Anda di halaman 1dari 53

MGA TAUHAN:

Angelica Panganiban
Yasmien Kurdi

Valerie Concepcion

Mayo tomboy, anak mahirap


-

Jay-R Trinidad

Kristine Reyes

Joyce ang napakabuting kaibigan

Tina insekyur na kaibigan

Cris closet queen


Romie ambisyosang artista

Nadine Samonte

Kissy - mapagkunwaring kaibigan

Iwa Moto

Tisha tampulan ng tukso

Inilahad

sa tsapter 2 ang presentasyon,

analisis

at

interpretasyon ng pagsusuri ng pelikula. Sa bahaging ito ng aklat


ay naihayag ang pangkalahatang pagpapakahulugan ayon sa
natuklasan ng mananaliksik.
Ang mananaliksik na ito ay namili at nanood

ng

pelikulang pangkabataan siyang gagamitin sa pag-aaral na ito.


Ang Pitong Dalagita ang siyang napili na pagbasehan ng pagaaral na ito. Ito ang napili ng mananaliksik sapagkat kakaiba ito
sa mga iba pang pelikulang pangkabataan. Ito ay naglalarawan
ng mga kabataang nakikibaka sa hamon ng buhay. Kapag

pangkabataang pelikula lalo na kung tungkol sa hayskul ito ay


karaniwang nagsasalaysay sa mga crushes, gang war, problema
sa pamilya o sa pag-ibig. Bagamat ipinakita rin ang ilang sa mga
ito sa pelikulang Pitong Dalagita ngunit sa kabuuan ipinakita rito
na kahit sa murang edad nila ay nakararanas sila ng mga
matitinding suliranin sa buhay at sa kanilang mapusok na paguugali di nila nakakayanan ito.
Ang Pitong Dalagita ay isinulat at idinirehe ni Cris Pablo sa
isang digital format, at ipinalabas noong taong 2006 ng Canary
Films.

Ito ay hango sa tunay na pangyayari na naging

dokyumentaryo naipalabas sa telebisyon sa GMA 7 tungkol sa 10


mga dalagitang nag-aaral sa hayskul sa isang pampublikong
paaralan na sabay-sabay na nagpakamatay na naligtas naman.
Kasama

si

Cris

Pablo

sa

pagdodokyumentaryo

nito

dahil

konektado sa GMA News and Public Affairs si Cris Pablo.


Ayon mismo sa direktor ng pelikulang ito, kakaiba raw
ang pelikulang Pitong Dalagita sapagkat ang pitong tauhan ng
pelikulang ito ay kawili-wiling lapatan ng pag-aaral. Ito ay pagaaral ng kung papaanong mag-isip ang mga kabataan sa ngayon
ano ang kanilang nararamdaman at kung paano nilang haharapin
ang mga mabibigat na bagay kasama ng mga taong nakapaligid
sa kanila. Ito ay naglalahad sa katotohanan ng buhay tinedyer.

Alam natin na ang pinakakumplikadong bahagi ng buhay ng tao


ay ang pagiging tinedyer sapagkat ito ang antas na maraming
gustong malaman ang mga tinedyer; sila ay nagiging kuryuso sa
lahat ng bagay. Marami na silang tinanong tulad halimbawa ng;
ano ba talaga ang kahulugan ng buhay, ano ba talaga ang
dahilan ng kanilang eksistens? Marami sa mga kabataan ngayon
ang nag-iisip ng di na nakabubuti sa kanila, pumapasok sa mga
bagay na di-alintana ang panganib dahil na rin sa kanilang
kapusukan. Naniniwala sila na marami silang dapat malaman,
matutunan at matuklasan kaya nakikipagsapalaran upang makita
ang hinahanap na kasagutan. Kapag nagkaroon naman ng
problema ay di nakakayanan dahil na rin sa kanilang murang
isipan nakakaisip ng pagpapakamatay may suicidal tendencies.
Ang pelikula ay naglalahad ng takbo ng buhay, tungkol sa pagibig, pakikipagkaibigan, pagtanggap sa lipunang ginagalawan at
pagtuklas ng mga bagay.
Isinulat ni Crispina Martinez Belen, isang manunulatat
manunuri ng pelikula, na ang pelikulang ito ay mahalaga dahil
nagpapakita ito ng mga masalimuot na buhay ng mga tinedyer
sa kasalukuyan. Madaling makakauugnay ang mga manonood sa
mga

ipinakita

ng

tauhan

sa

pelikula.

Inilahad

ito

sa

pamamagitan ng ibat ibang galing ng mga artista sa pagganap

sa kanilang mga papel na sina: Angelica Panganiban, Yasmien


Kurdi, Nadine Samonte, Valerie Concepcion, Cristine Teyes, Jayr
Trinidad at Iwa Motto bagamat karamihan sa mga artistang ito
ay sobra sa edad na 18. Ang dalagita kasi ay nasa edad 11
hanggang 17. Naging hamon kay G. Pablo ito, ang direktor ng
pelikula dahil kailangan magmukha at makaarte sila sa papel ng
bilang isang hayskul. Sabi nga ng mga ibang manunuri hindi ito
gaanong naging malakas sa takilya dahil na rin siguro sa hindi
maganda ang pagkakagawa ng trailer ngunit maituturing nila
itong napakagandang pelikulang.
Ang pelikulang ito ay naglarawan sa pitong kabataan na
may kanya-kanyang isyu sa kanilang sarili at sa kanilang mga
kumplikadong buhay. Inilantad sa pelikula ang madilim na
bahagi ng makataong damdamin ng mga tinedyer. Ito ay
napapanahon

lalo

nat

ang

buhay

tinedyer

ay

isa

sa

pinakakumplikadong parte ng buhay ng isang tao. Ang pitong


dalagitang ito, anim na babae at isang lalake na sa katotohanan
ay isang bakla ay kuwento ng mga ibat ibang isyu ng mga
kabataan na maaaari nating makita sa ating mga kabataan
ngayon.
Ang pelikulang Pitong Dalagita ay nagsimula sa
pagpapakita ng paglalaslas ng pitong estudyante ng hayskul

doon mismo sa kanilang paaralan noong Prom Night. Nakitang


nakahandusay ang pito sa playground ng paaralan tabi ng merry
go round. Ang presentasyon ng pelikula ay ginamitan ng mga
flashback upang maintindihan ang suliranin ng bawat tinedyer na
ito

na

nagbunsod

sa

kanila

ng

paglalaslas.

Matalik

na

magkakaibigan ang pitong tinedyer na sina: Joyce, Tina, Romi,


Kissy, Mayo, Tisha, at ang baklang si Cris. Iba iba sila ng mga
suliraning pansarili na hindi naman nila ipinahahalata sa grupo.
Hindi nila namamalayan may nabubuong inngit at pagseselosan
kina Tina at Kissy. Ang iba naman walang pakialam sa anumang
nararamdaman ng kanilang mga kaibigan ang importante ay
masaya sila. Isa lamang sa grupo ang nagmamalasakit sa
kapakanan ng kanyang kaibigan, ito ay si Joyce na pinipilit na
maging bahagi ng grupo. Sa kasamaang palad, wala naman
siyang

mabigat

na

problema

ngunit

nang

maglaslas

ang

magkakaibigan ay naglaslas na rin siya na ikinasawi niya at


naligtas naman ang anim. Nais lamang mapatunayan ni Joyce
kung gaano siyang katapat na kaibigan. Naririto ang kanikanilang karakter:
Si Joyce ay naghahanap ng makakasama at mapabilang sa
grupo.Nakita niya ang limang dalagita at isang binata at para
talagang mapasama siya sa grupo ginagawa niya ang lahat para

sa kanila kahit pa maging alalay siya. Si Joyce ay isang


masayahing dalagita na ulila na at inaalagaan ng kanyang
mabait na lola na ang ikinabubuhay ay pagtitinda ng banana
cue. Nakita niya ang anim na magkakaibigan na nakasundo niya
naman kaagad.
Si Tina naman ay ang dalagitang hindi masaya sa kanilang
pamilya sapagkat lagi siyang sinasabihang malas sa tuwing
magkakamali sa kanyang mga ginagawa. Malaki ang isyu sa
kanilang magbabarkada; hindi niya man ipinahahalata na may
nabubuong inggit sa kanya sa kaibigang si Kissy. Dahil sa
mababang pagtingin sa kanya ng kanyang mga magulang
mababa rin ang pagtingin sa kanyang sarili. Para sa kanya hindi
niya mapantayan ang kagandahan ni Kissy lalo pat ang
nagugustuhan niyang lalaki na si Cris ay malapit kay Romie at
pinagseselosan niya ito.
Si Kissy naman ay maganda at nagugustuhan ng lahat.
Mula sa mayamang pamilya ngunit biglang naghirap dahil sa
nagkasakit na ina. Ayaw niyang malaman ng mga kaibigan na
wala na silang pera at naghihirap. Kaya naman kahit ganoong
ang tunay na nangyayari sa kanya ay ipinapakita pa rin niya na
mayaman ang istilo ng kanyang pamumuhay. Galante pa rin siya
sa kanyang mga kaibigan kahit galing sa pagnanakaw ang

kanyang mga ibinibigay. Malapit siya kay Cris, ang isa sa


barkada niya, na alam niya ang sekreto nito na nagkakagusto sa
kapwa lalakeng si Joshua. May malaking problema si Kissy dahil
comatose ang kanyang ina;

nalilito siya sa kung dapat niya

bang wakasan ang buhay ng kanyang ina sa pamamagitan ng


pagputol ng hose na

nagdudugtong

sa

ikabubuhay

ng

kanyang ina. Siya ay makailang ulit nang naglaslas.


