Anda di halaman 1dari 3

ng epiko[1] ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga

kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng
kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may
maipagmamalaking epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa)[1] ay isang paglalahad
na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalan) [1] ay tulang-bayani, paglalahad na
patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.

Mga Epiko ng Pilipinas


The Tagalog word for 'epic' is epiko from the Spanish. Philippine epics are lengthy narrative poems based on oral tradition. The
verses were chanted or sung while being passed from generation to generation before being written on paper. The plots of their
stories revolve around supernatural events and heroic deeds.
With the diversity of ethnic groups in the Philippines, Filipino epics are not national in scope the way the Kaleva is in Finland, for
example. Instead of glorifying national heroes, Philippine epics are specific to a particular part of the country, and thus they are
referred to as ethno-epics or regional epics. In fact, the epic poems of the Philippines are in many different languages, not just the
currently dominant Tagalog.
Many of the Philippine epics that have survived and been recorded are from areas that have seen the least colonization by the
Spanish and Americans. These are mostly pagan groups and the Moros who were not Christianized by missionaries.
There are around twenty known Filipino epic poems. Among the more famous ones are:
LUZON
the Hudhud of the Ifugao
the pre-Hispanic epic poem Biag ni Lam-ang
the Ullalim epic songs of the Kalinga
the Ibalon epic from Bicol
WESTERN VISAYAS
the Hinilawod the longest and oldest epic of the Hiligaynon people
MINDANAO
the Darangan of the Maranao (recognized by UNESCO as a Masterpiece of the Oral and Intangible Heritage of Humanity)
The Darangan relates the adventures of a warrior-prince named Bantugan, who was the brother of the chieftain of a village called
Bumbaran. Bantugan owned a magic shield, was protected by divine spirits and was capable of rising from the dead.

Ang mga epikong Pilipino ay:

mga naratibong pinanatiling mahaba

base sa sinasambit o inuusal na tradisyon

umiikot sa mga pangyayaring mahiwaga

nasa anyo ng berso o talata na inaawit

may tiyak na seryosong layunin

kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng mga mamamayan

Ang mga epikong pilipino ay mas nararapat na tawaging ethno-epic dahil sa may mga epiko na kumakatawan sa bawat pangkat
etniko at tumatalakay sa mga bayani ng bawat rehiyon at tribo.

Bilang at Distribusyon
Umaabot sa 28 ang bilang ng mga epiko na kilala sa Pilipinas.
Karamihan sa mga natitirang epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong proseso ng
pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong grupo sa Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim.
Ang mangilan-ngilan ay makikita sa mga mamamayang Kristiyano.

Haba
Ang haba ng mga epiko ay mula sa 1000 hanggang 55000 na linya.

Rendisyon
Tulad ng ibang mga alamat, ang mga epiko ay inihahayag ng pasalita patula o pakanta (sa iba't-ibang mga estilo); mula sa
memorya, mayroon o walang saliw ng ilang mga instrumentong pangmusika. Ito rin ay maaaring gawin nang nag-iisa o kaya naman
ay grupo ng mga tao na katulad ng isang chorus, na tumatakbo ng maraming araw at oras.

Katangiang Pampanitikan
Ang mga epiko ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga
Kanluranin na epiko.
Ang ilang katangian ng ibang epiko ay:

ang paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao

mga inuulit na salita o parirala

mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta

kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang-araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay
sa kalangitan, atbp).

kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang
kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.

Kahalagahan sa kultura
Ano ang ipinapakita ng epiko ng sinaunang kultura?
Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa at tema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga
pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipapakita ng epiko ang kultura ng isang grupo ng tao.

Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema

katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani

mga supernatural na gawa ng bayani

pag-ibig at romansa

panliligaw pag-aasawa pagbubuntis mga yugto ng buhay

kamatayan at pagkabuhay

pakikipaglaban at kagitingan ng bayani

kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging

mga ritwal at kaugalian

ugnayan ng magkakapamilya

Ang Lalaking Bayani


Sa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang mga katangian ng isang bayani. Karamihan sa kanyang mga katangian ay
maiuuri sa alin man sa sumusunod: pisikal, sosyal, at supernatural. Maaari ring isama ang kanyang intelektwal at moral na
katangian.

Ang Pangunahing Babaeng Karakter


Ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng iniibig ng bayani o maaari rin namang tinutukoy dito ang kanyang
ina.