Anda di halaman 1dari 11

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA

BIRHENG MARIA

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA
Pambungad na Panalangin
+ Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng
Espiritu Santo. Amen
Namumuno(N): Aba Ginoong Maria
napupuno ka ng grasya, ang Panginoong
Diyos ay sumasaiyo.
Bayan(B): Bukod kang pinapala sa
babaeng lahat at pinagpala naman ang
iyong anak na si Hesus.
N: Buksan mo, Panginoon, ang aming
mga labi.
B: At purihin ka ng aming dila.
N: Pagsakitan mo, O Diyos, ang pag-ampon at saklolo mo sa amin.
B: At iadya mo kami sa mga kaaway.
N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
B: Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Siya nawa.
Ang Sumasampalataya
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristong iisang anak ng
Diyos,Panginoon nating lahat; nagkatawang-tao siya lalang ng
Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at
inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa
langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat. Doon magmumula ang pariritot huhukom sa nangabubuhay
at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan. Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga
namatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA

Ama Namin
Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo, Sundin ang loob mo dito sa lupa para
nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, At
patawarin mo kami sa aming mga sala, Para nang pagpapatawad
namin sa nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahintulot sa
tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama.. Amen.
Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos
ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at
pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan,
ngayon at kung kami y mamamatay. Amen.
Luwalhati
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong unang-una,
ngayon at magpakailan man,
magpasawalang hanggan. Siya nawa.
Panalangin ng Fatima
O Hesus ko, patawarin Mo kami sa aming mga sala. Iligtas Mo kami
sa apoy ng impiyerno. Akayin Mo ang mga kaluluwa sa langit.
Lalong-lalo na yaong mga nangangailangan ng iyong banal na awa.

ANG MISTERYO NG HAPIS


(Martes at Biyernes)
Ang Unang Misteryo ng Hapis
Ang Pananalangin ni Hesus sa Halamanan ng Getsemani
Mateo 26: 36-46
Isinama ni Hesus ang kanyang mga alagad sa isang lugar na tinatawag
na Getsemani. Sinabi niya sa kanila, Dito muna kayot mananalangin ako sa
dako roon. Ngunit isinama niya sina Pedro at ang dalawang anak ni
Zebedeo. Nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban,
kayat sinabi niya sa kanila, Akoy puno ng hapis na halos ikamatay ko!
Maghintay kayo rito at samahan ninyo ako sa pagpupuyat!

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA

Lumayo siya ng kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, Ama ko, kung


maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po
ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari.
Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi
niya kay Pedro, "Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasama ko kahit
isang oras man lamang? Magbantay kayo at manalangin upang huwag
kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay
mahina."
Muli siyang lumayo at nanalangin, "Ama ko, kung hindi po maaaring
maialis ang kopang ito malibang inumin ko, mangyari nawa ang inyong
kalooban." Muli siyang nagbalik at nakita na naman niyang natutulog sila,
sapagkat sila'y antok na antok.
Iniwan niyang muli ang tatlong alagad at siya'y nanalangin, at iyon din
ang kanyang sinabi. Nagbalik na naman siya sa mga alagad at sinabi sa
kanila, "Natutulog pa ba kayo at nagpapahinga? Dumating na ang oras na
ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga makasalanan. Bumangon kayo at
tayo na! Narito na ang magtataksil sa akin."
Pagninilay
Iniaalay natin ang banal na misteryong ito para sa taos na pagsisisi.
Ang Pananalanging pinag-ukulan ni Hesus ng panahon. Pinag-ukulan ng di
matingkalang hirap hanggang sa ang Kanyang mahal na dugo ay ipawis dala
ng Kanyang pagkagiliw sa mga tao, bilang siyang pauna ng Kanyang
pagpapakilalang taos sa Kanyang puso ang ninais na pagtubos sa ating
pagkakasala at makahugas ang Kanyang pawis na dugo sa ating kaluluwa.
Idalangin natin sa Mahal na Ina na pagkalooban tayo ng pusong taos sa
pagsisisi sa ating mga kasalanan at nawa ang kalooban ng Diyos ang
maghari sa ating mga puso at kaluluwa.
Dasalin ang (1) Ama Namin, (10) Aba Ginoong Maria, (1) Luwalhati
at ang Panalangin ng Fatima. Pagkatapos ng mga panalangin ay
aawit ng isang awiting Marian.
Ang Ikalawang Misteryo ng Hapis
Ang Paghampas kay Hesus na nagagapos sa Haliging bato
Marcos 15: 1-20
Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong pari, mga pinuno ng
bayan, mga tagapagturo ng Kautusan, at iba pang bumubuo ng Sanedrin.
Ipinagapos nila si Jesus, at dinala kay Pilato. "Ikaw ba ang Hari ng mga
Judio?" tanong sa kanya ni Pilato. "Ikaw na ang may sabi," tugon naman ni
Jesus. Nagharap ng maraming paratang ang mga punong pari laban kay
Jesus kaya't siya'y muling tinanong ni Pilato, "Wala ka bang isasagot? Narinig
mo ang dami ng kanilang paratang laban sa iyo." Ngunit hindi pa rin
sumagot si Jesus, kaya't nagtaka si Pilato.
Tuwing Pista ng Paskwa, si Pilato ay nagpapalaya ng isang bilanggo,
sinumang hilingin sa kanya ng mga taong-bayan. May isang bilanggo noon
na ang pangalan ay Barabbas. Kasama siya sa mga nagrebelde, at

