Anda di halaman 1dari 30

MGA KWENTONG ALAMAT

A LAMAT NG A MPALAYA
NOONG ARAW, SA BAYAN NG SARIWA NANINIRAHAN ANG LAHAT NG URI NG GULAY NA MAY KANYAKANYANG KAGANDAHANG TAGLAY.
SI KALABASA NA MAY KAKAIBANG TAMIS, SI KAMATIS NA MAY ASIM AT MALASUTLANG KUTIS, SI
LUYA NA MAY ANGHANG, SI LABANOS NA SOBRA ANG KAPUTIAN, SI TALONG NA MAY LILANG
BALAT, LUNTIANG PISNGI NI MUSTASA, SI SINGKAMAS NA MAY KAKAIBANG LUTONG NA TAGLAY, SI
SIBUYAS NA MA MANIPIS NA BALAT, AT SI PATOLA NA MAY GASPANG NA KAAKIT-AKIT.
SUBALIT MAY ISANG GULAY NA UMUSBONG NA KAKAIBA ANG ANYO, SIYA SI AMPALAYA NA MAY
MAPUTLANG MAPUTLANG KULAY, AT ANG KANYANG LASANG TAGLAY AY DI MAIPALIWANAG.
ARAW ARAW, WALANG GINAWA SI AMPALAYA KUNG HINDI IKUMPARA ANG KANYAN ITSURA AT LASA
SA KAPWA NIYA GULAY, AT DAHIL DITO AY NAGBALAK SIYA NG MASAMA SA KAPWA NIYANG MGA
GULAY.
NANG SUMAPIT ANG GABI KINUHA NI AMPALAYA ANG LAHAT NG MAGAGANDANG KATANGIAN NG
MGA GULAY AT KANYANG ISINUOT.
TUWANG TUWA SI AMPALAYA DAHIL ANG DATING GULAY NA HINDI PINAPANSIN NGAYON AY
PINAGKAKAGULUHAN. NGUNIT WALANG LIHIM NA HIDI NABUBUNYAG NAGTIPON TIPON ANG MGA
GULAY NA KANYANG NINAKAWAN.
NAPAGKASUNDUAN NILANG SUNDAN ANG GULAY NA MAY GANDANG KAKAIBA, AT LAKING GULAT
NILA NG MAKITA NILANG HINUHUBAD NITO ISA-ISA ANG MGA KATANGIAN NA KANILANG TAGLAY,
NANLAKI ANG KANILANG MGA MATA NG TUMAMBAD SA KANILA SI AMPALAYA.
NAGALIT ANG MGA GULAY AT KANILANG INIHARAP SI AMPALAYA SA DIWATA NG LUPAIN,
ISINUMBONG NILA ANG GINAWANG PAGNANAKAW NI AMPALYA. DAHIL DITO NAGALIT ANG DIWATA
AT LAHAT NG MAGAGANDANG KATANGIAN NA KINUHA SA MGA KAPWA NIYA GULAY.
LAKING TUWA NI AMPALAYA DAHIL INISIP NIYA NA IYON LAMANG PALA ANG KABAYARAN SA
GINAWA NIYANG KASALANAN. NGUNIT MAKALIPAS ANG ILANG SANDALI AY NAG IBA ANG KANYANG
ANYO.
ANG BALAT NIYA AY KUMULUBOT DAHIL ANG KINIS AT GASPANG NA TAGLAY NI UPO AT KAMATIS AY
NAG-AWAY SA LOOB NG KANYANG KATAWAN MAGING ANG MGA IBAT-IBANG LASA NG GULAY AY

NAGHATID NG DI MAGANDANG PANLASA SA KANYA AT PAIT ANG IDINULOT NITO, AT ANG KANYANG
KULAY AY NAGING MADILIM.

A LAMAT NG K UWAGO
NOONG UNANG PANAHON AY MAY ISANG BINATA NA TUNAY NA MAPAG-MAHAL SA KALIKASAN. ANG
PANGALAN NIYA AY TIYAGO. NAKATIRA SI TIYAGO SA PAANAN NG ISANG MALAWAK NA BUNDOK.
GAWAIN NA NI TIYAGO ANG BANTAYAN ANG BUNDOK AT KAGUBATAN NITO. TINITIYAK NIYA NA
WALANG SINUMANG MANGHUHULI NG MGA HAYOP, MAMUMUTOL NG MGA PUNO O MANINIRA KAYA
NG MGA HALAMAN.
ISANG ARAW AY NAPANSIN NI TIYAGO ANG KALAPIT NA GUBAT. MAY ITIM NA USOK NA
NANGGAGALING SA ISANG BAHAGI NOON NA MAKARAAN ANG ILANG SAGLIT AY NAGING KULAY
PULANG APOY.

"NASUSUNOG ANG GUBAT!" BULALAS NIYA NA HINDI MALAMAN ANG GAGAWIN.


DAHIL SA NANGYARI AY NANGAKO SA SARILI SI TIYAGO NA HINDING-HINDI PABABAYAAN ANG
BUNDOK NA BINABANTAYAN.
ARAW AT GABI AY HINDI NA NATULOG SI TIYAGO LALO PA AT LUMAGANAP ANG BALITA NA MAY
ISANG GRUPO NG MGA BANDIDO NA NANUNUNOG TALAGA NG GUBAT.
MAY MGA KAKILALA SI TIYAGO NA NAGBOLUNTARYONG MAGBANTAY RIN SA KANILANG BUNDOK AT
GUBAT PERO MAARI LANG MAGBANTAY ANG MGA ITO TUWING UMAGA. DAHIL MGA PAMILYADO AY
IBIG NG MGA ITO NA MASAMAHAN ANG ASAWA'T MGA ANAK SA GABI.
SA GAYON AY NAKAGAWIAN NI TIYAGO ANG MATULOG SA UMAGA AT GISING SA MAGDAMAG.
KAHIT NANG MAGKASAKIT AY HINDI SIYA NAPIGIL SA MAGBANTAY SA GABI. ANIYA AY BAKA SA
ORAS NA ITO UMATAKE ANG MASASAMANG LOOB DAHIL ALAM NA WALANG BANTAY.
NANG MAMATAY SI TIYAGO AY MAY HUMALILI SA KANYA SA PAGBABANTAY NG GUBAT. ITO AY
ISANG IBON NA MAY MALALAKING MATA AT GISING SA BUONG GABI. BILANG PAG-AALALA KAY
TIYAGO AY TINAWAG NILANG KUWAGO ANG IBON NA HANGGANG NGAYON AY BANTAY NG GUBAT SA
MAGDAMAG.

