Anda di halaman 1dari 6

Ang mga Uri ng Pagtataya

1. Pagtatayang Pormal
Tanong: Ano na ang alam mo?
Mga Pormat
a)
b)
c)
d)
e)
f)
g)

Tama-mali
Multiple Choice Question/maraming pagpipiliang tanong
Pagtatapat-tapat
Paglalahad
Standardized
Norm-referenced
Criterion-referenced

Mga Layunin
Karaniwang lapis at papel na pagsusulit, tinutulungan ang mga
guro sa:
a) Sumusukat sa natatamong kaalaman ng mga mag-aaral at
inihahambing ang natamong ito sa kapwa mag-aaral at sa iba
pang mag-aaral sa district, division,rehiyon o bansa.
b) Ulat sa natamo ng mga mag-aaral para sa mga magulang at
administrador.
c) Ang resulta ng pagsusulit ay ginagamit para sa pagbuo ng
mga polisi at paggawa ng mga desisyon sa pagtuturo at
pagkatuto.

2. Alternatibong Pagtataya
Tanong: Ano ang magagawa mo?
Mga Layunin
Ang mga gawain ay halos malapit sa aktwal na mga sitwason
ng buhay; nakatutulong sa mga guro upang:
a) Makabuo ng isang komprehensibong paglalarawan ng bawat
mag-aaral bilang problem solver, critical thinker at acquirer of
knowledge.
b) Mataya ang pagsulong at pag-unlad ng isang mag-aaral sa loob
ng isang panahong itinakda (isang araw o lingo o di kaya
namay ilang buwan).

Mga Gawain
a) Awtentiko (Tuwirang pagtataya sa mga gawaing mag-aaral na
malapit sa mga tunay na karanasan)
b) Ang pagtatayang Product o performance
Inaasahan na makabubuo/makapaglahad ang mga magaaral ng isang totoo o tunay na produkto o di kaya ay
pagsasagawa o pagganap na magpakita ng kanilang
pagka-unawa sa mga kasanayan o konseptong nilinang.
Nakapokus sa natapos na produkto sa halip na sa mga
proseso, gawi o istratehiya na ginamit sa pagbuo nito.
Ang pagtataya ay nakabatay sa paghuhusga at
obserbasyon gamit ang ilang pamantayan o krayterya.
Mga Uri ng Evaluation Criteria na Ginagamit sa Alternatibong
Pagtataya
Rubric
Peer at selfevaluation
Iskala
Tseklist
Mga halimbawa ng Product at Performance na maipagawa sa
klase
Scripts, dialogues
Audiotapes,
videotapes
Charts, maps,
graphs
Games, puzzles
Puppet shows
Plays, skits, talent
shows
Interviews, debates
Role playing
Dances
Mock trials
Cooking or sportsdemonstrations
Recipes, menus
Slide shows

Childrens book
Exhibits
Research papers
Book or movie
reviews
Questionnaires;
surveys
Print or TV ads
Poems, riddles,
jokes, songs
Murals, collages
Scale, model,
dioramas
Terrarium
Scrapbook
Speech

Pagtiyak Upang Mapagtagumpayan ang Gawain


Maglaan ng tala ng mga opsyunal na mga product at
performance
Turuan ang mga mag-aaral na gumawa ng proposal para
maging pokus ang gawain.
Paghandain ang mga mag-aaral ng action plans at task
sheets.
Hayaang pumili ang mga mag-aaral ng kanilang sistema ng
paggawa.
Pagtataya ng Pag-unlad ng mga Gawain
Hingan ang mga estudyante ng progress report
Bumuo ng pamantayan/krayterya sa pagtataya gaya ng
rubric.
Isama ang peer review bilang bahagi ng proseso sa
pagtataya.
Pagawain din sila ng self-assessment sa bawat yugto ng
proseso ng pagtataya.
c) Proseso/Process Assessment: Pagmamasid Habang
Isinasagawa ang Pagkatuto
Pagmamasid habang ginagawa ang pagkatuto
Pagmamasid kung paano ginagawa ang pag-iisip
Pagmamasid habang gumagawa ng task o gawain
Inaasahan na magpapakita o ibabahagi ng mga mag-aaral
ang kanilang mga kilos, gawi, istratehiya, mapanuring pag-iisip
habang inuunawa ang nalilinang na mga kasanayan at
konsepto.
Nakapokus ang atensyon ng guro sa proseso, kilos,o gawi, at
mga istratehiya sa halip na bunga ng pagkatuto.
Batay sa paghuhusga at pagmamasid sa tulong ng mga
pamantayan at krayterya.
Mga Uri ng Evaluation Criteria na Maaring Gamitin
Rubrics
Pormal na mga iskala at tseklist
Mga talang anecdotal
Pagmamasid
Pagtatayang pansarili

