Anda di halaman 1dari 4

Ang Sistema ng Edukasyon ng mga Espanyol

Isa na rin namang paraan ng mga Espanyol na


mahimok ang mga Pilipino sa Katolisismo ang
edukasyon. Ang mga misyonerong orden ang may
hawak ng edukasyon at binigyang diin ang
pananam-palatayang Kristiyanismo sap ag-aaral.
Ang unang ginawa ng mga Espanyol ay ang
pagsunog ng mga tala na ginawa o sinulat ng
ating mga ninuno sa mga dahon at balat ng
punong kahoy.
Mga Paaralang Primarya
Ito ay mga paaralang parokya na pinangangasiwaan ng mga kura-paroko. Ang mga
asignaturang itinuro sa mga paaralang ito ay
relihiyon, pagsulat, pagbasa, pagbilang, musika,
at paghahanapbuhay. Wikang Kastila naman ang
ginamit ng mga prayle.
Mga Paaralang Sekundarya at Pangkolehiyo
Itinatag ang mga paaralang ito upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagpasok sa mataas
na paaralan. Ang mga kasanayang itinuro ay ang

Banal na Kasulatan, ang Doc-trina Kritiyana,


Etika, Heograpiya, mga Balarilang Kastila at
Latin, Matematika, Pilosopiya, Lohika, Retorika,
at Panulaan. Mga misyonerong pari ang mga guro
sa paaaralng ito.
Ang mga paaralang sekundaryang itinatag ay
ang mga sumusunod:
Kolehiyo ng San Ignacio na itinatag ng mga
Heswita noong 1959 at kilala ngayon bilang
Ateneo de Manila University.
Kolehiyo ng San Ildefonso na itinatag din ng
mga Heswita na kilala nayon bilang San
Carlos University.
Kolehiyo ng San Jose na itinatag din ng mga
Heswita.
Kolehiyo ng Sto. Rosario na itinatag ng mga
misyonerong Dominikano na naging Kolehiyo
ng Sto. Tomas noong 1655.
Mga Paaralang Pambabae
Itinatag ang mga paaralang ito na may
layuning hubugin sa pagiging mabuting
maybahay ang mga kababaihan. Ang mga

asignaturang pinag-aralan ay ang Doctrina


Cristiana, Latin, Kastila, Kasaysayan, Musika,
Matematika, at Kagandahang Asal, at mga Sining
Pantahanan.
Ang mga dalagita ay iniiwan lamang sa bahay
o kaya sa paaralan. Tinuruan lamang sila na
maging mabuting asawa at ina sa hinaharap.
Mga Paaralang Normal
Ang mga ito ay nagkaloob ng katibayan sa
pagtuturo matapos makapag-aral ditto ng
dalawang taon. Kaya noong 1865, isang paaralang normal para sa mga lalaki ang itinatag.
Hindi nagtagal ay dumami ang bilang ng mga
paaralang ito at ang ilan ay binuksan para naman
sa mga kababaihang nais maging guro.
Mga Paaralang Bayan
Sapilitan ang pagpasok sa mga paaralang ito at
walang
matrikula
ang
mga
mag-aaral.
Pinangangasiwaan ito ng kura paroko ng bawat
bayan.
Mga Pamantasan

Ang mga nakapagtapos sa kolehiyo ay


maaaring makapagpatuloy ng pag-aaral sa mga
pamantasang itinatag ng mga prayleng Espanyol.
Ang kauna-unahang unibersidad sa Pilipinas ay
ang Unibersidad ng San Ignacio na itinatag bilang
Kolehiyo ng San Ignacio noong 1589 ng mga
Heswita.
Ang mga kursong ipinagkaloob ng mga
pamantasang ito ay medisina at abogasya. Hindi
nagtagal ay idinagdag ang mga kursong
arkitektura, pagpipinta, at eskultura.

Anda mungkin juga menyukai