Anda di halaman 1dari 2

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araway inipon niya ang kanyang mga
gamit at inilulan sa kanyang alagangkabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang
mahabangpaglalakbay.Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-hihina
ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
" Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang
tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.
" Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisanmo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad."
Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam
mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling
mag-init ang katawan ko
," pakiusap pa rin ng kalabaw.
" Bahala ka sa buhay mo
," naiinis na sagot ng kabayo.Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw.
Hindinagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siyaay pumanaw.Nang makita ng
magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat nggamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na
bahagya namangmakalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
" Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganitokabigat ang pasan ko ngayon
," may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.

Indaratpatra and Sulayman

Ito'y salaysay ukol kay emperador Indarapatra ng Kahariang Mantapuli. Siya'y matalino, mabait at
matapang. May sibat siyang matapos ihagis sa kaaway ay bumabalik sa kanya. Nang may nanalot na
mga dambuhalang halimaw sa Mindanaw ay isa-isa niya itong napatay.

Humingi ng tulong si Emperador Indarapatra kay Prinsipe Sulayman na iligtas nito ang Kaharian sa
apat na salot: si Kurita, hayop na maraming paa at isang kainan lamang niya ang limang tao; si
Tarabusaw, mukhang tao na nangangain ng tao; si Pha, ang ibong dahil sa kanyang laki'y
nakapagpapadilim ng bundok at ang halimaw na si Kurayan, isa ring ibong may Pitong ulo.

Tinanggap ni Sulayman ang tungkulin. Naglagay si Indarapatra ng halaman sa durungawan at kapag


nalanta ito ang ibig sabihin ay nasawi ang prinsipe.

sa-isang napatay ang mga halimaw, ngunit nang maligtas niya ang pakpak ng huling halimaw ay
nadaganan siya nito at siya'y namatay.

Nalanta ang halaman at nabatid ni Indarapatra ang nangyari kay Prinsipe Sulayman. Pinuntahan niya
ito at dumalangin nang taimtim sa Bathala. Nabuhay na muli ang bayani.
Isang magandang dalaga sa mga nailigtas ni Sulayman ang nakabihag ng kanyang puso.

Anda mungkin juga menyukai