Si Tisha ay lagi namang tinutukso ng mga kaeskwela dahil
sa malaki ang kanyang suso. Hindi man niya nagugustuhan ito ay
wala naman siyang magawa. Masaya naman siya sa kanyang mga
barkada.
Si Mayo naman ay isang anak mahirap na nagtitiis sa
kanyang buhay sa mga iresponsableng mga magulang. Nakatira sila
sa iskwater na may mga sindikato ng nagbebenta ng shabu.
sa mga customer nito ay ang kanyang ina. Ang kanya

Isa

namang

tatay ay lagi ring lasing. Halos wala silang makain kaya naaawa siya
sa kanyang kapatid. Pilit niyang pinoprotektahan ang kanyang
kapatid na hindi masangkot sa sindikatong ito.
Si Romi naman ay isang ambisyosang artista. Lagi naman
siyang may mga proyekto sa pelikula kahit ekstra lamang at laging
pinahihirapan siya. Mababaw lamang ang kanyang kaligayahan kaya

nasisiyahan naman siya. Kahit ilang beses

siyang

iniinsulto

ng

mga kasamahan sa pelikula ay tinatanggap niya iyon.


Ang

huli

ay

si

Cris,

ang

guwapong

binatilyo

na

nagugustuhan ni Tina. Iilan lamang nakaaalam na bakla pala si Cris


at hindi ito alam ni Tina. Magkasundung-magkasundo sila ni Kissy.
Ang nagugustuhan naman ni Cris ay si Joshua, ang kanilang
kaklase. Kinikilig lagi si Cris kapag magkasama sila ni Cris.
Gumagawa naman ng paraan si Kissy para magkalapit sila Cris at
Joshua. Nang makahalata si Joshua na may ibang pagtingin si Cris
sa kanya pinagtawanan niya ito at ininsulto. Nasaktan nang lubusan
si Cris sa pagtrato sa kanya ni Joshua ngunit napalitan ito ng galit
nang matuklasan niya sa tulong ni Tina, na pumapatol din pala si
Joshua sa ibang lalake.
Ang bawat magbabarkada ay may kanya-kanyang
isyu sa buhay at si Joyce ang tila pumapasan nito. Lahat ng klaseng
pakikisama ay ginagawa ni Joyce mapasaya lamang ang mga
kaibigan.

Itinatago

niya

ang

tunay

niyang

damdamin

na

humahanap din ng tunay na kaibigan. Kaya nang si Kissy ay


mamigay ng kung anu-anong bagay sa mga kaibigan ay lagi naman
itong tinatanggihan ni Joyce. Hindi naman alam ng magkakaibigan
na ninakaw o nag-shop lift lamang pala si Kissy sa isang
department store. Nang bigyan ni Tina si Joyce ng tela dahil mas

may nagugustuhan siyang tela na ipatatahi para sa nalalapit na JS


Prom. Tuwang-tuwa naman si Joyce sa natanggap na tela kay Tina.
Si Tina kasi ang paborito niyang kaibigan.
Noong gabi ng JS Prom nangyari ang paglalaslas ng
magbabarkada. Nang gabi ring iyon natuklasan ni Cris na bakla rin
pala si Joshua bagamat si Tina ang naging dahilan nito kaya
nagalt din siya kay Tina at sinabihang malas si Tina sa barkada.
Nasasaktan si Tina sa tuwing sinasabihan siyang malas hindi
lamang ng kanyang mga magulang kundi pati na rin ng kanyang
barkada. Tumakbo si Tina at hinabol ito una ni Joyce at sumunod
din ang iba sa barkada. Pinipigilan nila si Tina hanggang sa
mahulog ito sa ilog at iniligtas naman ito ng magkakaibigan.
Nang makaahon sila ay nagpahinga sila sa Merry Go Round sa
kanilang

school

playground.

Habang

iniisip

nila

ang

mga

masasayang panahon ng mga magkakaibigan. Unang naglaslas si


Kissy na sinundan ng lahat, kahuli-hulihan si Joyce at sabay- sabay
silang bumagsak.
Si Ruli naman, ang guidance counselor ng paaralang
pinag-aaralan ng magbabarkada. Si Ruli ang nagsikap na magimbestiga sa pitong estudyante sa kung ano ang tunay na
pangyayari. Ang lahat ay nakaligtas maliban kay Joyce dahil
nagkaroon ng kumplikasyon. Nalungkot ang lola ni Joyce ngunit

masaya niyang pinasalamatan ang mga kaibigan nito. Nawala ang


kanya apo ngunit napalitan ito ng marami dahil tinutulungan ng
mga kaibigan ni Joyce ang kanyang lola sa pagbebenta ng banana
cue. Sa pagtatanong ni Ruli sa mga magkakaibigan na kung ano
ang dahilan ng kanilang paglalaslas. Pare-pareho ang kanilang
sagot na ito raw ay katuwaan lamang.

I. Pagsusuri ng Pelikula sa Pananaw na Humanismo at


Eksistensyalismo

A. Humanismo sa Pelikulang Pitong Dalagita at


Balyus Nito
Si Joyce, ang dalagitang ulila na at nasa pangangalaga ng
kanyang lola. Ang tanging layunin niya lamang ay ang mapabilang
sa

grupo kaya naman ginawa niya ang lahat para lamang

mapalapit sa barkada. Sa pitong magbabarkada siya lamang ang


nakauunawa sa mga natatagong damdamin ng kanyang mga
kaibigan marahil dahil na rin sa sila ay abala sa pag-iisip sa mga
kani-kanilang problema. Si Joyce ay salamin ng isang kabataang
naghahangad ng kasiyahan sa buhay sa mga simpleng bagay. Sa
paghahangad na mapabilang sa grupo mas minabuti niyang gawin
ang sa akala niya ang ikatatagumpay ng kanyang hangarin.

Hinayaaan niyang siya gawing alalay. Kung tutuusin sa kanilang


magkakaibigan siya ang walang problema bagamat wala na siyang
magulang ngunit mayroon namang lolang mabait at mapagmahal.
Walang halong pag-iimbot ang ipinapakitang pagkagiliw ni Joyce sa
kanyang mga kaibigan. Naging tagapagtanggol si Joyce ng lahat,
tagasalo ng problema o kalungkutan ng kanyang mga kaibigan. Pilit
niyang ipinapakita ang pagiging tunay niyang kaibigan sa anumang
bagay.
Nakikita natin sa tauhang si Joyce na siya ay naharap sa
mga maraming pagpipilian at nasa sa kanya na lamang kung ano
ang nanaisin niya. Maaaring maghanap na lamang ng ibang
grupong kanyang kakaibiganin at layuan ang mga barkadang ito na
puno naman ng mga problema. Ginagawa lahat ni Joyce para
lamang mapalapit sa mga kaibigan. Bakit nga ba mas pinili pa rin
niyang manatili sa grupong ito? Tunay na kakikitaan natin si Joyce
ng isang makataong obhektibo. Nang makita niyang naglaslas ng
pulso ang kanyang mga barkada ay sumunod din siya hindi dahil sa
ano pa mang dahilang kundi sumunod lamang siya sa agos. Sa
kasamaang palad ang anim niyang mga kaibigan ay naligtas sa
kamatayan samantalang siya naman ay nasawi.

Marahil iyon ang

kanyang nais upang maipakita na siya ay tunay na kaibigan kaya


niya ginawa rin ang paglalaslas. Pinatutunayan niya kung gaano

siyang katapat n kaibigan. O di kaya marahil ayaw niyang masabing


wala siyang pakisama kung hindi rin siya naglaslas. Mayroon siyang
mapagpipilian

kung

gugustuhin

niya,

tulad

halimbawa

ng

matatauhan siya nang makita ang mga kaibigang nakahandusay at


duguan, maaari siyang humingi na lamang ng tulong. Ngunit
pinagpasyahan

niyang

makisali

sa

ginawa

ng

kanyang

mga

kabarkada. Di nga bat ang tao ay may kakayahang kumilos para sa


kabutihan at sa palagay ni Joyce ito ang makabubuti para sa lahat.
BALYU NG PAKIKIPAGKAIBIGAN
Ano ba ang pananaw natin sa pakikipagkaibigan? Ano ba
ang tunay na konsepto ukol sa tunay at matalik na kaibigan? Di nga
marahil matatawaran ang halaga ng pakikipagkaibigan lalo na sa
mga makabagong henerasyon. Mapapansin natin na ang mga
kabataan ngayon ay mas nawiwili sa pagsama-sama sa mga
kaibgan o barkada. Marahil dahil na rin sa marami silang masayang
sandali kapag kasama nila ang kanilang mga kaibigan lalo pat kung
hindi sila masaya sa kanilang sariling tahanan.
Naisulat sa aklat ni Florentino T. Timbreza na, wala raw
kabuluhan ang buhay kung wala kang kaibigan. Kahit na mismong
si Aristotle, ang batikang pantas ng Gresya, ay nagsabi na Kung
wala kang mga kaibigan ay walang sinumang magnanais pang
mabuhay kahit taglay niyang lahat ang kabutihan.

May kasabihan tayo sa Tagalog na nagsasabi nang ganito:


Ang pilak mo man ay isang kaban; ang ginto mo man ay siyang
tapayan, kung wala ka namang kaibigan ay wala ring kabuluhan.
Maliwanag na ang kaibigan nga ay napakahalaga na kahit ano pang
yaman mayroon ka ay wala itong kabuluhan. Kung marami kang
kaibigan

malamang

magtatanggol

sa

na

iyo.

marami
May

mga

rin

ang

kaibigan

magproprotekta
ngang

handang

magpakamatay para sa isang minamahal na kaibigan.


Ang

tanong

ay

tapat

ba

ang

iyong

kaibigan?

