Anda di halaman 1dari 2

Estocado, Renemie T.

Psy 3y2-3

Sir Mark Anthony Salvador


Fil4
Ang Pagbubungkal ng Makinis na Lupa

Kung kailan ako nagdarasal na hindi ako mahuli sa klase sa kadahilanan na may
nagaganap ulit na pagbubungkal ng makinis na lupa ay kabaliktaran ang nangyayari. Ngunit ano
pa nga bang magagawa ng isang studyanteng katulad ko na malapit nang ma-late at walang
control sa mga pangyayaring nasa harap na at pamamaraan ng iba. Heto ako napapaisip at
pinagmamasdan ang unti unting pagwasak ng mga lupang walang kalaban laban. Sinubukan
kong magreview na lamang sa dyip na mabagal ang pag-usad, ngunit ang ingay ng pagbubungkal
ay tila nakakasira ng pokus ko, walang pumapasok sa isip ko, kundi ang walang kwentang ingay
ng kanilang materyales.
Sa aking pagbaba sa dyip, ginamit ko ang lakas ko sa mabilis na pagtakbo,kasabay ng iba kong
nakasabay sa dyip na tila nakikipag-uanahan, pagkat ramdam at rinig ko ang kanilang hinaing na
pagtataka at pagka-inis sa mga ganap na pagsasaayos daw ng maayos at nananahimik na lupa.
Nakikipag-unahan sa siksikan na daan, ang mga naiisip koy nananatili parin sa aking ulo kahit
na alam kong akoy papalayo na. Pagkat nakikita ko ang mga batang lansangan at pati na rin ang
buong pamilya nila, na iniinda ang ingay at pagbubungkal ng lupang kanilang tinitirhan at
mapipilitang lumipat ng lugar kung saan di sila aabutin nito. Habang akoy pabagal ng pabagal
sa pagtakbo, dahil sa kinakapos na rin ako ng hininga, naiisip ko ang mga batang palaboy, na
imbis na maglaro sa patag na lupain at maging malaya, ay tila wala na silang ibang ginawa kundi
isipin ang kakainin niya at ng kanyang pamilya sa maghapon, gayon din ang kanilang mga
magulang. Napi-picture ko ang mga batang mula pagdilat pa lamang ng kanilang mata ay
nakikipag patintero na sa humaharurot na sasakyan.
Hindi ko alam kung bakit ito pumapasok sa isip ko sa habang pinapanuod silang nagtitinda ng
sampaguita. Hindi ko lubos na maisip na sakanilang murang edad ay nakakayanan ng kanilang
murang pangangatawan ang pagsabak sa mga ganitong uri ng sitawasyon. Maraming di

nakakapansin, maraming di nakikialam dahil sa pagka-abala ng nakakarami sa kani-kaniyang


sariling gawain o kaya pagka-late nila dulot ng kung ano mang proyektong pagbubungkal at
pagsasaayos ng makinis na lupa. Napapaisip ako, na sabi nga pala sa girl scout, bukod sa lagi
kang handa sa mga kailangan mong sandatang gagamitin ay maaaring dapat mong laging
ihanda ay ang sarili mo, sa katotohanang masisilayan mo sa totoong buhay na pekeng inaalagaan
ng mga nakaupo sa silyang naitataas baba at naiikot, na malamang ay nagkakape at pinapanuod
ang pagsasaayos daw ng lupa. Hinihimas ang baba sa paggawa ng batas na papabor sa negosyo
ng ilang mga malalaking tao at kaibigan, habang tinatanong sa sarili kung ano nga bang numero
ang magandang itaya sa lotto.
Subukan nilang umupo sa ibang upuan kagaya ng kinauupuan ko ngayong dyip, at para makita
nilaang mga nasisilayan at nararamdaman ng nakararami. Habang pinagmamasdan ang
pagbubungkal ng makinis na lupa.

Anda mungkin juga menyukai