A LAMAT NG P I NYA

SI ALING ROSA AY ISANG BALO. SIYA AY MAY SAMMPUNG TAONG GULANG NA ANAK NA BABAE, SI
PINANG. MAHAL NA MAHAL NI ALING ROSA ANG KANYANG ANAK. NAIS NIYANG LUMAKING BIHASA
SA GAWAING BAHAY ANG ANAK. TINUTURUAN NIYA SI PINANG SA MGA GAWAING-BAHAY.
DAHIL SA NAG-IISANG ANAK, AYAW GUMAWA SI PINANG LAGI NIYANG IKINAKATWIRAN NA ALAM
NA NIYANG GAWIN ANG ANUMANG ITINUTURO NG KANYANG INA. PINABAYAAN LANG SIYA NG
KANYANG INA.
ISANG ARAW AY NAGKASAKIT SI ALING ROSA. HINDI SIYA MAKABANGON AT MAKAGAWA SA
BAHAY. NAPILITAN SI PINANG NA GUMAWA NG GAWAING-BAHAY. INUTUSAN SIYA NG INA NIYA NA
MAGLUTO SIYA NG LUGAW. KUMUHA SI PINANG NG ILANG DAKOT NA BIGAS, INILAGAY SA PALAYOK
AT HINALUAN NG TUBIG. ISINALANG NIYA ITO SA IBABAW NG APOY. INIWAN NIYA ANG NILULUTO
AT NAGLARO NA. DAHIL SA KAPABAYAAN, ANG ILALIM NG BAHAGI NG LUGAW AY NAMUO AT
DUMIKIT SA PALAYOK. NAGPASENSIYA NA LANG SI ALING ROSA. KAHIT PAPAANO NGA NAMAN AY
NAPAGSILBIHAN SIYA NI PINANG.
NANATILI SA HIGAAN ANG MATANDANG BABAE GN ILANG ARAW PA. SI PINANG ANG NAPILITANG
GUMAWA NG MGA GAWAING-BAHAY. ISANG ARAW, SA PAGHAHANDA NG PAGLULUTO, HINDI MAKITA
NI PINANG ANG SANDOK. LUMAPIT SIYA SA INA AT NAGTANONG. NASUYA NA ANG INA SA
KATATANONG NI PINANG. "NAKU, PINANG SANA'Y MAGKAROON KA NG MARAMING MATA UPANG
LAHAT NG BAGAY AY MAKITA MO AT HINDI KA TANONG NANG TANONG!"
DAHIL GALIT ANG INA, HINDI NA UMIMIK SI PINANG. UMALIS SIYA UPANG HANAPIN ANG SANDOK.
KINAGABIHAN, NABAHALA SI ALING ROSA NANG HINDI PA BUMALIK ANG ANAK. NAGPILIT SIYANG
BUMANGONG UPANG KUMAIN. TINAWAG NIYA ANG ANAK NGUNI'T WALANG LUMALAPIT SA KANYA.
ISANG UMAGA, NAGWAWALIS NG BAKURANG SI ALING ROSA NANG MAY MAKITA SIYANG ISANG URI
NG HALAMAN NA TUMUBO SA SILONG NG KANILANG BAHAY. HINDI NIYA ALAM KUNG ANONG URI
NG HALAMAN IYON. BINUNOT NIYA AT ITINANIM SA KANYANG HALAMANAN. LUMAKI ANG
NATURANG HALAMAN AT DI NAGTAGAL AY NAMUNGA ITO. NAGULAT SI ALING ROSA SA ANYO NG
BUNGA. ITO AY HUGIS ULO NG TAO NA NAPAPALIBUTAN NG MATA.
BIGLANG NAALALA NI ALING ROSA ANG HULING SINABI NIYA SA NAWAWALANG ANAK NA
MAGKAROON SANA SIYA NG MARAMING MATA UPANG MAKITA ANG KANYANG HINANAP. TAHIMIK NA
NANANGIS SI ALING ROSA. NOON NIYA NAPAGTANTO NA TUMALAB KAY PINANG ANG KANYANG
SINABI. GAYUNPAMAN, INALAGAANG MABUTI NI ALING ROSA ANG HALAMAN AT TINAWAG NIYA
ITONG PINANG BILANG PAG-ALAALA SA KANYANG ANAK. NANG MAGLAON ANG BUNGA ITO AY
TINAWAG NA "PINYA."

PABULA SA MGA HAYOP

A NG MAGK AP ITBAHAY N A K AMBI N G AT K AL ABAW


MAGKAPITBAHAY ANG KALABAW AT ANG KAMBING. ISANG UMAGA AY NAGPUNTA SA KAPITBAHAY
ANG KAMBING.
"AKO AY NAGUGUTOM. TAYO NA SA KABILA NG ILOG. MARAMING BUNGA NG MAIS. KUMAIN KA NG
KUMAIN NG SARIWANG DAMO, KAKAIN NAMAN AKO NG KAKAIN NG MGA MURANG MAIS ANG SABI
NG KAMBING SA KALABAW.
"OO ,TAYO NA," ANG SABI NG KALABAW.
"PERO HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY. DALHIN MO AKO SA LIKOD MO. "ANG WIKA NG
KAMBING.
SUMAKAY NGA ANG KAMBING SA KALABAW. ITO NAMAN AY LUMANGOY SA ILOG HANGGANG SA
KABILANG IBAYO. KUMAIN SILA NG KUMAIN DOON. MABILIS KUMAIN ANG KAMBING. ANG
KALABAW NAMAN AY HIHINAY-HINAY KUMAI.
MADALING NABUSOG ANG KAMBING. ANG KALABAW NAMAN AY HINDI PA NABUBUSOG. NAINIP NA
ANG KAMBING. KAYA NAGYAYA NANG UMUWI.
"KAPITBAHAY, GUSTO KO NANG UMUWI. BUSOG NA AKO," ANG SABI NG KAMBING.
"MABUTI KA PA BUSOG NA," ANG SAGOT NG KALABAW. "MAGHINTAY KANA MUNA."
NAYAMOT NA ANG KAMBING. INISIP KUNG PAANO NIYA MAPATITIGIL SA PAGKAIN ANG KALABAW,
MAYROON SIYANG NAISIB. NAGLULUNDAG ANG KAMBING. GUMAWA ITO NG MALAKING INGAY.
DAHIL SA INGAY NA IYON AY NARINIG SILA NG MGA TAO. NAGDATINGAN ANG MGA TAO. NAKITA
NILANG KUMAKAIN ANG KALABAW. HINAMBALOS NILA NANG HINAMBALOS ANG KALABAW.
"ANO, KAPITBAHAY, GUSTO MO NA BANG UMUWI? ANG TANONG NG KAMBING SA KALABAW.
"OO, TAYO NA NGA. SIGE, LUNDAG NASA LIKOD KO," ANG SABI NG KALABAW, AT LUMAKAD NANG
PAPUNTA SA ILOG.
NANG SILA AY NASA GITNA NA NG ILOG, HUMINTO ANG KALABAW. TINANONG NIYA KUNG BAKIT
NAG-INGAY ANG KAMBING.
"EWAN KO NGA BA. TUWING AKO AY MABUBUSOG, AY GAWI KO NA ANG KUMANTA AT MAGSAYAW,"
ANG SAGOT NG KAMBING.

LUMAKAD NA RIN SA TUBIG ANG KALABAW. WALANG ANU-ANO AY NARATING NILA ANG MALALIM
NA BAHAGI NG ILOG. MULING HUM INTO ANG KALABAW.
"O. BAKIT KAHUMINTO? ANG TANONG NG KAMBING.
"ALAM MO KAPAG AKO AY NASA TUBIG, AY SIYEMPRE GUSTO KONG GUMULONG-GULONG SA
TUBIG," ANG SABI NG KALABAW.
"ABA, HUWAG! PAANO AKO, MAHUHULOG AKO SA TUBIG. HINDI NAMAN AKO MARUNONG
LUMANGOY," ANG SIGAW NG KAMBING.
"E ALAM MO KAPITBAHAY, NAGING BISYO KO NA ANG GUMULONG-GULONG SA TUBIG," AT
SINABAYAN NGA NG GULONG SA TUBIG.
BUMAGSAK SA TUBIG ANG KAWAWANG KAMBING. HINDI ITO MARUNONG LUMANGOY. NALUNOD
ANG KAMBING.

