Anda di halaman 1dari 6

ARALING PANLIPUNAN 6 (set 2)

LMS # 1 Naipagmamalaki ang kinalalagyan at katangiang pisikal ng Pilipinas.


1. Ang bansang Pilipinas ay nasa pagitan ng lokasyong 4-21 Hilagang latitud at 116-127
Silangang longhitud. Saang bahagi ng Asya makikita ang Pilipinas?
A. Hilagang Kanlurang Asya
C. Timog Kanlurang Asya
B. Hilagang Silangang Asya
D. Timog Silangang Asya
4. Ang pagkukrus o pagtatagpo ng mga guhit latitud at guhit longhitud ay naka pagpapadali ng
paghanap ng tiyak na lokasyon ng isang lugar sa mapa. Ano ang tawag ditto?
A. Grid
B. Guhit
C. Digri
D. Parallel
7. Bakit mahalaga ang lokasyong kinalalagyan ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan?
A. May malalim na katubigan ang Pilipinas
B. Maraming sasakyang pandagat ang Pilipinas
C. May mga karagatang sagana sa yamang tubig
D. Sentro ang Pilipinas sa lahat ng direksyon
10. Ang Pilipinas ay napaliligiran ng ibat-ibang katubigan at karagatan. Sa anong direksyon matatagpuan ang Bashi Channel?
A. Hilaga
B. Kanluran
C. Silangan
D. Timog
13. Maraming bundok ang matatagpuan sa Pilipinas gaya ng Rehiyon ng Ilocos, Camarines Sur,
Leyte at Cotabato. Anong kaisipan ang mabubuo dito?
A. Ang Pilipinas ay matubig at mabundok
B. Ang topograpiya ng bansa ay mabundok
C. Ang Topograpiya ay may kinalaman sa klima ng bansa
D. Ang Pilipinas ay patag na lugar na mapagtataniman
LMS # 2 Nabibgiyang halaga ang kalagayan ng pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon
ng mga Espanyol
3. Nagtatag ng pamahalaan sa Pilipinas ang mga Espanyol. Ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang opisyal ay hinirang ng Hari ng Espanya. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag
nila sa bansa?
A. Militar
B. Sibil
C. Sentral
D. Puppet
6. Nagkaroon ng sapilitang paglilipat ng tirahan ang mga Plipino sa isang lugar. Bakit ginawa ito
ng mga Espanyol? Upang ang mga Pilipino ay ____.
A. madaling marating ng mga misyonero at maturuan ng Kristiyanismo
B. magkaroon ng mas maayos na tirahan at tingalain ang mga Espanyol
C. masiyahan sa mga patakarang pinaiiral ng mga Espanyol
D. makapagbabayad kaagad ng buwis sa mga opisyal ng pamahalaan
9. Sa pagtira ng mga Pilipino sa kanilang bagong panahanan. Paano ang ginawa nilang pag-

aangkop upang makibagay sa patakaran ng mga Espanyol?


A. Nagkaisa sila upang ipaglaban ang kanilang karapatan
B. Sinikap nilang matutunan ang mga gawaing pakatutulong sa kanilang pag-unlad
C. Nanatili sila sa kanilang katutubong paniniwala at kaugalian
D. Patago silang nagsibalik sa kanilang dating tinitirahan
12. Naging pangunahing layunin ng Espanya ang pagtuturo ng relihiyon kaya nagpatayo ng mga
paaralan. Anong paaralan ang kauna-unahang itinatag ng mga misyonerong Agustino na
nagtuturo ng Kristiyanismo?
A. Bokasyonal
B. Pamparokya
C. Bayan
D. Normal
15. Ang mahabang panahong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nagdulot ng di
mabuting epekto sa pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng ningas-kugon. Ano ang
ibig sabihin ng ningas-kugon?
A. Pagbibigay halaga sa kulturang Espanyol
B. Ang gawaing sinimulan nang buong sigla ay madalas na hindi tinatapos
C. Ipinauubaya na lamang sa Panginoon ang biyayang darating
D. Pagiging masigasig sa pagpapaunlad sa sarili
18. Ipinakilala ng mga misyonero ang Kristiyanismo sa mga Pilipino. Ano ang ginawa ng
simbahan upang mapanatili at mapalaganap ang Kristiyanismo sa bansa?
A. Nagpalimbag ng mga babasahin sa relihiyon
B. Nagsagawa ng pagbibinyag sa mga Pilipino
C. Pagtuturo ng Kristiyanismo sa mga bata at matatanda
D. Lahat ng mga nabanggit
27. Sa barangay, ang buwis na ibinabayad sa Datu ay palay at iba pang produkto, Sa Sultanato
ang buwis na ibinabayad ay ang _______.
A. limos
B. produkto
C. sakat o diakat
D. abuloy
LMS # 3 Napapahalagahan ang uri ng ng pamumuhay ng mga unang Pilipino
21. Ang pamahalaang barangay ay itinatag ng mga unang Pilipino bago dumating ang mga
Espanyol. Paano ito inilalarawan?
A. Binubuo ito ng 30-100 mag-anak
B. Pinamunuan ito ng mga timawa