Napakasuwerte nga kung mayroon kang kaibigan ngunit mahirap


makatagpo ng tapat o mapagkakatiwalaan. Masusubukan mo ang
katapatan ng isang kaibigan sa oras ng kagipitan at kahirapan. Ang
tunay na kaibigan ay hindi ka tatalikuran sa panahon na paghihirap
mo o kung ikaw ay nasa panganib ikaw ay sasamahan niya.
Ito ang ipinakita ni Joyce at maraming beses niya itong
ipinakita sa pelikula tulad ng mga sumusunod na eksena:
a)

Nang araw ng kanilang JS Prom ay may tumawag pa


kay Romi na kasali siya sa isa pang shooting ng
pelikula. Gusto ni Romi na samahan siya ng kanyang
mga

kaibigan

ngunit

tumanggi

ang

mga

ito

na

sumama dahil natatakot silang mahuli sa Prom. Si


Joyce lamang ang tanging pumayag na samahan siya

hanggang sa matapos ang shooting. Kahit pa nga nang


maramdaman ni Joyce na nasaktan si Romi nang
marinig nito na mga pang-iinsultong ikinukuwento ng
isang kasamahan niya sa shooting tungkol sa kanya,
na siya raw ay walang talent, OA, trying hard at kung
anu-ano pa. Naroron uli si Joyce upang pasiglahin si
Romi.
b)

Nang ibalita ni Romie na kasama uli siya sa isang


shooting at kailangan pa ng ibang ekstra isinali niya
ang kanyang mga kaibigang sina Joyce at Kissy. Gusto
sana ni Tina na sumali kaya nang mahalata ni Joyce
iyon sinabihan niya si Tina na siya na lamang ang
sumali sa shooting kaya tuwang-tuwa si Tina.

c)

Nang

minsan

nasa

mall

silang

magkakaibigan

nagkaroon ng pagkakataong kausapin ni Joyce si Kissy.


Tinanong niya muna kay Kissy kung may relasyon ba
sila ni Cris. Itinanggi naman iyon ni Kissy kaya nasabi
na ni Joyce na ang tunay na nararamdaman ni Tina
kay Cris. Pinakiusapan ni Joyce si Kissy na sana
pasayahin nila si Tina.
d)

Ang napalaking patunay na tapat na kaibigan si Joyce


ay nang maglaslas na ang kanyang mga kaibigan.

Nakita niya ang paglalaslas na unang ginawa ni Kissy


at nagsunuran ang lahat. Nasabi nga sa pagsasalaysay
ni Joyce na nagi-guilty siya sapagkat hindi niya
nakuhang

pigilan

sila

kaya

nang

makita

niyang

nagbagsakan ang mga kaibigan ay naglaslas na rin


siya.

Ilan lang ito sa mga patunay kung anong uri ng kaibigan si


Joyce. Ang talagang sukatan ng tunay at tapat na kaibigan ay sa
kagipitan, panganib at kahirapan. Siyay handang tumulong at
maikramay sa hirap at pasakit na dinaranas ng kanyang kaibigan,
handang maghandog ng kanyang buhay dahil sa pagmamahal at
pagkandili sa kanyang kaibigan. Ganito ang pangaral ni Hesus sa
Galilea na wala nang hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong
nagbibigay ng kanyang buhay para sa kanyang kaibigan. (Juan
15:13)
Sa pananaliksik na ginawa marami ang nagsabi na mahirap
nga

humanap

ng

tunay

na

kaibigan.

Hindi

ganoon

kadali

makahanap, sa sampu mong kaibigan baka isa lamang doon ang


totoo. Kaya dapat nga siguro na maging maingat sa pagpili ng
kaibigan sapagkat ang isang kaibigan ay maaaring isang biyaya o
isang sumpa.

BALYU NG PAKIKIPAGKAPWA
Isang magandang katangian ng isang tao lalo na ng mga
Pilipino ay ang pakikipagkapwa-tao at ito ay susi sa mabuting
pakikisama o pakikibagay. Itinuturing na marunong na tao ang
taong nakikisama at nakikibagay.
May mga nagsasabi na kitang-kita rin ito kay Joyce dahil
marunong siyang makisama, makibagay sa kanyang mga kaibigan.
Kung ano ang gusto ng mga kaibigan ay inaayunan niya. Kung saan
ang sa akala niya na masisiyahan ang mga kaibigan ay iyon na rin
ang kanyang gagawin.
Bagamat may masama ring bunga ang pakikipagkapwa
dahil minsan inaabuso ito ng iba o iba ang pakahulugan nito.

BALYU NG MAY MAGANDANG PANANAW SA BUHAY


Si Joyce ay may magandang pananaw sa buhay kahit na
nga may kalungkutan siyang nadarama dahil nangungulila siya sa
mga magulang na namatay ay nakikita sa kanyang katauhan ang
pagiging masayahin. Lagi niyang sinasabi na maayos ang lahat

basta masaya siya na kasama niya ang mga kaibigan. Kung ano
ang ikaliligaya ng kanyang kaibigan ay kaligayahan na rin niya iyon.

BALYU NG PAGPAPARAYA
Nang ibalita ni Romie na nangangailangan pa sila ng
karagdagang ekstra sa kanilang shooting inimbitahan ang mga
kaibigan na sumali. Hinila ni Romie kung sino ang isasali at naiwan
uli si Tina. Kasali sana si Joyce pero nagparaya siya na imbes siya
ang sumali sa eksena, ibinigay na lamang niya iyon kay Tina kaya
tuwang-tuwa si Tina. Tunay na napakabuti ng kalooban ni Joyce ang
magparaya ay hindi madaling gawin lalo na kung gusto mo ang
bagay na isasakripisyo para ibigay na lamang sa iba. Palatandaan
ito ng di pagdadamot at nais lamang ni Joyce na mapasaya

ang

kaibigang si Tina.

BALYU NG PAGIGING SENSITIBO SA PANGANGAILANGAN NG


IBA
Alam Ni Joyce ang lahat ng nararamdaman o gusto ng
kanyang mga kaibigan. Nauunawaan niya ang mga ito kaya lagi
siya nasa tabi nito kung anuman ang kailangang pagsuporta. Nang
mainis si Tisha nang pagtawanan siya ng sariling mga kaibigan ay
ipinakita niya rito na nagmamalasakit siya at ipinagpaumanhin pa

ang ginawa ng mga kaibigan. Kapag natatapos gawin ni Romie ang


mga

mahihirap na eksena sa pelikula naroon pa rin si Joyce na

nagbibigay ng papuri upang mawala ang pagod nito.

Marunong

lang sigurong makiramdam si Joyce kaya nakikita at nararamdaman


niya ang pangangailangan ng mga kaibigan. Lagi siyang handa na
gawan ng paraan ang bagay na makabubuti at makapagsasaya sa
mga ito. Ito ang wala sa mga kaibigan ni Joyce hindi nila
pinakikialaman ang isat isa. Kaya sa grupo siya lamang ang
nakakaalam ng mga nangyayari sa mga personal na buhay at tunay
na nararamdaman ng mga kaibigan niya.
Si Mayo naman ay ang isang tomboy na laki sa hirap na
may mga iresponsableng mga magulang na adik at lasengero. Sa
uri ng lugar na tinitirhan nila na puno ng mga istambay na may
mga bisyo maaaari nga sigurong madadala ka ng mga ito. Si Mayo
ay nasisiyahan na sa mga paghingi-hingi ng pagkain sa kaibigan
kaya malapit siya kay Romi dahil lagi itong nagbibigay ng pagkain
sa kanya. Hindi kasi binibigyan ng baon ang kanyang mga
magulang dahil nauubos lang ito sa pagbili ng shabu at paglalasing.
Si Mayo ay maraming katulad na kabataan ngayon. Ang
kalakasan lamang ng katauhan ni Mayo ay ang pilit na pagtanggi sa
tuksong hinaharap niya. Ang kanyang ina na pusher at user ay isa
ng matinding dahilan para malulong din sa masamang bisyo si

Mayo. Ngunit dito natin makikita na kung gaanong pinaglabanan ni


Mayo ang tukso sa paligid, kung paano niyang inunawa ang
kanyang mga magulang. Kung nanaisin ni Mayo maaari na lamang
siyang maging katulad ng kanyang ina dahil kung ilang ulit na
siyang inalok ng kaibigan ng kanyang ina na siya namang
nagbunsod dito na pagiging adik, na ililibre siya. Ilang beses na rin
siyang tumanggi dahil alam niyang may kapalit iyon. Kung nanaisin
ni Mayo maaari siyang magkaroon ng maraming pera at hindi na
siya manghihingi sa kanyang mga kaibigan ng pagkain. Bagamat sa
kahuli-hulihan nang malaman niya nauto na ng kaibigan ng
kanyang ina ng mga nagbebenta ng shabu ang bunsong kapatid
nito. Dahil sa takot na kung ano ang magawa ng mga sindikato sa
kanyang kapatid siya na lamang ang naghatid nito.
Isang malaking pagpatunay ito na may kalayaan ang tao na
makapagpasya,

kakayahang

kumilos

para

sa

kabutihan

at

kakayahang ding isantabi o balewalain ang isang bagay sang-ayon


sa idinidikta ng iyong kalayaan ng pagpapasya. Maaari siyang
kumilos sa kasamaan kung hindi maiiwasan o sa hinihingi ng
pagkakataon. Katulad ni Mayo nasa sa kanya na ang lahat ng
pagkakataon

sapagkat

malakas

ang

hatak

ng

tukso

subalit

napaglabanan niya ito ngunit sa hinihinging pagkakataon ay

kailangan na rin niyang gawin. Pinoproteksyunan lamang niya ang


kanyang bunsong kapatid na muntik nang mapahamak.

