Anda di halaman 1dari 2

ALIM

Noong unang panahon, ginalit ng mga tao ang mga diyos at diyosa dahil sa
kanilang pagkakasala at patuloy na pasuway sa kautusan ng mga diyos.
Nagpadala ng malaking baha na nagpalubog sa buong daigdig at sumira sa lahat
ng nabubuhay na nilalang. Dalawa lamang ang nakaligtas sa pagbaha: sila ay
magkapatid, sina Wigan at Bugan. Nang nagsimula nang tumaas ang baha ay
umakyat si Wigan sa bundok Amuyaw upang mailigtas ang sarili. Ganoon din si
Bugan na pumunta sa bundok na Kalawitan upang maghanap ng masisilungan.
Nanatili si Bugan sa bundok hanggang humupa ang tubig at hanggang matuyo ang
lupa. Bumaba siya at nadiskobre na siya lamang ang natirang buhay. Lahat ay
nalunod kahit ang mga hayop. Nagkalat ang mga patay na katawan, mabaho. Sa
kanyang paglalakbay upang humanap nang makakain ay nakakita siya ng isang
babae na natatabunan ang kalahati ng katawan sa lupa, kumakaway sa kanya.
Nakilala niya ito.
Bugan! masaya niyang sabi habang ibinubuka ang braso upang yakapin siya.
Wigan, aking kapatid, nanginginig niyang sabi dahil sa di masidlang kasiyahan.
Pinabayaan niyang yakapin siya ng kapatid at inihilig ang ulo sa kanyang dibdib.
Nasaan ang iba? tinanong ni Wigan pagkatapos.
Patay na. sagot niya. Sa aking palagay ay tayo lamang ang nakaligtas sa pagbaha.
Naglakad-lakad sila upang tingnan kung may iba pang nakaligtas ngunit wala
silang nakita. Ang nakita lamang nila ay mga patay na katawan ng mga tao, hayop
kahit ang mga halaman.
Naghanap sila ng lugar na matitirhan. Nakakita sila ng lugar na malapit sa
dalampasigan kung saan nagsisimulang tumubo ang mga halaman. Nagtayo sila
ng kubo mula sa mga kahoy na nakakalat sa paligid. Pagkatapos ay inilibing nila
ang mga patay na katawan na nakita nila malapit sa dalampasigan.
Gutom na ako, sabi ni Bugan habang nagpapahinga sila pagkatapos ilibing ang
mga patay na katawan.

Ako din, sabi ni Wigan. Dito ka lamang at titingnan ko kung makakahuli ako ng
isda sa dagat.
Sa tingin mo ay may isda doon? tanong niBugan.
Ang mga halaman ay nagsisimula nang tumubo. Siguro ay humuhupa na ang
galit ng mga diyos at babalik na din ang mga isda sa dagat.
Mayroon ngang mga isda sa dagat. Nang gabing iyon ay kumain sila ng saganang
hapunan ng pinakuluang isda. At natulog silang magkasama. Pagkatapos ng ilang
araw ay natuklasan ni Bugan na siya'y nagdadalang tao. Pumunta siya sa
dalampasigan at tinangkang lunurin ang sarili sapagkat nahihiya siya dahil siya ay
nabuntis ng kanyang kapatid. Ngunit bago pa man siya makapunta sa malalim na
parte ng tubig, isang matandang lalaki ang nagpakita sa kanya. Sinabi nito na siya
si Makanunggan, ang diyos ng Ifugao. Ikinasal ni Makanunggan ang dalawa at
nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae.
Nagkaroon ng malawak na tag-gutom. Kumonti ang ani. Nagpatay sila ng daga at
inihandog nila kay Makanunggan ngunit nagpatuloy ang kaunting ani.
Ano ang gagawin natin? tanong ni Bugan kay Wigan isang gabi bago sila matulog.
Mamamatay tayong lahat sa guton kung magpapatuloy ang mahina nating ani.
Hindi ko alam kung bakit galit si Makanunggan sa atin. Marahil ay hindi niya
nagustuhan ang daga na inihandog natin sa kanya.
Bakit hindi natin ihandog ang ating anak na si Igon?
Nagkasundo sila na patayin si Igon, ang pinaka-batang anak at inihandog kay
Makanunggan. At sa wakas ay natapas ang mahinang ani. Ngunit nagpakita muli
si Makanunggan at sihabi na ang ginawa nila kay Igon ay karumal-dumal. Ikinalat
sila ni Makanunggan sa apat na sulok ng lupa, sa silangan at kanluran at sa hilaga
at timog. At sinumpa sila dahil sa ginawa nila kay Igon. Mag-aaway sila sa bawat
pagkakataon na malalapit sila sa isa't-isa.

Anda mungkin juga menyukai