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA

nakapatay siya noong panahon ng pag-aalsa. Nang lumapit ang mga tao kay
Pilato upang hilingin sa kanya na gawin niya ang dati niyang ginagawa,
tinanong sila ni Pilato, "Ibig ba ninyong palayain ko ang Hari ng mga Judio?
Sinabi niya ito sapagkat batid ni Pilato na inggit lamang ang nag-udyok sa
mga punong pari upang isakdal si Jesus.
Ngunit sinulsulan ng mga punong pari ang mga tao na si Barabbas ang
hilinging palayain. Kaya't muli silang tinanong ni Pilato, "Ano naman ang
gusto ninyong gawin ko sa taong ito na tinatawag ninyong Hari ng mga
Judio?" "Ipako siya sa krus!" sigaw ng mga tao. "Bakit, ano ba ang kasalanan
niya?" tanong ni Pilato. Ngunit lalo pang sumigaw ang mga tao, "Ipako siya
sa krus!" Sa paghahangad ni Pilato na mapagbigyan ang mga tao, pinalaya
niya si Barabbas at si Jesus naman ay kanyang ipinahagupit, at pagkatapos
ay ibinigay sa kanila upang ipako sa krus.
Dinala ng mga kawal si Jesus sa bakuran ng palasyo ng gobernador, at
kanilang tinipon doon ang buong batalyon. Sinuotan nila si Jesus ng balabal
na kulay ube. Kumuha sila ng sangang matinik, ginawa iyong korona at
ipinutong sa kanya. Pagkatapos, sila'y pakutyang nagpugay at bumati sa
kanya, "Mabuhay ang Hari ng mga Judio!" Siya'y pinaghahampas sa ulo,
pinagduduraan at pakutyang niluhud-luhuran. Matapos kutyain, siya'y
hinubaran nila ng balabal na kulay ube, sinuotan ng sarili niyang damit, at
inilabas upang ipako sa krus.
Pagninilay
Iniaalay natin ang banal na misteryong ito para sa birtud ng
kadalisayan. Ang paghagupit kay Hesus ay walang imik at walang tutol
Niyang pinagtiisan na tila ba nagpapahayag na ang bawat isang
pagkakasalang ating nagawa ay katumbas ng isang mariing hampas na
Kanyang tinanggap nang buong-puso sa Kanyang mahal na katawan.
Tanggapin nawa natin si Hesus ng may dalisay na puso at mababang loob
upang ating masuklian ang Kanyang paghihirap sa haliging bato.
Dasalin ang (1) Ama Namin, (10) Aba Ginoong Maria, (1) Luwalhati
at ang Panalangin ng Fatima. Pagkatapos ng mga panalangin ay
aawit ng isang awiting Marian.
Ang Ikatlong Misteryo ng Hapis
Ang Pagputong ng Koronang Tinik kay Hesus
Mateo 27: 27-31
Si Jesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa palasyo ng
gobernador, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Siya'y
hinubaran nila at sinuotan ng isang balabal na matingkad na pula. Kumuha
sila ng sangang matinik, ginawa itong korona at ipinutong sa kanya.
Pagkatapos, pinahawak sa kanyang kanang kamay ang isang tangkay ng
tambo. Siya'y ininsulto nila, niluhud-luhuran at kinutya ng ganito, "Mabuhay
ang Hari ng mga Judio!" Siya'y pinagduduraan pa nila. Kinuha nila ang tambo
at ito'y inihampas sa kanyang ulo. Matapos kutyain, hinubad nila ang balabal
at muling sinuotan ng sarili niyang damit. Pagkatapos, inilabas siya upang
ipako sa krus.