BALYU NG PAGIGING MATATAG


Ang pagiging matatag o matibay na kalooban ay isang
kahanga-hangang katangian ng isang tao. Si Mayo ay mayroon nito
sapagkat nakikita sa kanya ang paglaban sa tukso na kahit ano pa
mang lakas ng hatak nito sa kanya. Nakatira siya sa isang lugar na
puno ng kaguluhan, may mga adik, sugarol at lasengero. Siya ay
may mga lasenngero at adik ding magulang. Ilang beses na siyang
inalok ng kanilang kapitbahay ng pagkain dahil alam niyang hindi
ito gaanong nakakakain ngunit lagi ring tinatanggihan niya ito dahil
alam niyang may kapalit ito. Para sa kanya bahalang kumakalam
ang sikmura basta di lang makagawa ng masama.
Matatag ang kanyang kalooban dahil napaglalabanan niya
ang tukso. Ayon sa pananaliksik na ginawa ng pag-aaral na ito
karamihan

sa

kanila ay

nagsasabing

hindi

nila

makakayang

tumanggi sa tukso. Sabi nga kung ano ang bawal iyon ang
masarap. May mga nagsasabi ring depende sa kung paano ang tao
napalaki ng magulang. Sa nakita natin kay Mayo kahit sarili niyang
magulang ay hindi siya nagabayan bilang isang anak. Tunay na

kahanga-hanga ang ipinakita niya na paglabanan ang tukso at mas


maniwala sa kabutihan.

BALYU NG PAGPAPAHALAGA SA MAGULANG


Ayon sa aking pananaliksik nakitaan si Mayo ng tunay na
pagmamahal

sa

magulang.

Kahit

alam

niyang

masama

ang

ginagawa ng kanyang mga magulang na pwede naman niya itong


isuplong sa mga pulis ngunit hindi niya ito ginawa sapagkat mas
umiiral sa kanya ang pagiging anak. Hindi natin sinasabi na tama na
pagtakpan ang kasalanan ng isang tao subalit ito lamang ay
pagpakita ng tunay na damdamin ng isang mapagmahal na anak.
Ito rin naman ang isa sa magandang katangian ng mga
Pilipino at ito ay mapapatunayan sa ugaling close family ties o
mahigpit na pagsasamahan ng pamilya. Nakikita natin ang tunay na
pagmamahal ng mga Pilipino sa mga magulang kaya kahit
hanggang sa katandaan nila ay inaalagaan pa rin nila ito. Ang
magulang ang nagbigay ng gabay sa mga anak, nagpapakita ng
magandang halimbawa sa mga anak, handang magsakripisyo para
sa kapakanan ng anak. Ang pag-aaruga, pagpapalaki at pagtutuwid
sa mga anak upang lumaki silang may sapat na kaalaman sa buhay,
mabuting asal at disiplina ay nakasalalay sa magulang. Ngunit
taliwas ito sa ipinakita sa buhay ni Mayo ang kanyang mga

magulang na maraming bisyo hindi na inaalagaan ang kanilang mga


anak. Kahit pa man ganito ang karanasan ni Mayo sa kanyang mga
magulang ay inunawa niya ang mga ito. Kaya nga hindi niya
isinusumbong sa mga pulis ang kanyang mga magulang.

BALYU NG PAGIGING SIMPLE


Ito si Mayo, simpleng tao, simpleng bagay lamang ang
gusto niya, na siya ay makakain lamang. Simpleng bagay na
maibigay sa kanya ng kaibigan ay naaapresyet niya na iyon. Kaya
nga napaglalabanan niya ang kahirapan at tukso sa paligid dahil
hindi siya maluho.
Si Kissy ang dalagitang dating mayaman naghirap dahil sa
inang maysakit at kung ilang buwan nang comatose. Hindi niya
matanggap sa sarili na iba na ang kanyang pamumuhay na. Pilit na
pinapakita pa rin sa mga kaibigan na komportable pa rin ang buhay,
nagkukunwaring masaya ngunit sa katotohanan ay may natatagong
mabigat na suliranin.
Isang malaking responsibilidad ang nakaatang sa kanya na
ibinigay sa kanya ng kanyang ama. Kailangan niyang magdesisyon
sa pagsapit niya sa edad na 18 na kunin ang natitirang bagay na
nakapagpapabuhay sa kanyang inang comatose. Ubos na ang
kanilang pera, di na nila alam ang kanilang gagawin kung saan pa

sila hahanap ng ipangtutustos sa inang nasa ospital. Para kay Kissy


wala na rin namang kabuluhan na pahabain pa ang buhay ng ina na
makina na lamang nagpapabuhay sapagkat kung makaligtas man
ay para na itong lantang gulay. Isang mahirap na pagpapasya ang
gagawin

ni

Kissy

bukod

pa

sa

siya

mismong

anak

ang

magdedesisyon. Sa ating bansa na karamihan ay Katoliko ay hindi


tanggap ang pagpatay sa batas man ng tao o batas ng Diyos lalo pa
nga ang pagputol ng kusa sa buhay ng pasyenteng naghihirap sa
isang karamdaman. Ito ang tinatawag na euthanasia o mercy
killing. Hindi nga bat tutol ang ating simbahan sa ganitong bagay.
Hindi nga makatwiran ang napagdesisyunan ni Kissy na
putulin na lamang ang tubo at makinang nagpapatakbo ng buhay
ng ina. Ngunit sa hinihing ng pagkakataon ay kailangang niyang
iisantabi ang kabutihan laban sa di- makatwiran bagay. Iyon ang sa
akala niya ang makapagpagaan ng kanilang buhay. Mababaon pa
sila sa utang at wala rin namang katiyakan kung mabubuhay o
maibabalik pa sa normal ang kanyang ina kaya minabuti na nga
niyang putulin ang tubo upang mawakasan na rin ang paghihirap ng
ina. Mali ito sa mata ng tao lalo na sa mata ng Diyos alam din ni
Kissy

na

ito

ay

mali

subalit

kinakailangan

at

hinihingi

ng

pagkakataon. Naging praktikal lang marahil sa Kissy sa pagharap sa

katotohanan ngunit hindi madali sa kanya na nagbago na ang uri ng


kanilang pamumuhay.

BALYU NG

PAGTANGGAP SA KATOTOHANAN

Ito ang dapat na matutunan daw ng tauhang si Kissy ayon


sa aking pananaliksik. Marami sa mga tao na mapagkunwari o hindi
totoo sa kanyang sarili. Isa ito sa di - mabuting ugali ni Kissy ang
pagiging

mapagkunwari.

Dating

mayaman

sina

Kissy

ngunit

naghirap dahil sa pagkakasakit ng ina at na-comatose pa. Ayaw


niyang malaman ito ng kanyang mga kaibigan kaya galante pa rin
siya. Nag-shop lift pa nga siya para lang may maibigay sa kanyang
mga kaibigan. Tama nga raw na magbigay sa kaibigan ngunit kung
may kasamang pagkukunwari hindi ito mabuti. Kita naman na
nagpapa-impressed lang si Kissy sa kanyang barkada. Nais ni Kissy
na makilala at matanggap sa grupo kaya nagpapabilib siya sa mga
ito.
Ang pagiging totoo ay makatutulong sa isang tao na mas
kilalanin

ang

kabutihan

kaysa

kasamaan

at

magkaroon

ng

payapang pag-iisip. Dahil sa pagkukunwari ni Kissy nagtatago siya


ng lihim, ayaw niyang malaman na mahirap na sila. Nang binisita
siya ng kanilang guidance counselor na si Sir Ruli ay naabutan
niyang may tinitingnan sa may altar ang counselor. Maaaring iyon

ay resibo o bills na hindi pa nababayaran at kaagad niya iyong


itinago. Sinabi rin niya sa kanyang counselor na ang ama lang niya
ang may gustong papag-aralin siya sa public school upang matuto
raw siyang maging mapagkumbaba. Alam niya sa kanyang sarili na
ito ay hindi totoo.

BALYU NG KATAPATAN
Ang

isang

sangkap

ng

mabuting

samahan

ay

ang

katapatan sa kapwa. May kasabihan tayong, Ang pagsasabi nang


tapat ay pagsasama nang maluwat. Kasinungalingan ang sumisira
sa mahusay na pagtitinginan ng mga tao sa isat isa.
Naging matapat na lang sana si Kissy sa kanyang mga
kaibigan. Isa lamang sa kaibigan niya ang nakaalam ng tunay na
kalagayan ni Kissy; ito ay si Cris dahil malapit siya dito. Siya rin ang
nakaalam ng tunay na pagkatao ni Cris. Kaya nang dumalaw si
Joyce sa ospital ay hindi ito nagustuhan ni Kissy, pinaalis pa nga
niya ito kaagad at nagalit pa kahit sinserong nakikiramay sana si
Joyce sa kanya. Kaya dahil sa kanyang kasinungalingan ay
nagagawa niyang di mapansin ang kabutihan ni Joyce.

BALYU NG PAGPAPAHALAGA SA BUHAY

Ang buhay ng tao ay hiram lamang sa Diyos at walang


ibang makakakuha nito ay Manlilikha rin. Sa batas ng tao at sa
batas ng Diyos masama ang pumatay. Kasama rin ito sa Sampung
Utos ng Diyos, Huwag kang papatay. Ano pa kaya kung ang tao
ay gagamit ng Euthanasia o mercy killing? Ang euthanasia ay
pagpatay o pagputol sa buhay ng tao lalo na ang pasyenteng may
malubhang karamdaman o iyong na-comatose na ng ilang buwan.
Sa simbahang Katoliko ito ay tinutuligsa.
Binigyan si Kissy ng responsibilidad ng kanyang ama na sa
pagtungtong niya sa edad na 18 ay siya ang magdedesisyon kung
ano ang gagawin sa inang nasa ospital at comatose. Ibig sabihin
kung

mapagpapasyahan

niyang

tanggalin

ang

mga

tubong

nakakabit sa katawan ng ina ay maaari niyang gawin. Minsan na


niyang tinangka ito sa harapan ni Cris ngunit sinaway siya ng
kaibigan dahil iyon ay kanyang magulang. Ikinatwiran ni Kissy na
wala nang halaga dahil ang nagpapatakbo ng buhay nito ay ang
tubo na lamang na nakakabit sa kanya, sinabi pa nga niyang
parang lantang gulay na ito.
Sa pananaliksik dito marami ang bumatikos kay Kissy dahil
parang hindi nila makita ang pagmamahal ni Kissy sa kanyang mga
magulang. Maaari raw siguro dahil galit siya dahil iyon ang dahilan
ng kanilang paghihirap. Para raw napakadali niyang magdesisyon na

putulin na ang buhay nito. Para sa mga estudyanteng nanood nito


kung tunay kang nagmamahal sa isang tao lalo pa at magulang mo
hindi mo maatim na patayin o putulin ang buhay nila. Lalo pa nga
ang paggamit ng mercy killing. Tutal daw kung mamamatay na ito
ang Diyos lamang ang nakaaalam. Ika nga ipagpasa-Diyos na
lamang ito.

