Anda di halaman 1dari 3

Republic Of The Philippines

Department Of Education
Region IV-MIMAROPA
Division Of Marinduque

ILAYA NATIONAL HIGH SCHOOL


Boac, Marinduque

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO


IKAWALONG BAITANG
PANGKALAHATANG PANUTO: IBIGAY ANG MGA NARARAPAT NA SAGOT SA MGA PAGPIPILIAN. ISULAT
ANG TAMANG SAGOT SA INYONG SAGUTANG PAPEL.

I. PAGBASA: Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga
tanong.

Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi
maipasa-pasa sa senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay Freedom of Income eh malamang
nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa yan kahit pa nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI, partner?
Roel: Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at
masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
1. Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?
a. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas,bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga
opisyal na transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno!
b. Kung ang FOI ay Freedom of Income, malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa yan kahit na
nakapikit.
c. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon.
d. Naku! Delikado naman pala iyan!
2. Ano ang ipinahihiwatig na opinyon ng komentarista sa pahayag na may salungguhit?
a. May mga politikong tiwali sa pamahalaan.
b. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas.
c. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas.
d. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito.
3. Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong panradyo gaya ng halimbawang nabasa?
a. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig ng mga pahayag ng mga personalidad
b.. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa isang bansa.
c. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista.
d. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig.
4. Ano ang mga salitang ginamit na pagpapakilala ng konsepto ngpananaw mula sa akda?
a. naman pala
b. sabi nga
c. sang-ayon sa
d. ng mga
5. Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng isang komentaryong panradyo?
a. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na pinagkunan ng mga pahayag o detalye kaugnay ng
isyung tinatalakay.
b. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya kaugnay ng isyu.
c. Magsaliksik kaugnay ng paksang tatalakayin.
d. Lahat ng nabanggit.
Parami na nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng bullying. Ang masaklap pa nito, nagaganap ang mga
pananakit sa loob mismo ng kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging sa mga paaralang pribado o pampubliko
man ay talamak ang ganitong uri ng pang-aabuso. Dahil sa takot, marami sa mga nagiging biktima nito ay hindi
nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa kanilang mga magulang. Marami rin sa mga kaso ng bullying ay
nagsisimula sa palagiang pag-aasaran sa loob ng klase kung saan pinagtatawanan at minamaliit ng mga bata ang
kanilang kapwa mag-aaral. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na

paaalalahanan ang kanilang mga anak sa mabuting pag-uugali at ang iparamdam sa kanila ang pagmamahal,
pagpapahalaga at pagtanggap sa kanilang mga anak.
6. Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakilala ng ___________.
a. sanhi at bunga b. paraan at layunin c. paraan at resulta
d. kondisyon at kinalabasan
7. Ano ang maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ngbullying?
a. Pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang miyembro ng pamilya.
b. Takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan.
c. Pananakit ng mga magulang sa kanilang mga anak.
d. Takot sa kapwa kamag-aral na nananakit.
8. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paaalalahanan ang kanilang
mga anak. Alin ang nagpapakita ng kaugnayang lohikal na ipinapahiwatig sa pahayag?
a. bunga + sanhi
c. paraan + resulta
b. sanhi + bunga
d. resulta + paraan
9. Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang binasa?
a. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan.
b. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata.
c. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang kapwa.
d. Pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang pananakit.
10. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan?
a. Naisisiwalat dito ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan.
b. Natatalakay dito ang ibat ibang panig ng isang isyu.
c. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi gaanong nabibigyan ng pansin.
d. Lahat ng nabanggit.
II. PANUTO: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay WASTO o DI-WASTO. Isulat sa sagutang papel ang salitang
WASTO kung ang pahayag ay wasto at kung DI-WASTO, isulat ang pahayag sa tamang paraan.
11. Ang tabloid ay maituturing na pahayagan ng masa.
12. Sinasabing ang broadsheet ay sinasabing pahayang pangmasa sapagkat ito ay nakasulat.
13. Nagsimulang sumikat ang magasing Liwayway ng magsimula ang Digmaang Pasipiko.
14. Isinulat at ginawa ng mga abalang ina ang mga artikulong nakalimbag sa Candy Magazine
15. Ang mga artikulo sa Cosmopolitan ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang mga kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
16. Ang Metro magasin ay nakatutlong sa mga kalalakihan tungkol sa mga isyu sa kalusugan.
17. T2 ang hahanapin kong magasin upang malaman ko ang mga bagong gadgets na makikita sa merkado.
18. Komiks ang tawag sa grapikong paglalarawan ng isang kwento na iginuguhit ng isang artista.
19. Sa kuwadro makikita ng isang mambabasa ang usapan ng bawat tauhang nakaguhit sa komiks.
20. Isinulat ni Mario ang maikling salaysay ng komiks sa lobo ng usapan.
21. Ayon kay Francis Botkin ang komentaryong panradyo ay nagbibigay ng opurtunidad sa kabatan upang maipahayag ang
kanilang opinion at saloobin.
22. Isa sa mga dapat tandaan bago makasulat ng dokumentaryong panradyo ay ang pananaliksik.
23. Ang programang pantelebisyon ay maituturing na isang uri ng sining sapagkat ito ay nagsisilbing libangan.
24. Ang dokumetaryong panradyo ay mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibong proyekto na sumasalamin sa
katotohanan ng buhay.
25. Isa ang Survey sa maaaring magamit ng isang kometarista upang makapagsaliksik ng mga impormasyon at paksa na
kanyang tatalakayin sa kanyang programa.
III. A. PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung anong kaugnayang lohikal ang
ipinahahayag ng bawat pangungusap.
26. Nagsikap siyang mabuti kaya maganda at maayos na ang kanilang buhay ngayon.
27. Dahil binasa ni Mandy ng mabuti ang panuto, siya lamang ang nakakuha ng tamang sagot.
28. Kailangan mong magpunta sa tamang doctor upang maunawaan mo ang dapat gawin sa iyong katawan.
29. Sa sandaling ikaw ay lumabas sa bahay ng pintuang iyan, hindi ka na makababalik kailanman.
30. Kung nakinig ka lamang sa payo ng iyong Ina, di sanay isa ka ng doctor ngayon.
31. Nakamit niya ang tagumpay sa pamamagitan ng madalas na pag-eensayo.
32. Ipinilit niyang itama ang kanyang pagkakamali. Bunga nito, nagkasundo sila ng kanyang kapatid.
33. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking isipan ng ng dokumentaryong ito, nauunawaan ko kung bakit kailangang
pahalagahan ang mga bagay na meron ako ngayon

34. Dahil sa sobrang pagkagutom, kaya binura nila sa isipan ang pinanggagalingan ng pagkain.
35. Nililinis nilang mabuti ang bahay nang sa ganooy mapatunayan nilang kaya nilang maging malinis at masinop.
III. B. PANUTO: Bumuo ng mga pahayag na nagpapakita ng ugnayang lohikal gamit ang mga padrong nakalagay sa ibaba.
36. dahilan + kaya naman + resulta
37. resulta + bunga nito + dahilan
38. paraan + upang + layunin
39. resulta + paraan
40. kung + kondisyon + bunga
41. kapag + kondisyon + bunga
42. bunga + sa sandaling + kondsiyon
43. bastat + kondisyon + bunga
44. paraan + resulta
45. bunga + kung + kondisyon
IV. 10 puntos. Bumuo ng isang iskrip para sa isang 7 minutong programang panradyo na tumatalakay sa isyung nasa ibaba.

GOOD LUCK!
Inihanda ni:
Miss KATHRINA J. BONODE
Subject Teacher

Anda mungkin juga menyukai