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA

Pagninilay
Iniaalay natin ang banal na misteryong ito para sa marapat na tibay ng
loob. Ang pagputong ng koronang tinik kay Hesus ay tila ba nagsasaad na
ang bawat isang matulis na tinik ay katumbas ng isa sa ating mga
pagkakasalang pinipilit ng ating pusong ipataw sa Kanyang kaparusahan. At
ang dugo sa Kanyang ulo likha ng matulis na tinik ay muling nagtilamsikan
na nagsasabing muli Niyang hinuhugasan ang ating mga kaluluwa upang
ganap na mapawi ang ating mga sala. Idalangin natin sa Mahal na Ina, na sa
kabila ng ating mga paghihirap, pagsasakripisyo at pakikipagtuos sa
kasalanan, magkaroon nawa tayo ng matibay na loob upang ating masuklian
ang bawat dugong pumapatak sa ulo ni Hesus bunga ng tinik ng kasalanan
ng sangkatauhan.
Dasalin ang (1) Ama Namin, (10) Aba Ginoong Maria, (1) Luwalhati
at ang Panalangin ng Fatima. Pagkatapos ng mga panalangin ay
aawit ng isang awiting Marian.

Ang Ikaapat na Misteryo ng Hapis


Ang Pagpasan ng Krus ni Hesus
Juan 19: 16-22
Kaya't ibinigay sa kanila ni Pilato si Jesus upang siya'y maipako sa krus.
Kinuha nga nila si Jesus. Inilabas siyang pasan ang kanyang krus
papunta sa lugar na kung tawagi'y Lugar ng Bungo, Golgotha sa wikang
Hebreo. Pagdating doon, siya'y ipinako sa krus, kasama ng dalawa pa; isa sa
gawing kanan at isa sa kaliwa. Isinulat ni Pilato ang ganitong mga salita at
ipinalagay sa krus: Si Jesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.
Nasusulat ito sa mga wikang Hebreo, Latin, at Griego. Marami sa mga Judio
ang nakabasa nito sapagkat malapit lamang sa lunsod ang dakong
pinagpakuan kay Jesus. Kaya't ipinagpilitan ng mga punong pari kay Pilato,
Hindi sana ninyo isinulat ang Ang Hari ng mga Judio, kundi, Sinabi ng taong
ito, Ako ang Hari ng mga Judio. Ngunit sumagot si Pilato, Ang naisulat ko'y
naisulat ko na.
Pagninilay
Iniaalay natin ang banal na misteryong ito para sa birtud ng
katiyagaan. Ang Panginoong Hesukristo ay naglakad sa lansangan ng
kapaitan, na ang mabigat na krus ng pagkakasala ng tao ay Kanyang
pasan. Ang Kanyang paglakad ay mahinay at ang Kanyang mga paa ay tila
anong bigat ng krus na Kanyang tiniis upang ang sangkatauhan ay Kanyang
mailigtas buhat sa isang malaking pagkakasala. Dinala Niya at pinasan ang
mabigat na pagkakasala ng sandaigdigan upang sa gayon ay matiyak Niya
ang kaligtasan ng tao. Datapwat ang pagnanasa ng Diyos ay ipinagwalangbahala ng tao. Sapagkat sa halip na ang tao ay magbalik-loob ay bagkus
kanilang tinalikdan ang Diyos na si Hesukristo hanggang sa ito ay kanilang
dinulutan nang walang hanggang kaparusahan. Ipanalangin natin sa mahal
na Ina na biyayaan tayo ng pagiging matiyaga sa kabila ng ating mga
hinihintay na sandal sa ating buhay. Katulad ng ating Panginoon, matuto

