Noong unang panahon sa isang napakalayong lugar, mayroong mag
inang naninirahan sa taas ng bundok. Ito ay sina Aling Bebenga at ang kanyang anak na si Lang. Si lang ay pilyo at mapagdabog na anak. Sa tuwing inuutusan siya ng kangyang ina ay hindi niya ito sinusunod kadalasan ay nagdadabog pa ito. Isang araw, inutusan siya ng kanyang ina na bumili ng mga pagkain sa palengke na kanilang iiimbak sapagkat nagbabadya ang isang napakalakas na bagyo ayon sa balita subalit hindi nakinig si Lang. Nang bumuhos na ang napakalakas na ulan, wala silang magawa kundi ang manatili sa loob ng kanilang tahanan sapagkat delikado nang lumabas. Galit nag alit si Aling Bebang sa hindi pagsunod ng kanyang anak kung kayat wala silang makain sa hapunan. Ano ka ba naman Lang, simpleng gawain na lamang hindi mo pa rin magawa, ngayon tuloy wala tayong makakain! Magkaroon ka sana ng maraming paa at magkaroon ng panipit sa bibig na gagamitinmo sa pag imbak ng tama. Matulog ka na! wala na tayong magagawa!. Hindi alam ni Aling Bebang na narinig ng isang diwata ang lahat ng kanyang sinabi. Kinabukasan, hinahanap ng ni Aling Bebang ang kanyang anak subalit hindi niya ito makita, sa halip ay isang napakaliit na insekto na mayroong maraming paa at may panipit ito sa bibig. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang mga sinabi niya sa kanyang anak na si Lang. Mula noon ay tinawag niya ang insekto na Langgam mula sa pangalan ng kanyang anak na si Lang.