Lumaki at nag-aral sa
Maynila. Bago natapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, ikinasal siya kay Ginoong Ramon Kimpo, isang
abogado.

Noong siyay nasa kanyang kalagitnaan ng kanyang edad na 30s (mid-30s), lumipat ng Davao ang mag-
asawa. Naging alkalde ng Peaplata Samal ang kanyang kabiyak noong panahon matapos ang
pangalawang pandaigdigang digmaan. Dito nagsimula ang ang adbokasiya ni Edna Tirol-Kimpo. Nagturo
sa kindergarten ganun din sa mababang paaralan. Nagturo ng Espaol sa kolehiyo ng Holy Cross of
Davao. Naging aktibo sa mga gawain sa simbahan lalong lalo na sa Catholic Womens League,
Archdiocesan Council of the Lay Apostolate (ACLA), CARITAS-Davao at sa ibat iba pang mga grupo sa
Lungsod ng Davao.

Dahil sa kanyang pusong busilak, tinawag siya na Mrs. CARITAS ng dating Arsobispo ng Lungsod ng
Davao, si Monsignor Antonio Ll. Mabutas. Nakatanggap din siya ng Pro Ecclesia Pontifice Award mula
sa Santo Papa, Pope Pius XII noong 1949.

Nagpatuloy ang kanyang adbokasiya hanggang siya ay mapayapang pumahinga noong 1995.
















Pamantasan ng Ateneo de Davao
Unit ng Grade School

Araling Panlipunan II

Pangalan: ANGELA KRISTINE MAE V. LINAO
Pangkat at Baitang: Grade 2 Mt. Bulusan












ALEX A. PANUNCIALMAN

Isang tubong Dabawenyo, pinanganak si Ginoong Alex A. Panuncialman noong January 11, 1918. Nagtapos din
na Valedictorian sa Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Davao (Davao City High School) at naging scholar sa
kursong medisina sa Pamantasan ng Pilipinas (University of the Philippines) College of Medicine at nagtapos
noong 1942. Nakakuha ng ikatlong pinakamataas na antas sa resulta ng pagsusulit ng medisina (Medicine
Board Exam).

Matapos ang pangalawang digmaang pangkalawakan, nagpatuloy siya sa kanyang propesyon sa Philippine
General Hospital. Noong 1947 hanggang 1950, naging doctor siya sa Manay at Caraga.
Lumipat siya sa Lungsod ng Davao noong 1950s. Nagsimula siya bilang dispensary physician sa San Pedro
Hospital. Makaraan ng dalawang buwan, naging assistant director nang di nagkalaon naging director din ng
ospital, ang San Pedro Hospital.

Di niya sinayang ang mga pagkakataon dito sa Lungsod ng Davao. Tumulong siya sa pagtatag ng San Pedro
School of Nursing noong 1956, at sa pagkakaroon din ng isa sa pangunahing paaralan ng mga doctor ditto sa
Lungsod ng Davao, ang Davao Medical School Foundation.

Makikita sa kanya ang walang puwang na pagtulong lalong-lalo na sa mga mahihirap at kapus-palad.
Nagbibigay siya nga libreng konsulta at operasyon sa mga di kayang magbayad.

Hindi lang sa ospital kilala si Dr. Alex Panuncialman, naging Chairman of the Board din siya sa Davao City
Water District (DCWD) noong 1973 hanggang 1984. Kilala din si Dr. Panuncialman sa kanyang pakikitungo sa
mga tao. Sa pamamagitan din ni Dr. Alex Panuncialman at kanyang impluwensiya sa mga Heswita ng Ateneo de
Davao University, nagkaroon ng computer system ang DCWD sa mas mababang halaga.

Ibinuhos niya ang kanyang dedikasyon sa pagtulong sa mga mahihirap. Dahil ditto, naka-ukit ang pangalan ni
Dr. ALEX PANUNCIALMAN sa puso ng mga mahihirap na kanyang natulungan.
Magandang _____________________ po sa inyong lahat.
Ngayon sa ating balitang kapanahunan.
Itatampok natin ang mga tanyag na mga taong naglilok
sa kasaysayan ng Lungsod ng Davao.

Ang una po ay si Ginoong Pantaleon Pelayo.
Pinanganak noong August 31, 1901.
Siya po ay isang abogado na tumulong sa pagpasa ng resolusyon
na ang mga Pilipino lamang ang mag mamay-ari ng lupa ditto sa Pilipinas,
lalong lalo na dito sa Davao na nabansagang Little Tokyo noon.
Noong panahon ni President Quezon, siya ang pinakabatang alkalde na
na-iluklok sa pwesto.

Ang susunod na itatampok ko po ay si Lim Juna, isang negosyanteng intsik.
Dahil sa kanyang magandang pakikitungo sa mga kastila noon,
Siya ay binigyan ng ekta-ektaryang lupain.
Dahil dito, binigay niya rin ang ilan sa mga nasabing lupain bilang donasyon.
Ang ilan dito ay kung saan nakatayo ang Davao Mental Hospital at ang
Davao Chinese High School.
Nagbigay din siya sa mga simbahan at iba pang mga nangangailangan.
Ikinasal at naging katoliko at pinangalanan sa mas kilala natin na Francisco
Villa Abrille.

Ang pangatlong itatampok ko po ay si Ginoong Conrado C. Alcantara.
Noong 1954, nagtayo siya ng isang kompanya na nag-susuplay ng mga troso.
Sumunod nito ay nagtayo din siya ng pagawaan ng plywood na ngayon ay
kilala di lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Nagbigay siya ng inspirasyon sa lahat lalong-lalo na sa mga Dabawenyo
tungkol sa pagtaguyod ng negosyo at pakikitungo sa mga tao.

Ang pang-apat na itatampok ko po ay si Ginang Edna Tirol-Kimpo.
Binansagang Mrs CARITAS ng dating Arsobispo ng Lunsod ng Davao, si
Monsinyor Antonio Mabutas.
Isa rin siyang ulirang guro na nagturo sa Holy Cross at sa ICC na ngayon ay
mas kilalang UIC.
Nilaan niya ang kanyang oras at sarili sa pagtulong sa mga kapus-palad.
Nakatanggap siya ng PRO ECCLESIA PONTIFICE AWARD mula sa Santo Papa,
Pope Payus Eleventh noong June 11, 1949.
Nagpatuloy ang kanyang adbokasiya hanggang siya ay mapayapang
pumahinga noong 1995.

Ang panlima at huli kong itatampok ay isang pilantropispo.
Isang doctor na tumutulong sa maraming mahihirap.
Nagbibigay ng libreng operasyon sa mga kapus-palad.
Isa rin sa mga tumulong na maitayo ang San Pedro School of Nursing,
at ang nangungunang paaralan ng mga doctor dito sa Davao
ang Davao Medical School Foundation.
Minsan nakasama ng aking butihing ama sa mga operasyon,
Pinapakita niya ang kanyang pag-aaruga at pagtulong sa mga mahihirap.
Ang taong tinutukoy ko po ay si Dr. Alex L. Panuncialman.

At yan po ang aking ulat kapanahunan.
Ako po si Angela Kristine Mae V. Linao.
Nagbabalita!

Anda mungkin juga menyukai