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA

nawa tayong magtiis at magtiyaga sa lahat ng oras sapagkat sa katapusan


ay may naghihintay sa ating kaginhawaan.
Dasalin ang (1) Ama Namin, (10) Aba Ginoong Maria, (1) Luwalhati
at ang Panalangin ng Fatima. Pagkatapos ng mga panalangin ay
aawit ng isang awiting Marian.
Ang Ikalimang Misteryo ng Hapis
Ang Pagkapako at Pagkamatay ni Hesus sa Krus
Juan 19: 23-30
Nang si Jesus ay maipako na ng mga kawal, kinuha nila ang kanyang
panlabas na kasuotan at pinaghati-hati sa apat. Kinuha rin nila ang kanyang
mahabang panloob na kasuotan; ito'y walang tahi at hinabi nang buo mula
sa itaas hanggang sa ibaba. Kaya't nag-usap-usap ang mga kawal, Huwag
nating punitin ito; daanin na lamang natin sa palabunutan para malaman
kung kanino ito mapupunta. Sa gayon, natupad ang isinasaad ng Kasulatan,
Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan; at nagpalabunutan sila kung
kanino mapupunta ang aking damit.
Ganoon nga ang ginawa ng mga kawal.
Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid
nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. Nang
makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa
tabi nito, sinabi niya, Ina, ituring mo siyang sariling anak!
At sinabi niya sa alagad, Ituring mo siyang iyong ina! Mula noon, sa
bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Jesus.
Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya't upang
matupad ang kasulatan ay sinabi niya, Nauuhaw ako!
May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Inilubog nila rito
ang isang espongha, ikinabit iyon sa isang tangkay ng hisopo at idiniit sa
kanyang bibig. Nang masipsip na ni Jesus ang alak, sinabi niya, Naganap na!
Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.
Pagninilay
Iniaalay natin ang banal na misteryong ito para sa huling pagtitiyaga at
kaligtasan. Si Hesus ay ipinako sa Krus upang iligtas tayo sa ating mga
kasalanan. Sa Kanyang pagkakapako sa krus, ating paglaruin sa ating mga
paningin ang isang taong may maamong mukha, ang isang taong tumingin
na may pagmamahal. Ang bibig na nakabuka nang bahagya; ang mga labi
Niya ay tila ba mayroong nais na sabihin na kung ating pagmamasdan sa
ating gunita ay nais Niyang sabihin ang pagmamakaawa. Pagmamakaawa
hindi upang Siya ay tulungan sa krus kundi pagmamakaawang magbalik-loob
tayo sa Kanya alang-alang sa pagtitiis Niya nang walang kapalit na hirap. Sa
halip na ang tao ay maging malupit, tayo nawa ay lumapit sa Kanya upang
magbalik-loob, lumapit upang ang Kanyang tagiliran ay buksan at paagusin
ang masaganang dugo at tubig na nagmula sa Kanyang katawan. At ito ay

