(Huwebes) IV-Ati-atihan 12:00-1:00 IV-Sapatos 1:00-2:00 IV-Sinulog 2:00-3:00 IV-Higantes 3:10-4:10 IV-Moriones 5:10-6:10 I. LAYUNIN Nailalarawan ang katangiang pang- heyograpiya ng National Capital Region (NCR) Napahahalagahan ang mga sumusunod: Hanapbuhay Industriya Produkto Makasaysayan/magagandang pook Kilalang tao
II. PAKSA National Capital Region (NCR) Sanggunian: RBEC-PELC (Revised June 2010) Ang Bayan Kong Pilipinas 4 93-97 Kagamitan: mapa, tsart, larawan Pagpapahalaga: pagkilala at pagpapahalaga sa simbolong pangkultura
III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balitaan Pumili ng balita mula sa T.V., radyo, o pahayagan. Pag-usapan ang nilalaman ng nasabing balita. 2. Balik-aral Ano ang paksa natin sa nakaraan? 3. Pagsasanay Anu-ano ang mga lalawigang bumubuo sa Cordillera Administrative Region? Ilarawan ang katangiang pisikal ng rehiyong ito.
B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Magpakita ng larawan ng mga lugar na matatagpuan sa Marikina. Alamin kung mahuhulaan ba nila kung saang lungsod sa NCR ito makikita. Iugnay ito sa araling ilalaad. 2. Paglalahad Ilahad ang tungkol sa mga mahahalagang impormasyong may kaugnayan sa National Capital Region (NCR) 3. Talakayan Bigyang-diin sa pagtalakay ang tungkol sa topograpiya, pangkat ng tao, hanapbuhay /industriya /produkto, at makasaysayang pook sa National Capital Region 4. Pangkatang Gawain Magtala ng limang simbolong pangkultura sa bayan o lungsod na makikita sa NCR. Maglahad ng maikling detalye ukol dito. 5. Paglalahat Anong rehiyon ang ating pinag-aralan? Ilarawan ang katangian ng rehiyong ito. 6. Paglalapat Mahalaga bang makilala at pahalagahan ang simbolong pangkultura ng bawat lugar? Bakit?
IV. PAGTATAYA Ipasagot ang mga pagsasanay sa Formative Test in AP4 2 nd Grading (bilang 1- 5)
V. TAKDANG-ARALIN Alamin ang mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa Rehiyon VI Kanlurang Visayas