A NG MATAL IN ON G MATSI NG AT ANG BUWAYA


SI MALAK, ANG MATSING AT SI BUWAG, ANG BUWAYA AY MAGKAIBIGAN. SILA AY
NAGTUTULUNGAN.
ISANG ARAW, ANG ASAWA NI BUWAG AY NAGKASAKIT. LUNGKOT NA LUNGKOT SI BUWAG SA KA
LAGAYAN NG ASAWA. LAHAT NG GUMAGAMOT SA ASAWA NIYA AY NAGSABING ANG MAKAGAGALING
LAMANG SA SAKIT NG KANIYANG ASAWA AY ATAY NG ISANG MATSING.
NAGHANAP SI BUWAG NG MAIPANLULUNAS SA KARAMDAMAN NG KANYANG ASAWA, MALAPIT NA
SIYA SA ISANG ILOG NANG MAMATAAN NIYA ANG KAIBIGANG MATSING, SI MALAK. LUMAPIT SIYA
SAPUNONG KINAUUPUAN NI MALAK.
"MAGANDANGG UMAGA SA IYO, MALAK!" MASAYANG BATI NI BUWAG. "BAKIT MALUNGKOT KA AT
NAKAHARAP SA ILOG?"
NAIS KO SANANG TUMAWID NG ILOG PERO DI KO MAGAWA DAHIL SA HINDI AKO MARUNONG
LUMANGOY." SAGOT NI MALAK.
BIGLANG PUMASOK SA ISIP NI BUWAG ANG KANIYANG PANGANGAILANGAN. NAISIP NIYANG ISAKAY
SA LIKOD NIYA SI MALAK AT LUNURIN ITO SA ILOG PARA MAKUHA NIYA ANG ATAY NITO. INALOK
NIYA SI MALAK NA SUMAKAY SA KANYA AT ITATAWID NIYA ITO. DALI-DALING LUMUNDAG SI MALAK
SA LIKOD NI BUWAG. HINDI ALAM NI MALAK NA NANGANGANIB ANG KANYANG BUHAY.

NASA KALAGITNAAN NA SILA NG ILOG NANG SABIHIN NI BUWAG ANG BALAK NIYANG GAWIN KAY
MALAK. NATAKOT SI MALAK. UNTI-UNTI NANG INILULUBOG NI BUWAG ANG KATAWAN SA ILOG
NANG MAG SALITA SI MALAK.
"KAIBIGANG BUWAG, IBALIK MO AKO SA PINANGGALINGAN KO, NAIWAN KO DOON ANG
KAILANGAN MONG ATAY. NAKASABIT IYON SA SANGA NG PUNO." SABI NI MALAK.
NANIWALA NAMAN ANG BUWAYA SA SINABI NG MATSING KAYA'T IBINALIK NIYA ITO. AGAD NA
LUMUNDAG SA ITAAS NG PUNO SI MALAK. TUMAYO SIYA SA ISANG SANGA AT NAGSALITA,
"SALAMAT SA PAGSASAKAY MO SA AKIN. ANG KAI1ANGAN MONG ATAY AY NARITO SA LOOB NG
AKING KATAWAN. DAHIL SA KAIBIGAN KITA AY IPAGKAKALOOB KO ITO SA IYO KUNG MAKAKAAKYAT
KA RITO SA ITAAS NG PUNO."
GINAWA NI BUWAG ANG LAHAT NG MAKAKAYA NIYA SUBALIT HINDI SIYA MAKAAKYAT SA ITAAS NG
PUNO. LUMISAN ANG BUWAYANG BIGO SA MASAMANG HANGARIN SA MATSING.

A NG UNGGOY AT ANG PAGON G


NOONG UNANG PANAHON, MAYROONG DALAWANG MATALIK NA MAGKAIBIGAN. SILA AY SINA
UNGGOY AT SI PAGONG.
MINSANG WALANG GAWAIN AY SUMAMA ANG UNGGOY KAY PAGONG NA MAMASYAL SA PALIGID.
NAKAPULOT SILA NG ISANG PUNONG SAGING NA NAKAHARANG SA DAAN. NAG-ISIP SILA KUNG
ANO ANG GAGAWIN SA HALAMAN.
"MABUTI PA KAYA'Y HATIIN NATIN ITO AT ITANIM NATIN. SA AKIN ANG- BANDANG ITAAS AT SA IYO
ANG IBABA." MUNGKAHI NG UNGGOY. PINILI NIYA ANG ITAAS DAHIL DOON LUMALABAS ANG
SAGING. TATAWA-TAWA SIYANG UMUWI
PUMAYAG ANG PAGONG. PAG-UWI NILA SA KANI-KANILANG BAHAY AGAD NILANG ITINANIM ANG
KANILANG PARTE. MAKALIPAS ANG ILANG ARAW, ANG ANG HALAMAN NG UNGGOYI AY NAMATAY.
LABIS SIYANG NALUNGKOT SAPAGKAT PABORITO PA NAMAN NIYA ANG PRUTAS NA SAGING.
SA KABILANG DAKO, TUWANG-TUWA NAMAN SI PAGONG DAHIL NAMUMUNGA NA ANG KANIYANG
PUNO NG SAGING. DINALAW NIYA ANG KANIYANG KAIBIGAN.
"KAIBIGANG UNGGOY, BAKIT KA MALUNGKOT? ANG GANDA-GANDA NG SIKAT NG ARAW AH." BATI
NG PAGONG SA KAIBIGAN.
"KASI NAMATAY ANG TANIM KO." MALUNGKOT NA SAGOT NG UNGGOY. "IYONG TANIM MO
KUMUSTA NA, KAIBIGAN?"

"ALAMI MO ANG DAMI-DAMI NANG BUNGA NG TANIMI KO AT MAHIHINOG NA SILANG LAHAT."


MASAYANG SAGOT NG PAGONG.
"TALAGA? PUWEDE KO BANG MAKITA? SABI NG TUSONG UNGGOY.
NANLALAKI ANG MATA NG UNGGOY NANG MAKITA ANG MGA SAGING NA TANIM NG PAGONG.
TINANONG NG UNGGOY KUNG SINO ANG AAKYAT AT KUKUHA NG MGA SAGING SA ITAAS NG PUNO.
SINABI NG UNGGOY NA HINDI PUWEDE ANG LOLO NG PAGONG DAHIL MAHINA NA ITO AT HINDI RIN
UUBRA ANG KANYANG KAPATID PAGKAT BULAG NAMAN ITO.
"KAIBIGAN PUMAYAG KA KAYA KUNG AKO ANG UMAKYAT PARA IPITAS KA NG SAGING?" MUNGKAHI
NG UNGGOY.
"ABA, E DI MABUTI." SAGOT NG PAGONG.
MABILIS NA UMAKYAT ANG UNGGOY. LAKING GULAT NG PAGONG SA GINAWA NG UNGGOY.
HABANG NASA ITAAS AY KINAIN NANG KINAIN NG UNGGOY ANG MGA BUNGA HANGGANG SA ITO AY
MANGALAHATI NA LAMANG. NAKIUSAP ANG PAGONG NA ABUTAN NAMAN SIYA SUBALI'T
PINAGTAWANAN LAMANG SIYA NG UNGGOY.
SA GALIT NG PAGONG SA KATAKAWAN NG UNGGOY, UMALIS SIYA AT KUMUHA NG MARAMING TINIK.
ITINUSAK NIYA IYON ISA PALIGID NG PUNO NG SAGGING.
"KAIBIGANG UNGGOY, HINDI MAINAM SA KALUSUGAN ANG MANATILI DIYAN SA ITAAS NG BUONG
ARAW. ITO'Y ISANG PAYO KO LANG SA IYO. ORAS NA MARINIG MO ANG KAHOL NG ASO, IYON AY
ISANG HUDYAT UPANG IKAW AY BUMABA NA RIYAN." AT UMALIS NA ANG PAGONG.
DI NAGTAGAL AT KUMAHOL ANG ASO NG KAPITBAHAY. SA ORAS NA IYON AY BUSOG NA BUSOG NA
ANG UNGGOY, AYAW PA SANA NIYANG BUMABA NGUNI'T NAALALA NIYA ANG BILIN NG KAIBIGAN.
DAHAN-DAHAN SIYANG BUMABA DAHIL SA SOBRANG KABUSUGAN. MARAHIL SA SOBRANG BIGAT AY
DUMULAS SIYANG PABABA AT BUMAGSAK SA MGA TINIK NA NAKAPALIGID SA PUNO NG SAGING.
ARINGKING SA SAKIT ANG UNGGOY AT. NAMIMILIPIT SA SAKIT NG KATAWAN HANGGANG SAPITIN
ANG KANIYANG BAHAY.
KINABUKASAN AY MAAGANG GUMISING ANG UNGGOY. KAILANGAN NIYANG MAKAGANTI SA GINAWA
SA KANIYA NG PAGONG. LUMABAS SIYA AT HINANAP ANG KAIBIGAN. NAPAGOD SIYA A KALALAKAD.
PASALPAK SIYANG NAUPO SA ISANG ANIMO ISANG MALAKING KABIBE UPANG MAGPAHINGA. ANG
BUNTOT NIYA AY PUMASOK SA ISANG BUTAS AT IYON AY BIGLANG HINILA NG WALANG IBA KUNDI
ANG KAIBIGAN NIYANG PAGONG.