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA

muling pagsasaad na muli Niyang hinuhugasan ang ating mga kaluluwa


upang ganap na luminis, upang ganap na maging busilak sa kalinisan ang
sangkatauhan. Sa kabila ng Kanyang paglinis sa ating kaluluwa, tayo ay
nagpakabaon sa putik ng pagkakasala. Pinagtaguan natin ang tilamsik ng
dugo at tubig na makalilinis sa ating kaluluwa. Ikinubli natin ang ating sarili
sa lalo at labis pang pagkakasala. Idalangin natin sa Mahal na Ina na tayo
nawa ay mahango sa mga kasalanan na lubos nating pinagsisihan. Bigyan
nawa tayo ng kapanatagan ng loob na sa pagbabalik ng kanyang minamahal
na Anak at ating Panginoong Hesukristo, makamit natin ang kaligtasang
walang hanggan.
At naway ang pagninilay-nilay na ito sa Kanyang mga misteryo ng
hapis ay makatulong sa ating kaluluwa, at sa ating sarili, upang lubusang
alisin ang nakatatabing na pagkakasala, at ilantad ang ating sarili at
kaluluwa nang mabahaginan tayo ng tilamsik ng tubig at dugo ng ating
Panginoong Hesukristo, na siyang pinagmumulan ng lahat ng
kabutihan. Siya Nawa.
Dasalin ang (1) Ama Namin, (10) Aba Ginoong Maria, (1) Luwalhati
at ang Panalangin ng Fatima. Pagkatapos ng mga panalangin ay
aawit ng isang awiting Marian.
Salve Regina
Aba Po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at
katamisan;
Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin,
pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang
hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapishapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ang mga
mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa
amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.
LITANYA SA MAHAL NA BIRHENG MARIA
Panginoon, maawa Ka sa amin;
Kristo, maawa Ka sa amin;
Panginoon, maawa Ka sa amin;
Kristo, pakinggan Mo kami;
Kristo,pakapakinggan Mo kami;
Diyos Ama sa langit, maawa Ka sa amin;
Diyos Anak na tumubos sa Sanlibutan, maawa Ka sa amin;
Diyos Espiritu Santo, maawa Ka sa amin;
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, maawa Ka sa
amin ;
Santa Maria, Ipanalangin mo Kami;
Santang Ina ng Diyos, Ipanalangin mo Kami;
Santang Birhen ng mga Birhen, Ipanalangin mo Kami;
Ina ni Kristo, Ipanalangin mo Kami;
Ina ng grasya ng Diyos, Ipanalangin mo Kami;

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA

Inang kasakdal-sakdalan, Ipanalangin mo Kami;


Inang walang malay sa kahalayan, Ipanalangin mo Kami;
Inang di malapitan ng masama, Ipanalangin mo Kami;
Inang kalisin-linisan,Ipanalangin mo Kami;
Inang pinaglihing walang kasalanan, Ipanalangin mo Kami;
Inang kaibig-ibig, Ipanalangin mo Kami;
Inang kataka-taka, Ipanalangin mo Kami;
Ina ng mabuting kahatulan, Ipanalangin mo Kami;
Ina ng may gawa sa lahat, Ipanalangin mo Kami;
Ina ng mapag-adya, Ipanalangin mo Kami;
Birheng
Birheng
Birheng
Birheng
Birheng
Birheng

kapahampahaman, Ipanalangin mo Kami;


dapat igalang, Ipanalangin mo Kami;
dapat ipagbantog, Ipanalangin mo Kami;
makapangyayari, Ipanalangin mo Kami;
maawain, Ipanalangin mo Kami;
matibay na loob sa magling, Ipanalangin mo Kami;

Salamin ng katuwiran, Ipanalangin mo Kami;


