Anda di halaman 1dari 1

#18

Ang Magagawa Ko Upang Maging Magandang Halimbawa


Sa Aming Pamilya
( ni Narmie P. Maulingan Asuncion ALS CLC )
Ang pamilya ay ang pinaka maliit na yunit sa pamayanan. Ito ay
binubuo ng ama, ina at anak. Ang ama ang haligi ng tahanan. Ang ina ang
siyang ilaw ng tahanan at ang mga anak ang bunga ng kanilang
pagmamahalan. Ano nga ba ang magagawa ko upang maging magandang
halimbawa ng aming pamilya?
Masaya ang pamilyang pinanggalingan ko. Naiintindihan namin ang
damdamin ng bawat isa. Ang aming pamilya ang pinaka mahalaga para sa
akin. Para sa akin marami akong magagawa upang maging magandang
halimbawa sa kanila. Igagalang ko ang mga desisyon nila dahil alam kong
lahat ng nais nila sa akin ay para sa kabutihan. Tutulong ako sa mga gawaing
bahay. Mag-aaral ako ng mabuti upang makapagtapos. Makakatulong ako sa
kanila upang maihaon sa kahirapan. Sa ganung paraan tutularan ako ng aking
mga kapatid. Tutulungan ko ang aking mga pamilya na magkaroon ng
edukasyon. Magsisikap ako sa pag-aaral upang magkaroon ng marangal na
trabaho. Makakatulong ako sa aking pamilya at sa ibang tao. Gusto kong
maging isang matagumpay na guro upang maturuan ang mga batang gustong
mag-aral. Ibabahagi ko sa kanila ang lahat ng aking nalalaman. Sa bagay na
iyon, maipagmamalaki nila ako sa lahat ng tao.
Lahat tayo gustong maging halimbawa sa ating pamilya. Magsikap
tayong gawin ang mga bagay na makakatulong sa kanila. Magdasal at
humingi ng patnubay sa Diyos. Wala siyang hindi kayang ibigay kung para sa
kabutihan ang ninanais.

Anda mungkin juga menyukai