Anda di halaman 1dari 1

I.

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Maipaliliwanag ang papel na ginampanan ng bansang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
B. Maibabahagi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa.
C. Makapagsusulat ng isang reaction paper tungkol sa pelikulang panonoorin at talakayang kanilang napakinggan.

II. Nilalaman
A. Paksa: Panahon ng Pananakop ng mga Hapones
B. Pagpapahalaga: Kapayapaan, Pagkakaunawaan, Pagbibigayan, Katapangan
C. Kagamitan: VCD, VCD Player, LCD Projector, mga larawan
D. Sanggunian: A History of the World nila Perry, et.al. pahina 708-710 Kasaysayan at Pamahalaang Pilipino- nila
Gonzales, et.al. pah. 339-347

III. Pamamaraan
A. Lunsaran
1. Magpapaskil ang guro ng mga larawan sa pisara at itatanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang nakikita sa
mga larawang ito.
2. Manonood ang mga mag-aaral ng isang pelikulang pinamagatan na Pearl Harbor. Itanong sa mga mag-aaral kung
tungkol saan ang pelikula at kung bakit binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor.
B. Paglinang ng Aralin
1. Pagkakaroon ng isang talakayang panel tungkol sa mga pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig dito sa Pilipinas at kung ano ang papel na ginampanan ng mga Hapones sa digmaang ito. May mga piling
mag-aaral na gaganap na historyador bilang si Douglas McArthur, si Sergio Osmea, Sr., si Jose P.Laurel, si Jonathan
Wainright at bilang mga sundalong Hapones sa talakayang ito.
2. Malayang talakayan at tanungan.
Mga gabay na tanong:
a. Kailan binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor?
b. Bakit binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor?
c. Anu-ano ang mga resulta ng ginawang pagbomba ng mga Hapones sa Pearl Harbor?
d. Paano ito nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa mga bansang sinakop ng bansang Hapon?
C. Pangwakas na Gawain
Gumawa ng isang reaction paper tungkol sa pelikulang inyong napanood at sa talakayang inyong napakinggan.
D. Takdang Aralin
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Sinu-sino ang mga kumandidato sa halalang pampanguluhan noong 1946?
2. Anu-ano ang mga naging isyu sa halalan ng 1946?
3. Anu-ano ang mga hakbang na ginawa ni Pangulong Osmea upang maibangon muli ang ekonomiya ng Pilipinas
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Nakabuti ba ang mga hakbang na ito sa mga Pilipino? Bakit?
Sanggunian: Mahal Kong Pilipinas- nila Cacanindin, et.al. Pah. 164-165
E. Ebalwasyon
1. Markadong Talakayan
2. Maikling Pagsusulit
F. Batayan sa Pagmamarka
1. Markadong Talakayan
a. Naipaliwanag ang mga dahilan sa likod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pansuportang detalye. (6 puntos)
b. Naibibigay ang mga pangalan ng mga taong kasangkot sa mga pangyayari pati ang
mga partikular na petsa o taon kung kailan naganap ang particular na pangyayari.
(2 puntos)
c. Nagbigay-galang sa opinyon ng mga kaklase. (2 puntos)
2. Reaction Paper
a. Naipaliwanag ang kanyang mga limang pananaw tungkol sa mga pangyayari sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga pansuportang detalye. (10 puntos)
b. Naibigay ang kanyang limang pananaw tungkol sa mga pangyayari ngunit walang
mga binanggit na mga pansuportang detalye. (5 puntos).
c. Nakapagbigay lamang ng 1-3 pananaw tungkol sa mga pangyayari ngunit walang
mga ibinigay na mga pansuportang detalye. (3 puntos)
d. Walang ginawa. (0 puntos)

Anda mungkin juga menyukai