ANG LIKOD PALA NG PAGONG ANG KANIYANG NAUPUAN.

NAPATALON ANG UNGGOY.


"AHA, IKAW PALA!" SIGAW NG UNGGOY. "ALAM MO BANG KANINA PA KITA HINAHANAP?"

"ANONG GAGAWIN MO SA AKIN?" TANONG NG PAGONG.


"'LILITSUNIN KITA!" SABI NG UNGGOY.
"KAPAG GINAWA MO IYAN, MAGIGING PULA ANG KULAY KO. HINDI MO BA ALAM NA PULA ANG
PABORITO KONG KULAY?" SAGOT NG PAGONG.
"PAGKATAPOS AY TATADTARIN KITA!" SABI ULI NG UNGGOY.
"E DI MAGANDA, IKAW RIN DADAMING LALO ANG PAGONG DITO." SABAD NAMAN NG PAGONG.
"AT PAGKATAPOS AY ITATAPON KITA SA ILOG!" PAINIS NA SABI ULI NG UNGGOY.
PAGKARINIG DITO AY LIHIM NA NATUTUWA ANG PAGONG, HINDI ALAM NG UNGGOY NA GUSTONGGUSTO NGA NIYANG MAGLARO SA TUBIG AT LUMANGOY. HINDI NAGPAHALATA ANG PAGONG.
"MAAWA KA, KAIBIGAN. HUWAG MONG GAWIN SA AKIN IYAN." PAKUNWARING UMIYAK NA SABI NG
PAGONG." ILITSON MO NA AKO O TADTARIN MO KAYA. PERO HUWAG MO LANG AKONG ITAPON SA
ILOG!"
HINDI PINAKINGGAN NG UNGGOY ANG PAKIUSAP NG PAGONG. UBOS LAKAS NIYANG INIHAGIS SA
TUBIG ANG PAGONG. SUMISID SA KAILALIMAN ANG PAGONG AT ILANG SANDALI LAMANG AT
LUMITAW ITO NA MAY HAWAK NA ISANG MALAKING ISDA. IPINAKITA NIYA ITO SA KAIBIGANG
UNGGOY. NAGULAT ANG UNGGOY AT HINDI AGAD NAKAPAGSALITA.
"KAIBIGAN, IBIBIGAY MO BA SA AKIN IYAN?" ANG NASAMBIT NG UNGGOY. "BAKIT HINDI KA
LUMUNDAG DITO AT HUMULI NG PARA SA IYO?" SAGOT NG PAGONG. "HINDI KANAMAN SIGURO
ISANG TAMAD."
AYAW NA AYAW NG UNGGOY NA MATATAWAG SIYANG TAMAD. DALI-DALI SIYANG TUMALON AT
DAHIL SA HINDI SIYA MARUNONG LUMANGOY, SIYA AY NALUNOD. ANG PAGONG AY TUMAWA NA
LANG NANG TUMAWA.

TALAMBUHAY NG BAYANI

Gabriela Silang

Si Maria Josefa Gabriela Cario Silang o Gabriela Silang, ang tinaguriang Joan d'Arc ng
Ilocos, ay isa sa mga kababaihan na lumaban kasama ang iba pang Pilipino noong panahon ng
rebolusyon.
Buhay
Ipinanganak siya noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur. Ang kanyang ama ay isang
Ilokanong magsasaka samantalang ang kanyang ina ay isang katulong na Itneg mula sa
Piddig, Abra. Nang mamatay ang kanyang mga magulang, inampon siya ng isang mayamang
negosyante, si Don Tomas Millan. Ang mayamang Don ang kanyang napangasawa. Matapos ang
tatlong taon ng kanilang pagsasama, hindi sila biniyayaan ng anak at pagkalipas ng ilang taon ay
namatay si Don Millan. Noong 1757, nakilala at pinakasalan ni Gabriela si Diego Silang. Naging
kasa-kasama ni Diego si Gabriela sa mga gawain nilang patungkol sa himagsikan. Ngunit sa
kasamaang-palad, isa sa mga kaibigan ni Diego ang nagtaksil sa kanya at pinaslang siya. Dahil
dito, lalo pang isinulong ni Gabriela ang pakikipaglaban sa mga kastila. Pinangunahan niya ang
mga Pilipinong rebelde para sa pakikipaglaban nila sa hustisya at kalayaan. Itinuloy nila ang
pag-aalsa sa Ilocos at nilusob ang ilang garison upang makaipon ng sandata.
Noong 10 Setyembre 1763, binalak ng grupo ni Gabriela na salakayin ang Vigan. Ngunit
napaghandaan ng mga kastila ang kanilang pagdating. Umabot sa halos 6000 ang mga Espanyol
samantalang 2000 lamang ang mga tauhan ni Gabriela. Nagapi ang marami sa mga kasamahan ni
Gabriela. Kasama ang kanyang tiyo at ang pito pa niyang mga kasamahan, sila lamang ang
nakaligtas at tumakas.
Noong 20 Setyembre 1763, nadakip si Gabriela pati ang kanyang mga kasamang rebelde at
pinugutan ng ulo sa Plaza ng Vigan, Ilocos Sur.

APOLINARIO MABINI
Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng
Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo
Talaga,
Tanauan,
Batangas.

Edukasyon
Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pagaaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan
upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang
Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas
mula
1888
hanggang
1894.
Buhay
Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa
Kilusang
Pang-reporma.
Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging
paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa
pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng
San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.

Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini
sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging
punong
tagapayo
ni
Aguinaldo.
Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng
pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi
rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim
ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang
Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi
para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El
Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino.
Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini
papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898.
Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na
dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na
pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling
pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam,
naisulat
niya
ang
La
Revolucion
Filipina.

Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.

JUAN LUNA

Si Juan Luna y Novicio (23 Oktubre 1857-7 Disyembre 1899) ay isang Pilipinong pintor at
bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga
bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming
eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.