Mula ng tuwa namin, Ipanalangin mo Kami;
Sisidlan ng kabanalan, Ipanalangin mo Kami;
Sisidlan ng bunyi at bantog, Ipanalangin mo Kami;
Sisidlan ng bukod-tanging katimtiman, Ipanalangin mo Kami;
Rosang bulaklak, na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga,
Ipanalangin mo Kami;
Tore ni David, Ipanalangin mo Kami;
Toreng garing, Ipanalangin mo Kami;
Bahay na ginto, Ipanalangin mo Kami;
Kaban ng tipan, Ipanalangin mo Kami;
Pinto ng langit, Ipanalangin mo Kami;
Talang maliwanag, Ipanalangin mo Kami;
Mapagpagaling sa mga maysakit, Ipanalangin mo Kami;
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan, Ipanalangin mo Kami;
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati, Ipanalangin mo Kami;
Mapag-ampon sa mga kristiyano, Ipanalangin mo Kami;
Reyna ng mga angel, Ipanalangin mo Kami;
Reyna ng mga patriarka, Ipanalangin mo Kami;
Reyna ng mga profeta, Ipanalangin mo Kami;
Reyna ng mga apostol, Ipanalangin mo Kami;
Reyna ng mga martir, Ipanalangin mo Kami;
Reyna ng mga confesor, Ipanalangin mo Kami;
Reyna ng mga birhen, Ipanalangin mo Kami;
Reyna ng lahat ng mga santo, Ipanalangin mo Kami;
Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal, Ipanalangin
mo Kami;
Reynang iniakyat sa langit, Ipanalangin mo Kami;
Reyna ng kasantu-santuhang rosaryo, Ipanalangin mo Kami;
Reyna ng pamilya, Ipanalangin mo Kami;
Reyna ng kapayapaan, Ipanalangin mo Kami;
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Patawarin Mo po kami, Panginoon;
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Pakapakinggan Mo po kami, Panginoon;

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,


Maawa Ka sa amin.
N: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.
B: Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni
Hesukristong aming Panginoon.
Manalangin Tayo:
O Diyos, na ang bugtong na Anak ay nagkatawang tao, namatay at
muling nabuhay, upang tamuhin para sa amin ang gantimpalang
walang hanggang kaligtasan, ipagkaloob Mo na sa pamamagitan ng
pagninilay-nilay namin ng mga misteryo ng kabanal-banalang
Rosaryo ng Mahal na Birheng Maria na matamo ang kanilang mga
ipinangangako. Alang-alang din kay Kristong Panginoon namin.
Amen.
PANALANGIN SA KRUSADA
Makapangyarihang Ama, isinasamo namin sa Iyo sa Ngalan ni
Hesukristong Anak mo, na pagpalain Mo ang aming Krusada ng
Rosaryo ng mag-anak. Pagkalooban Mo po kami at ang aming bayan
ng lakas ng loob at biyayang gumawa ng pangakong magdarasal ng
Rosaryo ng mag-anak sa araw-araw at matapat naming tupdin ang
aming pangako. Amen.
N: Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo.
B: Ipag-adya Mo ang mga sambahayang Pilipino.
N: Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo.
B: Pagpalain Mo ang mga sambahayang Pilipino.
Panalangin para sa Intensyon ng Santo Papa
Dasalin ang
(1) Ama namin
(1) Aba Ginoong Maria
(1) Luwalhati
Namumuno: Sumaatin nawa ang tulong ng Maykapal
Lahat: Amen.
Namumuno: Sumapayapa nawa ang kaluluwa ng mga yumao sa
grasya ng Panginoong Diyos.
Lahat: Amen.
Namumuno: Manatili nawa sa atin ang biyaya ng Makapangyarihang
Diyos +Ama, Anak at Espiritu Santo.
Lahat: Amen.
Aawitin ang Awit ng Santo Rosaryo.
MGA AWITIN PARA KAY MARIA

1st Mystery: Inang Sakdal Linis

10

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA

Inang sakdal linis kami ay ihingi


Sa Diyos Ama namin
Awang minimithi
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria
Bayang tinubuan ipinagdarasal
Ang kapayapaan nitong Sanlibutan
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria

3rd Mystery: Stella Maris


Kung itong aming paglalayag,
Inabot ng pagkabagabag.
Naway mabanaagan ka,
hinirang na tala ng umaga.
Kahit alon man ng pangamba,
Di alintana sapagkat naron ka.
Ni unos ng pighati,
At kadiliman ng gabi.
Koro:

