Anda di halaman 1dari 12

Prepared by:

Mrs. Nerissa M. Pascua


AP/SPG Coordinator,Sto. Cristo E/S









Talambuhay ni Apolinario Mabini
Kahit ka may kapansanan, maaari ka ring maging bayani ng bayan. Ito ay
isang katotohanang naganap sa buhay ng isang paralitiko sa katauhan ni
Apolinario Mabini.Si Apolinario ay ipinanganak sa Tanauan, Batangas noong Hulyo
23, 1864. Kapwa magsasaka ang kanyang ama at ina na sina Inocencio Mabini at
Dionisia Maranan.Bata pa lang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Kahit mahirap
lang ay nabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral nang maipasa ang pagsusulit
sa Kolehiyo de San Juan de Letran. Kahit na libre sa pag-aaral, kailangan din
niyang bumili ng pagkain, uniporme at kagamitan. Napilitan siyang magturo ng
Latin sa mga pribadong paaralan sa Maynila, Bauan at Lipa.Nang matagumpay
niyang natapos ang Bachelor of Arts ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng
Bachelor of Laws sa Unibersidad ng Santo Tomas. Malaki ang gastusin ni
Apolinario bilang estudyante ng abugasya kaya namasukan siyang istenograper sa
Court of First Instance at klerk sa Intendencia General.Ang pag-ibig sa bansa ang
dahilan kaya muli niyang binuhay ang "La Liga Filipina" noong 1863. Nang
halinhan ito ng Cuerpo de Compromisarios noong 1864 ay nahalal si Apolinario
bilang Sekretaryo ng organisasyon. Ang nabanggit na samahan ay naglayong
magbigay ng moral at pinansyal na tulong sa mga propagandistang Pilipino sa
Espanya.Kahit hati ang sarili sa pag-aaral, pagtatrabaho at pagtulong sa
propaganda, nakuha pa ring matagumpay na matapos ni Apolinario ang abugasya
noong 1895.Habang namamasukan bilang notario publico, dinapuan ng
napakataas na lagnat si Apolinario na nauwi sa pagkakasakit niya ng polio. Kahit
na may sakit, nagpatuloy siya sa pagtulong sa mga rebolusyonaryo.
Nang malaman ng mga Guardia Civil ang pakikisangkot niya sa pagpapalaya ng
bansa ay inaresto ang "Dakilang Paralitiko." Kung hindi sa kaniyang karamdaman,
maaaring naparusahan siya ng kamatayan. Sa mismong Ospital ng San Juan de
Dios kung saan siya ginagamot pinamalagi siya bilang bihag.Matapos palayain,
pansamantala siyang nanirahan sa Laguna upang maglunoy paminsan-minsan sa
maligamgam na mga batis ng Los Banos.Ang talino sa batas ay nabigyang diin ni
Apolinario nang sumulat siya ng isang artikulo para sa mga lider rebolusyonaryo.
Ang nasabing manifesto ay nagpapahalaga sa pagtindig ng Pilipinas bilang isang
malayang bansa kung matatalo ng Estados Unidos ang Espanya sa digmaan nilang
dalawa. Sa husay ng mga paliwanag ay ipinasundo ni Pangulong Aguinaldo si
Apolinario at ginawa niya itong tagapayo.Isa sa mga mahuhusay na payo ni
Apolinario kay Pangulong Aguinaldo ay ang pagpapalit ng porma ng gobyerno.
Mula diktaturya, naging rebolusyonaryo ang porma ng pamahalaan ng Pilipinas.
Ipinaorganisa ni Apolinario ang mga lalawigan, munisipalidad, hukuman at
pulisya.Nagsilbi si Apolinario bilang Pangulo sa Konseho ng mga Kalihim. Hinirang
siya sa Pamahalaang Aguinaldo bilang Kalihim Panlabas.Si Apolinario rin ang
pinasulat sa maraming alituntuning dapat ipatupad sa buong bansa.Dalawa sa
mga mahahalagang dokumentong naiambag ni Apolinario ang El Verdadero
Decalogo at Programa Constitucional de la Republica Filipina. Ang Decalogo ay
naglalayong gisingin ang damdamin ng mga Pilipino. Samantala, ang Programa
Constitucional ay naglalayong isulat ang isang konstitusyong susundin ng mga
Pilipino upang malaman nila ang kanilang mga karapatan at obligasyon bilang mga
mamamayan.Nang matuloy ang giyera Pilipino-Amerikano, inilikas si Apolinario sa
Cuyapo, Nueva Ecija kung saan nasundan siya ng mga Amerikano. Dalawang taon
din siyang naging bihag pandigmaan.Matapos palayain, tumira ang Dakilang
Paralitiko sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila. Sa sobrang pagmamahal
sa Pilipinas, sumulat sa pahayagang El Liberal ang matalinong abugado. Ang mga
makabayang opinyon niya ang naging dahilan upang ipatapon si Apolinario sa
Guam.Isang mataas na posisyong pampamahalaan ang ibinibigay kay Apolinario
ng Pamahalaang Amerikano pero tinalikuran ito ng Dakilang Paralitiko. Minarapat
niyang mamalagi sa kaniyang munting dampa na malaya kahit maralita.Namatay
si Apolinario Mabini noong Mayo 13, 1903 na isang dakilang Pilipinong
hinahangaan sa buong mundo.








Ipinagdiwang ng Sto. Cristo Elementary School ang 150
th
birth
anniversary ng ating bayani na si Apolinario Mabini. Noong Ika-18 ng
Hulyo ginanap ang Cluster-1 Mabini contest na binubuo ng mga
paaralan ng Paradise Farm, San Isidro, Kakawate , San Roque at Sto.
Cristo. Kung saan ang bawat paaralan ay may tatlong kalahok sa bawat
kategorya na binubuo ng Essay Writing, Jingle Writing and Singing at
Poster Making. Matagumpay na na naidaos ang Mabini Contest sa
pakikiisa ng mga punong guro ng mga kalahok na paaralan. Tunay nga
na buhay ang diwa ng tema ng paligsahan dahil ang bawat kalahok ay
nagpakita ng kanilang angking talino at paninindigan sa
pakikipagtunggali sa kapwa mag-aaral.
Noong ika- 21 ng Hulyo ginanap ang sabayang pagbigkas ng
Dekalogo ni Apolinario Mabini sa paaralan ng Sto. Cristo. Nagkaroon din
ng mga programa tulad ng pagsasadula sa talambuhay ni Mabini sa
bawat silid aralan.Ang mga guro ay naglaan ng oras sa pagtalakay sa
talambuhay ng ating bayani upang sa ganon ay tumatak sa isip ng
bawat mag- aaral ang kanyang mga nagawa sa bayan at tunay na
magsilbing huwaran sa bawat isa.
Noong ika-23 ng Hulyo ginanap ang Mabini Division Contest, kung
saan naglaban ang mga kalahok ng bawat cluster. Naging matagumpay
ang pagdiriwang at ang Sto. Cristo E/S ay nakakuha ng pang-apat na
pwesto sa Poster Making Contest.







Cluster I Mabini Contest



















AP Coordinator










Cluster I - School Principals









Mabini Division Contest










Poster Making











Classroom Based Program











Sabayang Pagbigkas Ng Dekalogo Ni Apolinario Mabini

Anda mungkin juga menyukai