Anda di halaman 1dari 1

Ang Aking New Years Resolution

Ang bagong taon ay panahon kung kailan maraming tao sa buong mundo ay gumagawa
ng kanilang mga pangako o New Years Resolution. Ganunpaman, marami sa mga pangako
nilang ito ay hindi natutupad. Para sa akin, ito ang unang pagkakataon kong gumawa ng sarili
kong New Years Resolution. Umaasa ako at magsusumikap na masunod ito at matupad.
Bilang Iglesia Ni Cristo, sasama na ako bilang mang-aawit sa Pagsamba Ng Kabataan.
Tutulong ako sa mga gawaing bahay araw-araw. Titiyakin ko na laging malinis ang aking
kuwarto. Bilang mag-aaral, gagawin ko ang buo kong makakaya para makakuha ng mataas na
grado sa paaralan. Gagawin ko agad ang aking mga takdang-aralin o proyekto. Hindi na ako
magbababad ng matagal sa computer o television. Matutulog ako sa tamang oras at kakain ng
mga masustansiyang pagkain. Magiging mabuti ako at palakaibigan sa ibang mga bata at
magiging magalang ako sa aking mga magulang, guro at mga nakatatanda sa akin.
Sa kabuuan, nais kong sabihin na hindi ko hihintayin ang bagong taon para isagawa ang
aking mga pangako o plano. Hindi kailangang maghintay ng isang taon para magbago. Dahil
may mga pagbabago na dapat isagawa kaagad para sa ikabubuti. Ipinangangako ko sa awa at
tulong ng Panginoong Diyos na tutuparin ko ang mga itinala kong mga New Years Resolution
para lalong maging mabuting tao.

Anda mungkin juga menyukai