Anda di halaman 1dari 1

#15

Ang Mga Katangiang Hinahanap Ko sa Isang Pinuno


( ni Narmei P. Maulingan- Asuncion ALS CLC)
Ang pinuno ay ang taong gustong mamuno sa isang organisasyon. Lahat sila
may kanya-kanyang katangian. Ano nga ba ang mga katangiang hinahanap ko sa
isang pinuno? Anu-ano naman ang maidudulot nito sa lahat ng tao?
Dito sa mundong ibabaw may ibat ibang pinuno. Lahat sila may kanyakanyang hangarin sa buhay. Para sa akin ang mga katangian na hinahanap ko sa
isang pinuno ay maka Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa. Ang pagka
maka- Diyos ng isang tao ay nangangahulugan na may mga positibo siyang
pananaw sa buhay. Hindi niya kayang gumawa ng nga bagay na makakasakit sa
kanyang kapwa, dahil may takot siya sa Diyos. Ang pagka makatao ng isang
pinuno ay nangangahulugan na hindi siya nag-iisip sa kanyang sarili. Iniisip niya
ang kapakanan ng sangkatauhan. Ang pagiging makakalikasan ng isang tao ay
nangangahulugan na kaya niya tayong pangalagaan sa mga kalamidad sa
pamamagitan ng pag-aalaga ng kalikasan. Ang pagka makabansa ng isang pinuno
ay nagsasabing nag-iisip siya sa kapakanan ng buong bansa. Kaya niyang
gampanan ang tungkuling sinumpaan na paglingkuran ang buong bansa. Maraming
maidudulot na kabutihan ang pagpili ng mga mabuting katangian sa isang pinuno.
Magkakaroon ng katuparan ang minimithi ng bawat isa na umunlad ang bansa.
Magkakaroon ng kapayapaan. Maiiwsan natin ang maghihirap dahil may pinuno na
may mabuting hangarin.
Lahat tayo may kanya-kanyang katangian sa isang tao na gusto nating piliin.
Isipin lang natin na ito ay magdudulot ng kabutihan sa lahat ng tao. Magkakaroon
tayo ng payapang buhay. Magdasal at humingi tayo ng mabuting pag-iisip upang
magawa natin ang mga bagay ng tama.

Anda mungkin juga menyukai