BALYU NG PAGPAPAKUMBABA
Bakit may mga taong nagmamataas o iyong mga
nagpapasikat?

Hindi

nagustuhan

ng

mga

tao

ang

taong

nagyayabang. Sa kaso ni Kissy nagpapasikat siya sa kanyang mga


kaibigan dahil ayaw niyang malaman na dati siyang mayaman na
naghirap. Ang taong hindi marunong tumanggap ng pagkatalo at
hindi rin mapagkumbaba. Ito ang nakakasira kay Kissy dahil sa
kanyang pagpapasikat at para lamang magustuhan siya ng grupo
ay namimigay siya ng galing sa nakaw. Ito ay hindi mabuting
gawain kahit pa ang intensyon niya ay sa kabutihan. Ang anumang
maling gawain na para sa mabuting intensyon ay hindi pa rin
magreresulta ng kabutihan.

Dahil sa pagmamataas ni Kissy

nakagagawa siya ng masama ito ay isang palatandaan ng kahinaan


ng tao.

Si Tisha, ang babaeng laging tinutukso dahil may malaki


siyang

boobs.

Kahanga-hanga

ang

pagkakaroon

ng

ugaling

pagtitimpi. Kahit anong gawing panunukso ng kanyang mga kaklase


sa kanya ay hindi siya lumalaban o sumasagot man lamang bagkus
ay pinagtatawanan niya lamang ang mga ito.

May mga taong

kapag

mapikon

ganitong

sitwasyon

ay

madaling

kaya

pinagmumulan ng gulo. Ipinapakita ng tauhan si Tisha ang pagpili


sa mabuting bunga na di pagpansin sa mga tukso sa kanya.

BALYU NG PAGTITIMPI / PAGKAMAHINAHON


Ang tao raw marunong magtimpit maingat sa kanyang
sarili ay magkakaroon ng tahimik at maluwalhating pamumuhay
samantalang

ang

taong

hindi

marunong

magtimpi

ay

napapahamak. Napakadali nga raw unawain ang pangaral na ito


ngunit mahirap sundin. Kailangan lamang ng pagpipigil sa sarili.
Dito mo makikita ang kagalingan ng isang tao at dito nakasalalay
ang kanyang ikabubuti o ikasasama. Kung kulang sa pagtitimpi ang
tao madali itong mapahamak at makahaharap ang panganib o gulo
sa buhay. Maraming kapahamakan at kamalian sa buhay ang
nangyayari dahil sa kabiglaanan. Ang paghuhunos-dili ang siyang
mabisang gamot nito.

Si Tisha ay may ugaling ganito bagamat puno siya ng


panunukso dahil sa malaki niyang boobs ay hindi siya napapaaway.
Siguro kung iba iyon ay maaaring napapaaway na lagi. Hindi nga
siguro palaaway si Tisha. May isang pagakakataon na nang
tuksuhin ng mga kaklase si Tisha sinabihan siya na, O baka
pumutok na yan. Nagtawanan ang lahat kasama rin ng kanyang
mga barkada. Nasaktan siya kaya lumabas siya ng klasrum.
Maraming pagkakataon na binabastos na si Tisha pero tinatawanan
na lamang niya ito. Kung si Tisha ay hindi marunong magpigil sa
sarili maaari na siguro siyang makakita ng away.
Sinasabi ng mga nakapanood na hinahayaan ni Tisha na
api-apihin siya ng kanyang mga klasmeyt. Ipinagtanggol sana niya
ang kanyang sarili kahit papaano na di naman nang-aaway. Isang
makataong ugali raw na maiinis ka nga kung parati ka nang
niloloko. Isa o dalawang beses ay puwede mo pang padaanin na
lamang ang inis pero kung makailang beses na ay hindi na ito
mabuti.
Si
pinapasukan
nangyaring

Sir
ng

Ruli,
pitong

paglalaslas

ang

guidance

counselor

dalagita.

Siya ang

ng

estudyante.

mga

ng

paaralang

nag-imbestiga
Marami

sa

siyang

natuklasan na naging daan upang makita rin niya ang sarili na


kailangan ipagpatuloy niya ang kanyang buhay bagamat siya rin ay

may sariling dinadalang suliranin. Hindi rin maganda ang pagtrato


sa kanya ng kanyang pamilya sa pagkat siya ay isa ring bakla kaya
sa ginawa niya pagtuklas sa mga suliranin ng pitong dalagita ay
napagpasyahan na para sa ikabubuti sa kanyang sarili ay lumayo na
lamang sa kanyang pamilya. Minsan na rin niyang naisipan patayin
ang kanyang kapatid dahil sa pang-iinsulto at pambabastos sa
kanya. Minabuti niyang lumayo na lamang upang maiwasang
magkasala.

BALYU NG PAGTITIMPI
Tunay na mahalaga ang katangian ng sariling pagtitimpi
sapagkat dito nababatay ang kaligtasan at kahabaambuhay. Ika
nga

ang

taong

pabigla-bigla

kadalasan

nadidisgrasya.

Ang

pagtitimpi ang siyang lihim ng pangmatagalang lakas. Kung kay


among pigilin ang iyong lakas ay hindi ka manghihina.
Kitang-kita ito kay Sir Ruli at bilang isang tagapayo o
guidance counselor, isa ito sa mabuting birtud nila. Hindi tanggap sa
pamilya si Ruli dahil siya ay isang bakla maaaring sa kanila ito ay
kahihiyan. Makailang beses ng ininsulto si Ruli ng kanyang ama na
naaawa

namang

tinitingnan

ng

kanyang

kapatid

na

walang

magawa. Ang kanya namang mga kapatid na lalaki na pawang mga


maton ay di rin mabuti ang pagtrato sa kanya. Ni hindi siya

lumalaban o sumasagot man lamang sa mga pasaring ng kanyang


pamilya. Kahit na nga ang barkada ng kanyang kapatid ay lantaran
ng binabastos siya ay hinahayaan lang iyon ng kanyang mga
kapatid. Halatang nagpipigil lamang si Ruli bagamat minsan na
siguro siyang napuno at nakakita siya ng kutsilyo ay amba na
siyang mananaksak. Pinigilan siya ng kanyang kapatid na babae at
hindi na rin naman nagpadala sa kanyang emosyon si Ruli. Ito ang
kahanga-hangang ipinakita ng tauhang ito.
Ang pakikipaglaban ni Mayo sa kahirapan at tukso sa
paligid. Ipinapakita sa katauhan ni Mayo na ang nais niya ay
mamuhay nang marangal sa kabila ng di mabuting ipinapakita ng
kanyang mga magulang. Pinaglalabanan niya ang hirap

na

dinaranas gayong may mga pagkakataon na maging maginhawa


ang kanyang pamumuhay sa pamamagitan ng pagsama sa mga
kaibigan ng ina na magbenta ng shabu. Ginagawan niya ng paraan
kung paanong malagyan ng laman ang kanilang sikmura. Nariyang
nanghihingi siya ng pagkain lalo na kay Romie, minsan nandoon
siya sa mga parkingan ng sasakyan para magpunas ng mga kotse
at kung anu-ano pa.

BALYU NG PAGKAMAPARAAN

Ito ang katangian ni Mayo humahanap siya ng mga paraan


kung paano mabuhay o iyong sinasabing dumidiskarte. Ang buhay
ay maraming mga kahirapan o suliranin at nasa sa tao na lamang
ito kung paano itong haharapin. Dapat lamang na matuto ang tao
kung paano itong malulutas. Ang sabi ng iba kung hindi ka magiisip ng paraan hindi mo rin magagawa nang maayos ang anumang
gusto mong gawin.

B.

Ang Eksistensyalismo sa Pelikulang Pitong Dalagita at


Balyus Nito
Si Romie isang ambisyosang artista na nais sumikat.

Paekstra-ekstra lamang sa pelikula. Kahit na anong klaseng


gagampanan sa pelikulang iniaalok sa kanya ay tinatanggap niya
para lamang matupad ang kanyang pangarap na maging sikat na
artista. Nais niyang magkaroon ng pangalan sa larangan ng
showbiz.
Ang karakter ni Romie ay sumasalamin sa kabataang
nangangarap

at

nagsisikap

na

maabot

ito

anuman

ang

kahihinatnan. Siya ay nagpakita ng matibay na paninindigan na


kaya

niyang

gawin

ang

lahat

sapgkat

malaki

ang

kanyang

paniniwala na may kakayahan siya. Kahit pa iniinsulto siya ng ilang


kasamahan sa trabaho, pinagtatawanan ng talikuran at hanggang

sa huli na marinig niya wala naman raw siyang talent sa pag-arte


ay ipinagpatuloy niya pa rin ito. Nagpapatunay lamang na ang
indibidwal ay may kalayaan at kakayahang mamili at manindigan
para sa kanyang buhay.

BALYU NG PAGTITIWALA SA SARILING KAKAYAHAN


Mahalaga sa tao ang pagkakaroon ng tiwala sa sariling
kakayahan

hanggat

alam

ng

tao

kung

paano

gamitin

ang

kakayahan ito. Kung ang tao ay may tiwala sa sarili madali niyang
magagawa ang gusto niya sa kanyang buhay. Kung may tiwala siya
sa kanyang kakayahan magagamit niya ito para sa pag-unlad sa
buhay.
Malaki ang tiwala ni Romie sa kanyang sarili. Hilig niya ang
pag-aartista kaya ginamit niya ang kanyang talento na kahit magumpisa muna siya sa paekstra-ektra lamang. Kahit anong papel sa
pelikula ay tinatanggap niya kahit pa nga iniinsulto na siya ng iba.
Kahanga-hanga rin naman ang katangiang ito ni Romie dahil kahit
papaano ay pumapayag siya na mag-umpisa sa ibaba.