Pagtataya ng kaklase

Mga Halimbawa ng mga Proseso


Inilalahad sa ibaba ang ilang proseso na maaring
bigyang-pansin ng guro habang nagmamasid sa kakanyahan ng
mga mag-aaral na mailapat ang HOTS:

d)

Mga istratehiya sa pagbasa na gamit nga mag-aaral sa


pagpapakahulugan ng teksto
Kilos o gawi kung may peer review
Mga patunay ng mga inilaan na oras sa gawain
Kakayahan sa pakikilahok sa mga pangkatang gawain
Mga draft habang gumagawa ng sulatin/komposisyon
Pakikilahok sa mga talakayang pangklase
Pagsangguni upang mapabuti ang gawain
Bumuo ng personal na krayterya o pamantayan

Pagtatayang Portfolio
Isang may layuning kalipunan/koleksiyon ng mga gawa ng
isang mag-aaral at nagpapakita ng kanyang panlahat na
sigasig, pag-unlad, at mga natutuhan sa loob ng isang
panahon.
Isang magandang paglalarawan ng pag-iisip ng pagtuturo at
pagtataya. Makikita sa koleksiyong ito ang paano at ano ang
pagkatuto ng isang mag-aaral.
Itoy masusing pinili at hindi lahatan o catch all ng mga gawa
ng mag-aaral.
Itoy kombinasyon ng process at product assessment na may
ibayong diin sa ebalwasyong pansarili at ebalwasyon ng
kapwa mag-aaral.

Mga Uri ng Evaluation Criteria Gamit sa Pagtatayang Portfolio

Imbentaryo
Tala ng mga
komperensya
Rubrics

Mga Maaring Nilalaman ng Isang Portfolio

Iskala at Tseklist
Talang anecdotal
Obserbasyon
Peer evaluation

Photographs
Dyornal
Suring basa
Sketch/drawings

Ulat
Mga
sulatin/komposisyo
n

Mga Uri ng Portfolio


1. Ang Working Portfolio
Layunin: Naipapakita ang tala/koleksiyon ng mga ginawa ng
mag-aaral sa isang particular na klase.
Ang working portfolio ay naglalaman ng koleksiyon ng mga
produkto, performance at resulta ng mga pagsusulit sa loob ng
isang takdang panahon. Kadalasan, ang working portfolio ay
hanguan para sa isang showcase portfolio.
2. Ang Showcase Portfolio o Best Work
Layunin: Naipapakita ang pinakatampok ng mga gawa ng magaaral.
Ang showcase portfolio ay kalipunan ng pinakamagagaling
na gawa ng mag-aaral, kasama na ang mga produkto at
performance na maaring labas na sa pagsusumikap sa mga
pagsusulit na lapis at papel. Kadalasan na ang nakapaloob dito
ay tumutugon sa mga inilatag na ng mga layunin sa pagkatuto
at mga kraytirya.
3. Ang Process Portfolio
Layunin:Naipapakita ang gawa/produkto ng mag-aaral sa ibat
ibang yugto ng pagbuo nito.
Sa isang process portfolio ay ang koleksiyon ng lahat ng
impormasyon tungkol sa isang patuloy isinasagawang proyekto,
maaring kasama sa koleksiyon ang mga dokumento sa
pagpaplano, mga draf, resulta ng mga konsultasyon, mga
repleksiyon sa mga yugto ng pagbuo ng gawain at ang pinal na
produkto o performance.

4. Ang Cummulative Portfolio o Archival


Layunin: Naipapakita ang pinakatampok na mga gawa ng
mag-aaral sa loob ng mahabang panahon.
Ang cumulative portfolio o archival ay pagpapakita ng
pagsulong at pag-unlad ng isang mag-aaral sa loob ng isang
mahabang panahon. Karaniwang nakapaloob ditto ang mga
halimbawang hinugot mula sa isang showcase portfolio.
Kailangan din sa ganitong portfolio ang pana-panahong
pagtanaw sa mga koleksiyon upang hindi ito sumabog.

Sanggunian:
Badayos, Paquito B. (2008). Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto
ng/sa Filipino : Mga Teorya, Simulain at Istratehiya. Nirebisang
Edisyon. Valenzuela City: Mutya Publishing House.
Inihanda ni: Mary Florilyn Mae A. Recla
Tricia Mae I. Rivera
II-4 BSE Filipino

Anda mungkin juga menyukai