Tangere
Buhay, mga gawain at sinulat ni Dr.
Jose Rizal
Ipininasa ni: Djanelle Mei M. San Miguel
BS Psychology 1-4
Ipinasa kay: Prof. Narciso Cabanilla
Layunin
A. Maunawaan ang mga bagay na nagbunsod kay Rizal upang sulatin ang
kanyang nobelang Noli Me Tangere
B. Maisapuso ang magagandang aral na ibinahagi ni Rizal
C. Maging bahagi ng mga gawaing magsasakatuparan ng mga adhikain ni
Rizal para sa bayan.
Paksang Aralin
A. Ang Noli Me Tangere
B. Kagamitan: larawan ng libro, white board marker, power point presentation
II.
at papel.
Pamamaraan
III.
Panimula
Kayo ba? Sino pa sa tingin ninyo ang mga karakter na patuloy pang nabubuhay
sa panahon natin ngayon? (sasagot ang mga mag-aaral)
Dahil na rin sa ibat-ibang mga elemento na nakapaloob sa mga nasabing mga
nobela kaya naman patuloy itong binabasa kahit ilang taon na itong nailatahala. Ang
dalawang nobelang ito ay siyang ikinasanhi ng pagbukas ng mata ng maraming
Pilipino sa mga nangyayari sa pilipinas noong panahon ng Espanol. At sa tulong na rin
ng mga nobelang kagaya nito kaya naman nagtulong-tulong ang lahat tungo sa
kalayaan.
Ang sakop ng aking pag-uulat ay ang nobela lamang ni Rizal na Noli Me Tangere
at ipagpapatuloy ng ating kamag-aral na si Edgie Madriago. Inaasahan ko na handa na
kayong lahat sa ating talakayan.
TALAKAYAN
Bago natin talakaying mabuti ang Noli Me Tangere ay nais ko munang itaas ang
inyong kanang kamay. Pagkatapos ay pakiyugyog ang inyong katabi at paki sabi na,
Huwag kang matutulog! sabay ngiti. Ngayon namay paki taas ang kaliwang kamay
at paki yugyog ulit ang katabi. Sabihin mo naman na, lalo kana! at huwag kalimutang
ngumiti ulit. Lahat ng mag-aaral na handa ng makinig ay ngumiti. Ayun naman!
Muli, mas maganda at mas pogi pa kayo sa hapon!
Ang Noli Me Tangere ay hango sa Latin na nangangahulugang, Huwag mo
akong salangin. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 1317 sa Bibliya na
tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang
lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang
salin sa Ingles nito ay Social Cancer. Sinundan ito ng El Filibusterismo, isa pang nobela
ni Jose Rizal.
Ngunit bakit nga ba sinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere? Sabi nga ni Rizal sa
kanyang aklat ay: Nais kong ilarawan ang mga suliranin ng Pilipino ng sa gayon ang
makakaalam niyon ay baka makapagbigay ng kalutasan.
Ang Noli ay naglalaman ng mga bagay na noong panahon na iyon ay walang
sinuman sa Pilipinas ang nagtangka na talakayin. Lubhang maseselan ang nga bagay
na binanggit ni Rizal sa kanyang aklat na ito. Ang wika nga ni rizal ay ganito: Tinugon
ko ang mga pang-aalipusta na sa loob ng daang taon ay ibinigay nila sa atin at sa ating
bayan. Inilarawan ko ang kalagayang panlipunan, ang buhay ditto, ang ating
paniniwala, ang ating pag-asa,ang ating mithiin, ang ating hinaing, ang ating
kalungkutan. Inalis ko ang maskara ng pagkukunwari na nagtatago sa likod ng relihiyon
upang makapangikil ng salapi. Itinaas ko ang kurtina ng pagkukunwari upang maipakita
kung ano ang nasa likod ng matatamis na salita ng pamahalaan. Sinasabi ko ang ating
hinaing, ang ating mga kamalian, ang ating mga bisyo, ang ating karuwagan, sa
pagpayag at pagtitiis sa ating miserableng kalagayan. Subalit kung may nakikita
naman akong kabutihan, ipinahahayag koi to at pinapupurihan. Ang mga pangyayaring
aking isiniwalat ay pawing naganap at may katotohanan.
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me
Tangere" noong Enero 1884. Ang pagsulat ng nobela ay isang panukalang inihain ni
Rizal sa mga Pilipinong naninirahan sa Madrid upang mailapit sa pamahalaan sa
Espana ang mga suliraning kinakaharap ng Pilipinas. Bagamat nagkaisa ang mga
Pilipino na sulatin ang nobela, ito naman ay hindi nila mabigyang pansin at isinantabi na
lamang gawa ng suliraning kakaharapin sa pagpapalimbag ng aklat. Ang nagbigay
inspirasyon kay Rizal sa pagsulat ng nobela ay ang nobela ni Harriett Beecher Stowe,
ang Uncle Toms Cabin na naglalarawan ng kaawa-awang kalagayan ng mga aliping
Negro sa kamay ng mga panginoong puting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang
kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang
sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
Pinasimulan ni Rizal ang pagsulat ng aklat sa Madrid noong Enero 1884. Dito ay
natapos niya ang kalahati ng nobela. Ang sa ika-apat na bahagi ay tinapos niya sa Paris
at ang sa ika-apat pang bahagi ay sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco
Ibez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at
tagabasa. Natapos niya ang aklat noong Pebrero 21, 1887, at kanyang ipinalimbag sa
Berliner Buchdruckerei-Actien-Gessellschaft. Ito ay lumabas sa palimbagan noong
Marso 21, 1887.
kahit na anong paraan na kaya natin. Naniniwala ako na kaya nating maging sino tayo
para sa ikauunlad ng ating bayan! Dahil ang kabataang Pilipino ay pinagpala.
Naniniwala ako na ang mga nakikinig ngayon ay ang mga pag-asa ng bayan! Muli
magandang hapon sa inyong lahat!