Kabataan
Ipinanganak siya sa Badoc, Ilocos Norte, ikatlo sa pitong anak nina Joaquin Luna at Laurena
Novicio. Lumipat ang pamilya sa Maynila noong 1861 upang makakuha ng mabuting
edukasyong ang mga anak. Nagkainteres si Luna sa pagpipinta dahil sa impluwensya ng kanyang
kuya
Manuel,
na
magaling
na
pintor.
Edukasyon
Nag-aral si Luna sa Ateneo de Manila, at pagkatapos sa Escuela Nautica. Naging manlalakbaydagat siya. Sa pamamgitan nito, nakita niya ang magagandang tanawin sa Hongkong, Amoy,
Singapore, Batavia, at Colombo. Kapag nasa Maynila siya nagpapaturo pa rin siya kay Lorenzo
Guerrero ng pagpipinta. Pumasok siya sa Academia de Dibujo Y Pintura sa Maynila ngunit
ipinaalis, marahil dahil ang kanyang estilo ay hindi umaayon sa kagustuhan ng kanyang maestro.
Noong 1877, sa rekomendasyon ni Guerrero, pinaaral siya ng kanyang magulang sa Escuela de
Bella Artes sa Madrid. Subalit, hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagturo rito. Noong nakilala
niya ang pintor na si Don Alejo Vera, umalis siya sa eskwela upang maging aprentis niya.
Karera
Noong 1881 nanalo siya ng gintong pilak para sa kanyang dibuhong La Muerta de Cleopatra sa
pandaigdig na kumpetisyon na ang Exposicin Nacional de Bellas Artes sa Madrid. Dahil dito
naging pensionado siya ng Ayuntamiento ng Maynila sa kondisyon na gumawa siya ng larawan
para sa kanila. Ilang taong lumipas bago natapos niya itoang El Pacto de Sangre. Noong 1884,
ang kanyang Spoliarium ay nagwagi ng isa sa tatlong gintong medalya sa Exposicin Nacional

de Bellas Artes para sa taong iyon. Ang kanyang dalawang lahok sa Exposicion ng 1887, La
Batalla
de
Lepanto
at
Rendicion
de
Granada
at
nagwagi
rin.

Ang Spoliarium ni Juan Luna


Pamilya
Noong 1885, lumipat siya sa Paris at nagbukas ng studio roon. Noong 1886, pinakasalan niya si
Maria Paz Pardo de Tavera, ang kapatid ng kanyang mga kaibigang sina Felix at Trinidad Pardo
de Tavera. Nagkaroon sila ng dalawang anak nila subalit isa ay namatay habang sanggol pa.
Pagkalipas ni ilang taon, sinuspetiya ni Luna na may kalaguyo ang asawa niya, kaya noong 1892,
pinatay niya ang kanyang asawa, kasama ng kanyang ina, dahil sa kanyang pagselos.
Idinetermina ng korte na ito ay ginawa niya habang samantalang baliw at sa gayon walang sala
siya. Bumalik si Luna sa Madrid kasama ng iisa niyang buhay na anak, si Andres.
Pagkabayani
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1891 at idinakip siya kasama ng kanyang kapatid na si Antonio
Luna noong 1896 at ikinulong sa Fort Santiago dahil sila ay sinususpetiyang taga-oraganisa ng
rebolusyon ng mga Katipunero. Noong pinalaya siya noong 27 Mayo 1897, bumalik siya sa
Europa. Sa pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, isa siya sa piniling maging bahagi
ng delegasyon para sa negosasyon sa pagkilala ng Paris at Amerika sa bagong republika.
Nang pauwi na siya sa Pilipinas, tumigil siya sa Hong Kong, kung saan inatake siya sa puso at
namatay.
Pagkalipas ng ilang taon, ang kanyang huling obrang Peuple et Rois na nakumpleto niya noong

1889 ay ikinunsiderang pinakamahusay na lahok sa Universal Exposition sa Saint Louis sa


Amerika.

JOSE P. RIZAL
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal.
Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco
Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita
niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.
Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay
anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa
ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa.
Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kayat kung minsan ay nakararanas si Domingo
Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa
ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong
1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa
kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang
Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna.
Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang
magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.
Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan
Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at itoy hinango sa salitang Kastila
na luntiang bukid.
Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at
talagang nagbabanat ng buto.
Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng
kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit
kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni
Rizal sa pagtuklas niya ng ibat ibang karunungan.

Nang siyay siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng
pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan
na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.
Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay
nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at
notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang
Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras
at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng
panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng
Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos
ang kursong ito noong 1884 at 1885.
Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa
Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral
din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa ibat ibang bansa sa
Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao
roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang
kasaysayan ng mga baying nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang
makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.
Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere
sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi
ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000
sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa
halagang 300 piso.
Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante,
Belhika noong 1891.
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang
kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng
pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.
Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888,
siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng
Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.

Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay


ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang
na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal
ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan.
Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa
kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa
Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman
ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong
1896, siyay hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.
Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at
litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.
Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling
Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.
At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na
Luneta.

Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Sina Santiago Bonifacio
at Catalina de Castro ang kanyang mga magulang. Siya ay nag-aral ng Elementarya sa mababang
paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu, ngunit siya ay nahinto sa pag-aaral ng mamatay sa sakit
na tuberkolosis ang kanyng mga magulang.Sa edad na 14, ay siya na ang nag-alaga sa kayang
mga nakababatang kapatid na sina Ciriaco, Procopio, Petrona, at Iroadio. Pagtitinda ng baston at
pamaypay ang tanging ikinabubuhay nila.

Kahit salat sa pinag aralan, marunong siyang magbasa at sumulat. Dalubhasa din siya sa
pagsasalita ng salitang Kastila. Kaya't nakapagtrabaho siya bilang ahente at klerk. Dito ay
ipinakita niya ang kanyang determinasiyon at sipag sa kanyang trabaho. Dahil dito, naging
matatag siya sa kanyang trabaho.

Bagama't mahirap, mahilig siyang magbasa ng mga libro tulad ng nobela ni Rizal na Noli Me
Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo
na kanyang isinalin sa Tagalog, Ang pagkasira ng Palmyraat Himagsikang Pranses. Sumulat din
siya ng mga artikulo at mga tula na tungkol sa pagmamahal sa bayan, karapatang-pantao at
kasarinlan ng ating bayan, Isa sa pinakasikat na tulang kanyang sinulat ay ang 'Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa'.

Dahil sa kanyang mga nabasang aklat nagsiklab sa kanyang kalooban na gumawa ng Himagsikan
at kaya itinatag niya ang Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng
mga Anak ng Bayan) noong ika-7 ng Hulyo, 1892, matapos dakipin at ipatapon si Dr. Jose Rizal
sa Dapitan. Itinatag niya ang Katipunan kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato
Arellano. Dahil dito kinilala siya bilang "Ama ng Rebulusyon." At tinawag siyang "Supremo"
ng ibang mga kasapi ng katipunan. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng
lakambini ng Katipunan. Mabilis na dumami ang kasapi ng Katipunan maging iba't ibang panig
ng Pilipinas. At noong Mayo 1986 nagplano na sila na maghimagsik laban sa mga kastila, nguhit
hindi ito natuloy sapagkat natuklasan ito ng mga Kastila. Noong ika-23 ng Agosto, 1896, mahigit
sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin,Caloocan at doon ay sabay sabay
nilang pinunit ang kanilang mga sedula.

Sa gitna ng rebulusyon, isang pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite sa kahilingan ng mga
Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Si Bonifacio ang namuno ng
pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na
Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham.
Dahil sa tagasunod ni Aguinaldo ang mga nasa ilalim ng kapangyarihan ni Bonifacio, minaliit
nila ang kakayahan ni Bonifacio dahil sa siya ay mahirap lamang. Nainsulto si Bonifacio kaya't
ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang
mapawalang bisa ang halalan dahil sa pandaraya ng mga Magdalo sa nasabing bothan. Dahil dito
kinasuhan siya ni Aguinaldo ng sedisyon at pagtataksil sa mga Magdalo.

Habang hindi pa nakalalabas ng Cavite si Bonifacio at ang kanyang pamilya, inaresto at


ipinapatay siya ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan dahil daw sa kanyang mga gawain na
paglaban sa bagong pamahalaan. Pinatay siya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika10 ng Mayo, 1897 kasama ang kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio.