BALYU NG PAGTITIYAGA
Ito ay makikita natin kay Romie dahil talagang matiyaga
siyang nagpupunta ng shooting, naghihintay ng tamang break sa

pelikula, tinitiis ang mga mabibigat na ginagampanan niya at


paniniwala na may kakayahan siya. Ang pagtitiyaga ng tao ay susi
sa pagtatagumpay. Maaaring ito ang pinaniniwalaan ni Romie kaya
kahit siya nahihirapan siya ay masaya pa rin.
Si Tina, ang dalagitang pinagkakaitan ng pag-unawa at
pagmamahal ng magulang. Hindi siya tinatrato nang maayos ng
kanyang magulang dahil itinuturing na malas sa kanilang pamilyaat
hindi raw siya maganda at matalino. Nabuo sa kanyang isipan ang
mga ipinaparinig at ipinapakita sa kanya ng kanyang magulang at
dahil doon nawalan na rin siya ng tiwala sa sarili. Naghahangad ang
kabataan ito na mapansin sa lipunang ginagalawan, humanap siya
ng

taong makikita ang kanyang kakayahan ngunit nabigo pa rin

siya. Kahit na ang kanyang nagugustuhang lalaki na si Cris na


kanya ring barkada ay hindi rin siya napapansin. Lingid sa kanya si
Cris ay bakla at may ibang nagugustuhan na kapwa lalaki.
Nagkaroon ng matinding inggit at selos si Tina kay Kissy
dahil nakikita niya na ang lahat ng bagay ay na kay Kissy na,
mayaman, matalino, nagugustuhan ng lahat at higit sa lahat ay
masaya. Lalo pat napansin niyang malapit sa isat isa sina Kissy at
Cris na sa totoo lang ay pagtatakip lamang iyon sa tunay na
pagkatao ni Cris na isang bakla. Maaari nga siguro kay Tina
nagsimula ang lahat siya kasi ang nagpasimula ng kaguluhan nang

matuklasan niya noong Prom Night na bakla pala si Cris ay


sinumbatan niya ito na ikinagalit ng huli. Nasaktan nang lubusan sa
ginawa namang pang-iinsulto ni Cris kay Tina kaya tumakbo ito
palayo sa kanya at hinabol ni Joyce hanggang sa mahulog sa ilog si
Tina. Nais sagipin ni Joyce ang kaibigan kaya tumalon din siya at
nagsunuran na rin ang buong barkada. Nang umahon sila sa tubig
namahinga sa merry go round at doon naman sila naglaslas ng
pulso.

BALYU NG PAGTITIWALA SA SARILI


Si Tina ay wala nitong katangian ngunit nais din talakayin
dito upang makita ang epekto nito sa isang taong wala nito. Dahil
na rin siguro sa di- pagtitiwala ng mga magulangni Tina sa kanya
ay ito rin ang ibinunga nito sa kanya. Iniisip ni Tina na hindi siya
maganda at hindi rin siya matalino. Lagi na lamang siyang di
nauunang napapansin pagdating sa kagandahan si Kissy ang
napapansin ng lahat. Sa tuwing magkakamali siya sa bahay
binubulywan siya ng kanyang ina na malas siya. Tumimo ito sa
isipan ni Tina ganito rin ang sinabi sa kanya ni Cris nang magalit ito
sa kanya: malas ka sa eskwelahan, malas ka sa grupo!
Kung minsan nabubuo ang tiwala ng tao sa kanyang sarili
sa tulong na rin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Kung

marunong din lamang magbigay ng tiwala ang ibang tao sa kanya


ay magagawa rin niya ito sa sarili. Ganon nga kahalaga ang
suportang ibibigay ng tao sa kanya. Subalit ang mga ito ay hindi
nakuha ni Tina sa kanyang mga kaibigan at pati na mga magulang
kaya nagkaroon ng inggit at selos si Tina kay Kissy.

Si Cris naman ay isang closet queen, pilit na itinatago


ang kanyang tunay na kulay at para maging mas kapani-paniwala
ay naging malapit siya sa kaibigang si Kissy. Si Cris ay naglalarawan
sa isang kabataang nagtatago ng tunay na damdamin sapagkat
iyon ang kanyang gusto. Ngunit alam natin hindi ganoon kadali ang
magtago ng sariling damdamin, at kahit anong gawin niyang
pagtatago ay mahahalata pa rin ito. Iyon ang kanyang paniniwala
na kahit may gusto siya kay Joshua na kanyang kaklase ay hindi
niya ito maibunyag nang lubusan sapagkat ayaw niyang mapahiya.
Ginagawan ng paraan ng kanyang malapit na kaibigan ni Cris na si
Kissy

na

matulungan

siya

ngunit

taliwas

sa

inaasahan

na

pinagtawanan lamang siya ni Joshua. Nalaman din niya sa huli na si


Joshua ay pumapatol din pala sa lalaki na ikinasama ng kanyang
kalooban.
Maraming katulad ni Cris ngayon, mga lalaking nagtatago
ng kanilang pagkababaeng pagkatao. Bagamat tanggap na naman

ngayon sa ating lipunan ang mga bakla ay marami pa rin natatakot


na lumantad sa takot na di- maunawaan. Katulad ni Cris na pilit na
itinatago ang kanyang tunay na damdamin kahit na sa kanyang
kilos ay makikita pa rin.

BALYU NG PAGIGING TOTOO SA SARILI


Hindi naging totoo sa sarili si Cris dahil itinatago niya
ang sariling identidad. Naitago niya ito sa likod ng kanyang
kaguwapuhan at sa pagiging malapit kay Kissy. Ito rin ang naging
matinding dahilan ng inaasal ni Tina na pagkaiinggit at pagseselos.
Para hindi magduda ang mga tao sa tunay niyang pagkatao
nakipagmalapitan siya kay Kissy na pinaniwalaan ni Tina na sila ay
may relasyon. Naging totoo lamang si Cris

Si Kissy ay binigyan ng responsibilidad ng kanyang ama


na magdesisyon na kapag dating niya sa ikalabingwalong kaarawan
nasa sa kanya na kung papatayin ang comatose na ina o hahayaan
na lang ito hanggang sa kusa itong mamatay. Nang dumating nga
siya sa edad na 18 ay minabuti niyang putulin ang tubong
nagdudugtong para mabuhay lamang ang katawan ng kanyang ina.
Bagamat noong una niyang tangkain ito ay sinaway siya ng
kaibigang si Cris. Totoong di ayon sa batas ng Diyos ang gawaing

pagpatay lalo nat magulang pa. Sa ibang bansa tinatanggap na ang


euthanasia kahit marami pa rin ang sumasalungat.
Ipinapakita dito sa katauhan ni Kissy ang kalayaan ng
taong magpasya ito man ay para sa kabutihan o kasamaan. Sa iba
maaaring mali ang desisyon ni Kissy sapagkat siya ang nagpasya
para sa kagustuhan ng Diyos na kunin na ang buhay ng tao.
Magulang niya ang kanyang pinatay. Ayon naman sa isang
manonood, nagiging praktikal lamang si Kissy sapagkat ito rin ang
nagpapahirap sa kanilang kalooban at sa pampinansyal. Ano na nga
naman ang mangyayari sa kinabukasan ni Kissy kung mawawala na
ang pagkakataong makapag-aral siya. Sa realidad ng buhay kapag
ang pasyenteng na-comatose lalo na sa mahabang panahon ay
maswerte na kung maliligtas pa rin sa kamatayan. Karamihan sa
mga pangyayaring ito kung nabubuhay man ay parang lantay na
gulay na. Ano pa nga ang silbi? Mali man ito sa mata ng tao, ito
ang nais ni Kissy at ng mismong asawa ng kanyang ina.

BALYU NG MABUTING PAGPAPASYA


Makapitong beses mo munang isipin bago mo gawin ang
isang pagpapasya. Isa sa mahirap gawin sa buhay ay bumuo ng
desisyon sa kahit anong bahagi ng buhay sapagkat sa isang
pagpapasya

maaaring

ito

ay

makabuti

makasama.

Ang

pagpapasya ay hindi basta-bastang ibinibigay ngunit kahit gaano


mo pa katagal na pag-isipan ito ay kailangan mo ring gawan ng
aksyon. Hindi rin nakatitiyak ang tao kung sa haba o sa tagal na
inilaan sa pagpapasya ay magiging tama ito. Ang mahalaga kahit
maging mali man

o tama ang kahihinatnan ng desisyon ay kaya

mo itong pangatawanan sapagkat ang tao ang responsible nito. Sa


ginawa ni Kissy maaaring pinag-isipan niya rin ito dahil kung hindi
bakit hinintay pa rin niya ang mag-debut siya.
Ang pakikipaglaban ni Mayo sa kahirapan at tukso sa
paligid. Mas pinili niya ang magutom sila ng kanyang kapatid kaysa
pare-pareho

silang

malubog

sa

kasamaan

kasama

magulang. May mga pagkakataon na maaari siyang

ng

mga

guminhawa.

Siguro kung tinanggap na niya ang alok na magbenta ng shabu


hindi na sila magugutom sigurado silang laging kakain. Para sa
kanya ito ang tama at nararapat. Marunong lamang siguro si Mayo
na magtiis.

BALYU NG PAGKAMATIISIN
Ito ang katangian ni Mayo na kahanga-hanga, marunong
siyang magtiis. Tinitiis niya ang kahirapan at gutom, nais niya ay
mamuhay ng marangal. Ito ang dapat matutunan daw ng mga
kabataan. Sinabi ng isa sa nanood na maging matiisin lamang ang

tao hindi na siya gagawa ng masama, hindi siya maghahangad ng


anumang di kaya. Ang taong matiisin ay mdali ring magtagumpay.

