Anda di halaman 1dari 1

Panimula

Ang karaniwang laro ng mga Pilipino noong panahon ng 90s ay Patintero, Tumbang
Preso, Palo Sebo, Luksong Tinik Bahay-bahayan at marami pang ibang mga laro na
nakawiwili sa mga bata. Naeehersisyo ang katawan ng mga kabataan sa mga larong ito.
Mas nakikilala ng mga magulang ang kanilang mga anak kapag mayroon silang bonding sa
isat-isa, pagsunod sa mga utos ng mga magulang at nagkakaroon ng mga mabuting
kaibigan. Mayroon din silang oras para sumimba.
Samantalang ngayong panahon kung kailan nauso ang teknolohiya, napapadali ang
ating trabaho dahil sa mga ito ngunit madalas ito ang nagiging daan para tayo ay maging
tamad na dahil alam nating nandyan ang teknolohiya para tumulong sa atin
Tuloy-tuloy na rin ang pag-unlad sa ating unibersidad pagdating sa mga ganitong
bagay.di tulad dati na pahabaan pa ng pila para makapagenroll ang mga estudyante.
Ngayon ay napadali na ng kaunti dahil sa mga computer ng bawat kolehiyo sa ating
unibersidad na doon na lamang tayo nagpapa tally ng ating mga kinuhang mga paksa.
Ang mga ito ay ilan lamang sa napakaraming dahilan kung bakit napapadali ang buhay
at trabaho sa ngayon,ngunit itong mga bagay na ito ang dahilan kung bakit nagiging
abusado ang mga tao dahil ang mga ito ay puwede gamitin para sa kasamaan.
Sana magamit natin ang teknolohiya sa magandang paraan at hindi para abusuhin ang
ibang tao dahil sa kaalaman natin sa teknolohiya dahil ang mga bagay na ito ang
magdadala din sa atin sa maling daan kapag inabuso natin ang mga ito.

Anda mungkin juga menyukai