MGA TULA
Kaygandang Pilipinas!
ni: Avon Adarna
Sagana ang bansa sa likas na yaman,
Ang ginto at tanso ay nasa minahan,
Makakakuha rin, batong kumikinang
Sa gilid at gitna nitong kabundukan.
Magandang tanawin sa mga probinsiya,
Sa Luzon, Visayas at Mindanao nga,
Pumaitaas man o dakong ibaba,
Masisilayan moy tanawing may sigla.
Pagudpud sa Nortey ipagmamalaki,
Ang mga turista ay mabibighani,
Itong Hundred Islands na nakawiwili,
Tiyak na ang lungkot, doon mapapawi.
Pumunta sa Baguio sa taas ng bundok,
Tiyak na kikilig sa lamig ng pook,
Sagadat Banaue huwag mong ilimot
Sa mga bisita ay ating itampok.
Sa Boracay Island, tila paraiso,
Sa Cebu at Bohol, ikaw ay magtungo
At kung mapagod, huminga ng todo,
Kumain muna nga nitong halo-halo.
Humakbang ng konti, sa Mindanao naman
Itong Huluga Caves sa syudad ng Cagayan,
Sa Davao naroon ang tayog ng bayan,
Ang Bundok ng Apo na nagmamayabang.

Mga mamamayan, kulay kayumanggi,


Sa tuwinay galak, sa iyoy babati,
May halakhak pat luksong mga ngiti
Mga Filipinoy lagi nang mabunyi.
Kung kakain man ay aanyayahan,
Ang sinumang tao sa hapag-kainan,
Anumang pagkain ay pagsasaluhan,
May tuwang susubo asin man ang ulam.
Kahit na mahirap ang mga gawain,
Sa dagat, sa lupa at mga bukirin,
Tiyak matatapos bago pa dumilim
Mga Filipinoy hindi man dadaing.
Ang bansa kong ito, bansang Pilipinas,
Na ang katangiay may sigla ng gilas,
Sinumang sasakop at magmamataas,
Aking itataboy, hinga may mautas.

Si Problema
ni: Avon Adarna
Hindi malulunod sa alak o toma,
Magaling na swimmer itong si Problema,
Bumaha man ng Gin o The Bar at Grand Ma,
Tatawanan ka lang hanggang sa magsuka!
Pagkat dalubhasat napakatalino,
Sa paggawa niya ng sakit ng ulo,
Si Problemay expert at lalo ngang tuso,
Kapag nakikitang luhay tumutulo.
Dadagdagan pa ang kumplikasyon,
Kapag nanghina ka sa kunsumisyon,
Itong simpleng bagay na may isang tanong,
Magiging sandaat malala ang hantong!

Huwag mong lubusin na maipakita,


Ang kahinaan mo kung nakabulagta,
Bumangong mainam sa pagkakadapa,
At i-face to face mo - lintek na problema!
Maging wais naman sa nilalakaran,
Ilingap ang mata sa lubak na daan
Kung mayroon kang pinagdaraanan,
Huwag kang tumambay, dumaan ka lamang.
Ilingon ang ulo, idilat ang mata
At dapat hasain ang utak at sigla,
Upang ang problemay agad na mawala,
Utak paganahin, kamay ay igawa!

Kalikasan Saan Ka Patungo?


ni: Avon Adarna
Nakita ng buwan itong pagkasira,
Mundo't kalisakasan ngayoy giba-giba,
Ang puno putol na, nagbuwal at lanta,
Ang tubig marumi, lutang ang basura.
Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan,
Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam,
At nakipagluhaan sa poong Maylalang,
Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.
Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon,
Nasira ng usok na naglilimayon,
Malaking pabrika ng goma at gulong,
Sanhi na ginawa ng pagkakataon!
Ang dagat at lawa na nilalanguyan
Ng isda at pusit ay wala nang laman,
Namatay sa lason saka naglutangan,
Basurang maburak ang siyang dahilan!

Ang lupang mataba na bukid-sabana,


Saan ba napunta, nangaglayag na ba?
Ah hindi naroon mga mall na pala,
Ng ganid na tao sa yaman at pera.
Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan,
Ginawa na ng tao na basurahan,
At kung dumating ang bagyo at ulan,
Hindi makakilos ang bahang punuan.
Ang tao rin itong lubos na dahilan,
Sa nasirang buti nitong kalikasan,
At darating bukas ang ganti ng buwan,
Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!

MAIKLING KWENTO

Bakit KaLumilipad,Gora Saranggola?

Sa himpapawid ng Baryo Maulap, madalas nagkakasayahan ang lahat ng saranggola sa nayon.


Pero ang kasiyahan ay napapalitan ng gulo kapag dumarating ang mayabang na si Gora
Saranggola.
Magsitabi kayo, ako ang hari dito sa kalawakan, ang sigaw ni Gora sabay ang pagsugod sa
mga maliliit at mahihinang saranggola. Tinatawanan pa niya ang mga batang saranggola na hindi
pa mataas lumipad.
Pero nagsawa si Gora sa pang-aaway niya sa mga kapwa saranggola. Isang araw, pinilit niyang
sumabay sa malakas na hangin para makawala at maputol ang kanyang pisi. Tuwang tuwa si
Gora na lumipad sa Kanluran kung saan nakita niya doon si Agila.
Hoy, panget. Saranggola ka ba? pagsusungit agad ni Gora.
Hindi kita papatulan sa iyong kahambugan. Ako ay isang ibon. Lumilipad ako upang maghanap
ng pagkain para sa aking mga inakay. Mahal ko sila. E ikaw, bakit ka lumilipad? sagot ni Agila.
Walang maisagot si Gora kaya lumipad naman siya sa Silangan. Doon niya nakita si Eroplano.
Hoy, panget. Saranggola ka ba? pagsusungit agad ni Gora.
Hindi kita papatulan sa iyong kahambugan. Ako ay isang eroplano. Lumilipad ako para
maghatid ng mga pasahero. Mahal ko sila. E, ikaw, bakit ka lumilipad? sagot ni Eroplano.
Wala na naman naisagot si Gora kaya lumipad naman siya sa Hilaga. Doon ginaganap ang
makulay na Kite Festival.
Mga kapwa makikisig na saranggola, pwede ba akong sumali sa inyong paglalaro? bungad ni
Gora.

Ha? Saranggola ka nga pero hindi ka karapat-dapat, di hamak na mas malaki at mas maganda
kami sa iyo, sagot ng hugis-spaceship na saranggola.
Oo nga, isa pa, Lumilipad kami para magbigay ng kasiyahan sa mga kaibigan naming bata. E,
ikaw, may kaibigan ka bang bata? wika naman ng hugis-paruparong saranggola.
Natahimik si Gora. Naalala niya ang batang si Pepito. Si Pepito ang laging nag-aalaga sa kanya
pero hindi niya naisip na malulungkot ito sa kanyang pagkawala. Hinahanap kaya siya nito?
Nasa ganun siyang pag-iisip ng lamunin siya ng buhawi ng Timog. Hindi siya makatakas sa
paikot-ikot na hangin ng buhawi. Nabali ang kanyang buto at napunit ang kanyang balat. Noon
niya lang naisip na pagsisihan ang kanyang kayabangan.
Mamang Buhawi, nakikiusap po ako sa inyo. Basura na lang po ako ngayon pero nais ko pong
bumalik sa Baryo Maulap. sigaw ni Gora.
Narinig naman siya ni Buhawi. Humahanga ako sa iyong pagsisisi. Ngunit huli na ang lahat.
Hindi ako makakadaan sa iyong tahanan. Dito na lang kita iiwan.
At iniluwa ni Buhawi si Gora sa isang puno. Agad na gumawa ng paraan si Gora.
Nakipagkaibigan at inilipad siya ng hangin ng Timog, Hilaga, Silangan at Kanluran hanggang sa
makarating siya sa isang sampayan.
Inay, Itay, tingnan ninyo, Bumalik ang aking kaibigan, tuwang tuwang kinuha ni Pepito si
Gora sa sampayan. At sa tulong ng kanyang ama, muli nilang inayos ang hitsura ni Gora
Saranggola.
Muling nakalipad si Gora sa himpapawid ng Baryo Maulap. Ngunit ngayon, isa na siyang mabait
na saranggola. Alam na niya ang dahilan ng kanyang paglipad. Iyun ay bigyan ng kasiyahan ang
kaibigang si Pepito.