Si Ruli at Cris ay may papel na isang bakla. Si Ruli ay


hindi tanggap na isa siyang bakla sa kanyang pamilya kaya gayon
na lamang ang paghahamak sa kanyang pagkatao ng mismo niyang
ama at kapatid. Hinahayaan ng kanyang pamilya na siya bastusin
ng ibang tao. Ngunit makikita natin sa katauhan ni Sir Ruli bilang
guidance counselor na malaki ang kanyang nagawa sa kanyang
buhay bilang tagapayo. Siya ang nag-imbestiga sa mga nangyaring
paglalaslas at sa nagawa niyang iyon marami siyang natutunan
gaya ng: mali ang pagtingin nila sa mga estidyanteng nasa lower
section at ang nalaman niya na hindi niya dapat hayaaan na
tratuhin

siyang

parang

di

tao

ng

kanyang

pamilya.

Nakapagdesisyon siya na lumayo sa pamilya . sinabi niya sa


pelikula na, Hindi ko kailangan ang lalaki sa buhay, masaya na
akong nag-iisa. Kung hindi nila kaya akong kilalanin kung ano ako
talaga,

ang

gusto

ko

lang

ay

mabuhay.Kung

anuman

ang

kakaharapin niya sa buhay na nagpasyang siyang iwan ang


pamilyang inaasahan niya sana uunawa sa kanya ay kaya na niyang
harapin iyon.

Si Cris naman ay itinatago ang tunay na pagkatao marahil


sa takot na hindi siya matanggap. Kaya ng maipahayag na niya kay
Josh ang kanyang tunay na damdamin ay ininsulto siya nito. Hindi
na nga dapat pang itago ni Cris ang kanyang pagiging bakla dahil
lalo lamang siyang nahihirapan. Hindi nga lang marahil totoo sa
kanyang sarili si Cris.

BALYU NG PAGGALANG SA KARAPATAN NG IBA O NG


KASARIAN
Ang bakla sa mga panahong ito ay tanggap na sa ating
lipunan bagamat may iilan na ikinokondena pa rin sila. Walang raw
masama sa kabaklaan ngunit ang nagiging masama ay ang
ginagawa. Maaaring sumasalungat sila sa likha ng Diyos sa kanila
subalit ito rin naman ang nais na misyon sa kanila ng Diyos. Nasa
sa kanila na ito kung papaano nilang nais kumilos, kung ano ang
nais

nilang

gawin

sa

buhay.

Ang

mahalaga

ay

hindi

sila

nakakapinsala o nakakasakit ng kapwa. Dapat pa rin nating igalang


sila sapagkat parte pa rin sila ng lipunan. Sa katunayan marami sa
ating mga bakla ang puno ng talento at mga sikat. Hindi tama na
husgahan sila na masama sapagkat dapat pa natin tingnan kung
ano nga ang tunay nilang pagkatao.

II. Ang Katangian ng Pelikula ayon sa Kanyang Mensaheng


Hatid at Bisa Nito sa mga Manonood

Anumang akdang binabasa man o pinanonood ay may


kanya-kanyang mensaheng hatid sa mambabasa o manonood.
Napakahalagang sangkap ng nililikha ng mga manunulat ng
anumang panitikan ang magandang mensahe nitong hatid. Kung
ang mga mensahe ito ay nauunawaan ng mga tao, ito ay
masasabing tumatatak sa puso at isipan nila. At magiging mas
mabisa pa rin ang mga mensaheng ito kung isinasabuhay ang mga
ito. Ibig sabihin kumukurot ito sa puso ng mga tao at tumimo sa
kanilang isipan ang nakuhang mensahe samakatwid ito rin ay may
implikasyon. Ang bawat akda ay may bisa para sa mga tao; ito ay
ang bisa sa isip, sa asal at sa puso.
Sa pelikulang sinuri hinanapan ng mananaliksik ng mga
katangiang ito.
Ang pelikulang Pitong Dalagita ay may napapanahong paksa
sapagkat naglalahad ito ng gawi, asal, paniniwala at pamumuhay
ng mga makabagong kabataan. Ipinakita ang kumplikadong buhay
ng tinedyer na nahaharap sa ibat ibang hamon ng buhay at ang
mga puwersa sa kanilang paligid. Ang pitong dalagitang tauhan ng
kuwento ay may kanya-kanyang suliranin na kanila ring pilit na

binibigyan

ng

kalutasan

na

humantong

sa

pagpapakamatay.

Naligtas sila sa kamatayan pagkatapos nilang maglaslas ng pulso;


nabigyan sila ng ikalawang pagkakataon na ituwid ang kanilang
kamalian. Ang kanilang pagpapakamatay ay labag sa batas ng tao
at Diyos ngunit naging daan upang makita nila ang tunay nilang
kahinaan.
Sa mga nanonood nito narito ang ilan sa mga sinabi nila sa
nakuha nilang mensahe:

Ito ay naghatid sa akin ng katotohanan ng buhay, na


ang buhay ay tunay na hindi perpekto. Kailangan kong
maging matatag sa anumang pagsubok na darating na
sa aking buhay.

Kahit na bata pa ako dapat kong matutunan ang


paglutas ng suliranin sa tulong ng mga taong
nakapaligid sa atin.

Nakaka-relate ako sa pelikulang Pitong Dalagita kasi


karamihan sa karakter doon ay nakita ko ang sarili.
Tulad nina: Kissy, mapagkunwari, pasikat, Tina,
insekyur, at iyong mga nanunukso kay Tisha, ako ang
mahilig sa pambu-bully ng aking klasmeyts. Pero
parang na-realize ko na dapat siguro baguhin ko na ang
style ko, hindi mabuti eh.

Nalaman ko na dapat di sineseryoso gaano ang mga


pangyayari sa buhay para hindi tayo makapag-isip ng
masama.

Ang pakikipagkaibigan ay may limitasyon ngunit


kailangan din nating maging matapat sa kanila. Hindi
maaaring mabuhay tayo sa pagkukunwari sapagkat ito
rin ang makakasira ng ating relasyon.

Ang tunay na kaibigan ay hindi nasusukat sa mga


materyal na bagay. Para sa akin isang kayamanan ang
kaibigan kung marunong kang magpahalaga nito.

Marami akong kaibigan ngayon ang dapat ko sigurong


gawin ay alamin kung ano ang kanilang tunay na
nararamdaman. Baka may itinatago silang problema o
galit kaya sa akin. Di ba?

Ang pakikipagkaibigan ay madali lang gawin pero ang


magtiwala sa kanila ay mahirap. Pero gusto kong
maging katulad ni Joyce doon sa pelikula dahil tunay
siyang kaibigan.

Totoong mahirap humanap ng kaibigan ngunit


kailangan lamang na maging totoo ka rin sa kanila para
maging totoo rin sila sa iyo.

Maging mapagkumbaba tayo upang makuha natin ang


tunay na pagmamahal ng kaibigan. Iyan ang aking
natutunan sa pelikulang ito.

Ako rin ay naging mapagkunwari dahil hindi ko rin


matanggap ang nangyari sa aming buhay na katulad ng
kay Kissy. Ang kaibahan lang namin hindi naman kami
talagang naghirap pero nagbago ang aming lifestyle
dahil nalugi ang aming negosyo. Pero hindi ako
pumayag na malipat ng eskwelahan. Matapos kong
mapanood ang pelikula na-realize ko na may mali sa
ginagawa ko. Inaamin ko na hanggang ngayon hindi ko
alam kung paano kong haharapin ang katotohanan dahil
ayaw ko talagang mapahiya.

Pagpapakatotoo
mensahe. Hindi
pagtatago niya
mapagkunwari.
ipinapakita ko na

Sana makakita pa tayo ng katulad ni Joyce na talagang


napakabait at tunay na kaibigan, walang kaplastikan.
Siya ang karakter sa pelikulang ito na aking
hinahangaan dahil ginawa niya ang lahat para sa

sa sarili iyan
naging totoo
ng pagiging
Kaya
ako
ako ay bakla.

ang naihatid sa aking


sa sarili si Cris sa
bakla. Si Kissy rin
nagpapakatotoo
ako

pagmahal sa kaibigan. Kahit sa huling sandali ng


kanyang buhay ay may naituro pa rin siya sa kanyang
mga kaibigan dahil pagkamatay niya binago naman niya
ang takbo ng paniniwala ng kanyang mga kaibigan

Masakit mang aminin pareho kami ng eksperyens ni


Tina. Wala ring tiwala sa akin ang aking mga magulang
kasi lahat ng aking mga kapatid ay matatalino. Ako
hindi makaabot ng line of 9 ang grado ko. Pero ano ang
gagawin ko kung iyon lang ang kaya ng utak ko.
Sinasabihan pa nga ako ng aking mama na wala akong
utak. Ang sakit!

Dalawang beses na rin akong naglaslas ng pulso. Magisa nga lang ko iyong ginawa. Ginawa ko iyon dahil
gusto ko mapansin ng parents ko, wala kasi silang oras
sa akin lagi silang nasa ibang lugar dahil sa aming
negosyo. Pero hindi rin umeepek.

Nakuha kong mensahe ay: pagpapahalaga sa kaibigan,


pagmamalasakit sa kapwa, pagkakaroon ng takot sa
Diyos (hindi ko ma-take ang ginawang mercy killing ni
Kissy. Kilala ba niya ang Diyos?).

Natutunan kong di dapat kaagad sumuko sa mga


problema sa buhay.

Maging simple at matiisin ang susi sa maayos na


buhay.

