Anda di halaman 1dari 1

#5

Ang mga Epekto ng Illegal na Pagputol ng Puno sa Kapaligiran


( ni Yolanda Panimbaan Canatan learning Center)
Ang illegal na pagpulol ng mga puno ay labag sa batas ng ating pamahalaan para sa
kalikasan. Mga punong pinuputol ay gawain ng mga taong mapag samantala, ang mga taong
sarili lamang ang iniisip walang pakialam sa mga likas na yamang lupa na biyaya ng Diyos ng
Siyang lumikha. Bakit may mga taong mapagsamantala sa ating likas na yamang lupa? Paano
natin mapanatiling buhay ang ating kapaligiran lalo na sa kabundukan? Anu-ano ang mga
nararapat gawin para matigil at masugpo na ang pag-illegal logging?
May mga tao talagang mapagsamantala sa ating mga kalikasan na yamang lupa lalo na
kung ang pagiging illegal na ang pag-uusapan. Ang illegal logging,kasi para sa aking
pagkakaintindi madali lang ang pera rito. Lalo na sa illegal logging madali ang kumita rito kaya
kahit na bawal at labag ito sa ating pamahalaan marami parin ang pumuputol ng illegal. Ang
nakakalungkot pa rito ay mga malalaking tao sa ating pamahalaan ang nangunguna sa gawaing
sana ay alam niyang bawal at labag sa batas.Kung sino pa yong gumagawa ng batas,siya rin pala
ang lalabag, ika nga nila.Silang mga walang awang umubos ng mga puno ay yumayaman.
Tayong mga mahihirap ang pinakanahihirapan pagdating ng baha dahil wala ng mga puno na
siyang magsisilbe sanang tumitigil o sumisipsip ng tubig upang hindi magkaroon ng baha.
Samantalang ang mga illegal loggers na nag-uubos ng mga puno sa kabundukan walang
nararanasang hirap pagdating ng baha.Nasa kasarapan na ang mga buhay nila samantalang hindi
nila alintana ang hirap na sila nagdudulot at may gawa. Mapapanatili nating buhay ang ating
kabundukan sa pamamagitan ng pagtanim ulit ng mga puno,papalitan natin ang mga naputol na
mga puno. Makialam tayo sa mga bagay na tayo rin ang aani balang-araw. Matigil lamang ang
mga ito kung sa pamahalaan mismo mauuna ang pagbabagong kalakaran. Nasa pamahalaan din
ang kamalian dahil pinahihintulutan parin nila ang patuloy na pagputol ng mga punong kahoy.
Dapat sa ating mga mamamayan, sikapin natin na makialam para hindi babalik sa atin
ang karma.Kung ano ang mga pinaggagawa nating mabuti, mabuti rin ang balik nito sa atin,
pero kung mali ang pinaggagawa, mali rin at kapahamakan ang matatamo. Huwag nating
hintayin na magagalit ang Diyos sa lahat ng Kanyang kabutihan at Kanyang binigay, suklian
natin ng higit pa sa kabutihan.

Anda mungkin juga menyukai