BakitSiMayaAng Napili?

Kakatapos lang pumili ng bagong hari ng kagubatan. Tapos na kasi ang panunungkulan ng
malakas na si Leon at ng matalinong si Kuwago. Lahat ng hayop, kulisap at ibon sa gubat ay
nagkaisa. Si Maya ang kanilang napiling mamumuno sa kanila sa kabila ng kanyang kaliitan.
Nagtaka tuloy si Elepante, ang pinakamalaking hayop sa gubat at siya ring pinakamahigpit
niyang kalaban.
Tinanong ni Elepante si Baboy Damo.
Bakit si Maya ang iyong napili?
Napili ko si Maya kasi tinuruan niya ako ng kalinisan, tugon naman ni Baboy Damo.
Pero ikaw ay baboy, ayos lang sigurong magdumi ka, pangungutyang dagdag ni Elepante.
Hindi ko nga iniisip dati ang maglinis pero nang minsang kumakain ako ng aking pagkain,
nakita niyang madumi ang lugar na aking pinagkainan, tinuka niya ang mga natapong pagkain, at
nalinis pa ang aking tahanan. Simula noon, natuto na akong maglinis ng kapaligiran, paliwanag
ni Baboy Damo at si Elepante ay kanyang tinalikuran.
Pero nagtaka pa rin si Elepante. Sunod naman niyang tinanong si Unggoy.
Bakit si Maya ang iyong napili?
Napili ko si Maya dahil tinuruan niya akong mag-isip na kahit basura ay may pakinabang pa.
sagot ni Unggoy na naglalambitin pa sa sanga ng isang puno.
Basura, May pakinabang? Nalilitong tanong ni Elepante.
Iyan din ang nasa isip ko dati pero nang minsang sabay kaming kumain ni Maya, napansin kong
iniipon niya ang mga patapong uhay ng palay. Gagamitin niya daw iyun sa pagbuo ng kanyang
pugad. Siya ang nagsabi sa akin na ang balat ng saging ay pwede palang gawing pataba sa lupa
kaya simula noon, ganoon na nga ang aking ginawa, matalinong sagot ni Unggoy.

Pero nag-isip pa rin si Elepante kung bakit isang maliit na hayop ang kanilang napili. Sunod
niyang tinanong si Tipaklong.
Bakit si Maya ang iyong napili?
Napili ko si Maya kasi mayroon siyang pagpapahalaga sa pag-aaral, sagot ni Tipaklong.
Bakit mag-aaral ka pa, sapat na sigurong maglibang ka na lang sa iyong paglundag-lundag sa
damuhan, sabi naman ni Elepante.
Iyan nga din ang nasa isip ko. Pero minsang tanungin niya ako kung ilang oras ba ako dapat
maglaro, hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi kasi ako marunong magbilang. Noon ko nalaman
na tama si Maya, dapat akong mag-aral upang matutong magbilang at ngayon, marunong na rin
akong magsulat at magbasa, paliwanag naman ni Tipaklong na muling lumundag sa isang
damo.
Pero hindi pa rin makumbinse si Elepante. Tinanong niya naman ang matandang Kalabaw.
Bakit si Maya ang iyong napili?
Si Maya ang aking napili dahil may paggalang siya sa matatanda. Dangan kasi, napikon ako kay
Tagak dahil parati siyang kumakanta ng Kalabaw lang tumatanda, Kalabaw lang ang
tumatanda. Sinabihan pa akong ang bagal ko na daw kumilos sa bukid. Nag-away kami ni Tagak
at si Maya na ang sumakay sa likod ko para tukain ang mga insektong sa aking likod ay
nananahan.
Nag-uusap ang dalawa nang lumapit sa kanila si Tagak.
Pasensya ka na, Kalabaw sa aking inasta noong isang araw. Kinausap na ako ni Maya at
ipinaunawa sa akin ang aking kamalian. Simula ngayon, hindi na kita tutuksuhin sa iyong
kalagayan. Paliwanag ni Tagak.
At nagbati na ang dalawa. Agad sumakay si Tagak sa likod ni Kalabaw at lumakad palayo. Pero
ayaw pa ring maniwala ni Elepante. Lumapit siya sa mag-inang usa. Binulungan niya si Usa at
tinanong.
Bakit si Maya ang iyong napili?
Napili ko si Maya kasi siya ay matulungin at mapamaraan. Sagot ni Usa habang pinapatulog
ang anak.
Paano mo naman iyan nasabi? dugtong na tanong ni Elepante.

Alam mo bang noong isang araw ay nilusob tayo ng mga mangangaso, takot na takot kami ng
anak ko. Napansin kami ni Maya at ang ginawa niya, ginising niya ang mga natutulog na
bubuyog at ipinahabol niya ang mga mangangasong nagkaripasan sa pagtakbo. Salamat talaga
kay Maya. Marahil kung hindi dahil sa kanya, wala na kami sa kagubatang ito.
Malapit nang bumilib si Elepante. Lumapit siya kay Paruparo at nagtanong.
Bakit si Maya ang iyong napili?
Si Maya ang aking napili dahil tinuruan niya akong mahalin ang aking sarili, sagot ni Paruparo
habang palipat-lipat ng lipad sa mga bulaklak.
Hindi kita maintindihan, tanong na naman ni Elepante.
Ganito kasi yun, noong ako ay uod pa lang, sinabi ko sa kanyang akoy kainin na dahil wala
akong silbi sa panget kong kalagayan. Pero hindi niya ako man lang tinuka at sa halip ay
pinayuhan na maghintay ng tamang oras. Tingnan mo ako ngayon, isang magandang paruparo.
Salamat kay Maya at akoy kanyang iminulat
Nagsisimula nang humanga si Elepante. Tinanong niya si Musang.
Bakit si Maya ang iyong napili?
Napili ko si Maya kasi may pagpapahalaga siya sa kalikasan, sagot ni Musang habang nakahiga
sa isang ugat ng puno.
Pero lahat tayo ay nagpapahalaga sa kalikasan. Sabi naman ni Elepante.
Oo nga, pero mas nakita ko iyan kay Maya. Minsan kasing kumakain kami ng mangga, hiningi
niya sa akin ang buto at inilipad niya ito sa matabang lupa. Sabi niya, kailangan daw itanim uli
ang mga iyon upang maging puno ng kinabukasan, paliwanag ni Musang.
At sa dami ng kanyang napagtanungan, nakumbinsi na rin si Elepante. Kaya naman, lumapit siya
kay Maya at binati niya ito.
Kaibigang Maya, binabati kita. Tunay na ikaw ay karapat-dapat na tularan sapagkat ikaw ay
isang mabuting nilalang sa kagubatan.
Salamat, Kaibigang Elepante. Lahat tayo ay may magagawa. Kailangan nating magkaisa upang
mas maging masaya ang buhay natin dito sa gubat. Hindi hadlang ang murang edad o laki ng
katawan upang gumawa ng kabutihan.

Lalong natuwa ang mga hayop, kulisap at ibon sa kagubatan. Hiningan nila ng isang awit si
Maya na agad namang nagpaunlak.
Twit, Twit, Twit, Twit.
Ako ay isang ibong marikit
Maliit ako pero mabait
Bata man akoy may magagawa
Iyan ay ang tumulong sa aking kapwa.
Twit, Twit, Twit, Twit.
Mahalin natin ang ating paligid,
Mag-aral, maglaro at umawit.
Mas masaya ang buhay
Kung walang kaaway.
Twit, Twit, Twit, Twit.
At naging maligaya ang buong kagubatan.

