Anda di halaman 1dari 1

Nabalitaan ko na may mga dinampot nanamang mga batang labas ang DSWD, marahil hindi na

bago dito sa aming lugar halos buwan buwan naman ay nangyayari ito. Karamihan ng mga dinadampot
nila ay yung mga batang pulubi, nagbabakal, mga snatcher, mga tirador ng solvent at kung ano ano pa.
Mga pinabayaan ng magulang na kung minsan ay sinipa na ng sistema bilang isang batang pilipino,
ngunit wala din naman tayong magagawa sa bagay na iyon dahil ito naman ang realidad.
Ako nga pala si Tony isa akong estudyante mula sa presitihiyosong unibersidad dito sa Maynila,
hindi kami mayaman dahil scholar akong pumasok dito. Sa lugar namin lahat ng uri ng salot sa mundo ay
makikita mo, kung hindi nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ay mga mamamatay tao, o di kayay
mga patapon na ang buhay na inaantay na lang ang kanilang kamatayan. Oo alam ko nakatira kami sa
iskwater na komunidad pero hindi ko ito pinagsisisihan, dahil iyon ang guhit nang aking kapalaran at ito
rin ang guhit ng aking pamilya.
Hindi nakapag tapos ng elementarya ang aking inay at itay , pareho silang naglalako ng bananaque
sa may Dewey. At sa anim na magkakapatid ay ako lang ang nakatungtong sa kolehiyo, lahat ng kapatid
ko ay nagsipag asawa na, dahil doon lang din naman hahantong ang kanilang gulong ng kapalaran.
Masipag daw ako mag aral sabi ng aking pamilya, siguro dahil kung hindi ako nagsumikap ay hindi ko
makukuha ang pinaka asam asam kong scholarship na aking matatangap sa buong buhay ko. Magastos
ang swerte para sa aking buhay kung bibili ako sa palengke ng pag asenso, hindi ko ito basta basta
makukuha kung hindi ko rin ito pag iipunan ng sipag at tyaga. Sabado ng umaga noon ng lumabas ako ng
bahay upang bumili ng pandesal kila kuya jojo, halos sumuray suray akong naglalakad sa kalsada namin
dahil sa antok. Oo

Anda mungkin juga menyukai