Ang pelikula ay naghatid sa ating mga kabataan ng


mensaheng kumurot sa kanilang puso dahil sa ilang banda ay
nakita nila ang kanilang sarili sa mga karakter na nasa kuwento.
Madaling naunawaan ng mga kabataan ang mensahe ng pelikula
sapagkat ito ay nagpakita ng pagiging sila. Alam natin na ang mga
kabataan ay naghahangad lamang lagi ng kaligayahan; hindi pa nila

gaanong inuunawa ang totoong takbo ng buhay kaya nga kailangan


nila ng mga taong gagabay sa kanila upang mapaunawa ito tulad
ng mga magulang, guro, guidance counselor at mga totoong
kaibigan.
Ang mga kabataan ay may ibat ibang paraan kung paano
nila gustong mabuhay ngunit naghahanap pa rin ng patnubay,
atensyon, pagmamahal at pang-unawa. Maaaring nakikita nilang
lahat ng ito sa kanilang mga kaibigan o kabarkada. Gayun pa man
hayaan natin silang makihalubilo, humanap ng pagkilala sa iba
ngunit di dapat kalimutan ng mga magulang na sila pa rin ang
tunay na kailangan ng kanilang mga anak.
Ang pakikipagkaibigan ang isang kayamanan kahit sabihin
pang mahirap makahanap ng tunay na kaibigan maging maingat na
lamang sa pakikipagkaibigan at sinabi nga na maging totoo. Sa
mga kaibigan o

barkada nakakakita ang mga kabataan ng

kasiyahan, ng kakampi sa kanila sa anumang kanilang paniniwala.


Ang tunay na pakikipagkaibigan ay hindi maaaaring matumbasan
ng anumang salapi o anumang materyal na bagay. Ito ay
masusukat sa pagdamay, pagmamalasakit, pagtulong ng walang
kapalit at pagiging makatotohanan. Ito ay ipinakita lahat sa
katauhan ni Joyce sa pelikula.

Isang

napakalaking

mensahe

ng

pelikula

ay

ang

pagtanggap sa katotohanan. Mahirap man, pangit man o di mabuti


ang katotohanan ay kailangan nating tanggapin ito nang buong
katapatan sapagkat ito ang makapagbibigay sa atin ng kapayapaan
ng isipan at makapagpapagaan ng ating puso. Kung pilit nating
bubulagin ang ating sarili sa katotohanan lalo rin tayong di
makagagalaw ng tama. Kung magbibingihan tayo sa naririnig natin
sa paligid hindi rin mabuti ang bunga sa atin nito.
Ang inggit ay makasisira sa anumang relasyon. Nagsisilbi
itong kalawang na sumisira sa pagkatao ng isang tao. Katulad nin
Tina dahil lamang sa kanyang pagkainsekyur ay lagi na lamang
nakatuon ang kanyang pansin kay Kissy na siyang kinaiinggitan at
pinagseselosan dahil kay Cris. Hindi na niya napapansin na may
mabuti pa rin naman siyang kaibigan.
Unang-una dapat matutuhan ng mga kabataan ay ang
pananalig sa Diyos. Kung ang mga tao lalo na ang mga kabataan ay
naniniwala sa kapangyarihan ng Diyos matatakot silang gumawa ng
di mabuti sa kanilang sarili at sa kapwa. Kahit anong bigat ng
suliranin sa buhay ay gagaan ito kung hihingan natin ng tulong ang
taong lumikha sa atin. Di rin naman maitatwa na di lamang tayo
dapat nakadepende sa Kanya kailangan pa rin nating kumilos. Isa
ito sa di nakita sa pelikula ang pagkakaroon ng pananalig sa Diyos.

Marahil

kung

may

Diyos

si

Kissy

hindi

niya

madaling

mapagpasyahan ang paggamit ng mercy killing sa kanyang


sariling ina. Kung may Diyos ang pitong magkakaibigan na ito di
nila marahil maiisipan na magpatiwakal kahit pa ang lagi nilang
idinahilan sa guidance counselor na ito raw ay katuwaan lang.

May mga naiwan ding bisa ito sa kanila sa kanilang


damdamin at isip. Ang bisang ito ang isang patunay na ang
pelikulang napanood ay epektibo para sa kanila. Ang bisa sa isip ay
ang katangian ng pelikula na nagbubunsod sa manonood na magisip na may nilalayon na nagpapayaman at nagpapaunlad ng diwa o
kaisipan. Ang bisa naman sa damdamin ay katangian ng pelikula na
pumupukaw sa damdamin ng manonood.
Ang bisa nito sa kanilang isipan ay ang mga sumusunod:

Ang pagdadahilan ng mga nabiktima ng paglaslas na


katuwaan lamang nila ang kanilang ginawa. Ito ang
pare-pareho nilang sagot sa guidance counselor na si
Sir

Ruli

sa

magkakahiwalay

na

imbestigasyong

isinagawa niya. Nang tinanong ni Sir Ruli ang pito


kung ano talaga ang dahilan ng kanilang paglalaslas
ay paulit-ulit nila itong sinagot na:Wala lang.
Katuwaan lang.

Ang

determinasyon

ni

Romie

na matupad

ang

kanyang pangarap na maging sikat na artista kaya


pumapayag siya kahit ano ang papel na kanyang
gagampanan sa pelikulang pinag-eekstrahan niya.
Balewala sa kanya kahit masaktan pa siya pisikal
man o damdamin.

May mga magulang na hindi marunong magmahal sa


kanilang mga anak. Sila ay makasarili tulad ng mga
magulang ni Mayo. Bukod pa sa kanilang pagiging
iresponsable magulang na hindi nila naaalagaan o
naaasikaso ang kanilang mga anak ay pumasok pa
sa masamang bisyo ang pagdrodroga.

Ang paghahanap ng pagkilala ng isang tao upang


masiyahan lamang. Ito ang hinahanap ng pitong
magkakaibigan; ang paghahangad na makilala sa
grupo, makilala ng mga magulang at makilala sa
lipunan.

Ang pagtatakang mas pinili ni Kissy na putulin ang


tubong nagdudugtong ng buhay ng kanyang ina.
Pinagdesisyon

siya

ng

kanyang

ama

na

sa

pagtungtong niya ng edad 18 ay nasa sa kanya ng

kung ano ang gagawin niya sa kanyang inang


comatose.

Ang paggalang sa kapwa ay mahalaga at pati na sa


pagmamalasakit sa kanila. Walang galang ang mga
tao kay Tisha kaya wala silang tigil sa panunukso.
Wala ring galang sa kaibigan si Cris kay Tina kahit
alam niyang may gusto ito sa kanya ngunit sa
katunayan may gusto siya sa kapwa lalaki. Hindi niya
iginalang ang damdamin ni Tina kaya lantaran niya
ito ipinapahiya.

May taong walang hinahangad kundi kabutihan at


kasiyahan ng iba. Kaya niya isakripisyo ang sarili
para lang sa iba. Maraming beses itong ipinakita ni
Joyce sa kuwento. Sa pitong magkakaibigan tanging
si Joyce ang nagpakita ng kabutihan para sa lahat
ngunit siya rin naman ang nawala kaagad.

May mga taong kayang magsakripisyo para sa


kaibigan.

Pakikisama

man

pagmamahal

ang

dahilan katangi-tangi pa rin ang ginawa ni Joyce


mula sa umpisa hanggang sa katapusan ng kanyang
buhay.

Ang tao ay nagkakamali at maaari pa ring itong


ituwid sa mga pagkakataong ibinibigay sa kanya.
Katulad ng anim na magkakaibigang naligtas sa
kamatayan. Pagkatapos nilang makilala ang tunay na
pagkatao ni Joyce nang ito ay mamatay nalaman rin
nila ang kanilang mga kamalian sa buhay. Natuto
ang tao sa kanyang sariling kamalian.

Ang bisa nito sa kanilang damdamin ay ang mga sumusunod:

Ang pagkainis sa mga nanunukso kay Tisha dahil


may malaki siyang boobs. Nakakainis ding noong
minsan na pinagtawanan ng mga barkada si Tisha na
imbes ipagtanggol nila ito ay hinayaan pa nilang laitlaitin ng mga kaklase.

Ang pagkaawa kay Tina na tila walang pagmamahal


at pagtitiwala sa kanya ang ang kanyang mga
magulang. Ngunit hindi niya napansin na si Joyce
lang ang nakauunawa sa kanya. Nang mamamatay si
Joyce sinabi ng lola ni Joyce na paborito palang
kaibigan ni Joyce si Tina.

Kahanga-hanga ang pagiging matatag ni Mayo na sa


kabila

ng

tuksong

nakapaligid

sa

kanya

ay

napaglabanan niya ito. Hindi siya nagpadala sa mga

alok ng kanyang kapitbahay kahit pa minsan ay wala


na silang makain.

Galit

ang

naramdaman

kay

Kissy

sa

pagiging

mapagkunwari niya, sa mercy killing niyang ginawa


sa kanyang ina, pag-shop lift niya para maibigay sa
mga kaibigan at pagsasawalang bahala niya sa
damdamin ni Tina. Hindi matanggap ni Kissy ang
kanyang kasalukuyang kalagayan na naghihirap na
siya. Para maipagpatuloy ang kanyang pagpapasikat
sa grupo nagnakaw siya sa isang department store.
Kahit alam na niya ang katotohanan na may gusto si
Tina kay Cris dahil sinabi ito ni Joyce ay hindi pa rin
niya nagawa na ipaliwanag kay Tina nang mapansin
niya itong nagseselos.

Ang pagiging insensitibo ng pamilya ni Sir Ruli na


hindi nila matanggap si Ruli sa kanyang pagkabakla.
Hindi naging maganda ang trato ng sarili niyang
pamilya sa kanya dahil lang sa kanyang pagkatao na
isang bakla.

Kahanga-hanga sa lahat si Joyce sapagkat siya ang


naging tagasalo, tagapag-unawa sa mga kaibigan at
siya ring dahilan ng pagbabago ng mga kaibigan. Isa

lamang si Joyce sa kakaunting tunay na kaibigan na


walang halong pag-iimbot.