nd

2 Mystery: Mariang Ina ko


Sa aking paglalakbay,
Sa bundok ng buhay.
Sa ligayat lumbay,
Maging talang gabay.
Koro:
Mariang, Ina ko
Ako riy anak mo
Kay Kristong kuya ko
Akayin mo ako
Kay Kristong kuya ko
Akayin mo ako
Maging aking tulay,
Sa langit kong pakay.
Sa bingit ng hukay,
Tangnan aking kamay.
Koro:
Mariang, Ina ko
Ako riy anak mo
Kay Kristong kuya ko
Akayin mo ako
Kay Kristong kuya ko
Akayin mo ako
Sabihin sa Kanya,
Aking dusa at saya,
Ibulong sa Kanya,
Minamahal Ko siya.
Koro:
Mariang, Ina ko
Ako riy anak mo
Kay Kristong kuya ko
Akayin mo ako
Kay Kristong kuya ko
Akayin mo ako

Maria, sa puso ninuman.


Ikay tala ng kalangitan.
Ningning mo ay walang pagmamaliw,
Inang sinta, inang ginigiliw.
Tanglawan kami aming Ina,
Sa kalangitan naming pita
Naway maging hantungan:
Pinakamimithing Kaharian.
Koro:
Maria, sa puso ninuman.
Ikay tala ng kalangitan.
Ningning mo ay walang pagmamaliw,
Inang sinta, inang ginigiliw.
4th Mystery: Birheng Maria, Tala sa
Umaga
Birheng Maria, tala sa umaga,
Noon pa man ay itinangi ka.
Ang yong liwanag ang takdang lulupig
Kay Satanas, taoy ililigtas.
Refrain:
Iyong tunghan kaming nananambitan
At ang lupang iyong tinapakan.
Tulong moy ilawit samin Maria,
Ngayon at sa aming kamatayan.
Ang kalinisan moy iginagalang
Naming mahinat makasalanan.
Awa ng Diyos ang aming kahilingan
Birheng Maria, Kamiy tulungan.
Refrain:
Iyong tunghan kaming nananambitan
At ang lupang iyong tinapakan.
Tulong moy ilawit samin Maria,
Ngayon at sa aming kamatayan.

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA

th

5 Mystery: Ang Puso koy Nagpupuri


(Magnificat)
Koro:
Ang puso koy nagpupuri, nagpupuri sa
Panginoon
Nagagalak ang aking espiritu saking
Tagapagligtas.
I.
Sapagkat nilingap Niya, kababaan ng
Kanyang alipin,
Mapalad ang pangalan ko sa lahat ng mga
bansa (Koro)
II.
Sapagkat gumawa ang Poon ng mga
dakilang bagay;
Banal sa lupat langit ang pangalan ng
Panginoon (Koro)
III.
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu
Santo,
Kapara noong unang-una ngayon at
magpakailanman (Koro)
Salve Regina
O Santa Maria, O Reynat Ina ng Awa,
ikay aming buhay, pag-asat katamisan.
Sayo nga kami tumatawag, pinapanaw na
anak ni Eva;
Sayo rin kami tumatangis, dini sa lupang
bayang kahapis-hapis.
Kayat ilingon mo sa amin ang mga mata
mong maawain,

11

At saka kung matapos aming pagpanaw,


ipakita mo sa amin;
Ang iyong anak na si Hesus. O magiliw,
maawain, matamis
Na Birheng Maria
Awit ng Santo Rosaryo
Minsan ang buhay ay isang awit ng galak
At mayroong liwanag na tatanglaw sating
pagyapak
Minsan ang buhay ay isang awit luha
At ang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga
Refrain:
At kahit anong tindi ng unos
At kahit anong tindi ng dilim
May isang Inang nagmamatyag
Nagmamahal satin
Awit niyay pag-ibig ng Diyos
Tawag niyay magbalik loob
Turo niyay buhay na ang Diyos lamang
Ang sa atiy nagkaloob
Koro:
O, Inang mahal narito kami
Awit-awit ang Ave Maria!
At dalangin ng bawat pamilyay
Kapayapaat pagkakaisa
Ang rosaryo mong hawak namin at
Awit-awit ang Ave Maria!
Puspos ka ng diwang banal
Dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng Amang
mapagmahal.

Anda mungkin juga menyukai