Anda di halaman 1dari 4

Proyekto

sa
Filipino
Ipinasa ni: Richard Kenneth U. Bandiola
Ipinasa kay: Maam Lolita M. Sayre
Ipinasa noong: ika-7 ng Enero, 2014

Ang Dugong
Suphan
ni Luang Vichitvadakarn
(Orihinal na Pamagat: Luad Suphan)

Buod

Si Duangchan ay isang dalagang Thai na naninirahan kasama ng kanyang mga magulang


sa tabi ng Ilog Suphan, sa Thailand. Ang kanyang mga magulang na sina G. Duang at Gng. Chan
ay mga magsasaka at namumuhay ng simple at marangal, katulad ng ibang mga mamamayan ng
nayon na iyon. Namumuhay sila noon sa pagitan ng mga taong ang Thailand at Burma
(Myanmar) ay nag-aaway sa kani-kanilang teritoryo.
Dumating ang panahon na sinakop ng mga sundalong Burmese ang kanilang bayan, at
pinahirapan ang mga mamamayan nito. Ang mga tao ay ginutom, pinagtrabaho at pinarusahan
ng mga walang awang mga Burmese. Maging ang mga magulang ni Duangchan ay hindi
nakaligtas sa kalupitang ito.
Isang araw ay pinahirapan ng mga lider ng sundalong Burmese ang ama at ina ni
Duangchan. Ang komander, na nagngangalang Mangratho, ay walang awang pinaghahagupit ng
latigo ang mga magulang ni Duangchan habang gusto lamang nilang uminom ng tubig dahil sa
uhaw at hirap sa pagtatrabaho. Mabuti na lamang at sinagip sila ng komander ng kabilang hukbo
ng sundalong Burmese na si Mangrai.
Dahil sa ginawang pagsagip na iyon ni Mangrai kay Duangchan at sa kanyang mga
magulang ay nagkapalagayan sila ng loob. Batid nila na sila ay hindi maaaring magsama dahil
magkalaban ang kanilang mga lahi. Ngunit gayunpaman, hindi nila mapigilan ang bugso ng
damdaming namamagitan sa kanilang dalawa.
Nangako si Mangrai na palalayain niya ang pamilya ni Duangchan mula sa pagkakabihag.
Hindi pumayag si Duangchan dahil sinabi niyang hindi niya matitiis ang kanyang mga
kababayan. At dahil mahal siya ni Mangrai, ay pinatakas ng butihing Burmese ang lahat ng mga
mamamayan ng Suphan, isang gabi habang natutulog ang mga hukbo ng sundalo. Ayaw man ito
ni Duangchan dahil alam niyang maparurusahan ang kanyang sinta, ay nagpumilit si Mangrai at
pinangakuan ulit siyang magkikita silang muli upang magsama.
Kinaumagahan ay naganap ang dapat maganap. Dinakip si Mangrai ng mga hukbo ng
sundalo ni Mangratho at dinala sa kanilang punong komander, si Mangmahasuranat, na ama ni
Mangrai. Pinatawan ni Mangmahasuranat ng parusa kahit na anak niya ito, dahil nangibabaw sa
kanya ang pagiging sundalo. Pinarusahan din si Mangratho dahil sa nalamang kalapastanganang
ginawa niya sa mga bihag.

Reaksyon
Para sa akin ay maganda ang pagkakabuo ng dula dahil ang tema nito ay patuloy na
nakikita at napapansin sa buong pagtatanghal. Ang tema nitong historical na pag-iibigan ng
isang Burmese at Thai ay magandang halimbawa ng isang trahedya. Dama ng sinumang babasa
sa mga linya ng dula ang emosyong gustong ipabatid ng bawat isang karakter.
Magaling na manunulat ng dula si Luang Vichitvadakarn dahil nahuhuli niya ang tamang
timpla ng emosyon at ang tamang pagkuha ng tema sa isang dula. Ang historical na mga dula ay
madalas na pumapatok sa kahit na sinumang bumabasa dahil na rin sa likas na hilig ng tao sa
mga impormasyon tungkol sa kasaysayan.
Natuwa ako sa mga unang eksena ng dula dahil pinakita kaagad nito ang mamamayaning
tema sa buong dula. Madaling makikita at mararamdanan ng babasa ang emosyon ng pagkabihag
ng mga Thai sa ilalim ng kamay ng mga Burmese, lalo na sa ginawang paglapastangan sa mga
magulang ni Duangchan. Mararamdaman ng sinumang babasa ang magkahalong emosyon ng
galit, awa, lungkot, hinagpis at pagmamakaawa.
Ang dula ay nagpakita rin ng trahedya sa pag-iibigan ni Mangrai at Duangchan. Maganda
ang naging wakas ng kanilang pag-iibigan kahit na may kirot itong iiwan sa mambabasa. Ang
dula ay magpapaisip sa sinuman kung bakit pa napili ng awtor ang pagkasawi ng parehong bida
sa kanilang pag-ibig at pamilya.
Hindi ko lang masyadong nagustuhan ang hindi pagka-develop ng mabuti sa karakter ni
Mangratho. Matapos lamang na maparusahan si Mangrai ay nawala na siya sa mga eksena at
hindi na nakabalik pa.
Gayunpaman, masasabi kong isang magandang istorya ang mababasa ng sinuman sa
pagbabasa ng dulang ito. Tiyak na malilibang ang mambabasa dahil sa ang dulang ito ay may
magandang aral at istorya. inirerekomenda ko ang istorya na ito na naway mabasa ng ibang tao
at henerasyon, dahil isa ang istorya na ito sa mga maipagmamalaking yaman ng Thailand.

Anda mungkin juga menyukai