TAG-ARAW

Lagi kitang iuugnay sa tag-araw. Ang pamumulaklak ng mga halaman ay larawan ng

kamay mong may hawak na rosas nang batiin mo ang iyong ina sa kanyang kaarawan. Ang
halakhak ng mga batang naghahabulan ay ang iyong halakhak sa pangunguha natin ng mga
prutas sa looban ng Ka Simo. Ang init ng araw, ang maaliwalas na kalangitan, ang mga ulap, ang
Flores de Mayo, ang saranggola. Ang larawan ng tag-araw ay larawan ng aking bunso.
Puputok pa lang ang Mayo nang dumating ka sa buhay namin. Wala kaming pagsidlan ng
kaligayahan sapagkat ikaw ang kasagutan ng sampung taong panalangin. Salamat na lamang at
napapayag kami ng Ka Santi na magsayaw sa Ubando. Ikaw ay talagang hulog ng Langit!
Isinunod kita sa aking pangalan. Roberto Jr. Ipinagyayabang kita sa lahat. Andun ako sa una
mong pagdapa, pag- upo at paghakbang. Gayundin, nang sambitin mo ang Mama at Papa na
talagang musika sa aming pandinig. Mabilis ang iyong pag-unlad at lagi kong sinasabi sa lahat
ng kahuntahan, ikaw ay lalaking matalino, mabait at makisig na bata.
Hindi naman ako nagkamali. Ikaw ay lumaking masiyahin at masiglang bata. Nasa kindergarten
ka nang magsalita ka ng Ingles na A parrot can tot at A bird kengkay. Maraming natutuwa
sa iyong kakulitan. Natatandaan ko rin nang maging Constantino ka ng Flores de Mayo ng tagaraw na iyon. Ikaw ay aking anak!!
Papa, Marunong ka hong gumawa ng saranggola? Gusto ko hong magpalipad ng saranggola, e.
bungad mo sa akin isang umaga ng tag-araw.
Aba, oo naman, anak. Sige, halika, gawa tayo ng saranggola. Tapos, samahan pa kitang
magpalipad. At pumunta tayo sa likod-bahay. Gamit ang papel, pisi, pandikit at patpat, naigawa
kita ng saranggola sunod sa saranggolang ginagawa ko rin nung kasinggulang kita. Simula noon,
magkasama tayong nagpapalipad ng saranggola. Tuwang tuwa ka kapag matayog ang lipad
ngunit nayayamot kapag sumasabit sa puno ang ating saranggola. Ikaw ay ako noong walong
taong gulang.

Naisip ko, ang pagpapalipad ng saranggola ay para ding pagpapalaki ng anak. Ang saranggola ay
ang anak sa kanyang paglalayag sa malawak na mundo, ang kamay na humahawak ng pisi ay
ang mga magulang na gumagabay sa mga anak kapag malakas ang hangin. Ang kamay na
muling nagtataas sa saranggola upang muling lumipad sa kabila ng kabiguan. Kamay na
umaagapay upang di makawala at maligaw sa kalawakan ng buhay.
Dalawang tag-araw pa ang lumipas, ilang saranggola na rin ang ating nasira at napalipad. Natuto
ka ring magpalipad nang hindi ako ang kasama kundi ang iyong mga kaibigan. Ayos lang iyon
sa akin, ikaw ay isang bata.
Ngunit may bagyo rin palang dumarating kahit sa tag-araw. Bagyong kailangang harapin nang
buong tatag ng ating pamilya. Bagyong susubok sa pagkatao namin ng Mama mo. Bagyong
huhulma ng kapalaran mo.
Nagsimula iyon nang minsang ginising mo kami dahil umiiyak ka sa sakit ng ulo. Inalo at
pinainom ka ng gamot ng iyong ina. Nakatulog ka pa nga sa pagitan naming mag-asawa.
Ngunit ang pagsakit ng ulo ay naging madalas. Naging mas masakit dahil nakikita kita kung
paano magligalig, magwala at magbato ng unan o laruan. Nag-iba ang iyong ugali, naging
bugnutin at nawalan ng ganang maglaro at kumain. Naging ibang bata ka sa aking paningin.
Dinala ka namin sa doktor. Hindi niya maibigay sa amin ang saktong sagot at pinayuhang
magpunta sa kalapit na bayan kung saan mas may kagamitan daw para malaman ang iyong lagay.
Natakot ang iyong Mama at agad na umiyak. Ako naman ay nanghina kaagad. Nangamba
kaming baka delikado ang iyong sakit dahil kailangan pa naming magpunta sa mas malaking
hospital.
May dahilan ang aming takot. Agad akong kinausap ng doktor nang masinsinan. Hindi ko na
narinig ang iba pa niyang paliwanag. Nanlumo na ako. Parang pinagsakluban ng langit at lupa.
Paulit ulit sa aking pandinig ang tinuran niya. May brain tumor ang anak ninyo! May brain tumor
ang anak ninyo!!!
Hindi ko alam kung paano sumikat-lumubog ang araw. Nakituloy tayo sa Tiyo Isko mo sa
Maynila para kumunsulta sa iba pang dalubhasa. Pero gayon din ang resulta. At mas masakit pa,
binigyan ka nila ng taning. Sino sila para bigyan ng taning ang aking bunso?
Pinilit kong magpakatatag. Para sa ating pamilya. Para sa iyong ina. Ngunit hindi mo alam, sa cr
ako humahagulhol kasabay ang lagaslas ng tubig sa gripo. Parang dinudurog ang puso ko kapag
namimilipit ka sa sakit lalo na kapag inuuntog mo ang iyong ulo sa pader. Gusto kong humiyaw
nang nagsimulang malagas ang buhok mo epekto ng therapy. Nawala rin ang lupang

pinaghirapan kong ipundar upang maipamana sa yo ngunit sa gamot mo nagasta. Lahat ay pinilit
kong gawin para maisalba ka.
Nagtampo ako sa Diyos. Nagalit. Nagtanong. Bakit ka Niya ibinigay kung babawiin ka rin
kaagad? Bakit ikaw pang musmos at madami bang tag-araw na mararanasan? Bakit ikaw pa na
bago pa lang nangagarap? Bakit hindi na lang ako? Bakit ang bunso ko pa?
Pa, gusto ko magsaranggola, paanas mong wika. Nagkatinginan kami ng Mama mo. Mahina na
ang katawan mo. Ayaw ka naming mapagod.
Pa, gusto ko magsaranggola, muli mong usal. Wala akong magawa kundi kargahin ka kahit
balot ka ng kumot. Pinakuha ko sa iyong ina ang huling saranggolang pinalipad mo. Pumunta
tayo sa malawak na taniman ng tubo.
Karga ka sa likod, tumakbo ako upang umangat ang saranggola. Tangan ng mahina mong kamay
ang pisi. Lumuluhang pinagmasdan tayo ng iyong ina.
Tumaas ang saranggola. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Basang basa ako ng luha.
Humagulhol ako nang makita kong tuluyang nabitawan mo ang pisi. Dumating na ang panahon
mo.
Maglayag ka anak sa dapat mong puntahan. Tandaan mong mahal na mahal ka namin ng Mama
mo. Mahal na Mahal kita.
Tulad ng pagpapakawala mo sa saranggola, pinaubaya ka na namin ng Mama mo sa Panginoon.
Masakit subalit kailangan naming tanggapin. Iyon ang iyong tadhana. Iyon ang huli mong tagaraw.
Palagi kitang iuugnay sa tag-araw. Ang iyong ngiti, ang halakhak, ang ulap, ang langit, ang
magagandang bulaklak, ang banderitas, ang Flores de Mayo, ang saranggola sa malawak na
kalawakan.
gusto kong manalo sa pakontes ni gillboard.

Anda mungkin juga menyukai