Anda di halaman 1dari 3

Alamat ng Pinagmulan ng

Tao
Batay sa Relihiyon (Katolisismo)
Ang daigdig ay nilikha ng dakilang maykapal, na noo'y "Ama" ang
kanilang tawag dito. Nilikha ang daigdig sa loob ng anim na araw.
Noong bago ang lahat, ang daigdig ay isa lamang na bolang
madilim. Nakita ito ng Ama, at sinimulan niya ang pag-ayos nito.
Sa unang araw, pinaghiwalay niya ang liwanag sa dilim. Tinawag
niya ang maliwanag na bahagi na "araw", at ang madilim naman
na bahagi ang gabi. Nilagyan niya din ng araw upang magbigay
ng mas higit na liwanag kapag umaga, at ang buwan at mga
bituin para kumuti-kutitap kapag gabi.
Sa pangalawang araw, pinaghiwalay niya ang nagngangalit na
tubig at ang tuyong bahagi ng mundo. Pinaurong niya ang tubig
sa ibang nasasakupan nito upang lumitaw ang tuyong bahagi.
Tinawag niya ang basang bahagi na "karagatan", at ang tuyon
bahagi na "lupa". At iyon ang pangalawang araw.
Sa ikatlong araw, nilikha niya ang mga hayop sa lupa upang
manirahan dito at maalagaan ito. Lahat ng uri ng hayop ay
kanyang nilikha, mula sa pinakamaliit hanggang sa mga
pinakamalalaki, at mula sa pinakamababagal hanggang sa mga
pinakamabibilis. Nilikha niya din ang mga pang-himpapawid. At sa
ikaapat na araw, nilikha niya ang mga hayop na lalangoy at
maninirahan sa tubig.
Sa ikalimang araw, nilikha niya ang unang tao.. Si Adan. Nilikha
niya ito gamit ang putik, at kawangis niya. Hiningahan niya ito
upang magkaroon ng buhay, at upang si Adan ang mangalaga sa
kanyang iba pang mga nilikha. At nabuhay na si Adan.
Sa ikaanim na araw, nakita niya ang kalungkutan ni Adan.
Napansin niya na naghahanap ito ng mga kauri upang makasama
niya sa mundo. Nag-isip ang Ama.

Pinatulog niya si Adan, at mula sa tadyang ng lalaking ito, nilikha


niya si Eba.. Upang makasama ni Adan at makatulong sa
pangangalaga ng kanyang nilikha. At siya ang kauna-unahang
babae. At sila ang unang-unang mag-asawa.
Sa ikapitong araw, nagpahinga ang Diyos. At nakita niya ang
kagandahan ng kanyang mga nilikha, at siya'y lubos na
nasiyahan.

MGA ALAMAT NG MGA UNANG TAO

Ang Lawin At Ang Paglikha ng


Daigdig
NUONG simula ng daigdig, wala pang lupa. Ang dagat lamang
at ang langit ang naruruon, at sa pagitan nila ay isang lawin.
Walang tigil ang lipad ng lawin at dumating ang isang araw nang
napagod siya. Matagal siyang humanap ng malalapagan subalit
walang nakita kaya naisip niyang galitin ang dagat.
Sa puot ng dagat, pinaghahagis niya ng tubig ang lawin
hanggang umabot sa langit ang taas ng mga alon. Nagimbal
naman ang langit at, upang mapahupa ang mga alon,
binagsakan ng maraming bato ang dagat. Sa dami ng bato,
nagtumpok-tumpok ito at nabuo ang ibat ibang pulo sa ibabaw
ng dagat. Sa wakas, tumigil ang talon ng mga alon.
Inutos ng langit sa lawin na lumapag sa isa sa mga pulo at duon
mag-pugad. At huwag nang gambalain ang dagat at ang langit.
Mula nuon, tahimik na namuhay ang lawin, at iba pang mga ibon,
sa mga pulo sa pagitan ng dagat at langit.

MGA ALAMAT NG MGA UNANG


TAO
Si Malakas, Si Maganda, At Ang Pagdami
Ng Tao

NANGYARI naman na mag-asawa nuon ang hangin dagat at


ang hangin lupa, at may anak sila, si kawayan. Isang araw,
lumulutang si kawayan sa tabi ng dagat nang nabangga niya ang
paa ng lawin. Nagulat, nasaktan at nagalit, pinagtutuka ng lawin
ang kawayan hanggang nabiyak ito. Kaginsa-ginsa, lumitaw sa
isang piraso ang isang lalaki, si Malakas. Sa kabilang bahagi,
lumabas naman ang isang babae, si Maganda. Sila ang 2
Unang Tao sa daigdig.