C. Walang maayos na pamamalakad


D. Lahat ng mga tao ay may iisang antas

24. Ang pamahalaang Sultanato ay sistema ng pamamahala ng mga Muslim na pinamunuan ng


Sultan. Ano ang sistema sa pagbuo ng batas sa pamahalaang ito?
A. Lahat ng mga Muslim ay tutulong sa pagbuo ng aral.
B. Katulong ng Sultan ang Kadi at Ruma Bechara sa pagbuo ng batas .
C. Ang Sultan lamang ang may kapangyarihan mangaral.
D. Ang mga Muslim maliban sa Sultan ang may kapangyarihan nito.
30. Pinaniniwalaang may mga batas ang mga unang Pilipino na pinairal noon. Binubuo ito
nasusulat at di-nasusulat na batas.Bakit mahalaga sa mga unang Pilipino ang pag-

kakaroon ng batas? Upang ___.


A. magkaroon sila ng maraming pagsasamahan
B. maging batayan ng maayos na pagsasamahan
C. makaakit ng mga dayuhang mangalakal
D. lahat ng tao ay mabigyan ng kaparusahan
35. Noong unang panahon sagana sa likas na yaman ang paligid kayat pinili ng mga unang
Pilipino na magtatag ng panahanan sa gitna ng kabundukan,sa lambak at tabi ng ilog at
dagat. Ano ang kahalagahan ng mga pinagkukunang yaman ito sa mga unang Pilipino?
A. Pananggalang nila ito sa mga kaaway
B. Nagbibigay ito ng kagandahan sa paligid nila
C. Pinagmumulan ito ng kanilang mga pangangailangan
D. Malamig at mainam n tirahan sa lugar na ito
LMS # 4 Nabibigyang halaga ang kalagayan ng pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon
ng Ikatlong Republika.
37. Bawat isa sa mga pangulong nanungkulan sa Ikatlong Republika ng Pilipinas ay may mga
paraan upang mapaunlad ang bansa. Sino sa mga pangulong ito ang nagpatupad ng
Austerity o Pagtitipid upang makaahon sa kahirapan ang bansa?
A. Ramon Magsaysay
C. Carlos P. Garcia
B. Diosdado Macapagal
D. Manuel Roxas
39. Maraming pangyayari ang naganap noong 1970 na siyang nagbigay daan upang itakda ang
Batas Militar. Alin sa mga sumusunod ang di kabilang ditto?
A. Pagsasamantala ng mga rebelde
C. Paghihimagsik ng mga tao
B. Pagtaas ng krimen
D. Pagpapabuti sa kalagayan ng mga tao
LMS # 5 Naipagkakapuri ang mga mamamayang Pilipino at pagiging kabilang ng mga ito
sa bansang Pilipinas.
19. Ang pamilya Vasquez ay bumalik sa Pilipinas mula sa bansang Syria dahil sa digmaang
nagaganap doon. Bakit bumalik sa Pilipinas ang mag-anak?
A. Upang makaiwas sa kaguluhan
B. Upang mamasyal sa Pilipinas
C. Upang maghanap ng mapagkakakitaan
D. Upang makapag-aral ang mga anak
22. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng tao?
A. Si Marilou na palaging lumiliban sa trabaho ngunit kumpleto ang suweldo.
B. Si Arnold na tinanggap sa ospital kahit walang pang deposito.
C. Si Ruben na hindi binigyan ng pagkakataong magpaliwanag dahil mahirap lamang
25. Si Fernando ay mabilis na nakamit ang mataas na posisyon sa tungkulin. Palagi kasi
niyang tinatapos ang trabaho at nakapagmumungkahi ng mga paraan upang higit pang
mapaunlad ang kanilang kumpanya. Ano kaya ang kanyang pinahahalagahan?

