Anda di halaman 1dari 1

#4

Paano Ang Pagbangon Mula sa Matinding Kalamidad


( ni Yolanda Panimbaan- Canatan Learning Center)
Kalamidad mga sakuna, mga pangyayaring hindi inaasahan o mga kapahamakan. Tulad ng
pagbaha, bagyo, lindol at marami pang iba. Ang lahat ng ito ay walang mabuting naidudulot sa buhay ng
bawat nilalang dahil ang dulot ng mga ito ay gutom at mawawalan ng kabuhayan. Bakit nangyayari ang
mga ganitong kalamidad? Ano-ano ang mga nararapat, nating gawin upang madaling makabawi sa
nararanasang pangyayari? Paano natin poprotiktahan ang ating mga sarili laban sa hindi inaasahang
kalamidad?
Nangyayari ang mga ganitong sakuna nang biglaan, nang hindi inaasahan. Ang biglaang
pagdating ng bagyo o baha ay kadalasan gawain ng tao o mga tao na hindi magkaroon ng pagmamalasakit
sa kalikasan. Sabi nila nangyayari ang mga kalamidad dahil nagagalit dawang Panginoon. Para sa akin,
totoong nagagalit ang Diyos dahil sa atin na ring mga kapabayaan. Pinapahintulotan Niyang mangyayari
ang lahat ng ito upang minsan ay maalala natin Siya. Ginigising lamang Niya tayo para paalalahanang
Diyos ang gumawa, siya lamang ang may karapatan kung ano ang dapat gawin sa kanyang mga
ipinahiram sa atin dito sa mundo. Ang mga nararapat gawin upang madaling makabawi sa nararanasang
pangyayari ay una kailangan. Tibayan lalo na ang ating mga kalooban. Humingi ng karagdagang tibay at
lakas sa Diyos upang mahaharap ang mga problemang dulot ng kalamidad. Ayusin ang mga dapat ayusin
para makakapagsimula sa buhay. Mapoprotektahan natin ang ating mga sarili laban sa hindi inaasahang
kalamidad ay dapat laging handa sa lahat ng bagay. Kailangan din na hindi tayo mapagsamantala sa kung
alinmang gawa ng Diyos.
Sana sa ating mga buhay dapat isipin lagi natin na hindi mangyayari sa atin ang mga ganitong
kalamidad kung hindi tayo pabaya sa mga bagay na dapat bigyang halaga lalo na ang mga bagay na
kalikasan ang sangkot. Sa lahat ng kalamidad na mangyayari sa ating mga buhay ay mga paggising
lamang sa atin dahil kadalasan sa atin ay nakakalimot na sa kanya. Sana sa puso at isipan natin laging
Diyos ang nakaukit at nakatira upang sa oras ng kagipitan madali siyang matawagan.

Anda mungkin juga menyukai