Anda di halaman 1dari 1

#17

Ang Pinaka Gusto Kong Gawin Sa Aking Buhay


(ni Narmie P. Maulingan Asuncion ALS CLC)
Ang buhay ay hiram lang natin sa Poong Maykapal. Bawat araw may kanyakanya tayong gustong gawin. Mga bagay na magpapasya sa atin. Ano nga ba ang
pinakagusto kong gawin sa aking buhay? Ano ba ang maidulot nito sa akin?
Simula ng mamulat ako sa mundong ibabaw, marami akong gustong gawin.
Tumambay, maglaro at maglakwatsa kasama ang mga kaibigan. Masarap sa
pakiramdam kapag makagawa ako ng mga bagay na makapagpapasaya sa akin. Sa
kadahilanang wala pa ako sa tamang edad at pag-iisip.Sa ngayon na nasa tamang
edad na ako mayroon akong pinakagustong gawin. Bagay na alam kong may
magandang bukas na ngahihintay. Ang pag-aaral ang pinakagusto kong gawin.
Maraming maidudulot na kabutihan ang bagay na ito. Alam ko na ang pag-aaral ay
isa sa mahalagang bagay sa mundo. Dito nakasalalay ang lahat ng mithiin ko sa
buhay. Walang taong pwedeng manloko sa akin dahil may pinag-aralan ako.
Maipagmamalaki ko ito kahit saan ako magpunta. Kapag nakapagtapos,
magkakaroon ng isang marangal na trabaho , matiwasay na buhay , sa bagay na
iyon wala akong pagsisisihan na pinili kong gawing ang bagay na ito. Wala akong
ibang hinahangad sa buhay kung hindi magawa ng tama ang mga gusto kong
gawin. Dito nakasalalay ang magandang bukas na naghihintay sa akin.
Iba-iba naman tayo ng gustong gawin sa buhay, alam natin na iisa ang ating
mithiin ang magawa ito ng tama at magkaroon ng magandang resulta. Magdasal
tayo sa Diyos na bigyan tayo ng lakas araw-araw. Sa kanya nakasalalay ang lahat
ng gusto nating gawin.

Anda mungkin juga menyukai