A. Naibahagi ang katalinuhan at kakayahan.


B. Maitago ang nalalaman.
C. Maipagyabang sa mga kasamahan ang kanyang kakayahan.
D. Maipagmalaki na siya ang magaling.
28. Natulungan ni G. Ramos si Joey na makapasok sa kanyang tanggapan bilang clerk. Paano
dapat ipakita ni Joey ang katapatan sa kanyang manedyer?
A. Pumasok kapag nasa opisina ang manedyer.
B. Suhulan ang manedyer.
C. Gawin nang matapat ang gawain kahit hindi nagbabantay ang manedyer.
D. Humingi ng mataas na sahod sa manedyer kung nagustuhan ang trabaho.
31. Mabilis na sinisimulan ni Raffy ang anumang gawain subalit hindi niya tinatapos
ang mga ito. Nawawalan siya ng ganang tapusin ito. Anong tradisyunal na pagpapahalaga
ang taglay ni Joey?
A. Ningas-kogon
B. Maana habit
C. Amor propio
D. Bahala na
LMS # 6 Napahahalagahan ang mga hangganan at ang matalinong pagpapasya sa
paggamit at pangangalaga ng likas na yaman.
34. Ang ginto,pilak at chromite ay ilan lamang sa mga yamang matatagpuan sa ibat-ibang panig
ng bansa. Kung pagsasamahin at papangkatin ayon sa uri nito,saan kabilang ang mga ito?
A. Yamang tubig
B. Yamang lupa
C. Yamang gubat
D. Yamang mineral
36. Ang mga ilog,lawa at dagat ay bahagi ng likas na yaman na matatagpuan sa bansa. Ang mga
sumusunod na pangungusap ay nagpapahayag ng pakinabang ng Pilipinas sa mga anyong
tubig maliban sa isa. Alin ito?
A. Nagsisilbing libangan dahil maaring mamangka at mamasyal
B. Nakapagbibigay ng lakas at enerhiya na kailngan ng bansa
C. Nagbibigay ng hanapbuhay sa mga mamamayan na naninirahan ditto
D. Nakapagbibigay ng mahalagang hiyas gaya ng ginto,pilak at karbon
38. Maraming hayop ang malapit nang maubos kaya naman ang may mga batas na ipinatutupad
ang pamahalaan upang hindi ito tuluyang maglaho. Ang Tamaraw kamuka ng Kalabaw
ngunit mailap at mabangis ay saang lugar sa bansa matatagpuan?
A. Davao del Sur
B. Zambales
C. Palawan
D. Mindoro
40. Ang bansang Pilipinas ay magubat sa katunayan tinatayang may 16,603,439 ektarya ang
lawak nito. Paano pinakikinabangan ng mga Pilipino ang ating kagubatan?
1. Pinagmumulan ito ng tubig ,panggatong at enerhiya
2. Dito kinukuha ang hilaw na sangkap na ginagamit sa mga produkto
3. Proteksyon laban sa pagguho ng lupa,polusyon at baha
4. Dinadaluyan ng kuryente at nagbibigay ng kaalaman sa mga tao
A. 1,2 at 3
B. 2,3 at 4
C. 1,3 at 4
D. 1,2 at 4
LMS # 7 Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan at mamamayan

para sa kabutihan ng bansa.


