Anda di halaman 1dari 12

Ang Wikang Filipino sa

Akademya
ni Teresita F. Fortunato

Ang Bansang Pilipinas ay isang multilinggwal na nasyon

Kaya ang ordinaryong Pilipinong estudyante ay nakapag-uusap sa


kanyang unang wika (isang vernakular), at sa rehiyonal na lingua
franca; hanggang matutuhan niya ang Filipino at Ingles sa eskwelahan.

Masasabi din natin na kwadrilinggwal kung may Chinese heritage siya


matututo pa ng Mandarin. At kapag nakaabot pa sa kolehiyo, maaari
pa siyang makapag-aral ng Espaol/German/Niponggo/Latin/French
depende sa kakailanganing pangkomunikasyon ng kanyang
pinaghahandaang propesyon.

Kautusan Blg. 54, s. 1987

Ayon sa Kautusan Blg. 54, s. 1987 na may pamagat na Panuntunan ng


Implementasyon ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal

Ang edukasyong bilinggwal ay ang hiwalay na paggamit ng dalawang


wika bilang midyum ng instruksyon sa lahat ng antas ng pagtuturo.
Inaasahang makabubuo tayo ng mga mamamayan at nasyong bihasa sa
komunikasyon sa dalawang wika, ang Ingles at Filipino.

May mga tiyak na tunguhin ang


edukasyong bilinggwal

pagpapahusay ng pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika upang matamo


ang may mataas na uri ng edukasyon gaya ng itinakda ng Konstitusyon ng 1987

paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang wikang panliterasi

ang development ng Filipino bilang simbolong wika ng pambansang pagkakaisa


at identidad

kultibasyon at elaborasyon ng Filipino bilang wika ng diskors iskolarli, na


nangangahulugan ng patuloy na intelektwalisasyon nito

pagpapanatili ng Ingles bilang isang internasyonal na wika para sa Pilipinas at


bilang di eksklusibong wika ng agham at teknolohiya

Sa paggamit ng Filipino sa lahat ng level ng pag-aaral,


hinihikayat na iangat ang uri nito bilang isang wikang
intelektwalisado, isang midyum sa pagkuha ng karunungan
sa matataas na antas ng komunikasyon.

Ang prosesong ito ay ang "Intelektwalisasyon

Ito ang Filipinong inilalarawan ng Komisyon sa Wikang


Filipino (KWF)

Resolusyon Blg. 96-1

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas


bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo

Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa


proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga
wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika at sa evolusyon ng iba't
ibang varayti ng wika

Ano ang intelektwalisasyon ng wika?

Sa panalita ni Havranek ng Prague School of Linguistics, ang


intelektwalisasyon ay ang adaptasyon ng wika para magkaroon ito ng
kakayahang bumuo ng wasto, tiyak, at kung kakailanganin, ng mga pahayag
na abstrak na matatagpuan sa mga sulating pansyensya at pampilosopiya

Sa simpleng pananalita, ito ang paggamit ng isang wika sa larangan ng


kaisipan at ng buhay akademiko

ito ang makabagong midyum ng komunikasyong dapat ginagamit sa


mahahalagang larangan sa loob ng isang bansa

Mga halimbawa nito ay sa gobyerno, administrasyon, lehislasyon, pagbabatas,


agham, teknolohiya, komersyo, at industriya at sa lahat ng level ng edukasyon
mula elementarya hanggang kolehiyo

Mga Sangay ng Disiplina

Sa mga unibersidad at kolehiyo, dalawang malalaking sangay ng disiplina ang


kalimitang mapagpipiliang pag-aralan:

1) Agham Panlipunan at Humanidades

Maraming paraan sa pagkaklasipika sa mga humanidades,

pamamaraang klasikal.

sining pangwika at literari

ang mga sining viswal,

Mga Sangay ng Disiplina

ang itinatanghal na sining,

sining elektroniks at

ang mga syensyang humanistiko.

Ang salik na nagsasanib sa mga karunungang ito bilang isang grupo ng disiplinang
akademiko ay ang magkakatulad na malasakit nila - ang asal o ugaling sosyal ng
tao.

Magkakaugnay din ang mga ito bagaman nagkakaiba ang mga konsepto, kaya nga
manipis lamang ang linyang naghihiwalay sa kanila.

Mga Sangay ng Disiplina

2) Syensya at Teknolohiya

Naiiba naman ang mga agham pangkalikasan at teknolohiya na nangangailangan ng


karunungang syentipiko na ipinahahayag sa isang lenggwaheng precise o tiyak.

Batay ang mga paksa sa eksperimentasyon at produkto ng mga aplikasyon ng mga


teoryang sinubok at dumaan sa maraming pagsusuri.

Kahanay sa disiplinang ito ang inhinyeriya, matematiks, agham pangmedisina,


biyolohiya, komersyo, agham pangkompyuter, atb. Higit ang pangangailangan ng
kasanayan sa wikang kompyutasyonal, at analisis ng mga datos buhat sa mga
eksperimento at iba pang paraan ng pag-aaral.

Inilahad ni Acua (1994: 89) ang espesyal na pangangailangan sa pag-aaral


nito dahil ang syensya ay

1.Isang sistema ng mga facts/katotohanan na pinag-aralan sa kalilkasn o plinanong


sitwasyong tinatawag na eksperimento;

2.Pagbubuo ng mga obserbasyong ito sa mga pahayag na tinatawag na mga batas

3.Kapani-paniwalang pahayag na nagpapaliwanag kung paano at bakit nangyayari


ang mga bagay-bagay.

Maraming pagkilos na ang isinasagawa sa pagtalakay ng


paksang teknikal sa pamamagitan ng wikang Filipino.
Importante ito bilang tugon sa intelektwalisasyon ng ating
pambansang lingua franca, kasabay ng pagsulat ng
maraming babasahin sa iba't ibang karunungan, gayundin
ang pagpapayaman ng bokabularyo sa lahat ng sangay ng
kaalamang akademiko.

Anda mungkin juga menyukai