5. Ang Kongreso ay isa sa tatlong sangay na bumubuo sa pamahalaan. Ano ang pangunahing
gawain ng Kongreso?
A. Pagtibayin ang panukalang batas
B. Magpaliwanag ng batas
C. Magpatupad ng batas
D. Gumawa ng batas
11. Bilang isang bansang demokratiko bawat Pilipino ay may kani-kaniyang karapatan. Alin ang
karapatan ng isang nasasakdal?
A. Ang inaakusahan ay dapat ituring na kriminal
B. Ang sinumang mahuling lumabag sa batas ay dapat mabilanggo
C. Ang nasasakdal ay dapat magkaroon ng due process bago hatulan
D. Ang nasasakdal na walang kakayahang magbayad ng tagapagtanggol ay dapat ikulong
kaagad
17. Bawat bansa ay may pamahalaan. Ngunit iba-iba ang uri ng kanilang pamahalaan, may
demokratiko ,diktatoryal,totalitaryan at monarkiya. Bakit nagkakaiba ang uri ng pamahalaan
ng bawat bansa?
A. Ibinabatay ito sa pinagmulan o pinanggalingan ng kapangyarihan
B. Ayon ito sa kagustuhan ng nanunungkulan
C. Kahiligan ito ng mga namumuno
D. Ang panukalang batas ay nagmula sa kapulungan
26. Karaniwang hinihingi ang opinyon o kuro-kuro sa isang pamahalaang demokratiko
bago nila pagpasyahan ang mahalagang isyu. Anong katangian ng pamahalaang
demokratiko ang ipinapakita?
A. Maraming isyu ang pinag-uusapan sa pamahalaang demokratiko
B. Malayang makapagbigay ng opinyon ang mga mamamayan.
C. Mahalaga ang opinyon ng mga pinuno ng pamahalaan
D.Maganda ang pagpupulong bago magpasya
29. Ang institusyon na tumutugon sa kagalingan panlipunan at pangkabuhayan ng mga mamamayan ay tumutukoy sa pamahalaan. Ipinakikita ito sa pamamagitan ng ____.
A. pagsasagawa ng mga programang makakatugon sa pangangailangan ng mga
mamamayan.
B. pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa pamamagitan ng martial law.
C. pagbibigay ng relief goods sa mga Pilipinong nasalanta ng kalamidad
D. pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa lansangan
LMS # 8 Napahahalagahan ang pagpapanatili ng kalayaan ng isang bansa.
20. Mahalaga ang panloob na soberanya ng bansa sapagkat ito ay nagbibigay ng ___.
A. kapangyarihang pamunuan at pairalin ang mga kautusan sa buong teritoryo
B. kapangyarihang mamuno ng taga-ibang bansa

C. palatandaan ng pakikiisa ng bansa


D. karapatang makipaglaban sa mga dayuhan
23. Ang mga karapatang tinamo ng bansa nang ito ay naging ganap na malaya ay mahalaga sa
Pagsasakatuparan ng mga____.
A. layunin at mithiin para sa pambansang kaunlaran
B. gawain ng mga namamahala sa bansa
C. pansariling mithiin
D. kapangyarihang mangasiwa ng mga tanggapan
32. Anong tulong ang naibahagi ng dakilang Pilipino na si Graciano Lopez Jaena sa pagkakaroon ng kalayaan ng bansa?
A. Nagtatag ng kilusang himagsikan.
B. Tumangging tangkilikin ang produktong kastila.
C. Humingi ng reporma sa pamamagitan ng pamamahayag.
D. Nag-ayos ng usaping pangkarapatan
LMS # 9 Nakikilala ang mga palatandaan ng kaunlaran ng bansa.
8. Ang pagbibigay ng libreng edukasyon ay tungkulin ng pamahalaan, bilang mag-aaral ano
ang iyong gagawin upang makatulong sa pagkakamit ng layunin ng edukasyon?
A. Mag-aaral nang mabuti
C. Magpakadalubhasa sa ibang bansa
B. Maghinto sa pag-aaral
D. Lumahok sa mga samahan ng mga mag-aaral
14. Ang pamahalaan ay nagbibigay ng pabahay sa pamamagitan ng Pag-Ibig Fund at National
Housing Authority at iba pang ahensya upang ang mga mamamayan ay magkaroon ng
sariling bahay,inaasahang ang mamamayan ay ____.
A. pahalagahan ang pabahay na ipinagkaloob ng pamahalaan
B. paupahan upang may pambayad sa Pag-Ibig at NHA
C. pagbebenta sa mga kamag-anak ng nakuhang lupa
D. pag-aantay ng tulong pinasyal sa pamahalaan

Anda mungkin juga menyukai